Sakit ko na kung minsan ang hindi pagtulog kayat walang duda na may mga pagkakataon na hinahangin talaga ang utak ko. May mga madaling-araw na sign-off na ang lahat ng istasyon sa telebisyon pero mulat pa rin ang diwa ko. Humahagok na ang puwit ng lahat ng aking ka-text ngunit ako'y puno pa rin ng enerhiya kahit nakalapat na sa bulok na kama maging ang aking kaluluwa.
Kaninang madaling-araw, habang pinagtyatyagaan kong panoorin ang replay ng Daily Top Ten sa Myx ay naisipan kong magpakasenti at mag-feeling makata. Ito ang naging bunga ng aking imahinasyon.
Kaninang madaling-araw, habang pinagtyatyagaan kong panoorin ang replay ng Daily Top Ten sa Myx ay naisipan kong magpakasenti at mag-feeling makata. Ito ang naging bunga ng aking imahinasyon.
Insomya
Singga na naman ang gunitang
walang bakas ng patutunguhan.
Salimbayan ang mga alalahanin
at walang paglagyan ang mga isipin.
Naglaho na ang kamandag ng dilim...
Lubog na ang pangil
ng mga manananggal na naghasik ng lagim.
Pagaw na ang boses ng magbabalut sa kasisigaw
habang ganado sa pagpalahaw ng "taho"
ang tinderong nabiyayaan ng tulog.
Luma na ang balita kahapon
ngunit pinagtyatyagaan pa ring basahin...
mabulok lamang ang mata
at makasilay ng sariwang umaga
o kahit tanghali... o maski gabi.
Tiyak, kulaba na naman ang durungawan ng kaluluwa
bukas... o sa isang araw... o baka sa makalawa.