ni Dennis Lacsam
NICO DUMA GUTIERREZ |
Taun-taon,
isang tradisyon na sa mga guro ng paaralan ang paghahanap at pagpili ng isang
matagumpay at natatanging indibidwal na magbibigay ng isang masalamisim na
pananalita at inspirasyon sa lahat ng mga mag-aaral na nagsikhay sa pag-aaral
sa loob ng apat na taon.
Ngayon, sa Ikalawang Taunang Araw ng Pagtatapos
sa Junior High School, sa temang “Sabay-sabay
na Hakbang Tungo sa Maunlad na Kinabukasan.” patutunayan ng
ating pinagpipitaganang panauhing pandangal na ang angking talino, sipag, at determinasyon
sa buhay na kinambalan ng magandang edukasyon ang tunay na kaagapay ng isang tao
upang matamo niya ang isang maningning na kinabukasan.
Likas
na tubong San Pablo at panganay na anak ni TEODORICO
GUTIERREZ na isang guro at ESTHER
DUMA-GUTIERREZ na dating Overseas Filipino
Worker sa America, ang ating panauhin ay maluwalhating nakapagtapos ng elementarya
noong 2003 sa Paarang Sentral, Lunsod ng San Pablo.
Kaakibat
ang angking talino na pinanday noong elementarya, itinuloy niya ang kanyang pag-aaral ng sekundarya sa
paaralang pinaglilingkuran at lubos na itinatangi ng kanyang amang guro, ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High
School.
Sa
loob ng apat na taong pamamalagi rito kung saan kabilang siya sa pinakamataas ng seksyon, katulad nang nakasanayan sa simula pa lamang
ng pag-aaral noong elementarya, masikhay niyang isinaisip, isinapuso at isinagawa ang pagpapahalaga sa edukasyon sa
paniniwalang ito talaga ang magdadala sa kanya sa rurok ng tagumpay pagdating
ng panahon.
Sa
pamamagitan nang pakikisangkot sa iba’t gawaing pampaaralan, pinayabong niya
hindi lamang ang kanyang isip maging ang kanyang buong pagkatao. Bukod sa
palagiang pagsali at pagkapanalo sa iba’t ibang kumpetisyon tulad ng Regional Social Studies Quiz Bee noong 2006
, MTAP Challenge, Pagbigkas ng Tula, Talumpatian, Isahang Tinig, Poster-Islogan
at marami pang iba ay naging bahagi rin siya ng iba’t ibang samahan at
organisayon ng mga mag-aaral tulad ng Math Club, Filipino Club, Science Club, English Club at Supreme Student
Government.
Sa
gabay ng ama na noo’y coach ng
basketball sa paaralan at kilalang professional
referee sa buong lunsod, naging parte rin siya ng school’s basketball varsity na nakikipagtunggali sa mga kumpetisyon
sa labas ng eskwelahan tulad Division
Athletic Meet at APEX Inter-School
Unity Games. Kaakibat pa rin ng
kanyang kaalaman sa larong ito at iba pang larong pampalakasan ay naging bahagi
rin siya ng Patnugutan ng The Candor, ang opisyal na pahayagan
sa Ingles bilang Sportswriter at nagging
kinatawan ng paaralan sa Sportswriting Category
sa Division at Regional Schools Press Conferences.
Dahil
sa ipinamalas na galing at sipag sa pag-aaral, akademiko o ko-kurikular man, nagtapos siya bilang FIRST HONORABLE MENTION noong Marso 2007
bukod pa sa pagkakamit ng iba’t ibang parangal tulad STI Wizard Award at Best in
English.
Bagamat
nangarap na maging isang inhinyero noong umpisa, nanaig ang kagustuhan niyang
maging isang kilalang CPA balang araw kayat ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng
kolehiyo sa Laguna College kung saan kumuha siya ng kursong Bachelor of Science in Accountancy.
Baon
ang kumpyansa sa sarili mula sa mga gurong pumanday at luminang ng kanyang
personalidad noong hayskul, ipinamalas niya sa paaralang ito ang galing, pagsisikhay,
disiplina at determinasyon sa pag-aaral upang bigyang-dangal hindi lang ang
sarili maging ang pamilya at mga paaralang pinagkakautangan niya ng utang na
loob.
Sa
pagiging kinatawan ng nasabing paaralan sa mga panrehiyong at pampaaralang paligsahan tulad ng First On-line Accounting Quiz sa
Lucena (3rd Place), Accounting Quiz sa De La Salle Lipa (Participant),
2nd Punong Bayan & Araullo Cup
Auditing Theory and Problem Quiz (Participant), 2010 Accounting Wizard
Challenge (Participant), PPL Cup ng Lyceum of the Philippines, Laguna College
Accounting Quiz Bowl kung saan nagwagi siya ng magkasunod na taon (First Place
-2010, 3rd Place 2012) at 2008 Team Basic Accounting Challenge (1st
Place) pinatunayan niyang hindi pahuhuli ang isang katulad niya na nagtapos ng
pag-aaral sa isang public high school.
Dahil sa galing at kasipangang ito, ginawaran siya ng paaralan ng GASTPE Scholarship na ipinagkakaloob sa
mga mag-aaral na nakakakuha ng mataas na marka.
Noong
2011, nagtapos siya ng Bachelor of
Science in Accountancy bilang Cum
Laude at agad ding naging ganap na Certified
Public Accountant (CPA) nang maipasa niya ang professional board examination nito noong Oktubre ng taon ring
iyon.
Matapos
maging isang lisensyadong CPA, noong 2011-2012, agad siyang nagtrabaho bilang Accounts Payable Finance Analyst sa San Miguel Yamamura Packaging Corporation
sa Canlubang.
Taong
2013, lumipat siya sa Bayer Business
Services Philippines, Inc. kung saan nagtrabaho siya bilang Process Expert. Bilang isa sa mga resident accountants ng nasabing kumpanya, hinawakan niya ang mga
Accounts Payable nito sa mga bansang Indonesia, Vietnam, USA at Philippines sa
magkakaibang taon.
Kaakibat
ng kanyang propesyon, ang ating marangal na bisita ay dumalo rin sa
napakaraming training-seminar na patuloy na nagpapaunlad ng kanyang pagkatao
para sa napiling propesyon. Bukod pa rito, siya ay miyembro rin ng Philippine Institute of
Certified Public Accountants (PICPA)
at External Committee Member ng
Junior Philippine Institute of Accountants (JPIA).
Mga
kaibigan, nais ko pong ipakilala sa inyo, ang isang dating mag-aaral ng Col.
Lauro D. Dizon na simula’t sapul ay
kinabanaagan na kakaibang galing, sipag, talento at determinasyon sa pag-aaral na
siyang puhunan n’ya ngayon kung bakit n’ya tinatamasa ang isang magandang buhay
at pangalan.
Ipinagkakapuri
ko pong ipakilala sa inyo ang mabunyi nating panauhing pandangal. Sabay’sabay
tayong tumayo at palakpakan ang magiting na binata, Certified Public Accountant, G. NICO
DUMA GUTIERREZ
No comments:
Post a Comment