Tanghalang Pangmamimili – Provincial Contest 2017
Theme: Consumer Rights in the Digital Age
Name of School: Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School
Address: Mavenida
Ext., San Pablo City, Laguna
Tel No.: Tel
No. 562-7378
Contact Person and No.: LORENZA B. UMALI, TLE Coordinator, 0995-7566-963
Name of Guild: TIKLAD (Talento sa Indayog ng Kabataang Lauro Dizon)
Title of Play: ONLINE SHOPPING
Total Number of Characters: 20 Characters
Estimated Time Frame Including Set-up of Props:
16 Minutes Play, 2 Minutes for Cheering
and 2 Minutes for Props Setting
“Online Shopping”
Plot:
“Ang
wastong kabatiran ng bawat mamimili sa kanyang karapatan ang magpapalaya sa
kanya upang hindi siya maloko, maisahan o madaya ng isang manggagantso na
kalimitang nag-aalok ng pekeng produkto o palpak na serbisyo sa Internet.
Ang istorya ng “Online Shopping” ay
tatalakay sa matalinong pagbibigay ng impormasyon sa mga mamimili upang hindi
sila maloko sa anumang kalakalan ng produkto at serbisyo sa cyberspace.
Layunin
ng dula na iparating sa madlang manonood sa pamamagitan ng isang SATIRIKONG PAGTATANGHAL (o yung katawa-tawang palabas na nagpapakita
ng katungakan, kabalintunaan at eksaherasyon upang ipakita ang maling gawi at
ugali ng karakter) na ang pagiging mapag-usisa, at mapagduda ang mga
ugaling dapat taglayin ng isang netizen sa mga online business transactions.
“Online
Shopping”
Scene
1
|
Cheer (Original Music)
|
Lahat:
|
Dizon
High, soaring high
Buhay
na buhay, walang kapantay
Rap
Narito
na ang Laguna sa harap n’yo ngayo’y bibida
At sa
inyo'y magpapaalala ng impormasyong ‘di sinauna
Tayo ay
may pananagutan na makisangkot sa ating bayan
Mamimili’y
protektahan ang budget ay pangalagaan
Sa
panahon ng digital, hight tech na
rin ang manloloko
Kaya’t
ika’y mag-matalino, ugaliing maging alisto
Bantayan
ang mga presyo at kalidad nitong produkto
Upang
mandaraya ay matuto, ‘wag na wag kang magpapatalo
Dizon
High, Soaring high
Buhay
na buhay, walang kapantay
END OF
SCENE 1
|
Scene
2
|
Intrams. Habang abala ang lahat ng mag-aaral dahil sa katatapos na
Cheerdance Competition. Darating si Vilma na pusturang-pustura
(Original Music)
|
Vilma:
|
Ang ganda
ko, tingnan ninyo
Suot
ko’y imported mula paa hanggang ulo
Sigurado,
inggit kayo
Wala
kayong sinabi sa astig na porma ko.
Nabili
ko sa KALZADA
Utang
lang at murang mura
Walang
ng hassle, dineliver pa
Kaya
ngayon ang beauty ko ay feeling donya.
Online shopping lagi ang peg ko
Ayoko
kasi ng masikip at magulo
Digital buying lagi ang trip ko
Ang cheap kasi “ng tawad doon at tawad dito”
Ang
ganda ko, tingnan ninyo
Suot
ko’y imported mula paa hanggang ulo
Sigurado,
inggit kayo
Wala
kayong sinabi sa astig na porma ko.
O
di ba! Bongga!
|
Lahat ng girls:
|
Bonggang
bongga!
|
Vleine:
|
Ang
ganda Mars! ‘Yung shoes mo, to die for!
|
Angel
|
At
‘yung top Beh, nakaka-slim.
|
Kelly:
|
Mukha
pating ang ang yaman-yaman mo Mars!
|
Vilma
|
Mukha
lang! The truth is nakuha ko lang ang mga ito sa murang-murang halaga. (Iisa-isahin ang presyo) Top, 200; bottom, 200; hikaw, 150; shoes,
400!
|
Jaycel
|
Talaga
Mars? Ibig mong sabihin, wala pang ONE KIAO ang lahat ng ‘yan? Ano ‘yan ukay?
|
Vilma
|
JUKAY?
Oh my gahd! No.no.no! Not in my system! Kilala n’yo ako mga beh, social climber to the max! ‘Di ako
para gumastos nang sobrang mahal for a single O-O-T-D!
|
Angel:
|
Sabagay,
kilalang-kilala ka na nga namin. Poporma nang todo para lamang magpapansin kay
Eric!
|
Vleine:
|
Naman!
(Ingunguso) ‘Yun mare o. Kanina pang nakatingin sa’yo.
|
Vilma:
|
(Pabebe) Enebe! Tumigil nga
kayo d’yan! Baka marinig noong tao, sabihin, ang landi-landi ko at patay na
patay ako sa kanya!
|
Vleine:
|
Hindi
ba? Tingnan mo’t ang sama ng tingin sa’yo kanina pa.
|
Vilma:
|
Wala
akong paki! ‘Di ko type ang payatot na ‘yon! Hayaan ko siyang maglaway sa kagandahan
ko!
|
Julianne:
|
D’yosa
talaga ang dating. ‘Di matinag!
|
Kim:
|
Maiba
tayo Mars. Saan mo nga ba naharbat ang mga ‘yan?
|
Vilma:
|
Sa
KALZADA nga. Online Shopping! Nakita ko lang sa FB! Katulad ng mga
ipinapatalastas sa TV! No need ang cash! Free pa ang delivery!
|
Vleine:
|
Talaga
Mars? You mean CREDIT CARD lang ang
ginamit mo sa lahat ng ‘yan?
|
Angel:
|
Alam
mo minsan very tempting ang mga
pakulo. Kaya lang meron kasi akong mga
hesitations kasi magbibigay ng mga impormasyon!
Mahirap ng maloko, alam mo na.
|
Vilma:
|
Ano
namang delikado roon? Digital age
na mga Mars! Move on! Walang
manloloko kung walang nagpapaloko. Itong utak kong ito! Kilala n’yo ako mga
Mars, MAGANDA NA SIGURISTA PA!
|
Jaycel:
|
Talagang
may MAGANDA pa? Kung sabagay, sa palengke pa nga mas maraming manloloko.
Bukod sa tinderang mandaraya, may mandurukot at isnatser pang nag-aabang.
|
Lahat ng girls:
|
Ha.ha.ha.ha.ha.
|
Veinna:
|
Alam
mo Mars, nadala kasi ako dyan eh. Minsan sumubok ako ng ganyan. Naengganyo
kasi ako doon sa patalastas online na PUPUTI AKO IN ONE WEEK. Kaya naman buy
ang lola mo ng produkto. Pero sad to say, ‘wa epek at parang Downy yata ang
gamot, luz valdez pa ang perang pinag-ipunan ko.
|
Lahat ng girls:
|
Ha.ha.ha.ha.ha.
|
Revi:
|
Ikaw
Veinna ha, di mo sinasabi na may balak ka pa lang magpaputi. No need Be!
Tandaan mo, tayong mga black women are
beautiful, inside and out!
|
Julliane:
|
Tama
ka d’yan Mars! Kaya ako never akong magpapapaputi! Kasalanan sa Diyos na
hindi mahalin ang sariling kulay.
|
Paula:
|
Ganoon,
ganoon! Sanib pwersa ang mga negra! Ha.ha.ha Sabihin n’yo wala talaga kayong
pera pambili ng Gluta! Ha.ha.ha
|
Lahat ng girls:
|
(Mag-aapir)
Ha.ha.ha.ha
|
Angel:
|
Pero
Mars, ano ba ng mga dapat gawin para hindi maloko sa Internet? Alam mo naman
di ba, sobrang daming modus at scam ngayon. Umaabot na nga sa Senado
eh. Nakakatakot! Ha.ha.ha
|
Lahat ng girls:
|
(Mag-aapir
ulit) Ha.ha.ha.ha
|
Paula:
|
Mga
Mars, ang mandaraya hindi ‘yan mawawala. Kung saan may progreso laging may
manloloko. Tanggapin natin ang katotohanan na sadyang may mga taong
ipinanganak yatang masama at ang intensyon ay ang manlamang ng kapwa. Kaya
tayong mga mamili ang higit na dapat na mag-ingat!
|
Vilma:
|
Tumpak!
Ganito ‘yan mga Mars! (Kakanta ulit pero nangangaral)
Likas na sa iba ang mandorobo
Lalo kapag tamad na
magbanat ng buto
Kaya’t ikaw ay wag na
‘wag magpapaloloko
Maging maagap, listo
at matalino.
May manggagantsong
linlangin ka
Lalo kapag mukha kang
tanga
Bubutasin ang iyong bulsa
Gagawing biktima ng pekeng
paninda
Kaya’t magsisiyat
lagi muna
‘Pag may pagdududa,
baka ikaw ay TAMA
Magtatanong at mag-uusisa
Nang di mapahamak at
di madaya.
Esep, esep, esep lang
Sa pag-uurirat ‘wag
magkukulang
Pagkat takot ang nanlalamang
Sa mamimiling
maraming alam
Esep, esep, esep lang
Sa pag-uurirat ‘wag
magkukulang
Pagkat takot ang
nanlalamang
Sa mamimiling
maraming alam
|
Revi:
|
Tama Mars! Ganyang ganyan ‘yung
nagyari sa Mommy ng pinsan ko. Inalok siya ng gas range na kesyo mas mababa sa tunay
na presyo. Sa money transferring establishment idinaan ang
umano’y paunang bayad. Ang siste, una’t huling bayad na pala ang inilabas
n’yang pera dahil matapos ang unang transaksiyon, hindi na muling nakipag-ugnayan
ang suspek sa kanya. Fly away si
money kaya si mister hanggang ngayon lagi pa ring angry.
|
Vleine:
|
Kawawa naman. Mas mabuti pa pala yung
kaibigan ko na nauto lang ng isang FB friend nya na magtinda ng load na
kikita dimumano na ng kinse mil sa isang linggo magpadala lamang puhunang
limang libo. Palibhasa pogi sa profile
pic ang nag-alok e kagat agad ang loka. Yun na-onse nang bonggang-bongga!
Ang nakakatawa pa, nakita nya ang picture ng nanloko sa kanya sa isang
Koreanovela. Ha.ha. Mantakin n’yo sa artista pa pala ang ginamit na picture ng kawatan. Ha.ha.ha.
|
Lahat ng girls:
|
(Mag-aapir
ulit) Ha.ha.ha.ha
|
Kim:
|
Mahilig sa pogi eh! Buti na lang
MAGANDA AKO! MAGANDA AKO!
|
Lahat ng girls:
|
(Mag-aapir
ulit) E di wow!
|
Kelly:
|
Shhhh.
‘Wag kayong maingay. Ang sama na ng tingin sa atin ni Erik. Akala siguro s’ya
ang pinag-uusapan.
|
Vilma:
|
Wala
akong paki sa payatot na ‘yan!
|
|
|
Scene
3
|
School Intrams pa rin. Matapos na marinig ni Eric at kanyang mga
kaklase ang usapan ng mga babae.
|
Luc:
|
Pare
parang kanina ka pang pinagtitripan ng mga girls ah. Panay ang banggit sa
pangalan mo!
|
Lloyd:
|
Akala
ko ba love ka niyang si Vilma? Bakit payatot ang tawag sa’yo?
|
Vincent:
|
‘Wag
mong sabihing may LQ na agad kayo. Kilig ako boi! Ang lakas maka-Jadine.
Parang On the Wings of Love ang
drama n’yo.
|
John Riz:
|
Oo nga
pare. ‘Di ba parang kailan lang eh ang sweet sweet n’yo! Ang ganda pa naman
niya ngayon. Grabe boi! Sa KALZADA namimili. Sosyal.
|
Carl:
|
Aminin
mo na boi, baka laos na ang pagiging chickboy mo! Isipin mo, ayaw ka ng isama
sa pamimili. Kawawa naman! Maagaw ‘yun sa’yo, sige ka.
|
Lahat ng lalaki:
|
Ha.ha.ha
|
John Eric:
|
Hey,
hey, hey! Never ko siyang niligawan no!
|
Christian:
|
Naman!
Talaga lang ha! If I know, tuloy laway ka ngayon sa kagandahan n’ya.
|
Kim:
|
(Pinalalagong ang
malaking boses para hindi mahalatang bakla) Baka naman may iba ka ng labs? Kaya
naman deadma na sa’yo ang beauty ni
Vilma ngayon! Galit ka lang kaya hindi mo napapansin ang magandang contour ng kanyang face dahil sa kanyang bagong make-up!
|
Cris:
|
(Pinalalagong ang
malaking boses para hindi mahalatang bakla) Oo nga. Ang ganda pa naman n’ya
ngayon! May kamukha nga siyang artista! Sa totoo lang gusto ko nga ‘yung shades
ng eye shadow niya. Violet ba ‘yun?
|
Kim:
|
(Pinalalagong ang
malaking boses para hindi mahalatang bakla) Ako din pare bet ko
yung lipstick n’ya! Ang lakas maka-Kim Kardashian!
|
Cris:
|
(Pinalalagong ang
malaking boses para hindi mahalatang bakla) Bet mo rin boi? Bagay
na bagay pala sa morenang tulad niya ang nude
color
|
Justin:
|
Mga
bakla! Usapang ligawan ng mga lalaki ito. Dadalihan n’yo ng contour, lipstick
at eyeshadow. Basagin ko kaya ang mukha n’yo para may instant make-up kayo!
Bet mga bruha?
|
Lahat ng lalaki:
|
Ha.ha.ha.
|
Jonh Eric:
|
Akala
mo kung sinong umasta
Kundi
naman poporma ay walang ganda.
Ang
galing-galing na mamintas at manghusga
Bibig
nama’y kasinlaki ng palanggana.
Make-up
dito, make-up doon
Siko
at tuhod ‘di naman sinasabon
Ang
pula-pula na ng pisngi sa kaba-blush on
Mukha
tuloy litson na bagong ahon sa pugon.
Vilmang
maganda, magtigil ka!
Huwag
mo akong idamay sa iyong pagpapakwela
Kung
wala kang magawa ay manahimik ka
At
di ang kapogian ko ang iyong sinisita.
Make-up
dito, make-up doon
Siko
at tuhod ‘di naman sinasabon
Ang
pula-pula na ng pisngi sa kaba-blush on
Mukha
tuloy litson na bagong ahon sa pugon.
|
Scene
4
|
Patutsadahan
|
Vilma:
|
May
problema ba tayo Eric?
|
Jonh Eric:
|
Ewan
ko sa’yo
|
Carl:
|
(Pabulong kunwari sa
mga lalaki)
LQ mga pare, baka magkasakitan, iwas tayo!
|
Cris:
|
Kilig
much ang tropa natin boi!
|
Christian:
|
Hanep
sa lovelife! Pamatay!
|
Vilma:
|
E
ba’t kung anu-ano ang patutsada mo tungkol sa akin?
|
Jonh Eric:
|
Ako
ba ang nagsimula?
|
Vilma:
|
Pinag-uusapan
namin ay itong mga binili ko online. Naiinggit ka ba?
|
Jonh Eric:
|
Naman!
E ba’t narinig kong sinabi mo na payatot ako? Anong konek? Ang ganda mo
naman!
|
Vilma:
|
Talaga!
Kaya nga na-inlab sa akin di ba?
|
Jonh Eric:
|
Weh!
Di kaya. May taste ito neng!
|
Vilma:
|
Hmmmp!
Ampuge mo naman!
|
Jonh Eric:
|
Buti
alam mo!
|
Vilma:
|
Ang
kapal ng face!
|
Paola:
|
Ano
ba! Kung anu-anong masasakit na salita ang sinasabi n’yo sa isa’t isa e
halata namang pumapag-ibig pa rin kayo.
|
Vilma:
|
Hindi
kaya.
|
Paola:
|
Mamatay?
|
Vilma:
|
(Pahina
na ang boses) Hindi kaya.
|
Paola:
|
Ikaw,
Eric, be gentleman. Hindi ikaw ang bida sa usapan namin no! Kundi si Vilma at
ang kanyang pagsa-shopping on-line.
|
Angel:
|
Feelingero kasi…
|
Eric:
|
Concern
lang kasi ako sa kanya. Baka kasi matulad siya sa ilang kakilala ko na
nabiktima ng kung anu-anong scam sa Internet. Nandito naman ako para samahan
siyang mamili saan man niya gusto, talipapa, palengke o shopping mall man.
|
Vleine:
|
Ayun! E
di lumabas rin ang totooo! Kulang lang pala sa pansin. (Patungkol kay Vilma) Grabe talaga ang kamandag mo ‘Neng!
|
Eric:
|
(Nakatungo)
Sorry na! Please….
|
Vilma:
|
(Pabebe)
Enebe. Selos ka kasi nang selos e… alam mo namang… (Kunwari nahihiya pero
agad na kakabigin si Eric sa bewang.)
Wag ka ng magselos ha. Sensya ka nagsyota ka ng maganda eh! Wag kang
mag-aalala wais itong bebe labs mo! Kung marami ang manloloko sa net, marami
din ang mga nagbibigay ng impormasyon. Kaya bago mamili, magbasa, magtanong
at mag-usisa muna. ESEP-ESEP LANG!
|
Scene 5
|
Song and Dance Number)
|
Lahat ng boys at
girls:
|
Hindi
nga?
Likas na sa iba ang
mandorobo
Lalo kapag tamad na
magbanat ng buto
Kaya’t ikaw ay wag na
‘wag magpapaloloko
Maging maagap, listo
at matalino.
May manggagantsong linlangin
ka
Lalo kapag mukha kang
tanga
Bubutasin ang iyong
bulsa
Gagawing biktima ng
pekeng paninda
Kaya’t magsisiyat
lagi muna
‘Pag may pagdududa,
baka ikaw ay TAMA
Magtatanong at
mag-uusisa
Nang di mapahamak at
di madaya.
Esep, esep, esep lang
Sa pag-uurirat ‘wag
magkukulang
Pagkat takot ang
nanlalamang
Sa mamimiling
maraming alam
Esep, esep, esep lang
Sa pag-uurirat ‘wag
magkukulang
Pagkat takot ang
nanlalamang
Sa mamimiling
maraming alam
|
|
THE END
|
Name
|
Character/Designation
|
1. Vilma
L.Valencia
|
Lead
Actress (as herself)
|
2. Jonh
Eric B. Alcantara
|
Lead
Actor (as himself)
|
3. Angel
A. Magsambol
|
Lead
Actress Friend (as herself)
|
4. Christian
M. Dangue
|
Lead
Actor Friend (as himself)
|
5. Cris
Nathaniel T. Dulay
|
Lead
Actor Friend (as himself)
|
6. Jaycel
C. Bautista
|
Lead
Actress Friend (as herself)
|
7. Jean
Luc Izach S. Malijan
|
Lead
Actor Friend (as himself)
|
8. Jhon
Carl B. Reyes
|
Lead
Actor Friend (as himself)
|
9. John
Riz C. Sevilla
|
Lead
Actor Friend (as himself)
|
10. Julianne
N. Herrera
|
Lead
Actress Friend (as herself)
|
11. Jun Vincent I. Celerio
|
Lead
Actor Friend (as himself)
|
12. Justine Marc D. Ovilla
|
Lead
Actor Friend (as himself)
|
13. Kim Shane C. Herrera
|
Lead
Actor Friend (as himself)
|
14. Kristine
Kelly B. Felismino
|
Lead
Actress Friend (as herself)
|
15. Lloyd Benedik Q. Medina
|
Lead
Actor Friend (as himself)
|
16. Paula
Alano
|
Lead
Actress Friend (as herself)
|
17. Revi
Therese A. Sotalbo
|
Lead
Actress Friend (as herself)
|
18. Kimberly
Anne B. Simbahan
|
Lead
Actress Friend (as herself)
|
19. Veinna Denice A. Austria
|
Lead
Actress Friend (as herself)
|
20. Vleine
Kyla P.Taguic
|
Lead
Actress Friend (as herself)
|
|
|
Dennis B. Lacsam
|
Adviser/Composer/Director
Choreographer/Trainer
|
Lorenza B. Umali
|
TLE Coordinator
|
No comments:
Post a Comment