Wikipedia

Search results

Sunday, March 30, 2008

Dizonians Go to Laiya

Panandali naming tinakasan ang pagtuturo. Bitbit ang suntan lotion, bathing suit at isang damukal na kwento, nagpunta ang kaguruan ng Col. Lauro Lauro Dizon Memorial National High School sa Laiya, Batangas.

Alas singko y medya ng umalis ang aming grupo. Apat na jeep na puno ng mga isinumpang guro ang unang tumulak papuntang Batangas. Sumunod naman noong alas syete ang isang grupo na tamad gumising sakay ng van na pag-aari ni Mr. Hernani Ang na guro sa matematika.


Katulad ng mga nauna naming pamamasayal, walang sawang kwentuhan ang namayagpag sa bawat sasakyan. Bawat jeep ay may kanya-kanyang bangka sa tawanan. At syempre pa ang mga hindi masyadong nagpasiklab sa kwentuhan ang sila namang kumabag ang tiyan sa katatawa.

Halos ilang taon ko ring hindi napasyalan ang nasabing paliguan. Hindi ko inakalang sa aking pagbabalik ay malaki na ang pinagbago nito. Oo nga't maalikabok pa rin ang ilang kalsada, hindi na ito katulad noong una na toneladang alikabok kapag tag-araw ang iyong masasanghab at pupuwing sa iyong mata bago marating ang dagat.

Puno na rin ng mga private resorts ang paligid ng Laiya. Halos wala na itong ipinagkaiba sa Puerto Galera ng Mindoro. Iyon nga lang mas pino ang buhangin at mas maraming pasyalan at water activities ang huli. Idagdag pa na mas sosyal nang kaunti ang mga parokyano sa Galera sapagkat mas nauna nang nakagawa ng pangalan ang nasabing beach resort kaya hindi rin kataka-taka na marami na ring hotels at rest houses ang nasabing resort.

Pagkarating na pagkarating sa beach resort na naupahan ng aming grupo, dismayado ang aming Punungguro na si Mrs. Evelyn Malabag at ang Faculty Club President na si Ma'am Nelly Cuasay sapagkat ang inaasahang mga cottages na laan para sa amin ay ay napunta sa iba. (Napagkasunduan na kasi ng may-ari at ng mga namuno ng outing ang tungkol sa cottages isang linggo bago ang swimming party ng mag-ocular visit ang pamunuan). Sakit na yata talaga ng ilang nesgosyanteng Pilipino ang hindi pagkakaroon ng palabra de honor kaya naman maraming negosyo ang nagsasara. Ngunit upang hindi masira ang momentum ng aming kasiyahan, isinawalang bahala na lamang ang problema.

Hindi man gustong mangyari ng grupo na magkaroon ng faction ang mga guro, hindi ito naiwasan sapagkat ilang maliliit na cottages ang nirentahan ng namuno. Kaya nagkanya-kanya pa ring barkada ang mahigit sa animnapung guro na sumama.

Matapos na mailagay sa kanya-kanyang lugar ang mga dalang gamit, gumanap na ng tungkuling iniatang sa kanila ang bawat isa. Nagtulung-tulong sa paghahanda ng pagkain at nag-isip ng mga palaro para sa mga parlor games.

Habang abala ang ilan sa pagluluto, naisipan naming rumenta ng bangka upang makapaglayag sa gitna ng dagat. Sa halagang siyamnapumpiso bawat isa, ipinasyal kami ng bangkero sa Lamesang Bato, isang bahagi ng dagat kung saan may masisisid na mga corals at iba pang lamang dagat. Sa pagtigil ng bangka sa Lamesang Bato, game na nagtampisaw ang aming punungguro sa tubig kasama ang mga gurong sina Jana Orillaza, Shirley Montaña, Khrys Labrado at personnal secretary ng prinsipal na si Allan Dayco.

Pagkarating namin mula sa Lamesang Bato ay sinimulan na ang pagkain. Masagana naming pinagsaluhan ang lechon, inihaw na pusit, sinaing na tulingan, alamang, singkamas, manggang hilaw, pinya at chopsuey na mas mukhang lumpiyang sariwa.

Matapos ang masaganang tanghalian at ilang oras na pamamahinga, sinimulan si Sir Egay Victorio na siyang pinuno para sa parlor games ang mga palaro. Lahat ng gurong naroon ay pinabunot ng munting papel kung saan nakasulat ang letra kung saan siya magiging kabilang na grupo.

Tatlong masasayang palaro ang nilaro ng mga guro: Maria Went to Laiya, Paggawa ng Human Sand Castle at Race to Laiya's Beach. Katulad ng inaasahan, syempre nagtulung-tulong ang mga titser na magkakagrupo dahil sa premyong Php 1,500. Hindi ko alam kung consuelo de bobo o sadyang mataas lang talaga ng taste ng mga judges kaya nanalo ang dadalawang grupong naglaban. Parang Saturday Edition ng Thats Entertainment noon ni Kuya Germs na lahat ng grupo mula Monday hanggang Friday eh panalo sa production number competition. Wala nga namang sasama ang loob.

Matapos ang mga palaro humataw naman ang mga gurong panatiko ng videoke sa pagkanta. Dito naghari si Mr. Aguedo Laiño at namayagpag naman bilang mga reyna sina Gng. Rosy Audije, Gng. Lynn Yu, at Gng. Delmina Baylon. Nakatutuwang makita ang mga gurong hapit sa pag-awit na para bang nag-a-awdisyon sa Pinoy Idol. Dito ko napatunayan na marami talagang talented teachers sa school namin.

Pasado alas singko ng tumulak ang maraming guro pauwi ngunit nagpaiwan para mag-overnight kaming mga batang titser sa patnubay ng de-otong si Mr. Ang. (Syempre, mahirap yatang maglakad pauwi.)
Nang makaalis na ang aming mga kasama isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Nang makipag-usap ang aking kapwa guro sa may-ari ng beach cottages na tinuluyan namin para humingi ng diskwento sa aming magiging overnight stay ay kung anu-ano ang sinabi nito na hindi maganda sa pandinig. Ewan ko kung tamang maging asal ng isang negosyante ang mambastos ng parokyano lalo pa't mga guro ang mga ito. Kaya dala ng sama ng loob, napilitan kaming lumipat ng ibang resort kung saan namin inubos ang magdamag.

Mahigit isang dosena kaming guro na nagpakasaya noong gabing iyon. Bukod sa cottage na aming nirentahan ng mas mura at mas maganda sa una naming tinuluyan ay pinayagan pa kaming magtayo ng tent katabi ng aming pwesto na kaharap mismo ng dagat ng Laiya.

Planado ang pagpapaiwang ito ng mga batang guro kaya baha rin ang pagkain na inihanda ni Girlie Deomano at ng Ang's Angels. Bukod pa sa mga iniwang pagkain ng faculty. Kunswelo rin ang mga iniwang tsibog ng faculty at red at white wine na bigay naman nina Mrs. Rhodora Loteria at Aylene Reyes.

Grabe ang naging pictorial na aming grupo sa akto ko bilang potograpo. Kung anu-anong pose at kung saan-saang lugar kami nag-photo shoot. Game na nagpakuha sa tabi ng dagat, gilid ng bangka, loob ng tent, at facade ng iba't ibang magagandang resort ang grupo. Idagdag pa ang solo pictorials ng bawat isa na para bang mga kadidata ng Bb. Pilipinas o Ms. Gay Philippines sa kanilang swimwear portion.

Sa tindahang katabi ng aming cottage na nirentahan ay inubos ng ilang gurong malakas ang loob bumirit ang kanilang barya sa paghuhulog sa makinang nagluluwa ng sari-saring kanta. Dito, iniwan nila ang kahihiyan at kumanta ng ano mang makahiligan. Nagpasiklaban sa pag-awit ang mga diva at feeling divang teachers na sina Lea Capule, Jana Orillaza, Mayvelyn Tolentino, Liza Gesmundo, Aylene Reyes, Lynn Yu, Sarah Sario at Claire Rivera habang walang sawang nakikinig at pumapalakpak ang ultimate hunk at artistang si John Apacible na naroon din sa resort na iyon. Sa pagitan ng bakbakan ng boses ang solo pictorial ng bawat isa kasama ang nasabing artista maliban kay Janice Nuevo at Girlie Deomano na mas pinili pang magbulok ng mata.

Sikat na ang araw ng umalis ang aming grupo. Dahil walang tulog ang marami sa amin, asahan pa na ang may-ari lamang ng sasakyan ang gising habang binabagtas ang daan pauwi.



Sunday, March 23, 2008

Semana Santa

Taun-taon ay bahagi ng aking paggunita ng Semana Santa ang pagsama sa prusisyon tuwing Biyernes Santo. Hindi ako relihiyosong tao ngunit nakasanayan ko na ang ganitong gawain sapul noong ako'y bata pa. Isa lamang ito bukod sa Pasko sa dadalawang okasyon kung saan regular na pumupunta ang aming mag-anak sa simbahan.

Katulad ng mga nagdaang Biyernes Santo, marami pa ring tao sa loob at labas ng simbahan. Kilala Kasi ang San Pablo sa buong bansa sa may pinakamagarbong prusisyon ng mga antigong imahen ng mga santo at santa. Hindi iilang pambansang pahayagan at palabas sa telebisyon ang naglathala ng mga artikulo at nagpalabas ng mga dokumentaryo tungkol dito. Kayat hindi kataka-taka kung dinarayo ito ng mga turista at kilalang mga personalidad.

Ngayong taong ito kakaiba ang prusisyon sapagkat pagkalipas ng maraming taon muling pinagsama ang mga imahen ng simbahan at ng mga santo ng mga kilalang tao sa San Pablo. Hindi katulad ng mga nagdaan Semana Santa kung saan bukod ang prusisyon ng "mayaman" at "mahirap". Naging bukambibig raw ito ng mga panatiko ng prusisyon simula nang ihiwalay ng simbahan sa pamumuno nang noo'y Kura Paroko na si Padre Dolleton ang kanilang mga santo sa mga imahen na pag-aari ng mga mayayamang angkan sa bayan na pinamumunuan naman ni Ado Escuderro. Ayon daw kasi sa simbahan, hindi raw makatarungan na magsama ng mga artista sa prusisyon para makahikayat ng maraming tao sapagkat nawawala raw ang kabanalan ng Semana Santa. Idagdag pa na sa halip daw na pagdarasal ang unahin ng mga tao habang lumalakad ang prusisyon ay ang walang katapusang paglingon sa iniidolong artista ang inuuna. Kayat ang nangyayari, ang papuri sa banal na Mahal na Ina o kay Hesuskristong tumubos ng kasalanan ng sanlibutan ay napupukol sa ganda o kinis ng balat ng artista o kaya'y damit na suot niya. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, sa mahabang taon ay naging dalawa nga ang prusisyon at naging dahilan nang pagkalito ng sambayanan. May mga taon pa nga raw na parang nagpapasiklaban ang dalawang kampo kung saan prusisyon mas marami ang sumasama. At syempre pa, usap-usapan din lagi taun-taon kung kaninong karosa ang higit na maganda at higit na pabulosa. At ang nakalulungkot pa, ang ganitong senaryo ay hindi lamang tuwing Biyernes Santo nagtatapos sapagkat ang iringan ay umaabot pa hanggang Pasko ng Pagkabuhay. Iba ang seremonya ng "Salubong" sa loob ng simbahan at iba rin syempre ang bersyon ng mayayaman nang pagtatagpo ni Hesus at ni Maria sa gitnang bahagi ng plaza ng bayan.

Ngayong taon na bati ang simbahan at ang angkan ng mayayaman, nagkaisa muli ang buong bayan. Sabay-sabay na sumama sa iisang prusisyon ang lahat. Kung noo'y marami ang mga poong nasa karosa ngayo'y higit pang nadagdagan dahil sa magkasanib na pwersa kayat walang paglagyan ng papuri ang lahat nang makakita. At kung noo'y umaawit ng papuri ang mga sikat na artista sa entablado sa gitna ng plaza kapag dumaraan ang mga santong kanilang pinapupurihan, ngayo'y kumakanta na rin sa mga misa sa loob mismo ng simbahan.




Kanina, habang nagninilay ako sa mga tagpo sa buhay ng ating Panginoon sa loob ng simbahan sa pagdalo ko ng Misa ng Muling Pagkabuhay. Iniisip ko ang tunay na kabuluhan ng Mahal na Araw. Kapag kasi nakikita ko ang mga santong nagagayakan ng magagarang kasuotan at ang mga taong dumadaluhong sa mga sariwang bulalak kahit hindi pa nababasbasan ng pari ang gayak ng mga pabulosang karosa ng mga santo, gusto kong isipin kung minsan na bahagi lang talaga yata ng ating kultura ang Semana Santa. Na ang marami sa atin ay sumisimba lamang kahit hindi alam ang tunay na kabuluhan nito sa ating buhay. Idagdag pa na karamihan ay sumasama lamang sa prusisyon hindi dahil sa marubdob na panata kundi dahil nakasanayan na lamang.

Nawa'y pagtibayin at patatagin ang ating pananampalataya tungo sa isang mayapa, maunlad at nagkakaisang bansa.

Sunday, March 16, 2008

Pamahiin

Namatay si Lola Gloria noong isang araw sa edad na 94. Iyon eh kung tama ang kalkulasyon ng kanyang mga anak sa edad n'ya. Taun-taon kasi ay iba-iba ang petsa ng kanyang kaarawan sapagkat isinilang raw si lola ng Sabado de Gloria. Kayat kung ipinagdiriwang man ang kanyang kaarawan bawat taon ay isinasabay na lamang ito sa panahon kung saan pinatutunayan ng mga batang lalaki ang kanilang pagkalalaki.

Sa pagpanaw ng aming lola, marami ang nagsasabi na may agimat raw ang matanda. Bihira na raw kasi sa kasalukuyang panahon ang humahaba ng ganoon katagal ang buhay. Idagdag pa na hindi man lamang daw ito dinapuan ng sakit katulad ng ilang matanda na naratay muna sa banig ng karamdaman bago binawian ng buhay. Sa madaling salita, pumanaw si Lola nang dahil sa katandaan at hindi sa kung ano pa man.

Ilang buwan bago mamatay si Lola, marami ang nagsabi bulungan na raw namin siya na paluwain ang anting-anting nito o kaya'y ipasa sa iba para ito'y makapamahinga na. Ilan din ang nagpayo na ipakumpisal na ito sa pari at hilingin na sa Panginoon na bawiin na ang buhay nito upang hindi na maghirap pa. Kayat ilang linggo rin siyang pinadasalan ng kanyang mga anak sa pamangkin nitong alagad ng simbahan.

Sa paglisan ni Lola, sari-sari ang pamahiin sa kanyang burol. Hindi naman ito bago sapagkat si Lola noong nabubuhay pa ay isang matandang mahilig rin maniwala sa mga sinaunang kaugalian kaya naman hindi kataka-taka na naipasa niya ang ganitong klase ng makalumang gawain sa kanyang mga anak.

Ewan ko pero hindi ko lubos na maisip at matanggap ang ilan sa mga pamahiin sa lamayan. Gusto kong isipin na ang daming Pilipino na nauto ng ganitong kultura na pinakalat ng sinumang Pontio Pilato. Sa tuwing sinasabi ko na isama na sana ni Lola sa kanyang hukay ang mga pamahiing ito, lagi ay pinagagalitan ako ng aking mga tiyahin. Ano ba naman daw ang ipinagsisintimyeto ko eh wala namang mawawala kung susunod sa mga ito.
Kung sabagay, may punto de bista ang mga tiyahin ko. Pero matay ko mang isipin parang wala ng saysay na sundin pa ang ganitong mga kaugalian sa makabagong panahon.

Ano ba naman ang kaugnayan nang pagwawalis, paliligo, pagsusuot ng matitingkad na kulay ng damit at paggugupit ng kuko sa pagkamatay ng isang tao? At sino naman kayang henyo ang nakaisip na ang pagpapatung-patong ng mga pinggang hugasin, pagkain ng mga gulay na gumagapang at pagpapalit ng kandila sa tabi ng ataul ng hindi nililinis ang kandelabra ay nangangahulugang pagpanaw ng susunod na miyembro ng pamilya? Idagdag pa na huwag raw iiwanang walang bantay ang ataul sapagkat kukuhanin raw ng aswang ang bangkay ng namatay. Hindi ko rin maunawaan kung bakit kailangan pang takpan ang salamin sa bahay upang hindi raw makita ang repleksyon ng yumao. Maging ang mga kamag-anak kong babae na dinatnan ng buwanang dalaw ay pinagbabawalan ring makipaglamay sapagkat maari raw maging dahilan ito ng pag-urong ng kanyang regla. Gusto ko tuloy paniwalaan na ang mga kamag-anak ko mismo ang gumagawa ng sarili nilang multo na sa kalauna'y sila rin ang matatakot.

Tuesday, March 11, 2008

Insomya

Sakit ko na kung minsan ang hindi pagtulog kayat walang duda na may mga pagkakataon na hinahangin talaga ang utak ko. May mga madaling-araw na sign-off na ang lahat ng istasyon sa telebisyon pero mulat pa rin ang diwa ko. Humahagok na ang puwit ng lahat ng aking ka-text ngunit ako'y puno pa rin ng enerhiya kahit nakalapat na sa bulok na kama maging ang aking kaluluwa.

Kaninang madaling-araw, habang pinagtyatyagaan kong panoorin ang replay ng Daily Top Ten sa Myx ay naisipan kong magpakasenti at mag-feeling makata. Ito ang naging bunga ng aking imahinasyon.


Insomya

Singga na naman ang gunitang
walang bakas ng patutunguhan.
Salimbayan ang mga alalahanin
at walang paglagyan ang mga isipin.
Naglaho na ang kamandag ng dilim...
Lubog na ang pangil
ng mga manananggal na naghasik ng lagim.
Pagaw na ang boses ng magbabalut sa kasisigaw
habang ganado sa pagpalahaw ng "taho"
ang tinderong nabiyayaan ng tulog.
Luma na ang balita kahapon
ngunit pinagtyatyagaan pa ring basahin...
mabulok lamang ang mata
at makasilay ng sariwang umaga
o kahit tanghali... o maski gabi.
Tiyak, kulaba na naman ang durungawan ng kaluluwa
bukas... o sa isang araw... o baka sa makalawa.


Friday, March 7, 2008

Gilas


Kahapon ay nagtapos ang tatlong araw na training-seminar namin sa Gil@s tungkol sa Internet Literacy, Networking Administration at PC Maintenance and Troubleshooting.

Oo nga't nagtapos ako ng BSEd, Filipino naman ang aking pinagkadalubhasaan sa kolehiyo kayat walang duda na minsa'y nangangapa ako sa seminar. Napasabak lamang naman kasi ako sa pagtuturo ng Basic Computer nang biglang nagkaloob ng sampung yunit ng personal computer sa aming paaralan ang Department of Trade and Industry. Syempre dahil bata at hindi katulad ng ilang may edad ng guro na may phobia sa makabagong teknolohiya hinugot ako sa pagtuturo ng Filipino at kinumisyon na magturo ng nasabing aralin.

Hindi katulad ng mga ilang seminar na aking nadaluhan na nakasentro sa kikitain ng dami ng mga magsisidalong guro, walang bayad ang training (kaugnay ito ng pagbibigay ng organisasyon ng server at libreng Internet Access sa loob ng isang taon). Idagdag pa na sadyang nilimitahan lamang ang mga nagsidalo upang maging peronal ang pag-atake ng liksyon. Hands-on at one is to one per participant ang ratio ng bawat computer kayat mabilis naming nakukuha ang liksyon.

Hindi rin matatawaran ang galing nina G. Jerome Blanco at G. Pete Rabago bilang mga gurong tagapagsanay. Bukod sa kalmadong boses, kakikitaan din sila ng masayahing personalidad dahilan kung bakit hindi nahihiyang magtanong ang marami sa amin tungkol sa mga liksyong minsa'y nakalilito sapagkat may pagka-teknikal partikular ang mga gawain sa PC Troubleshooting noong huling araw.

Bagamat hindi ginanap sa malayong lugar ang nasabing pagsasanay katulad ng nais ng marami sa aming mga guro para panandaling makapaglakwatsa at makatakas sa obligasyon at trabaho sa paaralan, walang alinlangan na talo pa nito ang aming mga naging karanasan sa mga seminar sa Baguio at kilalang hotel sapagkat taglay namin sa aming pagtatapos ang mga makabagong karunungan na maipapasa namin sa aming mga tinuturuan. Hindi katulad ng mga naging una naming karanasan sa mga nagdaang seminar na nauuwi lamang sa yabangan at pasiklaban ng gurong nagsidalo.

Salamat sa Gilas at naging totoo kayo sa inyong pangalan at adhikain - ang gisingin at pag-isahin ang kabataang Pilipino para sa isang magandang kinabukasan sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Umasa kayo na kaisa n'yo kami.

Watersheds and Drinking Water: Our Responsibility

Taun-taon ay sumasali ang aming paaralan sa paligsahan sa talumpatian na iniisponsoran ng San Pablo Water District Association. Ito ang ikatlo sa piyesang Ingles na sinulat ko sa tulong ni Mrs. Lydia Nuque tungkol sa kahalagahan ng tubig sa buhay ng tao. Sa piyesang ito nanalo sa District at Provincial level ang aming estudyante na si Jhoanne Carla Omagap. Sa kasamaang palad, hindi na siya nakarating pa sa National Level sapagkat natalo na siya sa Regional Level Competition pa lang na ginanap sa Diamond Hotel. Bagamat hindi namin tuluyang nayakap ang tagumpay, buo ang aking paniniwala na ang tunay na kabuluhan ng talumpati ay ipahayag ang mensahe nito sa maraming tao upang pakilusin sila sa isang partikular na paksa. Ito ang dahilan kung bakit isinama ko ang piyesang ito sa aking blog.

Please take time in reading because I genuinely believe that water is truly our accountability.

WATERSHEDS AND DRINKING WATER: OUR RESPONSIBILITY

Be alarmed as you try to picture this scenario in the movie, The Tuxedo of Jacky Chan. In this terrorizing motion picture, the villain’s intention is to sabotage the world’s water supply by adding an ingredient that will cause the victims to dehydrate and die; a sinister maneuver so that people will only depend on the bottled water he invented in order to live. In reality, isn’t it true that we can be the villains of our own story when water is concerned?

Ladies and gentlemen, a pleasant afternoon to all of you.

It is actually quite astonishing for me that our affinity to water as a prized liquid is absolutely incomparable. Water, like religion and ideology, has the power to move each and everyone of us. We adore it, we play in it, we write, sing and dance about it, we holiday near it and we fight over it. As we all live together on this water planet, in our water bodies, we are inherently and intrinsically fascinated to healthy water. Isn’t that amazing?

Water, with no uncertainty, is an important part of our being. Its significance cannot be estimated for it is a fundamental element to life and society – a major source of nourishment and energy, a raw material for practical and productive activities, a way of transport, a determinant aspect for the preservation of the ecological balance and an integral part of the public patrimony. It is also effortless to mention its dynamism in our bodies for it plays a major role in our overall physical health and spiritual well existence.

The countless uses of the miraculous element God has given us seem endless. However, is this really our concern, the infinite uses of water in our lives? Is this all that matters?

We should be aware that today, many of us have regrettably lost respect and concern for water and Mother Earth. We are recklessly destroying water’s life-giving capacities. Water, the lifeblood of human race, has been deserted and contaminated to the limits. It is so ironic that we cried over the rotten body of a dead criminal thrown in our dams for we fear that it makes our water dangerous for drinking but we care less for the abundant seas and great rivers that are domicile to teeming water creatures and yet become a dumping ground of our poisonous wastes.

Friends, poor water condition is a growing global concern. It is heart-breaking to know that the water we drink which gives us life is the same water that kills the future generations.

According to the report by the International Atomic Energy Agency, an estimated 1.1 billion people have no access to safe drinking water, 2.5 billion lack proper sanitation and more than five million people die each year from waterborne diseases such as malaria, cholera, dysentery, schistosomiasis, infectious hepatitis and diarrhea – ten times the number of casualties killed in wars around the globe. The world is running out of potable water and a major policy initiative to guarantee freshwater as a human right is required.

Ladies and Gentlemen, we need a global approach to solve the problem from all sides. We have a lot of ways to meet our energy needs. We must educate the people, we should require the scientists to create new technologies, we ought to obligate the engineers to generate the networks, and we should strengthen every human being to be aware of how precious water is. We must understand that everybody has to be involved in a very firm and assertive way. Each one must treat water as the most important thing in the world, the most valuable natural resource. And so, let us not be extravagant so that this cherished commodity will never run out. We cannot afford to be negligent about water for a simple fact that in human consumption there is only limited amount of it in this planet.

The hard lessons of history are clear; a nation that fails to plan intelligently for the development and protection of its precious waters and watersheds that sustain it will be condemned to wither because of its shortsightedness. Let us all be ecologically sensible. Be economical with water. Don't waste it! We still have time to do something about this problem before it is too late. The protection, revaluation and sustainable development of the water resources and watersheds are actions of general interest. The human right to water is essential for leading a healthy life in human dignity. It is a pre-requisite to the realization of all other human rights.

Now is the time to do what we ought to do. Let us be superheroes in ourselves and make this world we live in a better place. The challenge is on you and me, on all of us. Let us be responsive to the call where the answer lies only on our hands. Let us all have a common goal of stopping the ill-practices of contaminating our water supply and watersheds. Let us develop consciousness, a sense of preservation, and a sense of responsibility. Let us treasure one of the miracles God has bestowed upon us, the life giving water.

Ladies and gentlemen, remember that when God created us human, He endowed us with the highest intellect among His creations to guard all the worthy things He has given us including the valuable water we inhabit. I therefore say, that it is our sole responsibility to protect water, God’s ultimate gift to humanity, for water means Life.

Today, as we campaign and struggle for clean water, let this meaningful passage by a critically-acclaimed author Jane Scrivner becomes our guiding principle in life – “The waters of life run through me, love and light!” A word for word pronouncement that will prove, that water, truly, is the blood in our veins.

Woman of Substance

Ito ang kauna-unahang kong declamation piece na nasulat sa Ingles. Tinawagan kasi ako minsan ng isa kong kaibigan para gumawa ng piyesa para sa kanyang hipag na lalaban sa timpalak nang pagsasatao.


Noong una, ayaw ko pang pumayag kasi mas sanay akong magsulat sa Tagalog partikular ng mga sanaysay at talumpati pero napilitan rin ako sa bandang huli. Salamat na lang at may mga kapwa akong guro na nauto (he.he.he.) para mag-edit ng piyesa. Sa iyo Sarah Sario, at Mrs. Rosette Banzuela, maraming salamat. Salamat din kay Ms. Rose Robielos ang supervisor sa English ng San Pablo sapagkat sa mapanuri niyang mga mata ay nakita pa niya ang ilang kamalian ng piyesa at naitama ito.


Woman of Substance

Declamation Piece on Quality and Excellence in Education for Social Transformation

By Dennis B. Lacsam

Look at me. Just look intently. With my calm disposition in life, no doubt, I am a woman of substance. Am I not?

I may be chic, for I am clad with the most fashionable clothes but deep inside me is a lady who is an embodiment of a dignified persona.

I speak with depth. My words are peppered with mantras of wisdom and I verbalize all of these not to impress anyone of you but to inspire you to believe that you are somebody worthwhile too.

In the past, I wasn’t like this. I was just a typical probinsyana striving to make a name in my school in the metropolis. I dredge up being called by my classmates “baduy”, “bakya”, “low class”, “walang ibubuga” – words and phrases which were not pleasing to my senses. Because of these unfair criticisms, I had learned to be hostile. I associated myself only with men of good character to esteem my reputation. Though, cliché that “No man is an island” is a prevailing belief, however, my guiding principle sticks with me all the time – It is better be alone than to be in a bad company!

Yes, adventure is sensible, so, during those school days I had learned empowering myself with exciting and stimulating activities, for I know that those who will risk going too far can possibly find out how far one can go. As a result, I had prompted myself to go beyond my potentials. I harnessed new skills, embraced innovative insights and accepted fresh ideas.

If you think that I am officious, domineering or over assertive, please… please… think not! Imbued with me is my genuine sense of firmness. I know that I am not perfect just like all of you but I am careful not to lose my confidence. Courage, resilience, optimism, and faith will always be my virtues in life. I never mean to sound arrogant but I also don’t assume a deceitful modesty.

Many of my friends didn’t like me before. They had preconceived wicked notions about me. At one time, somebody dubbed me as an atheist! I burst into hilarity… Ha.ha.ha. Me, a nonbeliever? Of course not! Circumstances reminded me that no matter how I please my earthly satisfactions, I would feel emptiness inside without the inner joy acquired by knowing God.

Looking back at my life, I know I am a success! I’ve been envied and have been the subject of intrigues and false allegations. Who might have thought that a woman as young and as vibrant as me would have all the worthy things and noble opportunities in her hands? It may seem haughty but it is an obvious reality. Understand that achievement doesn’t happen in an instant. It is organized and anticipated by consistency just like what I did! My accomplishments were born out of diligence. It’s not a charmed life as people think. The harder I work, the luckier I get!

If I picture myself a sense of destiny, will you blame me? Oh, please… don’t! Mediocrity is not in my vocabulary. I studied and disciplined myself well because I want to achieve something. I enhanced my abilities and performed with excellence for quality of life is my major objective. How do you think can I inspire people to do better if I, myself am not? Yes, I want to be on top but not to possess power or dominance but to become an instrument of change for improving the lives of others. I mean what I say for I know, I can! My assertiveness is in my system – it runs through me!

Now, just look at me again. Stare absorbedly. With my stature in life, do you think I can motivate people to be the best that they can be? Judge.

Bagito

Ito ang unang sabak ko sa pagsusulat sa Cyberspace. Bagamat dati na naman akong manunulat sa isang local newsmagazine sa San Pablo noong nasa kolehiyo, hindi ko na ito napalawig pa pagkatapos kong grumadweyt.

Ngayon, babalikan ko ang pagsusulat. Kung noon ay kinakatas ko ang laman ng aking isipan upang ilagay sa isang blangkong papel, ngayon ay pipilitin kong tipain ang bawat letra ng computer keyboard na pag-aari ng aming paaralan para lamang makagawa ng mga obra na aking ikasisiya. Kung mayroon man akong masaling sa aking mga katha, ipanauuna ko na ang aking pasensya. At kung mayroon namang masiyahan, umpisa pa lang ay nagpapasalamat na ako.