Wikipedia

Search results

Monday, November 3, 2008

Kalye

Sa lahat ng IV-B,

Sa gitna ng mga pambansang isyu na kinakaharap ng bansa ngayon tulad ng kurapsyon sa pulitika, krisis sa ekonomiya at iba, may mga isyung panlipunan na malimit ay napapabayaan ngunit nangangailangan ng higit na atensyon. Bagamat sa maraming pagkakataon ay hindi nalalathala bilang ulo ng balita sa mga pambansang pahayagan ang ilan sa mga isyung ito, hindi rin matatawaran ang esensiya ng ganitong balita sapagkat higit itong nakaaapekto sa mga simpleng mamamayan na bumubuo ng malaking porsyento ng populasyon ng sambayanan.

Bilang estudyante na nag-aaral ng panitikan, mahalaga na may sapat kayong kabatiran sa mga isyung ganito upang maging bukas ang inyong kamalayan sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa inyong pamayanan, kultura at pagkakakilanlan bilang mga pilipino.

Bilang takdang-aralin, nais kong panoorin ninyo at bigyang-reaksyon ang programang Kalye: Mga Kwento ng Lansangan sa ABS-CBN sa Lunes, Nob. 3. Ang programa at ini-eere pagkatapos ng Bandila, ang panggabing balita ng nasabing istasyon.

Sa reaksyon ninyong gagawin, ay nais kong ilahad ninyo ang inyong kumento sa programa at ang dating nito sa inyo bilang kabataan. Katulad ng nauna na nating gawain, kailangang mai-post ninyo ang inyong kumento sa link na matatagpuan sa ibaba ng post na ito.

Hangad ko ang matalino, masusi at balanse ninyong pamumuna.

45 comments:

Anonymous said...

Para sa akin ito ay isang makabuluhan na palabas sapagkat may mga bahaging nakapaghahatid ng impormasyon tulad na lang ng mga kaalaman sa dengue marami akong tips na nakuha upang maiwasan ito.

Anonymous said...

Naawa ako sa mga bata na biktima ng sakit ng nakamamatay na sakit ng Dengue.Kahabag habag ang batang dinapuan ng Dengue na nasa stage 4 na.Para sa akin ito ay makabuluhan na palabas na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa nangyayari sa mga lansangan na hindi natin inaakala na mangyayari.

Anonymous said...

Sa aking napanood na ang pamagat ay Kalye,marami akong natutunan dito. Katulad nalang ng kailangang mag-ingat upang hindi magkasakit. At sa isang Kabataan na tulad ko kailangang piliin ang tamang gagawin katulad ng paglalaro ng Football kaysa tumambay na wala namang mapapala.

Anonymous said...

Maganda ang ipinapahatid ng palabas na kalye sa bawat manonood. Nagbibigay ito ng aral sa mga kabataan

Anonymous said...

Sa isang dokumentaryong aking napanood na pinamagatang "kalye"ay isang napakagandang palabas . Marami ang matutunan at maipamumulat ang kahalagahan ng bunay. Isa itong inspirasyon sa mga kabataan. Ipinakikita nito ang mga nangyayari sa tunay na buhay. Isang bagay na makapagmumulat sa katotohanan at realidad ng buhay.

Anonymous said...

Naaawa ako sa mga batang biktima ng nakamamatay na sakit na dengue,ganoon din sa kanilang mga magulang na naghihirap din para pambili ng gamot ng kanilang anak na biktima ng sakit na dengue.Naaawa din naman ako sa mga batang laki sa kalye na tinatawag na'jumpers' na wala ng magulang kaya nagagawa nila ang gumawa ng masama.Natutuwa naman ako sa mga kabataan sa Tondo dahil kahit laki sila sa kalye ay naenganyo pa rin sila na maglaro para na rin malayo sila sa mga masasamang gawain.sa kabuuan maayos at naihatid ng dokyumentaryo ang impormasyong nais nitong iparating.

Anonymous said...

Kagat
Nakakaawa ang nabibiktima ng dengue lalong lalo na ang mga walang sapat na salapi upang ipagamot ang kanilang mga anak. Walang pinipili ang mga lamok na ito kahit sino'y maaaring mabiktima ng mga walang awang lamok na may dala ng nakakamatay na sakit.

Jumpers
Ang mga kahindik hindik ba pangyayari na aking nasasaksihan,ang mga batang walang pangambang umaakyat at tumatalon sa mga malalaking sasakyan(trak) upang makakuha ng mga bagay na pedeng pakinabangan.Awa at pagkapoot ang aking naramdaman sapagkat pinapapabayaan ng mga magulang ang trabahong ginagawa ng kanilang mga anak.

Laro
Nakatutuwa naman ang mga laro dahil ito ang nag-iiwas sa mga kabataan upang malayo sa mga bisyo naktutulong din ito upang ipalakas ang resistensiya ng ating katawan.Ang larong foot-kal ang pinagkakaabalahan ng mga bata sa Tondo dahil dito nalilibang nila ang kanilang sarili at nalalayo sa masasamang gawain.

Anonymous said...

Sa kabuuan ng nasabing palabas, mahalagang napagtutuunan natin ng pansin ang bawat pangyayari na nangyayari sa ating kapaligiran. Sa pagkakaroon ng kapabayaan sa ating kapaligiran nagkakaroon ito ng epekto sa ating mga kalusugan. Kung kayat marapat nating pangalagaan ang ating kalusugan maging ang ating kapaligiran upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari.

Masasabi kong mayroong mga pagkukulang ang ating pamahalaan sa kaniyang pinamamahalaan. Kagaya nito ang pagpapabaya sa mga batang walang maituring na pamilya. Kung kayat nahihikayat silang gumawa ng laban sa kanilang kapwa upang maipantawid sa kanilang pamumuhay.

Masasabi kong lahat ng maaaring ipaalam sa atin ng nasabing palabas ay natalakay ayon sa gustong ipahatid sa atin.

Anonymous said...

Kagat
Nakakalungkot isipin na sa isang maliit na kagat ng lamok ay nakakapagdulot ng malaking pinsala sa ating kalusugan.Masakit rin para sa isang magulang ang makitang naghihirap ang kanilang anak dahil sa dengue.Katulad na lamang ni Glaizel at Jhon Lester,ang mga batang itro na nasa stage four na ang sakit na dengue. Nakakaawa sapagkat ang walang kamalay-malay na mga bata ay nahihirapan.Napaiyak si Sol habang kinakausap ang ama ni Jhon Lester dahil nararamandaman niya ang pagkaawa sa anak na may sakit.Dapat nating panatilihing malinis ang ating bahay upang makaiwas sa dengue.
Jumpers
Isa sa pinatutunguhan ng mga kabataang hindi nakakapag-aral dahil sa hirap ng buhay ay ang pagiging jumpers.Nakakalungkot rin ang mga kabataang sumasampasa truck pagkatapos ay kukuha o magnanakaw ng mga bagay na kapaki-pakinabang para sa kanila at tsaka tatalon at tatakbo ng mabilis.Delikado para sa kanila ang kanilang ginagawa sapagkat maaari silang maaksidente sa pagtakbo dahil mabibilis ang takbo ng mga sasakyan.Ngunit sabi nga ng ilan gaano man kaloko laging may puwang sa pagbabago.
Laro
Sa kabilang banda nakakatuwa naman ang mga kabataan sa Tondo.Ang hilig nila ay ang paglalaro ng football o tinatawag nilang futkal.Sa pangunguna ni coach Peter tatlong beses sa isang linggo sila kung magpraktis.Sa larong ito hindi nila kailangan ng maraming kagamitan.Malaki ang nagagawa ng larong ito sa mga kabataan dahil nailalayo nito sila sa mga illegal na gawain at pagtatambay.

Anonymous said...

Para sa akin naging makabuluhan ang buong programa.Maayos ang mga pagtatalakay sa bawat eksena. Maraming natutuhan ang mga kabataang tulad ko.

Anonymous said...

Bagamat hindi ko natapos ang palabas masasabi kong maganda ang kwento ng dokumentaryo, ito ay napaka impormatibo tungkol sa mga kaganapan at usapin na nagaganap sa ating mga lansangan. Masasabi ko ring maayos at maganda ang kinalabasan ng pagsasakadokumento ng mga panyayaring ito.

Anonymous said...

Sa ating buhay kailangan talagang nating mag ingat at suring mabuti ang ating kapaligiran kung ito ba ay malinis upang hindi tayo magkasakit katulag ng "dengue". Kasi ito ang isang magiging sanhi ng kahirapan ng ating bansa.

Mahirap talaga ang buhay kung tayo ay walang pinag aralan. Dahil katulad nga sa ating napanuod maraming bata ang gumagawa ng masamang gawain at ito ang naging isang sanhi kung bakit nagagawa nila ang mga ganitong bagay.

Totoo nga ang malibang ka na sa mga laro na makabubuti sa iyo kaysa nga naman na tumambay ka at makakuha ng masamang impluwensya sa iyong mga kinakasama.

Anonymous said...

Sa aking napanood maganda ang impormasyon na aking nalaman sa mga bagay-bagay. Bilang kabataan malaki ang naitutulong nito para malaman ang mga kwento na galing sa mga batikang manunulat at reporter.

Anonymous said...

May magandang presentasyon sa pagdodokumentaryo ng bawat paksa.May maayos at malinaw na paglalahad sa mga impormasyon ng bawat paksa upang maging dahilan ng maayos at malinaw na paghahatid mga mensaheng nais nitong iparating sa mga manonood. Kahit na hindi ko masikmura ang ibang paksa na ipinapakita at pagdodokumentaryo ay naging maganda naman ang pagsasahatid ng katuturan. Makabuluhan ang bawat paksa dahil nagbibigay ng kaalaman ito sa mga manonood.

Anonymous said...

Ang mga pangyayari sa nasabing palabas ay naglalahad ng mga makatuturang bagay. Ito ay nakatutulong sa atin upang malaman ang mga suliranin ng ating bansa. Naglalahad ito ng mga tunay na pangyayari sa ating bansa. Para sa akin, kadalasan ay hindi natin napapansin ang mga bagay-bagay o mga tao sa ating paligid sa pang araw-araw nating pamumuhay. Katulad na lamang sa pinanuod nating palabas na tinalakay ang pamumuhay ng mga tao, paglilibang at mga kamalian sa buhay. Naghahatid ang programang ito ng kaalaman natin sa mga pangyayari sa kalye.

Anonymous said...

Ang aking napanood na isang dokyumentaryo na pinamagatang "Kalye". Para sa akin makabuluhan ang palabas dahil marami matutunan sa palabas na ito. Gaya ng mag-ingat upang hindi magkaroon ng sakit,isipin kung tama ba ang gagawin para hindi mapahamak,at umisip ng paraan para makagawa ng maayos gaya ng maglaro na lamang huwag tumambay wala namang mapapala.Maayos din naman ang nagrereport dito tamang-tama lang sa kanila.Nahihikayat din ang mga kabataan dito at marami rin silang natutunan.

Anonymous said...

Maganda at makatotohanan ang nais ipahatid ng dokumentaryong "KALYE". Maraming matututuhan at malalaman ang mga mamamayan sa mga bagay ukol sa kalusugan,isport,at mga bagay na nangyayari sa kasalukuyang panahon. Nakahihikayat ang ganitong mga panoorin lalo na sa mga kabataan upang mamulat sila sa mga bagay at matuto ang bawat isa na harapin ang pagsubok ng buhay.Ang pangyayaring darating,at magakaroon ng kaalaman ang lahat sa mga bagay na kapakipakinabang.

Anonymous said...

Ang programang pinamagatang "KALYE" ay nakatawag ng aking atensyon. Dito naipamulat ang aking kamalayan sa mga bagay na lingid sa aking kaalaman ay may mga nangyayari palang mga kahindik-hindik na pangyayari. Nakita ko sa dokyumentarong ito ang mga ginagawa ng mga mahihirap upang mabuhay, ang mga nagiging karamdaman at malulubhang sakit, at ang kani-kanilang mga libangan. At dahil,sa mga ulat ng mga beteranong mga reporter naipahayag nila ito ng mahusay. Talagang sila mismo ang umalam ng mg gingawa ng ating mga kababayang kapuspalad. Sa pangkalahatan naipakaita nila ang kanilang mga saloobin.

Anonymous said...

Sa kabuuan ng kwentong inilahad sa palabas na kalye ay masasabi kong maganda ngunit nakalulungkot ang ibat ibang karanasan ng mga kabataan. Inilahad ng episode na ito ang mga nararanasan ng kabataan sa hirap ng buhay. Nakalulungkot isipin na dumaranas ng hirap ang mga batang dapat ay nasa paaralan at nag-aaral. Dahil sa maruming kapaligiran na tinitirahan ng ibang tao ay nakakakuha sila ng sakit mula sa maruming tubig na pinagbabahayan ng mga lamok. Para sa akin, sumasalamin ang mga ito sa kakapusan ng ating bansa sa maayos na tirahan.

Anonymous said...

Ang palabas na kalye ay isang magandang palabas.Makatotohanan ang bawat pangyayaring kanilang ibinalita sa atin.Ang kagat na biinalita ni Sol Aragones ay tungkol sa kagat ng lamok.Nakakalungkot nga lamang dahil maraming namamatay dahil sa dengue dahil kulang ang kaalaman ng maraming mahihirap kung paano maiiwasan ito.Ang anak ni Sol Aragones ay nabiktima na rin ng sakit na ito kaya ngayon siya ay nag-iingat na.Kung marami nga lang sanang mga tao ang nakakaalam upang maiwasan ito di sana di wala ng mabibiktima .Jumper ang tawag sa mga kabataang umaakyat sa trak upang kumuhaq ng mga bagay na maaaring pagkakitaan ngunit di nila iniisip na ma nakaambang panganib ang kanilang ginagawa nakakalungkot itong isipin dahil sa hirap ng buhay .Maganda ang sinabi ni Anthony Taberna na kahit gano ka man kaloko may puwang upang ikaw ay magbago.Ang laro ni Atom ASraullo ay magandang halimbawa sa bawat kabataan dahil nakakatulong ito upang makaiwas sa masama.

Anonymous said...

Kagat
Sa panahon natin ngayon ay marami talagang nagkakasakit.Isa na rito ang pagkakaroon ng dengue.Madalas nagkakaroon nito ang mga bata.Sa palabas na kalye ay sangayon ako sa mga binigay na kaalaman sa mga tao.
Sa akin ding pagsususri
ay kailangan na talaga na puksain natin ang mga lamok dahil parami ng parami na ang mga taong nagkakasakit dahil dito.

Jumpers
Sa aking napanood ay talagang madami nang tao ang naghihirap ngayon.Kahit na masama ang kanilang ginagawa ay wala silang pakialam.Ngunit may mga tao din namang may kunsensya at nag babagong buhay.Na laman ko din na hindi hadlang ang kahirapan upang mabuhay.Ang kailangan ng tao ay sipag at tiyaga.

Laro
dito napakita ang mga batang nababago ang buhay dahil sa isang laro na tinatawag nilang footkal.Kilala ito sa Tondo.Maraming mga bata ang nagkakaroon ng direksyon ang buhay dahil dito.Nang mapanood ko ang isang interview sa isang bata ay napansin ko na malaki ang nagawa ng isang laro sa buhay nya.Dati ay isa lang siyang tambay at puro sugal ang inaatupag at ngayon ay hindi na niya iyon ginagawa.Hindi mahirap matutunan ang footkal.Pwede kang maglaro nito kahit biyak biyak na ang iyong sapatos at kahit hindi bago ang iyong gagamitin na damit.

Anonymous said...

Bilang isang kabataan na nakapanood ng palabas na "Kalye". Masasabi kong isang maganda at maayos na palabas ito. Nagbibigay aral at pag-iingat sa mga taong nakapanood tulad ko. Dito ko nalaman na hindi lang mga bata ang dapat mag-ingat kundi tayong lahat na nabubuhay. May mga pangyayari akong nakita na nagpalungkot sa akin. Ito ay yung mga batang umaakyat sa trak o tinatawag natin ngayong "Jumper". At meron namang nagpasaya sa akin. Ito ay ang mga batang-tondo na halip na makipagbasag-ulo ay pinili na lang nilang maglaro ng "Futkal". At ito ang ipinakita sa huling palabas na pinamagatang "Laro".

Anonymous said...

Sa aking napanood na KALYE maraming akong nakuha na mga impormasyon lalo na dun sa Dengue o KAGAT na inilahad ni Sol Aragones,na marami kang malalaman tungkol dito.Nakatulong ito upang mas maiwasan natin ang pagkakaroon ng ganitong sakit.Katulad din sa iba pang inilahad ay naipakita dito kung ano ang mga ginagawa ng mga kabataan sa kalye na hindi ginagawa ng ordinaryong kabataan.At pagpapakita sa lipunan kung ano nga ba ang buhay sa kalye.

Anonymous said...

Ang kalye para sa akin ay isang napakagandang programa para sa mga kabataan pati na sa lahat.Nakakaantig ng damdamin ang bawat isinasalaysay nila.Bilang isang mamamayan,kailangan kong pangalagaan ang kapaligiran para hindi tayo dapuan ng mga sakit gaya ng dengue.Tama lang yung kanilang mga sinabi nilang paraan para makaiwas sa traydor na sakit na ito.Masakit mang isipin na dahil sa kahirapan ginagawa ng mga bata ang lahat para sila ay mabuhay.Naaawa ako sa kanila at akoy nagagalit sa kanilang mga magulang dahil hindi sila iniwawasto ng mga ito.Kagagawan nila ito,kaya naman ang mga pulis ay wala na ring magawa.Sa pangatlong palabas,ito ang aking nagustuhan.Isang magandang libangan ito para sa mga kabataan na naliligaw ng landas.Maiiwasan nila ang makipagbasag-ulo.Bukod dito,may bagong matututuhang laro sila.Sana ay ipagpatuloy nina Charles at Peter ang larong footkal hindi lang para sa mga taga-Tundo pati sa lahat ng mga bata sa bansa.

Anonymous said...

Ang programang "KALYE" ay isang magandang palabas kung saan hango sa nangyayari sa totoong buhay sa lipunan.Sa paksang "kagat" na tinalalakay ni Sol Aragones,nakakalungkot mang isipin na walang nagagawa ang pamahalaan sa paglutas ng mga suliranin sa kalusugan.Katulad na lamang ng dengue,isang sakit kungsaan isang sakit na minsa'y humahantong sa kamatayan.Sa paksa ni Anthony Taberna na "jumpers".Nakakalumong isipin na ang batang pag-asa ng bayan sya pang dumudungis sa lipunan,mga batang dapat ay nasa silid aralan ngayon ay nasa lansangan.Sila ay gumagawa ng masama para lamang mabuhay.Ano nga bang magagawa ng pamahalaan kung angf sariling batas ang makakapagligtas sa may kasalanan.Sa Paksa namang "laro" ni Atom Araullo ,nakakatuwa na may mga batang naliligtas sa mga masasamang bisyo kapalit ang pag-lalaro ng Fut-kal kung saan maipagmamalaki at tunay na kapakipakinabang sa bansa.Natutuwa ako sa pinakitang katapangan sa pagsasalita ni Anthony Taberna kung saan lakas loob nyang pinangalandakan ang pagnanakaw ng mga mayayaman sa sarili nilang kapakanan.Sa munting oras nang palabas na ito nakapagbigay sila ng impormasyon sa mga taong nanonood sa nagaganap sa paligid natin.

Anonymous said...

Mahusay ang pagkakalahad ng bawat istorya sa palabas na "Kalye". Nagbibigay ito ng mga kinakailangan impormasyon. Isa na rito ang "Kagat" na ikiniwento ni Ms.Sol Aragones. Dito ay buo niyang ipinaliwanag ang mga pangunahing dahilan at sanhi ng pagkakaroon ng sakit na dengue. Ibinigay din niya ang mga epektibong paraan upang ang sakit na ito'y maiwasan. Makabuluhan ang palabas na ito. Sa episode na "jumpers" naman na ikiniwento ni Mr. Anthony Taberna,ay malinaw na ipinakita ang mga kabataang walang takot na kinakaharap ang panganib makakuha lamang ng mga kalakal na kanilang mapakikinabangan. Maganda ang intensyon ng pagpapalabas ng palabas na ito. Ito ay upang mamulat sa katotohanan ang mga taong ganito ang mga gawain. Sa episode na "laro" ni Atom Araullo ay puno rin ng aral. Sapagkat ipinakikita nito ang pagbabago ng mga taong tambay sa Tondo. Mabisa itong ipapanood sa mga kabataan "out of school youth" upang mainganyo silang gumawa ng mabuti at malayo sa kasamaan.

Anonymous said...

Kagat
Sa panahon ngayon,pataas ng pataas ang bilang ng nagkakasakit.Ito'y isa sa pinakamalalang sakit na maraming mamamayan natin ang namatay.Nakukuha ang sakit na ito sa maruming tirahan at kapaligiran.Ating panatilihing malinis ang ating lugar.

Jumpers
Napakaraming mga kabataan sa mundo ang nagnanakaw.Tinatawag nila itong mga jumpers.Sa kalawakan ng kalye doon nila isinasagawa ang kanilang pagnanakaw,umaakyat sila sa malalaking sasakyan at kinukuha nila ang mga bagay na maaaring ipagbili.Iba't-iba ang paraan ng pagnanakaw para lamang magkapera.At nakakalungkot ang mga kabataan na nagsisigawa nito.

Laro
Sa Tondo marami ang mahilig na kabataan ang naglalaro ng footkal.Ipinapakita nila na ang footkal ay pwede rin sa mga dukha at marami ang mga kabataan ang nagbago dahil sa larong ito.Sa halip na tumambay ang pinagtutuunan ng kanilang pansin ay ang laro.

Anonymous said...

KALYE ito ang pamagat nag isang programa sa ABS-CBN na nag-bibigay kaalaman at impormasyon tungkol sa mga kwentong lansangan.Nang aking itong pinanood talagang nakakagising ng aking isipan marami akong natutunan at lalo ko pang naintindihan dahil maganda ang pagkakareport ng magagaling na mga news anchor ng palabas.

Bilang isang kabataan malaki ang naitutulong nnito para mapalawak pa ang aking kaalaman. Kung marami pang kabataan ang makakapanood nitong palabas darami ang makakatuklas at higit na lalawig ang kaalaman nating lahat.

Anonymous said...

Sa kwentong "Kalye" ay makatotohanan ang mga pangyayaring nagaganap sa ating buhay. Katulad na lamang ng pagkakaroon ng sakit na dengue. Kaya kailangan bilang isang mag-aaral, panatilihin malinis at ligtas ang lugar na tinitirhan. Upang maiwasan ang sakit na dengue.

"Jumpers" ipinakita ang kahirapan ng mga batang lansangan at kung gaano kahirap ang buhay kalye.

"Futkal" ang laro ng mga batang lansangan na pinamagatang LARO.

Anonymous said...

"KALYE" ito ay isang palabas na nagpaantig sa aking puso,mula sa unang istorya na ang pamagat ay "Kagat" na tungkol sa nakababahalang dengue! na maaring magdulot ng kamatayan.Pangalawa "JUMPER" na tungkol sa mga lalaking nasabit sa truck upang makakuha ng pwedeng kalakal na pangtustos sa kanilang mga pangangailangan. Delikado ang gawaing ito at labag sa batas kaya't ang iba sa kanila na nahuli na ay nagbagong buhay dahil nalaman nila sa kanilang sarili na mas marangal pa ang mangalkal ng basura kaysa gawin ang delikado at labag sa batas na gawaing ito. "LARO" ito ay ang laro ng mga tambay sa tondo na tinatawag ding "FOOTKAL" bianago ng larong ito ang buhay ng mga tambay sa tondo. Sa akin ang mga istoryang itinampok dito ay nagbibigay ng ng babala,sa maaring maging dulot ng dengue,pagbabagong buhay,pagkamulat sa mga maling gawain tulad ng pag jujumper at pagbibigay kasiyahan sa isang larong maariing makapagpabago ng pagiging buhay istambay. Isang magaling na programa ito para sa ating pamayanan na nagmumulat sa pagiging pakamalikhain,pagbibigay ng kalinga at intensyon sa iba at pakikipagkapwa tao.

Anonymous said...

Napakarami ng mga sakit ang naglalabasan sa panahon ngayon.Dahilan nito ay ang napakaruming kapaligiran natin.Isa na rito ang dengue fever.Nakukuha ito sa mga lamok na nanininarahan sa matining na tubig sa paligid.Nakakaawa ang mga batang nagkakasakit ng ganito dahil bata pa lamang sila ay nakakaranas na sila ng malalang sakit na kung lumaon ay hindi na malunasan.Nakakahabag pagmasdan ang batang nai-feature sa palabas na ito kagabi dahil hindi na halos s'ya makamulat at makabangon dahil nasa kritikal na stage na ang kanyang sakit.Sana ay maiwasan natin ang mga ganitong sakit lalo na at laganap pa ito.


Hindi na pangkaraniwang isyu pa ang pagnanakaw ng mga bata.Laganap na laganap ito sa ating bansa lalo na sa kalakhang Maynila.Imbes na nagaaral ay nasa lansangan sila at umaakyat sa mga sasakyang nagdaraan.Nagagalit ako sa mga magulang nila dahil sila dapat ang naghahanapbuhay para sa kanilang mga anak.


Ang segment na ito ay dapat mapanood ng mga kabataan upang sila ay mahikayat maglaro ng ganitong sports at hindi 'yung nagpapakalat kalat sila.

Anonymous said...

Nakakalungkot isipin na ang sakit na dengue na dala ng lamok ay walang pinipiling edad,matanda man o bata.Sa ikalawang paksa "JUMPERS" na nangangahulugang pagnanakaw,isang illegal na gawain kung saan nakagagawa sila ng masama upang mabuhay dahil sa kahirapan.Ang ikatlong paksa "LARO" kung saan ang larong footkal ay nakapagpabago ng buhay ng mga kabataan sa Tondo.Sa kabuuan maganda ang impluwensya ng ilang paksa ng programa ,tulad ng laro na footkal na mayroon ng pagkakaabalahan ang mga kabataan para hindi gumawa ng masama.Malaki ang naitulong ng paksang kagat sa kaligtasan ng mga tao dahil nagbigay ito ng suhestiyon para makaiwas sa dengue.Maganda at maayos ang mensahe ng programang "Kalye" para mamulat ang ilang kabataang nalilihis ng landas.Magaling at mahusay ang pag-uulat ng mga anchors sa programa.

Arlene Way said...

Nakakalungkot isipin na maraming Pilipino ang nagkakasakit kalimitan sa mga bata. Nakita ko ang pagkaemosyonal ni Sol Aragones nang makita niya ang mag-ama sa hospital. Naramdaman ni Sol ang kalungkot ni Aldrin dahil sa nagkadengue na rin ang anak niyang sa Anika. Kailangan nating mag-ingat at sumunod sa mga paalala na binanggit sa Kalye upang makaiwas sa dengue. Hindi ko na iisa-isahin ang mga tips na iyon dahil sa alam na natin ang mga iyon.

Maraming kabataan ngayon ang hindi nag-aaral kaya piniling magtrabaho. Ngunit ang iba ay sa masamang paraan nagtatrabaho. Tulad na lang sa Road 10 sa Tondo. May mga kabataang tinatawag na jumpers. Kumukuha o nagnanakaw sila sa mga trak. Wala sialang pinipiling oras. Noong 2007, sampu ang naitalang nakulong na mga jumpers. Ang mga kabataan ngayon ay napabayaan ng kanilang mga magulang at pamahalaan.

Sa isang barangay sa Tondo ay maraming mahilig maglaro ng footkal. Ang football ang pinakasikat na laro sa buong mundo. Maraming kabataan ang nahihilig dito. Masaya ako dahil bagkus na tumatambay at naglalaro lang ng mga computer games ay sumasali sila sa footkal. Sana lamang ay mas dumami pa ang maengganyong maglaro nito.

Sa kabuuan naman ng palabas ay naging maganda at maayos na naipakita nina Sol Aragones para sa Kagat, Anthony Taberna sa Jumper at Atom Araulio sa Laro ang mahahalagang bagay na kailangan nating malaman.

Anonymous said...

Ang programang Kalye ay nagpapakita ng ibat-ibang nangyayari sa kalye. Katulad na lang ng dengue, ang sakit mula sa mga lamok na nabubhay dahil sa mga maduduming tubig na hindi naitatapon at mga maduduming lugar na di nalilinis. Maraming mga magulang ang walang magawa kundi tingnan ang kanilang mga anak na nadapuan ng dengue. Nakakaawang tingnan ang mga batang di mo alam kung makakayanan o hindi na ang kanilang sakit.

Dahil sa kahirapan maraming mga bata ang nakakaisip ng masama tulad ng mang-jumper. Buti pang maglaro ng footkal para makaiwas sa mga bisyo at makalayo sa gulo. Ang larong footkal ay maraming nahihikayat na kabataan.

Walang napabayaang mga eksena sa programa at maraming natututunan ang mga kabataan dahil sa programang ito.

Anonymous said...

KAGAT

Isang kahindik-hindik na sakit ang dengue fever. Kumikitil ito ng buhay ng tao. Bata man o matanda ay hindi pinipili ng sakit na ito. Sa mga ipinakitang kalagayan ng mga batang may dengue sa programang KALYE, nakalulungkot na ang ilang sanhi nito ay ang hindi pag-iingat sa loob ng tahanan. Ang pag-iiwan nang walang takip sa mga inimbak na tubig ang isang halimbawa nito. Subalit nakatutuwa ring malaman,sa isang banda, na maaari namang maiwasan ang sakit na dengue,gaya na suhestiyong ibinigay sa programa.

JUMPERS

Ang kahirapan ay talagang nagiging sanhi kung minsan ng paggawa ng masasamang bagay upang mabuhay lamang sa mundong ito. At ang sanhing ito ay nakaaapekto sa ibang mga tao. Nakababagabag malaman ang bagay na ito dahil pumapangit ang reputasyon ng mga taong gumagawa ng masama tulad ng jumpers,kahit pa ang dahilan nito ay mabuti. Samantala,nagdudulot naman ng pagkabahala at pagdurusa ang kasamaan sa mga ginagawan nito. Ngunit ang nakagagalak,may posibilidad pa ring magbago ang isang masamang tao kung may kabutihan talaga sa kaniyang kalooban, na pinatunayan ni mang Julio Lalaguna.

LARO

Ang mga kawili-wili at nakalilibang na mga laro ay masasabing makatutulong upang makalimutan ang walang kuwentang mga bagay na dating ginagawa ng isa. Bukod sa nakaaaliw na,naiiwasan pa ang masasamang bisyo at umuunlad ang pisikal na lakas ng naglalaro. Kaya kasiya-siyang makita ang mga kabataan sa Tondo na "foot-kal" ang ginagawang pampalipas-oras,sa halip na pagtambay. Magsisilbi rin itong tip sa iba upang mabawasan ang mga pagala-gala sa lansangan.

Anonymous said...

"kalye" isang napakagandang palabas dahil marami kang matutunan at marami kang makukuhang kaalaman gaya ng ipinakita ni Sol aragones na"kagat" ito ay tungkol sa sakit sa dengue dito ipinakita kung gaano ka grabe ang kagat ng lamok.upang maiwas san ang pagkakasakit ng dengue dapat na linisin natin ang ating kapaligiran.pangalawa"jumpers" ito ay isang illegal na gawain. dito ipinakita kung ano ang kalimitang trabaho ng isang batang lansangan.pangatlo"laro" dito ipinakita kung ano ang magandang idudulot ng paglalaro sa ating buhay. sa paglalaro maiiwasan ng kabataan ang gumawa ng masama .

Anonymous said...

Sa programang "Kalye" ay ipinakita ang mga sakit na dumadapo tulad ng dengue na hindi lamang sa mga bata kundi pati sa mga matatanda.Dahil sa mga tubig na napabayaan na nakastock at hindi tinatakpan.Dito ay nangingitlog ang mga lamok na kumakagat sa mga tao.
At ipinakita rin dito ang iba't ibang uri ng sakit ng lipunan tulad ng "Jumpers".Karamihan sa mga gumagawa nito ay ang mga kabataan na maaaring mapahamak.Dahil sa kapabayaan ng mga magulang kaya nagagawa ito ng mga kabataan.
At ang mga laro tulad ng "Futkal" na kung saan marami sa mga bata ang naaakit dito.Maganda ito sapagkat malalayo ang mga kabataan sa bisyo na magdudulot lang sa kanila ng masama.
Ang programang ito ay nagbigay aral sa bawat isa sa atin.

Anonymous said...

"KALYE"Isang napakagandang programa ang pinalabas ng ABS-CBN kagabi.Napakadami kong natutuhan sa palabas na ito."KAGAT" isangv nakamamatay na sakit ang Dengue.Nakalulungkot isipin na napakarami na ng taong namamatay dahil sa sakit na ito.Ang isa pang nakalulungkot ay mga kabataan ang kadalasang biktima ng sakit na ito."JUMPER" Nakalulungkot isipin na ang mga kabataan ngayon ay napapabayaan na ng kanilang mga magulang.Natututo tuloy silang magpalaboly-laboy at magnakaw sa mga sasakyan."LARO" iasang magandang balita na ang ibang kabataan sa Tondo ay nahuhumaling sa larong foot ball.Makabubuti ito para sa kanila dahil malalayo sila sa masasamang bisyo at nagkakaroon pa ng mga kaibigan.

Anonymous said...

Isang magandang programa ang "Kalye" ni Ms. Sol Aragones .Ipinakita rito ang ibat ibang paksa ;Ang kagat,jumpers,laro.Sa kagat,isinalaysay na ang karamihan sa atin ay walang alam sa sakit na "Dengue",na isa sa sampung pinaka nakamamatay na sakit sa buong mundo,ang kawalang kaalaman ay maaaring maging sanhi ng kamatayan.Inilahad nila kung ano ang mga sintomas ng sakit,pinagmumulan at solusyon na maaari nating magamit upang makaiwas.ikalawa,Jumpers kung saan isang ilegal na gawain kung saan ang mga kabataan ay umaakyat sa mga nakatigil na sasakyan,kinukuha ang mga mapapakinabangang kalakal na hindi namamalayan ng may ari.Nakalulungkot isipin na sa sobrang kahirapan ng mga kababayan nating mga pilipino ay nakagagawa ng masamang bagay,mahalang naiparating nila sa atin ang kalagayan sa ibang lugar,mabuksan lamang ang isipan ng pamahalaan sa usaping kahirapan.Ang pinakahuli Footkal,o football sa kalye mahalagang pagtuunan natin ng pansin ang sports dahil sa ngayon natitiyak kong hindi maaasikaso ng gobyerno ang programa sa sports dahil may mas marami pag makabuluhang pangangailangan ang bansa natin.Dahil sa larong ito,nalayo sila sa madilim na kinabukasan,nasisiyahan akong napagsama sama nila ang tatlong ibat ibang paksa sa isang prorama.

Sa tatlong iyon,naipahatid nila ang mga aral at mensahe sa manonood.Magagaling ang nagsipag-ulat,marunong silang makisama sa mga tao.Sana ay mgkaroon pa sila ng makakabuluhang panoorin.

Anonymous said...

"KAGAT"
Dengue, isa itong nakamamatay na sakit mula sa kagat ng lamok. Ipinapakita dito ang ilang kaso ng mga batang may dengue na talaga namang nakakaawa na pagmasdan sa kanilang paghihirap. Nang mapanood ko ito ay napapaluha ako sa awa sa mga bata dahil alam ko ang hirap na kanilang pinagdadaanan sapagkat maging ako ay nabiktima na rin ng sakit na ito. Gayun din sa kanilang mga magulang na walang magawa kung hindi pagmasdan ang pagdurusa ng kanilang mga anak. Kayat lalong pinagiigting ng pamahalaan partikular ang Department of Health ang kampanya sa pagiwas at pagsugpo sa mga lamok na nagdadala ng delikadong sakit na Dengue. Higit sa lahat ay nagustuhan ko rin ang pagpapalabas ng mga dapat iwasan at sintomas ng Dengue dahil makaiiwas ang mga magulang at lalo na ang mga kabataan dito.

"JUMPERS"
Nakalulungkot isipin na ibinubiwis ng mga kabataang jumpers ang kanilang buhay sa pakikipag patintero sa mga ito. Ngunit wala ring magawa ang mga may kapangyarihan dahil sa batas natin na sumasakop sa mga kabataan na may edad 18 pababa at ang iba ay na pupunta nalamang sa pangangalaga ng DSWD. At pagdating sa pagpapalabas ng programa ay naging maganda rin ang pagpapakita nito sapagkat ang kanilang iniuulat ay mismong nasasaksihan nila at nakakahalubilo ang mga taong may kinalaman sa kwento.

"LARO"
Nakasisiyang pagmasdan ang mga kabataan ng Tondo na naglalaro ng "football" o ang tawag nilang "futkal" dahil nailalayo sila sa masasamang bisyo. Nagigigng daan din ito para magkaroon sila ng disiplina sa sarili, para sa kanila ito ay hindi basta libangan kundi isang uri ng isports.Sana ay marami pa ang magkaroon ng ganitong hilig upang maiwasan ng mga kabataan ang mapariwara ang kanilang buhay.Dumami rin sana ang mga barangay ang tumulad sa Tondo at maglunsad ng ganitong laro dahil mas uunlad ang ating bayan kung mababawasan ang tambay sa lansangan.

Anonymous said...

Ang programang "Kalye" ay napakagandang palabas. Dahil sa programang ito nalalaman natin ang buhay ng tao sa kalye. Sa tinalakay nilang "kagat", ipinakita nila ang kung gaano kalala ang sakit na dengue. Para sa ating kaalaman, ang dengue ay isang traydor na sakit. Kaya bilang isang mag-aaral kinakailangan nating mag-ingat sa sakit na ito. Sa "jumpers" naman ipinakita kung ano ang ginagawa ng mga kabataan sa Road 10. Pinakita nila na ang mga kabataan ay nangunguha ng mga bakal na maaari nilang ipagbili. Sa aking palagay nagagawa lamang nila ito dahil sa kakapusan sa pera. Sa pinamagatan namang "laro" ipinakita dito ang mga kabataan na nag-lalaro ng Football. Ito ang ginagawa nilang libangan upang maiwasan nila ang pag-gawa ng masasamang bagay.

Anonymous said...

Ang programang "Kalye" ay nagpapakita ng mga paksang may kinalaman sa ating kapaligiran. Ang kanilang unang paksa ay ang "Kagat" kung saan pinakita ang mga batang nakikipaglaban sa sakit na dengue. Ang dengue ang isa sa sampung nakamamatay na sakit sa Pilipinas. Pinakita rin sa paksang ito ang mga sintomas ng dengue. At kung paano tayo makakaiwas sa sakit na ito. Ang ikalawa naman ay ang "Jumper" dito naman pinakita ang mga batang umaakyat sa malalaking truck para kumuha ng mga kalakal para ipagbenta. Walang magawa ang mga may kapangyarihan dahil sa hindi pwedeng ikulong ang mga ito dahil sa mga minorde edad pa ang mga ito. Hindi nila iniisip ang kapahamakan sa kanilang ginagawa. Ang ikatlo naman ay ang paksang "Laro" dito naman pinakita ang mga batang Tondo na nagbagong buhay dahil sa larong footkal ang iba pa nga ay may mga gang na binago ang buhay dahil sa larong ito. Sa kabuuan maganda ang mensahe at aral ng palabas na "Kalye".

Anonymous said...

Ang dengue ay isang sakit na nakukuha natin sa kagat ng lamok.Kasama ito sa top 10 na nakamamatay na sakit sa Pilipinas.Wala itong pinipiling edad,bata man o matanda ay maaaring tamaan nito.Noon nga lang isang buwan dinapuan na sakit na ito ang nag-iisang anak ni Sol Aragones si Anika.Halos tatlong daang katao na ang naitalang namatay sa sakit na ito.Ang ilang mga sintomas ng sakit na ito ay ang mataas na lagnat,pananamlay,pagdudugo ng ilong at pamamantal ng balat.Upang makaiwas sa sakit na ito panatilihin nating malinis ang ating kapaligiran at itapon ang mga tubig na maaaring pangitlugan ng mga lamok.

Kung trabaho ang pag-uusapan,sikat na sikat sa Road 10 Tondo ang mga jumpers,kung saan ang kabataan ang mga sangkot dito.Kabilang sa mga binibiktima nila ay ang mga naglalakihang truck na walang kamalay-malay sa kanilang illegal na gawain.Sumasabit sila sa mga truck upang makakuha ng produktong maaari pa nilang pakinabangan.Perwisyo nga kung maituturing ng mga biyahero ang mga kabataang ito dahil bukod sa nagnanakaw sila nagiging sanhi pa sila ng pagsisikip ng trapiko.Isa si Mang Julio noon sa mga kabataang gumagawa ng illegal na gawaing ito .Nagsimula siyang maging jumper noong 12 taong gulang pa lamang siya.Ngunit ngayon binubuhay na lamang niya ang kanyang pamilya sa pangangalkal ng basura dahil para sa kanya mas marangal ito.

Ang football ay isang sport na ginagagamitan ng lower body. Binubuo ito ng 11 manlalaro bawat kupunan. Sa brgy.119 sa tondo isa ito sa mga pangunahing libangan ng mga kabatan doon. Tinatawag nila itong footkal kung saan binubuo ng apat na manlalaro bawat kupunan. Isa si Arnold Valdez sa mga kabataang naglalaro ng footkal. Tatlong beses sa isang linggo kung magtraining sila sa isang maliit na ispasyo. Para sa kanila, hndi naman mahalaga ang maayos at magagandang gamit. Ang mahalaga, maging pantay-pantay lamang ang tingin sa kanila, mayaman man o mahirap.

Para sa pangkalahatang programa naging maganda ang resulta nito.Para sa mga nag-ulat maayos at maingat nilang naibalita ang kanya-kanyang paksa.

Anonymous said...

KAGAT
Isang malubha at mapanganib na sakit ang Dengue. walang pinipiling katayuan ng tao ang sakit na ito. Kahit bata,matanda,lalaki,babae,mayaman o mahirap ay hindi nakakaiwas sa panganib na dulot nito. Kailangan nating magingat at maging malinis sa sarili upang di natin sapitin ang naging kalagayan ni John Lester. Sa murang edad ay naghihirap siya at hindi nakakapagsaya di tulad ng ibang bata. Nakakalungkot isipin na maraming tao ang nagsasakripisyo ng buhay dahil sa di wastong paglilinis ng sarili. Mahalaga ang mga detalyeng na ipinakita sa programang "kalye" upang mabawasan ang kaso ng nakamamatay na sakit na ito.

JUMPER
Mga kabataang nagnanakaw ng mga produkto sa trak. Ganyan ang paglalarawan sa tinatawag na jumper. Nakakalungkot na ang mga kabataang ito ay gumagawa ng kasamaan dahil sa kahirapan na kanilang dinadanas. Ang ganitong mga pangyayari ay makatotohanan dahil hindi mapagkakailang maraming kabataan ang nakakagagawa ng kasamaan upang mabuhay lamang sila. Maraming paraan upang tayo ay mabuhay ngunit hindi dapat gawin ang masamang paraan at nakakapurwisyo sa ibang tao. Inilahad dito ang gawain ng kabataang humahawak sa patalim upang mabuhay. Hindi nila alintana ang panganib na hatid na ginagawa nila. Maaaring imulat nito ang isipan ng kabataan na huwag gayahin ang ganitong kabataaan.

FOOTKAL
Sinasabing ang larong football ay laro lamang ng mayayaman ngunit sa programang kalye, ito ay nilalaro ng mga kabataan na dati ay tambay at hindi nakakapag- aral sa paaralan may mabuting bunga ito sa maraming kabataang walang ginagawa. Ito ay makapagpapalakas ng kanilang mga katawan at dahil sa larong ito ay mababawasan ang mga lalaking gumagamit ng bawal na gamot. Nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang iba't ibang laro na maaaring luminang sa kakayahan ng kabataan.

Anonymous said...

...hi sir!!!