Wikipedia

Search results

Wednesday, December 17, 2008

Ako at ang Tatsulok Kong Daigdig

Napakahalaga para sa isang mag-aaral ng panitikan na kumilala ng mga anyo ng literatura na likha ng iba't ibang manunulat, sapagkat sa pamamagitan nito nagkakaroon siya ng malinaw na pananaw na may iba pang mundong umiikot bukod sa kanyang ginagalawan.

Narito sa ibaba ang ilan sa mga sariling kathang tula at larawan na ginawa ng aking mga estudyante tungkol sa pananaw nila sa panitikang Tatsulok na Daigdig, isang matalinhagang sanaysay ng isang alagad ng sining at relasyon niya sa mundong kanyang ginagalawan na kanlungan niya ng tunay na kaligayahan.

Bagamat bagito at sadyang hindi sanay sa pagguhit ang mga estudyante ito, piniga ko ang natutulog nilang talento sa sining. Ipinaguhit ko sa kanila ang kanilang sariling interpretasyon tungkol sa paksa. Bukod sa pagdo-drowing, ipinalahad ko rin ang kanilang opinyon sa pamamagitan ng isang saknong ng tula na may apat na taludtod at lalabinwaluhing pantig.

Nawa'y matuwa kayo sa panonood at pagbabasa.



KYDD CARL B. PANDANAN

Kapag tatsulok ang mundo buhay ng tao’y magbabago

Di malaman kung papaano di alam kung saan patungo

Landas man ay paliku-liko kaya’t hindi matungo-tungo

Kanyang hangarin na matanto ang nais na tunay na mundo



ROMMEL P. JAINAR

Pumapangibabaw na sinag lang ang nagbibigay-liwanag

Dito sa ating munting mundo na hugis tatsulok tinibag

Na naaayon sa dahilan na s’ya namang kumakatawan

Mahirap man o mayaman sana’y magkapantay-pantay



MARIZ ROMERO

Kayamanan ba ang sukatan dito sa mundong ibabaw?

Tila nasa ilalim lamang mahihirap na tumatanaw

Sa mayayamang walang budhi mga dukha’y tinatapakan

Na para bang di natatakot sa di man lang nag-alinlangan



RALPH RICO F. AQUINO

Ang tatsulok nating daigdig punung-puno ng kasamaan

Nagbabadya ang kalagiman nararapat nating iwasan

Landas ng buhay ay itama kabutiha’y ating panigan

Mamuhay tayong masagana patungo sa kinabukasan



RONALYN A. VILLAMARZO

Paaralang pinapasukan, araw-araw pinupuntahan

At sa tuwing awasan naman agad diretso sa tahanan

Ang simbahan nama’y takbuhan kapag ako’y may kailangan

Sa tatlong lugar na ‘to lamang umiikot ang aking buhay



DANIE JONES M. GRAPE

Kung tatsulok itong daigdig mahihirapan ang marami

May mga ilang mamamayan sa salapi’y di mangingimi

Nasa taas ang mayaman sa ibabaa ang walang pera

Sila’y magsisikap sa buhay para mas malaki ang kita



MELANIE L. CALUPAS

Kung ating pag-uusapan ay ang pagkakapantay-pantay

Iyang tatsulok na daigdig ay sadya ngang malupaypay

Sapagkat buong sanlibutan sa salapi nakasalalay

Walang ibang pinaiikot kundi ang perang nasa kamay




ARVIN C. EXCONDE

Sa tuwing naiisip ko ‘to laging tanong sa sarili ko

Ano ang kahihinatnan ko? Makukuntent na ba ako?

Sa daigdig na naiisip ko masasanay bang laging gan’to?

Isang mundong hugis tatsulok, ito ba ang titirahan ko?




PAUL JHON DALISAY

Mga kaisipang nilikha mula sa damdaming may diwa

Mapagkubling mga gawa kaisipang puno ng awa

Batid ay mga alaala ng daigdig na nagdurusa

Ito’y nagsisislbing liwanag patungo sa bagong pag-asa




JOHN CHESTER R. MANGUBAT

Sa ating tatsulok na mundo mayaman ang nagingibabaw

Mga taong naghihikahos sa ilalim matatagpuan

Pilitin man nilang iahon kahirapan ng kabuhayan

Lahat-lahat ng mga ito’y tatak na sa kanilang buhay




MIRACLE A. REYES

Mundong ito’y may tatlong sulok na mayroon ding kahulugan

Sa aki’y damdamin, kasiyahan, kalungkutan kabagabagan

Itong Magandang kalikasan simbulo’y kagalakan

Sa kamataya’y pagdaramdam pangamba’y dulot ng digmaan




EUNICE R. ABUYABOR

Kalikasan ang ating mundo kaaya-ayang tingnan ito

Binibigyan linaw ang bagay na gumagalaw sa isip ko

Sa tatlong suolok ng daigdig na siyang ginagalawan ko

Nakapgbibigay ng kulay sa kadiliman ng mundo




SAMANTHA L. ALCANTARA

Mga magagandang tanawin halina’t ating dungawin

Hanggang sa ilalim ng dagat ating languyin at sisirin

Ang halimuyak ng bulaklak damhin at langhapin natin

Mga problema ay limuti pakinggan ang mga witin


ARNOLD TAPAY

Sa tatsulok kong daigdig walang humpay ang saya’t ligaya

Puno ng nag-uumapaw na damdamin na nagpapasigla

Hatid ng magandang bulaklak at mababangong ponsentya

Tunay na mahalimuyak tulad sa paraisong likha Niya

4 comments:

Anonymous said...

ang ganda naman nung kay ronalyn

Anonymous said...

YEHEY!!!

advnce MERRY CHRISTMAS

Dan Itchan Lee said...

to sir.. .
sir gagraduate na kami!
whooh sir sana tlaga kayo naging teacher namin sa filipino.. .
sir regalo ko nman oh, kahit copy lang ng "8 diwata ng pagkahulog" o kaya ung ibang nobela hehe.. .he
di ninyo natatanong sir, idol ko kau, pangarap ko din kasing maging isangh manunulat.. .
gusto ko rin makagawa ng nobela.. .
para sa kin kasi special ang mga nobela.. .
di ba sabi nga po dun sa "8 diwata ng pagkahulog".. . kab.3 yata.. .wala nman talagang special sa mundo unless someone will make it special on their own.. .
sir thanks po sa lahat.. .
panu ba yan abangan nyo na lang sir ang pangalang Christian Lidan sa libro.. . hehe (pero matagal pa un)
frm: itchan 4a

Tatsulok na Daigdig said...

Halu po.
Hingi lang po sana ako ng permission.

Gusto ko po sanang gamiting ang drawing ni Arnold Tapay para sa maliit kong blog : Aralin sa Filipino. I will mention your name/site and Arnold's name din po.

Sana po pwede.
Salamat.