Wikipedia

Search results

Friday, October 24, 2008

Project Ay, Ayeng: Suring Pelikula

Sa lahat ng IV-B,

Bilang pagsulat na proyekto ninyo ngayong Ikalawang Markahan, nais kong gumawa kayo ng isang suring-pelikula tungkol sa pelikulang Ay, Ayeng na pinanood ninyo sa Ultimart Cinema noong ika-4 ng Oktubre.

Gamit ang mga tanong at panuntunan sa ibaba, kailangang mai-post ninyo ang inyong suring pelikula sa pamamagitan ng isang kumento na kailangang mailathala (publish) sa blog na ito sa o bago ang Nobyembre 4, 2008 gamit ang buong pangalan. Matatagpuan ang link sa kumento (comments) sa ibaba ng post na ito.

Lahat ng suring peilkula na hindi maipo-post sa blog na ito sa itinakdang araw ay may katapat na markang 65%. Tandaan na ang marka para sa proyekto ay 25% ng kabuuang marka para sa Ikalawang Markahan.

Panuntunan:

1. Ang suring-pelikula ay kinakailangan nasa anyong sanaysay.

2. Ang bilang ng talata ay depende sa bilang ng mga tanong na nakalaan bukod pa sa tig-isang talata para sa simula at sa wakas. Ibig sabihin, isang talata ang nakalaan para sa paliwanag sa bawat isang katanungan. (Walang limitasyon sa bilang ng pangungusap. Ang mahalaga ay ang kaisahan ng kaisipan)

3. Mga tanong na dapat masagot sa suring pelikula.

a. Makatotohanan ba ang istorya? (Maaring maglahad ng tiyak na pangyayari upang mapatunayan ang pagpapakatotoo sa pelikula)

b. Angkop ba ang mga artista sa papel na kanilang ginampanan? (Ilahad kung konsistent sila sa kanilang pagganap, kung over acting o under acting)

c. Aling bahagi ng pelikula ang nagpapakita ng pagkamadula o kagalingan sa pagganap ng tiyak na artista at bakit?

d. Paano nakatutulong sa ikagaganda ng buong pelikula ang paglalapat ng ilaw, tunog, kasuotan at tagpuan?

e. May napabayaan bang elemento ang pelikula? Alin ito?

f. Kung ikaw ang tatanungin, naipahatid ba ng pelikula ang mensaheng nais nitong iparating?


Pamantayan sa Pagmamarka

50% - Pagsunod sa Panuntunan
45% - Orihinalidad ng Gawa
____
95% - Kabuuan



Hangad ko ang matalino, masusi at makatarungan ninyong pag-aanalisa.

Happy Semestral Vacation!

63 comments:

Arlene Way said...

waah ang hirap naman sir!

Anonymous said...

A) Ang pelikulang Ay Ayeng ay makatotohanan. Dahil karamihan sa mga taga-bundok ay hindi nakakapag-aral. Ang ilan naman ay nag-aaral nga, ngunit 'di rin naman nakakapagtapos. At masama mang sabihin, ang ilang taga-bundok ay nasasabihan nating mga mangmang.

Anonymous said...

A. Ang pelikulang Ay Ayeng ay makatotohanan. Dahil alam naman nating ang mga taga-bundok ay hindi nakapag-aral. Oo nga at may ibang nakakapag-aral, ngunit hindi naman sila nakakapagtapos. At masama mang sabihin, karamihan sa mga taga bundok ay inaakala nating mga mangmang.

B. Para sa akin, ang mga artistang gumanap ay hindi naman masasabing over acting. Dahil para sa akin nagampanan naman nila ito nang maayos. Ang napansin ko lang, ay masyadong maganda si Ms.Heart para sa pagiging Ayeng. Ngunit sa kabuuan ay maganda naman ang naging resulta nang kanilang pelikula.

C. Nagpakita ng kagalingan sa pagganap si Ms.Heart sa pagtatalo nila ni Umay. Dahil sa parting ito, naramdaman naming mga mag-aaral kung gaano kahalaga ang edukasyon. At sa parting ito rin ipinaglaban ni Ayeng na kailangan na nilang iwan o kalimutan ang kamangmangan.

D. Nakatulong ang paglalapat ng ilaw,tunog,kasuotan at maging ang tagpuan upang mapaganda ang pelikula. Nakatulong ang kasuotan upang malaman nang mga manonood na sa Mountain Province ito ginanap. Ang tunog naman ay nakadaragdag sa tensyon ng mga manonood,maging sa kalungkutan.

E. Para sa akin wala naman silang napabayaang elemenyo ng pelikula. Dahil naging maganda ang resulta nito. Maganda rin naman ang kanilang motibasyon. Kaya para sa akin wala naman silang napayaan.

F. Para sa akin naipahatid naman nila ang mensaheng nais nilang iparating. Dahil naintindihan ko na kung gaano talaga kahalaga ang edukasyon. At maging sino man ay kinakailangan ang edukasyon, taga- bundok ka man o taga-lungsod.

Anonymous said...

a.opo dahil sa panahon ngayon ay marami ng tao ang hindi nakakapag aral.
b.sa aking pagsususri ay merong isang artista ang hindi ko gustuhan ang pag arte dahil hindi sya gaanong kagaling.isa sya sa mga magulang ng mga bata.
c.nung nagpunta si ayeng sa taniman at kinukumbinse ang mga magulang ng mga bata na pag aralin ang mga ito.dahil sa parteng iyon na pakita ng artista ang kanyang emosyon at galing umarte.
d.nakakatulong ito sa pagpapaganda ng pelikula at lalo itong nagiging makatotohanan.
e.sa aking pagsusuri ay wala naman po.
f.opo.

Anonymous said...

hello po

Anonymous said...

Ay Ayeng


Makatotohanan ang istoryang ipinakita at mapapatunayan ito ng mga tiyak na pangyayari sa dula tulad na lamang ng pang-aapi at pananamantala ng mga sundalo sa mga katutubo na ang katotohanan naman na ang mga katutubo ang talagang nagmamay-ari ng lupa na pilit sinasakop ng mga sundalo.
Sa aking pananaw tama lang ang kanilang pagganap sa bawat papel na kanilang ginagampanan.Naging maayos din ang bawat eksenang kanilang ginampanan.
Sa pinakahuling eksena ng pelikula ay makikita ang pagkamadula o kagalingan sa pagganap ng tiyak na artista dahil napakita dito ni Ayeng kung gaano niya kamahal ang kanyang kapwa at napakita rin dito ang matinding damdamin na naging dahilan ng pagiging emosyonal ng mga ibang manonood.
Nakatulong ng malaki ang paglalapat ng ilaw,tunog,kasuotan at tagpuan dahil lalo itong naging makatotohanan at naging mas maganda sa paningin ng mga manonood.
Hindi nila napagtuunan ng pansin ang mga artista na gumanap na katutubong nagbubungkal ng lupa dahil meron silang malilinis na kuko na hindi angkop sa papel na kanilang ginagampanan.
Naipahatid ng pelikula ang tunay na mensaheng nais nitong iparating sa mga manonood tulad na lamang ng pagnanais ng bawat katutubo na matuto sa kabila ng mga suliraning kanilang nararanasan.


Fernandez,Jonalyn P.

John Chester R. Mangubat said...

Kung ako ang tatanungen ang pelikulang Ay Ayeng ay makatotohanan. DAhilan na naiiugnay namin ang aming sarili sa pelikula. Alam naman nating lahat, sa panhon ngayon may mga pangyayaring nagaganap ngayon ng kagaya ng sa pelikula. Isa na dito ang yung pag-agaw ng mga militar sa lupain ng mga taga Mt. Province. At marami nang pangyayaring kagaya nito sa ating bansa. Kaya napaniwala ako ng pelikulang ito.
Ang mga artista naman ay magagaling magsipagganap. Pero may napansin lang ako. Ito ang artistang gumanap bilang Ayeng na si Heart Evangelista. Magaling nga siyang umarte subalit hindi bagay sa kanya ang karakter na ito. Masaydo siyang maganda para sa karakter na ito. At ang kutis niya ay hindi angkop para sa magtatanim. Ang iba naming artista ay angkop na sa kanila ang kanilang karakter.
May bahagi naman ng pelikula na nagpakita nang pagkamadulain ng artista. Ito ay yung nagtatalo sina Ayeng at yung mga magulang ng mga batang tinuturuan niya. Pinagtatalunan nila ang kahalagahan ng edukasyon at pagtatrabaho. Ang paniniwala ni Ayeng tungkol sa pag-aaral ng mga bata ay salungat ang paniniwala ng mga magulang. Ditto pinakita ang pagiging madulain o galing sa pag-arte ng artista.
Nakatulong naman ang mga ilaw, tunog, kasuotan, at tagpuan. Mas napaganda ang pelikula gawa ng mga ito. Ang ilaw ang nagbigay linaw sa imahe ng pelikula. Ang tunog naman ang bigay buhay sa pelikula. Kasuotan naman ang nagpaganda sa pagganap ng mga artista. At ang tagpuan naman ay nakakatulong sa ikagaganda ng pelikula.
Kung ang element naman ang pag-uusapan, sa aking palagay merong napabayaan ang pelikula. Ito ay yung pagiging madahas ng ibang karakter na dapat namang hindi ipakita. Kagaya nong inabuso si Ayeng. Dapat hindi na ito ipinakita. Paano kung gayahin ito ng iba? Ang mga ito ay dapat binabantayan.
Malinaw namang naihatid ng pelikula ang nais nitong iparating. Dahil maayos at magaling ang pagkakagawa ditto. At naiuugnay ng mga tao ang kanilang sarili sa natunghayang palabas. Ganoon din naman ang mga artista bagamat meron sa kanilang hindi bumagay ang gagampanan nila ay naihatid pa rin nila ang kaisipan ng pelikula. Isa pa medaling unawain ang pelikula.

Mangubat, John Chester R.

Anonymous said...

e2 na po ang sgt q.....
w8 lng po sir hahahahahahhaha

Anonymous said...

A. Makatotohanan ito sapagkat inilahad sa istorya ang mga bagay na may kinalaman talaga sa totoong buhay.May mga pangyayari din na kahalintulad talaga sa karanasan ng mga tao sa kabundukan tulad ng hindi pag-aaral ng karamihan na bata doon at pagiging mahirap.

B. Angkop naman ang mga artista sa papel na kanilang ginampanan,ngunit may iba naman na hindi masyadong angkop dito tulad nalang ni Heart Evangelista na gumanap bilang Ayeng sapagkat hindi bagay sa kanya ang pagiging isang babaeng taga-bundok lalo na't ibang-iba siya sa mga tao na taga-bundok.

C. Sa eksenang nag-aaway sina Ayeng at Umay,at doon sa mga sundalo na pinagpapatay ang mga ka-tribo ni Ayeng,Dito naipakita ang kagalingan sa pagganap ng mga artista,mas lalo itong naging makatotohanan at mas lalong naipakita ang damdamin para sa mga manonood at ang emosyon.

D. Nakatulong ito upang mas gumanda at maging mas malinaw at kaaya-aya pa ang pelikula.At maging isang makatotohanan pa at mas lalong gumanda ang bawat eksena ng pelikula.

E. Meron,sa paglalahad ng mga salita na hindi mauunawaan ng iba katulad ng pag-iingles.

F. Oo,sapagkat naintindihan ito ng mga manonood.Naihatid din ito sapagkat nakatulong ang mga tauhan ng pelikula.At naging mas maayos naman ang pag-bibigay nila ng mensahe sa mga tao.

-kydd pandanan

Anonymous said...

A. Makatotohanan ang istoryang ito sapagkat naipapakita ng pelikulang ito ang mga karahasan sa mahihinang tao ng mga taong nakakaangat ang antas sa buhay na nasasalamin sa mga kaganapan sa kasalukuyan o sa tunay na buhay na nagpapakatotoo sa pelikula. Nailalahad nito na inaabuso ng tao ang kanyang katungkulan o kapangyarihan para gumamit ng kalupitan at karahasan upang magkamkam at makamit lamang ang kanilang kagustuhan na maihahalintulad sa pangyayari sa kasalukuyan kaya masasabing ito'y makatotohanan. Ang karaniwang inilalahad sa istorya ng pelikulang ito ay nagpapakita ng mga makatotohanang pangyayari sa tunay na buhay.
B. Ang mga artistang nagsipagganap ay angkop sa papel na kanilang ginampanan ngunit may natatanging artista na hindi lubusang umangkop sa kanyang papel na ginampanan. Bagama't naaayon ang kagalingan na ipinakita ng artistang ito sa pagganap bilang Ayeng, hindi pa rin ito lubusang umayon sa kanyang ginampanan dahil hindi angkop ang kanyang pisikal na kaanyuan sa pagganap bilang Ayeng sapagka't hindi nangibabaw sa kanya ang kaanyuang mahirap. Sa kabuuan ay naging konsistent o naaayon ang mga artista sa kanilang ginampanan at katamtaman ang kanilang kakayahan sa pagganap maliban sa artistang gumanap bilang Ayeng na hindi lubusang umangkop kung ang pagbabatayan ay kanyang kaanyuan.
C. Madula ang isang bahagi ng eksena kung saan nagaganap ang pagtatalo nina Umay at Ayeng sa isa't isa na may magkaibang pananaw sa buhay. Ang bahaging yon ay nagpapakita ng pagkamadula dahil nagpapakita ang dalawang tauhan ng mga damdaming makadula sa isa't isa sa pamamagitan ng paglalahad ng mga magkakasalungat na pananaw tungkol sa pag-aaral at sa buhay.
D. Ang tunog ay nakakatulong sa pagbabatid sa mga manonood kung ang isang eksena ay nagpapakita ng kapighatian, kabagsikan, karahasan, at kasiyahan sa pamamagitan ng tono na naaangkop sa bawat eksena. Ang tunog ay nakakatulong din sa pagpapalinaw ng damdamin na ipinakita ng bawat artista, kung malungkot ang tauhan malungkot din ang tunog nito. Ang ilaw ay nagbibigay ng kulay at kalinawan sa bawat eksena. Ang kasuotan ay nagpapakita kung ano ang antas ng buhay ng tauhan sa lipunan at ginagamit din ang kasuotan sa pagkakakilanlan ng tauhan gaya ng pagsusuot ng damit pangsundalo ng tauhan. Ang tagpuan ay nakatutulong upang pagandahin ang mga bahagi ng istorya dahil nakadepende ang tagpuan sa paglalahad ng mga artista sa bawat eksena. Sa kabuuan ang paglalapat ng mga ito ay nakatutulong upang linawin kung ano ang ipinapakita sa bawat eksena.
E. nagkaroon ng kapabayaan sa paglalahad ng hindi malinaw na pangyayari sa istorya o pinagmulan ng mga nagaganap at napabayaan ding lagyan sa screen ng mga tagalog na salita sa bawat salitang Ingles na binibitawan ng tauhan sapagkat minsan mahirap unawain ang sinasabi.
F. Naipakita at nailahad ng maayos ang mensahe sa mga manonood na nais iparating ng pelikulang ito sa tulong na rin ng mga artistang gumanap at sa tulong ng maayos at angkop na paglalapat ng tunog, ilaw, kasuotan, tagpuan at partikular na sa makatotohanag paglalahad ng pangyayari sa pelikula, mga pangyayari sa pelikula na sumasalamin sa kasalukuyan kaya't naihatid ang mensaheng nais iparating.


Rommel P. Jainar

Menandro mojica said...

a. Ang pelikulang Ay Ayeng ay makatotohanan. Dahil alam naman nating ang mga taga-bundok ay hindi nakapag-aral. Oo nga at may ibang nakakapag-aral, ngunit hindi naman sila nakakapagtapos.

b.para sa akin hindi masyadong nagampanang mabuti ni heart ang kanyang role dahil parang oa siya.

c.yung lumayas si ayeng sa kanilang bayan.

d. dahil sa mga yun lalong gumanda ang istorya ng pelikula

e. satingin ko wala namang napabayaang elemento.

f.dahil naipakita naman nila ang tunay na kahalagahan ng edukasyon.

Arlene Way said...

http://arleneway09.blogspot.com


Para sa akin makatotohanan ang istorya. Tulad na lang ng pagpatay ng mga militar sa mga katutubo. Marami tayong nababalitaan na mga namatay dahil na rin sa mga military. Gusto nilang makuha anuman ang naisin nila. Pero mayroon pa ring maimpluwensyang nag-uutos sa kanilang gawin ang mga ganoong kasamaan.
Naging maayos ang pagganap ng mga artista sa kanilang papel. Mula sa major hanggang sa minor characters. Ngunit may sinabi sa amin noon ang aming guro sa Pisika na si Sir Vasquez na hindi angkop si Heart Evangelista sa kanyang papel. Bakit daw ang gumanap ay napakaganda ng kamay samantalang nagtatanim sila ng gulay doon. Pwede naman daw na ibang artista tulad ni Judy Ann Santos na alam naman nating sanay sa mga ganoong uri ng papel.
Tuwing lumalabas sa scene si Jon Arcilla ay lumulutang ang kagalingan nitong artista. Talagang naramdaman ng mga manonood ang masamang papel niya. Base na rin sa mga ekspresyon ng aking mga katabi noon. Magaling ang naging pagtatalo ni Ayeng (Heart Evangelista) at ni Umay (Ma. Isabel Lopez) dahil sa ramdam mo talaga ang mainit nilang diskusyon tungkol sa edukasyon ng mga bata roon. Wala naman akong masyadong napansin na pagkamadula kina Sheena Joy at Jao Mapa.
Nakatulong ito ng malaki dahil sa mga ito naging makatotohanan ang pelikula. Mahalaga ang mga ito, dahil ito ang nagbibigay ng buhay sa pelikula. Kung wala ang mga ito siguradong hindi maganda ang kalalabasan ng istorya.
Para sa akin walang napabayaang elemento. Kung meron man ay hindi ito kapansin-pansin.
Opo, naihatid ng pelikula ang nais nitong iparating. Maganda ang kabuuan ng pelikula.


rock on!!!:)

Anonymous said...

Romero,Mariz A.
4b
filipino


Isang magandang pelikula ang "Ay Ayeng" ni Eduardo Palmos na isa ring magaling na direktor.Napahanga niya ako ng husto sa istorya at banghay ng pelikulang ito,ngunit syempre hindi naman mawawala sa atin ang maging mapanuri sa mga panoorin

May mga eksena na tumawag pansin sa aking panonood.Isa na rito ang parte na habang tinuturuan ni Ayeng ang mga katutubo,ipinakita ang mga bata na walang sapin sa paaay may malilinis na binti at kuko na tila unang beses nilang magyapak.Pangalawa,ang eksenang ipinakita ang mga matatandang nagsisipagbungkal ng lupa,mapapansing malilinis at mapuputi ang kanilang mga kamay bagaman nakasanayan na nila ang gayong gawain.Ang mga eksenang ito ay sapat na upang mapatunayan na para sa akin ay di makatotohanan ang palabas.

Puntahan naman natin ang nagsipag ganap.nag bida na si Ayeng na ginampanan ni Bb.Heart Evangelista ay isang magaling na aktres,tama lang ang pagpili ng direktor sa kanya,napansin ko na puno ng emosyon ang kanang pagganap at madali nya naiaangkop ang sarili sa eksena.Nang mabigyan sya ng programa sa GMA 7 na Codename asero,mas nakilala sya ng kabataan na naging daan rin upang makaakit sa manonood na sya mismo ang gaganap.Sina Ma. Isabel lopez bilang Umay,Sheena joy bilang Karen at Jao Mapa bilang sadek ay di masyadong nagamit sa pelikula.Si John Arcilla bilang Gallo na gumanap na isang pinuno ng sundalo na kumuha ng kapurihan ni ayeng ay syang pinakamagaling.Dahil mahahalata kaagad sa itsura nito ang pagka"bossy".at malupit.Makikita rin sa mga kilos ng aktor ang katapangan ng pagiging isang lider kahit di gaanong masalita.si ayeng lang at si gallo ang angkop sa kanila.

Ang eksena na nagpapakita ng kagalingan ng artista ay nung ipakita ang pagmamaka awa ni ayeng sa driver upang ibaba siya ng bus.Sa eksena lamang na iyon ako naantig,dahil makatotohanan ang parteng yon.naipakita ang kanilang husay sa pagdadrama.

sa paglalapat ng ilaw,mahalaga ito dahil makakakitaan ito ng damdamin kung malamlam o mabagsik ang ilaw.ikalawa ay tunog,malaki ang naiitulong ng tunog upang lalong madama ng manonood ang damdamin ng pelikula,ikatlo kasuotan,maganda kung angkop ang kasuotan sa tagpuan,mas nagiging totoo ang lahat.

tingin ko ay napabayaan nila ay pag lalapat ng ilaw,dahil napansin kon madilim ang halos lahat ng pelikula.

kahit di makatotohanan ang ilang eksena,naipahatid naman nito ang mensahe.Ang pagpapahalaga sa edukasyon,karapatan ng bawat isa,may kabayaran ang lahat ng pag gawa ng masama,at higit sa lahat habang buhay ay may pag asa .

Di man makatotohanan para sa akin,maganda naman ang banghay nito,marami ring makikitang mensahe na makakatulong sa pang araw araw na buhay natin at magsisilbing inspirasyon sa lahat.

Anonymous said...

aba teka!

Anonymous said...

Para sa akin, makatotohanan ang istorya. Naglahad ito ng mga tunay na pangyayari sa buhay ng isang tao. Tulad na lamang ng mga magulang na napipilitang pagtrabahuhin ang kanilang mga anak sa mura pa lamang na edad. Dahilan ito ng lubos na kahirapan. Naipakita dito na mas binibigyan ng importansya ang pagtatrabaho kaysa sa edukasyon para may maipangtustos sa pang araw-araw na pangangailangan.

Maganda naman ang kinalabasan ng pelikula. Nagawa ng maayos ng mga artista ang karakter nila. Pero kung pagbabasehan ang itsura, hindi nababagay kay "HEART" na maging isang magbubukid. Kung hindi nila napansin, ang ganda ng mga kuko ni ayeng. Nararapat ba na ang isang tagabukid ay ayus na ayos ang mga kuko? Parang mali ata iyon. Ito ay sarili kong opinyon.

Sa bahaging pagtatalo ni Ayeng at ng mga magulang ng mga bata, naipakita ang pagkamadula ng mga ito. Nailahad dito ang pagiging taliwas ng paniniwala ni Ayeng tungkol sa kahalagan ng edukasyon ang mga magulang ng mga bata na ang paniniwala ay mas mabuti pang pagtrabahuhin na lamang ang mga anak para makatulong.

Ang paglalapat ng ilaw ay nakatulong upang maisaayos ng malinaw ang mga kaganapan sa pelikula. Ang tunog naman ang nagsilbing instrumento upang mapukaw lalo ang pansin ng mga manonood at maipadama ang damdamin. Ang kasuotan naman ang nagbigay ng katotohanan sa mga ginanapan ng mga karakter. Habang ang lugar ang nagsilbing panghalina at kagandahan sa kabuuan ng pelikula.

Para sa akin ay malinaw naman at maganda ang mga mensaheng nais ipahatid ng palabas.

Naipahatid nito ang mensahe. Sapagkat naintindihan ko ito ng maayos at ng may pag unawa. Nalaman ko kung paano ang mamuhay sa kanilang lugar. At mas lalo kong naintindihan na ang pag aaral ang sagot sa lahat ng kahirapan.

Anonymous said...

Love Joy R.Corbantes
Filipino
IV-B

Ang pelikulang Ay Ayeng ay maihahalintulad natin sa kasalukuyang nangyayari sa ating bansa.Ang ginagawang panggugulo at pananakit ng mga sundalo sa pelikula at ang pagbubuwis ng buhay ng mga katutubo para ipaglaban ang kanilang karapatan sa lugar na gusto nilang angkinin.Tulad ng sa MILF na kalaban ng pamahalaan na gustong ihiwalay at pamunuan ang Mindanao,na mayroong nadadamay na walang malay na mga tao dahil sa kanilang alitan.Ilan sa pangyayari sa pelikula ay makatotohanan na nangyari sa ating bansa.

Ang mga artistang nagsipagganap sa pelikula ay nagampanan naman ng ayos ang kanilang mga papel.Ngunit sa ibang mga eksena ay kakikitaan ng underacting ang ibang mga tauhan,tulad ng kay Sadek(Jao Mapa) na hindi masyadong naipakita ang kahulugan nung ibinigay niyang harp kay Ayeng(Heart Evangelista),kaya hindi masyadong naipakita ang nilalaman ng eksena.Sina Gallo(John Arcilla),Umay(Ma. Isabel Lopez) at Karen(Sheena Joy) ay kinakitaan naman ng konsistent sa pag-arte dahil bumagay sa kanila ang role at naipakita nila ito ng maayos.

Ang nagpakita ng pinakamagaling na bahagi ng pelikula ay ang alitan sa pagitan ng mga katutubo at ni Ayeng dahil sa wala naman daw mapapala ang mga katutubo sa edukasyon at sa halip ay nag-aaksaya lamang sila ng oras na dapat ay magbungkal na lamang sila ng lupa ng sila ay may makain.Ipinaliwanag naman ni Ayeng ang kahalagahan ng edukasyon sa kanilang buhay at ang maitutulong nito sa kanila.Sa parte ng pelikulang ito nakita ang kanilang mga ugali at paniniwala sa buhay.

Sa ikagaganda ng buong pelikula,nakatulong naman ang paglalapat ng ilaw at tunog para mapalitaw ang mga pangyayari at nais ipahayag ng bawat eksena.Ang tagpuan at mga kasuotan ang lalong nagpaganda sa pelikula dahil ipinakita nito,kung anong antas ng pamumuhay ang nararapat sa mga tauhan at ang lugar na bagay sa kanila.

Wala namang napabayaang elemento dahil maganda at maayos ang buong pelikula.Nagustuhan at naintindihan din naman ito ng mga manonood.Nakapagbigay naman ito ng kaalaman tungkol sa kultura na lalong ikinagusto naming mag-aaral.Sa aking palagay,wala namang napabayaang elemento sa pelikula.

Naipahatid ng pelikulang Ay Ayeng ang mensahe sa kahalagahan ng edukasyon at ang pag-aalaga sa sariling kultura at likas na yaman ng bansa.Nais ng pelikulang ito na huwag ipagsawalang-bahala ang edukasyon dahil makatutulong ito para umunlad ang isang tao at para maipaglaban nito ang karapatan ng bawat mamamayan.Ang pelikulang Ay Ayeng ang nagmulat sa ilang mag-aaral na nalilihis ang landas sa edukasyon.Malakas ang impluwensya nito at naipahatid ang mensahe sa mga manonood.

``Love Joy R.Corbantes``
IV-B

Anonymous said...

a.oo, makatotohanan ito.nangyayari ang mga ganitong sitwasyon lalo na sa panahon ngayon na lahat ng tao o pilipino ay naghahangad na magkamit ng edukasyon sa paniniwalang ito ang makapagbibigay ng kaginhawaan at magandang kinabukasan sa bawat isa at magwawaksi sa kabigatan ng pasanin na dala ng kahirapan.

b. angkop naman sa ibang tauhan ang kanilang ginampanan,maliban kay heart evangelista na gumanap bilang Ayeng.Sa aking opinion hindi angkop o hindi bagay sa kanya ang naturang pagganap.Dahil hindi marahil bagay sa kanyang personalidad o panlabas na anyo ang pagiging isang katutubo,lalo na ang magtanim ng gulay dala na rin siguro ng kanyang maputing kutis na animo'y hindi dumadanas ng hirap.marahil kung ako ang papipiliin maghahanap ako ng talento o artista na pangmasa ang hitsura.halimbawa judy ann santos,sarah geronimo,iza calsado atbp.pero sa kabuuan maganda naman ang kanyang naging pagganap

c.ipinakita ang kagalingan ng kanilang pagganap sa bahaging pakikipagtalo sa pagitan ni Ayeng at mga katutubo ukol sa sa "value" o kahalagahan ng edukasyon.naipakita nila ang kanilang kagalingan o pakamadula dahil madadala ka ng iyong emosyon at nakakarelate kaming mga estudyante.

d.nakatutulong ang lahat ng ito sa pagbibigay ng makatotohanang pangyayari, nagsilbing buhay at nagbigay kagandahan sa buong pelikula.nakatulong din itong mahikayat ang mga manonood.

e.sa aking palagay walang napabayaang elemento sa pelikula.Sa kabuuan maganda at makatotohanan ang pagkabuo ng istorya.

f. sa aking opinyon,oo, naihatid ng ng pelikula ang mensaheng nais nitong iparating sa manonood.Ang iparating sa bawat isa ang kahalagahan ng edukasyon sa ating buhay.

miracle reyes said...

Tunay na kasiya-siyang mapanood ang pelikulang Ay Ayeng. May mga bagay na matututunan mula rito,at may mga pangyayari rin namang magpapasilakbo ng damdamin mo. Narito ang ilan pang impormasyon na makukuha mo sa istorya nito.
Masasabing makatotohanan ang istoryang Ay Ayeng. Maraming mga tao sa ngayon ang nakagagawa ng masasamang bagay para lamang sa sarili nilang kapakanan,tulad ng pangyayari sa kuwento nito. Bilang halimbawa,makakaya ng isa na kumitil ng buhay para lamang sa pera,at sa Ay Ayeng naman,nagawa ng mga militar na agawin ang lupang tinitirhan ng mga katutubo para sa sariling pakinabang nang hindi isinaalang-alang ang kapakanan ng iba.
Pagdating sa mga artistang gumanap sa pelikula,talagang nakaaagaw pansin at damdamin ang kanilang pagganap. Angkop lamang ang kanilang papel na kanilang ginampanan.
Lalo pang ipinakita ang pagkamadula ng pelikula sa pagganap ni Heart Evangelista bilang Ayeng nang ito'y pagsamantalahan ng sinasabing pinuno ng mga militar,anupat ikaw ay tiyak na madadala sa kaniyang pa-iyak. Punung-puno ng damdamin ang pangyayaring iyon. Isa pa ring parte ng pelikula na nakababagbag damdamin ay ang pagdating ng panahon para lumisan si Ayeng(Heart). Maging ako ay umaamin na lumuha dahil naramdaman ko ang pangungulila kay Ayeng sa kaniyang pag-alis. Kaya talagang masasabing mahusay ang pagganap ni Heart.
Malaking bagay ang ginampanan ng pagkakalapat ng tunog,ilaw,kasuotan at tagpuan. Dahil doon, natulungan nitong ilabas ang kagandahan ng dula. Sa mga pangyayaring nakagugulat,nakatatakot,nakatutuwa,nakalulungkot at marami pang iba,naipakita ito dahil sa kahusayan ng pagkakagamit ng tunog,ilaw at tagpuan. Samantalang sa kasuotan naman, naipakita nito ang pagiging totoong katutubo at militar ng mga nagsipagganap.
Kung elemento naman ng pelikula ang pag-uusapan,lahat ay naibigay nito. Makikita rito ang iba't ibang elemento ng dula.
Maliwanag na naipahatid nito ang mensaheng nais nitong iparating. Ang isa ay ang pag-ibig sa tinubuang lupa at gayundin sa mga kababayan.
Kaya bilang pangwakas,hiling ko rin na sana'y mapanood mo rin ang pelikulang ito. Hindi lamang ito isang panoorin,kundi maghahatid din ito sa iyo ng mga aral na maaari mong magamit sa iyong buhay.

Anonymous said...

sir hindi po ba mismo ang Ay Ayeng ang susuriing pelikula???

i comment nyo n lang po sa blog ko ko e2 po!!!!!!!!!

borris006.blogspot.com


ty po!!!!!!!!!!!!

Anonymous said...

Para sa akin makatotohanan ang storya.Dahil pinakita nito ang nangyayari ngaun sa ibang lugar kung saan kulang sa edukasyon at pangangamkam ng mga lupain.

Angkop ang mga artistang nagsipagganap,dahil naipakita nila ang tunay na katauhan nila sa pelikula.

Sa bahaging nagtalo si Umay at Ayeng nipakita ang kagalingan ng artista sa pelikula,dahil nadala nila ang mga manood sa tunay na damdamin ng eksenang ito. Napaniwala nila ang manonood na parehas na may sila Umay at Ayeng.

Dahil sa paglalapat ng ilaw,tunog,kasuotan at tagpuan lalong nagiging makatotohanan at naipapakita ang tunay na damdamin ng isang pelikula.

Para sa akin wala namang napabayaan na elemento,dahil maganda ang naging resulta ng storya.

Para sa akin naipahatid ang mensahe ng pelikula na "mahalaga ang edukasyon".at maayos itong nailahad dahil narin sa tulong ng mga magagaling na artista at ibat ibang elemento.

Anonymous said...

Arvin C. Exconde
A.Para sa akin, makatotohanan ito.Gaya na lamang ng pagkuha ng militar sa lupain ng mga katribo ni Ayeng.Sakasalukuyan,gaya ito ng pag-angkin ng mga MILF sa lupain ng mindanao at gusto nilang sla ang mamuno kung maipatupad ito.
B.Ok lang naman sa akin ang ibang artista pero para yatang sumobra ang pag-arte ni Maria Isabel Lopez o ni umay noong bandang huli na!
C.Nang bigyang halaga ni Ayeng ang edukasyon sa halip na ang pagtatrabaho,dahil dito,iniisip niya ang magiging kinabukasan ng mga batang nagtatrabaho para hindi sila lumaking mangmang.
D.Sa pamamagitan ng mga ito,lalong nailalabas ng mga manonood ang kanilang mga emosyon.Nadadala nito ang damdamin ng bawat isa sa tanghalan.Napaiyak nga ako eh!
E.Sa tingin ko,yung paglalagay nila ng ilaw,kasi noong gabi na,malabo,hindi ko gasinong maaninag ang mga nagsisipagganap.
F.Sa ganang akin,naipahatid naman nito ang mensahe sa mga manonood.Para bang sinasabi nito na dapat gumising ang pamahalaan at protektahan sila laban sa mga bandidong umangkin sa kanilang lupa.

Anonymous said...

Arvin C. Exconde
A.Para sa akin, makatotohanan ito.Gaya na lamang ng pagkuha ng militar sa lupain ng mga katribo ni Ayeng.Sakasalukuyan,gaya ito ng pag-angkin ng mga MILF sa lupain ng mindanao at gusto nilang sla ang mamuno kung maipatupad ito.
B.Ok lang naman sa akin ang ibang artista pero para yatang sumobra ang pag-arte ni Maria Isabel Lopez o ni umay noong bandang huli na!
C.Nang bigyang halaga ni Ayeng ang edukasyon sa halip na ang pagtatrabaho,dahil dito,iniisip niya ang magiging kinabukasan ng mga batang nagtatrabaho para hindi sila lumaking mangmang.
D.Sa pamamagitan ng mga ito,lalong nailalabas ng mga manonood ang kanilang mga emosyon.Nadadala nito ang damdamin ng bawat isa sa tanghalan.Napaiyak nga ako eh!
E.Sa tingin ko,yung paglalagay nila ng ilaw,kasi noong gabi na,malabo,hindi ko gasinong maaninag ang mga nagsisipagganap.
F.Sa ganang akin,naipahatid naman nito ang mensahe sa mga manonood.Para bang sinasabi nito na dapat gumising ang pamahalaan at protektahan sila laban sa mga bandidong umangkin sa kanilang lupa.

Anonymous said...

"Ay Ayeng"

Base sa aking napanood na pelikula(Ay Ayeng)masasabi kong ito ay makatotohanan. Sapagkat tulad ng nangyari sa pelikula ay nangyayari pa rin sa totoong buhay ang ganitong mga pangyayari.Tulad na lamang ng mga agawan ng lupa para sa mga sariling kapakanan. At para makuha nila ito ay gumgagamit sila ng dahas upang sapilitang makuha ang kanilang mga gusto.

Ang kanilang mga ginampanang mga tungkulin sa pelikula ay mahirap talagang gampanan. Pero sa kadahilanang ang mga artistang ito ay beterano na, nagampanan nila ito ng mahusay. Ang bidang si Ayeng na sa katauhan ni Heart Evangelista ay masasabing kong tama lang ang kanyang pagganap sa pagiging bida.Naipakita nya ang mga nais ipakita ng isang taong may mithiin sa buhay.At ang ibang mga artistang gumanap ay mahuhusay din. Marahil hindi gaganda ang pelikulang Ay Ayeng kundi magagaling ang mga nagsiganap. Kahanga-hanga.

Ng si Ayeng ay nakipagtalo kay Umay na may kaugnayan sa kahalagahan ng hanapbuhay at edukasyon.Talagang nanindigan ang dalawang karakter na ito sa tunay na kahalagahan ng hanapabuhay at edukasyon. Naipakita nila ang kani-kanilang pananaw sa dalawang mahahalgang bagay na ito. Dito naantig ang aking damdamin.

Kung ang pag-uusapan ay ang teknikal na aspeto, tamang-tama lang ang kanilang mga ginawa. Ang tagpuan talagang humanap sila ng lugar na aakma sa istorya. Ang mga tunog,kasuotan,ilaw ay lalong nagpaganda sa pelikulang ito.Kasama ito sa lalong pagganda ng pelikula.

Base sa aking napanood wala akong masyadong napansing napabayaang elemento dahil nakatutok ang atensyon ko sa pelikula at hindi ko na masyadong pinansin ang elemento.

Sa kabuuan ang masasabi ko lang ay naipahatid nila ang mensaheng nais nilang ipahatid. Sa totoo lang noong una kong pinanood ang pelikulang ito ay nababagot ako pero ng nagtagal na ay biglang natawag nito ang aking kamalayan. Ipinakita sa akin ang mga pangyayari na lingid sa aking kaalaman ay nangyayari pala ang mga ganitong mga bagay. Nalaman ko na ang nais ipahatid ng pelikulang ito na maging matatag ka sa anumang bagay,tuparin ang mithiin kahit may sagabal pa kung makakabuti naman para sa iba. Isa ito sa hinahangaan kong pelikula.

Anonymous said...

Ang istoryang ito ay makatotohanan tulad na lang ng mga militar na walang awang pumapatay,ipinakita dito ang mga pangyayari noong nanakop ang mga militar sa lugar ng Mt.Province.At ang mga magulang na pati ang kanilang mga anak ay pinagtatrabaho at pinatutulong sa kanilang pagtatanim dahil sa kahirapan ng buhay.
Maganda ang ginampanan ni Heart bilang Ayeng ngunit mapapansin na noong nangunguha siya ng gulay sa taniman,ang kanyang kamay ay parang hugis kandila na ibig sabihin ay walang alam sa ganoong trabaho pero dun siya pinanganak sa lugar na iyon.Magaling ang mga gumanap na artista at tama lang yung kanilang pag-acting.
Nagpakita ng kagalingan sa pagganap si Maria Isabel Lopez bilang umay dahil noong nagkaroon sila ng pagtatalo ni Ayeng tungkol sa pag-aaral ng mga bata,tama ang sinabi niya na bakit daw kailangan pang mag-aral eh sa panahon ng kahirapan ay dapat magtrabaho upang may makain.Tama din naman ang sinagot ni Ayeng na lahat ay may karapatang makapag-aral hindi lamang makapagtrabaho.
Nakatulong sa ikagaganda ng pelikula ang paglalapat ng ilaw at tunog upang maging maliwanag.Pati sa kasuotan at tagpuan sapagkat ito ay nangyari sa lugar ng Mt.Province.
Ang pagganap ng mga artista kasi sila ang nagbigay-buhay sa pelikula ngunit hindi na ipinakita kung ano ang nangyari kay Jao Mapa sa bandang huli.
Kung ako ang tatanungin,maganda ang naging epekto ng pelikula sa panig naming mga manonood sapagkat naiparating nito ang mensaheng nais nitong ipabatid sa mga manonood.

Anonymous said...

Opo,nangyari po ito sa tunay na buhay tulad na lamang ng pagtatanim ng mga gulay upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.At yung pagkitil sa buhay ng mga militar sa taong wala namang kasalanan na kapag nakita ka lang na nasa labas ay pinapatay.
Opo,maganda sa unang eksena,siyempre ipinapakita ang pag-alis ni Ayeng sa kanilang lugar at yung paghihiwaly nilang mag-kaibigan.Ayos lang ang kanilang pag-acting.
Kay Ayeng at sa mga kabataan dahil tinuturuan niya ang mga batang hindi nakakapag-aral dahil sa kakulangan sa pangangailangan.
Sa pamamagitan ng mga manonood.
Opo,sukat o bilang ng pantig sa bawat taludtod.
Oo ipinakita ang kahirapan na dinaranas ng mga tao sa bundok.Ang pagpatay ng mga militar sa mga bata.Ang hindi nakapag-aral dahil sa kakulangan ng pangangailangan.

Anonymous said...

Para sa akin,makatotohanan ito gaya na lamang ng pagkuha ng militar sa lupain ng mga katribo ni Ayeng.Sa kasalukuyan,gaya ito ng pag-angkin ng mga MILF sa lupain ng Mindanao at gusto nilang sila ang namuno kung maipatupad ito.
ok lang naman sa akin ang ibang artista pero para yatang sumobra ang pag-arte ni Maria Isabel Lopez o ni Umay noongbandang huli na!
Nagpapakita ng pagkamadula o kagalingan sa pagganap ng tiyak na artista nang pahalagahan ni Ayeng ang edukasyon sa halip na ang pagtatrabaho,dahil,dito iniisip niya ang magiging kinabukasan ng mga batang nagtatrabaho para hindi sila lumaking mangmang.
Sa pamamagitan ng mga ilaw,tunog,kasuotan at tagpuan,lalong nailalabas ng mga manonood ang kanilang emosyon.Nadadala nito ang damdamin ng bawat isa sa tanghalan.Napaiyak nga ako eh!
Sa tingin ko ang napabayaan ay ang paglalagay ng ilaw kasi noong gabi na,malabo,hindi ko gasinong makita ang mga nagsisipagganap.
Sa ganang akin,naipahatid nito ang mensahe sa mga manonood.Para bang nagsasabi itong gumising ang pamahalaan at protektahan sila laban sa mga bandidong umangkin ng kanilang lupa.
Iyan lang po sir ang masasabi ko at wala ng iba!..

Anonymous said...

Arianne Aquino said:

Oo,makakatotohanan ang istorya ng ay ayeng. Isang pangyayaring nagpapatunuy ay ang kawalan ng kalayaan ng mga bata sa pag-aaral dahil sa mga sundalo. Na nangyayari ngayon sa Mindanao dahil sa banta ng mga sundalo. Para naman po saken angkop ang mga artista sa papel na kanilang ginampanan maliban kay Heart na gumanap bilang Ayeng. Dahil hindi sya masyadong angkop magaling syang umarte ngunit ang kanyang pisikal na anyo ang hindi nakapagpabagay sa kanyang papel bilang si Ayeng. Dahil masyadong malinis ang kanyang mga kuko sa paa at kamay lalo na ang kanyang mukha habang nag-aani ng mga pananim. Isang parte naman ng pelikula ang nagpakita ng kagalingan na mga artista sa pagganap ay nung aalis na sila Ayang at Karen papuntang Maynila. At nung nakasakay na sila ng bus ay pinagkukuha ng mga sundalo ang mga bata at matatandang katutubo kasama si Umay at saka nila ito pinagbabaril ng walang kalaban laban. Nakatulong naman ang paglalapat ng ilaw, tunog, kasuotan, at tagpuan sa buong pelikula dahil isa ito sa mga nakapagpatotoo sa mga karakter ng bawat isa at nakapagpatotoo sa mga pangyayari sa buong pelikula. May napansin naman akong napabayaang elemeto sa pelikula at ito ay ang pagiging marahas ni Gallo kay Ayeng dahil pinagsamantalahan nya ito na hindi dapat pinapakita sa mga bata.
Naipahid naman ng pelikula ang mensaheng nais nitong iparating sa mga manonood.


Arianne Aquino
November 3, 2008

Anonymous said...

Makatotohanan ang pelikula.mayroong angkop at hindi angkop sa kani-kanilang pagganap.Tulad nina John Arcilla,Sheena Joy,Maria Isabel Lopez.at Heart Evangelista nagging tama lang ang kanilang pag-arte.ang mga gumanap bilang katutubo naman hindi sila nagging akma sa kanilang ginagampan na role dahil di nila pinakita ang tamang pagganap ng isang katutubo ,tulad ng pagtatanim at tamang pag-aani.angmagandang bahagi ng pelikula ay noong nagtalo si Umay at Ayeng tungkol sa kahalagahan ng karununga at pag tatanim upang may makain.Ang ilaw,tunog,kasuotan at tagpuan naman ay nakatutulong nang malaki sa pelikula upang mas mapaganda at para mas maging makatotohanan ang pelikula.Dahil din sa tunog nagiging mas nakakapanabik ang bawat eksena ng pelikula.Wala namang napabayaan na elemento ng pelikula.At kung ako naman ang naman ng maayosang tatanungin napahatid mensahe ng pelikula Angela De Castro

Anonymous said...

Makatotohanan ang pelikula.mayroong angkop at hindi angkop sa kani-kanilang pagganap.Tulad nina John Arcilla,Sheena Joy,Maria Isabel Lopez.at Heart Evangelista nagging tama lang ang kanilang pag-arte.ang mga gumanap bilang katutubo naman hindi sila nagging akma sa kanilang ginagampan na role dahil di nila pinakita ang tamang pagganap ng isang katutubo ,tulad ng pagtatanim at tamang pag-aani.angmagandang bahagi ng pelikula ay noong nagtalo si Umay at Ayeng tungkol sa kahalagahan ng karununga at pag tatanim upang may makain.Ang ilaw,tunog,kasuotan at tagpuan naman ay nakatutulong nang malaki sa pelikula upang mas mapaganda at para mas maging makatotohanan ang pelikula.Dahil din sa tunog nagiging mas nakakapanabik ang bawat eksena ng pelikula.Wala namang napabayaan na elemento ng pelikula.At kung ako naman ang naman ng maayosang tatanungin napahatid mensahe ng pelikula Angela De Castro

Anonymous said...

Makatotohanan ang pelikula.mayroong angkop at hindi angkop sa kani-kanilang pagganap.Tulad nina John Arcilla,Sheena Joy,Maria Isabel Lopez.at Heart Evangelista nagging tama lang ang kanilang pag-arte.ang mga gumanap bilang katutubo naman hindi sila nagging akma sa kanilang ginagampan na role dahil di nila pinakita ang tamang pagganap ng isang katutubo ,tulad ng pagtatanim at tamang pag-aani.angmagandang bahagi ng pelikula ay noong nagtalo si Umay at Ayeng tungkol sa kahalagahan ng karununga at pag tatanim upang may makain.Ang ilaw,tunog,kasuotan at tagpuan naman ay nakatutulong nang malaki sa pelikula upang mas mapaganda at para mas maging makatotohanan ang pelikula.Dahil din sa tunog nagiging mas nakakapanabik ang bawat eksena ng pelikula.Wala namang napabayaan na elemento ng pelikula.At kung ako naman ang naman ng maayosang tatanungin napahatid mensahe ng pelikula Angela De Castro

Anonymous said...

sir,tama ba yung sagot ko??
pakisabi nalang po sa lunes kung tama po ba.
sige po sir,time na ako ehh.wala na po akong pang-extend ehh.:0

-kydd pandanan

Anonymous said...

A.
Oo,dahil marami sa mga naganap sa pelikula ay kasalukuyang nangyayari ngayon sa ating bansa. Katulad ng pagaangkin ng mga rebeldeng sundalo sa lugar nila ayeng at pagpatay ng mga kaawa-awang tao doon.Pinakita din doon ang isang dahilan na hadlang kay ayeng upang makatapos sa kanyang pag-aaral .Makatotohanan ang mga paglalahad ng kanilang mensahe.
B.
Si heart Evangelista ay hindi angkop sa kanyang pagganap bilang Ayeng dahil wala sa kanyang itsura ang pagiging kaisa o kabilang sa isang tribo.pero ang kanyang pagganap sa kanyang papel ay masasabi kong tama lang at maayos naman.Si sheena Joy ay over acting at hindi bagay ang kanyang pagganap sa papel na Karen.Ang iba naman ay maayos at nagampanan nila ng maayos ang kanilang mga karakter.
C.
Ang mga eksenang nagpakita ng kagalingan ni ayeng ay ang mga eksenang nakikipaglaban siya para sa mga kabataang gusto niyang maturuan at mabigyan ng magandang edukasyo upang hind imaging mangmang sa ating mundo.
D.
Ang mga elemento ng pelikula ay hindi nagkulang at naipakita ng maganda ang mga eksena dito.Naging maayos ang resulta nito.
E.
Nagsisilbi itong elemento ng pelikula upang mas maging makatotohanan ang kwento at maipakita ng maayos ang eksena .lalo na ang kasuotan at tagpuan ay napakahalaga sa pelikulang ito dahil sa tribo nila ayeng.
F.
Oo,dahil nakatulong itong itulak ang mga mag-aaral na mag-aral ng mabuti at magtapos ng pag-aaral.Sa aking palagay nahikayat akong magsipag sa pag-aaral dahil sa panonood ng ay ayeng. Napahatid nito ang kahalagahan ng edukasyon para sa atin.

Anonymous said...

Sa aking palagay, masasabi kong makatotothanan ang istoryang ipinakita sa penikula dahil maging noong mga nagdaang panahon ay mayroon ding mga pangyayaring kahalintulad sa nasabing pelikula.

Samantalang maging sa mga gumanap na artista masasabi ko na angkop ang mga ito. Lalung lalo na ang bidang si Heart Evangelista na ginanapan ang karakter bilang "Ayeng". Maging ang iba pang gumanap dito.

Ang bahaging nagpapakita ng pagkamadula ay kung paano itinaguyod ng bida ang karapatan ng lahat ng tao na magkaroon ng magandang kinabukasan sa hinaharap.

Sa paglalapat naman at sa paglalagay ng mga ilaw, tunog, kasuotan at maging sa tagpuan ay malaking tulong ito upang mas lalong maipakita sa atin ang bawat eksena at mas mapaganda pa ang takbo ng istorya ng nasabing pelikula.

Masasabi kong pagdating naman sa mga elemento ng pelikula, na walang kapabayaang nangyari sa pagpapakita ng mag eksena sa palabas.

Sa kabuuan ng istorya sa pelikula naipakita ang magagandang mensahe maging ang mahalagang aral na maaaring makuha ng mga mamamayan sa palabas. Na nagpapakita rin ng katotohanan na nangyayari sa ating bansa maging sa ibang lugar ng mundo.

Anonymous said...

Sa aking palagay ito ay makatotohanan. Tulad satin meron ding mapang abusong mga militar. Marami sa kanila ang mapang abuso upang palayasin ang mga katutubo sa kanilang lugar.
Aking napansin na hindi angkop ang karakter ni Heart Evangelista dahil lubhang napakaganda naman ng kanyang kamay kumpara sa isang katutubo. Aking napansin ito nung sila ay nagtatanim.
Pinakita ang kagalingan ang karakter ni Heart Evangelista sa aktong nagaaway sila ng ina ng mga bata dahil hindi daw makatutulong ang pag-aral upang maiahon sila sa kahirapan.
Ito ay nakatutulong upang lalung maging katotohanan ang isang pelikula. Ilaw ito ay tumutulong upang makita ng mabuti ang bawat pangyayari. Tnog ito ay nagpapakita ng magkahalong emosyon. Kasuotan ito ay nagpapakita ng isang nasyonalidad ng karakter. Tagpuan ito ay nagpapakita ng naturang ayos ng isang karakter.
Sa aking tingin wala namang napabayaang elemento dahil ang bawat akto ay maysapat na elemento.
Opo, Dahil makikita mo agad ang gustong ipahiwating ng palikula tungkol sa kasalukuyang kabuhayan ng mga katutubo.

Anonymous said...

Sa aking palagay makatotohanan ang istorya dahil totoong may masasamang militar na ginagamit nila ang kanilang posisyon para manakit ng mga inosenteng tao tulad ng ating mga katutubo.
Oo sa iba pero sa aking pagsusuri nag over acting sa pagganap si Maria Isabel Lopez na gumanap bliang umay.
Ang bahaging nagpakita ng kagalingan sa aking palagay ay ang paglaban ng mga kanayon ni Ayeng sa mga militar sa pagkamkam ng mga ito sa lupa nila.
Nakatulong ito ng malaki sa ikagaganda ng pelikula sapagkat kung wala ang mga ito hindi masasabi ng mga nakapanood na nagandahan sila sa palabas.
Oo, ng may pagtitipon noong gabi masyadong madilim at malabo na hindi ko makita ang ibang naroon.
Oo malinaw na malinaw na mali ang pagtrato ng mga militar sa ating mga katutubo parang tuloy gusto ko silang kasuhan ng habang buhay na pagkabilanggo.
Sa lamat po sa pagbasa.=)

Anonymous said...

Oo dahil halos na nakatira sa bundok ay hindi talaga nakakapag aral dahil sa hirap ng pamumuhay nila na ang unang prayoridad ay ang maghanapbuhay para maipangtustos sa araw-araw nilang pangangailangan.

Sa tingin ko ay hindi angkop si Heart Evangelista na gumanap sa bilang "Ayeng" dahil sa kanyang pisikal na anyo. Ganundin naman si Sheena Joy dahil siya ay "over acting" na hindi tugma sa kanyang papel na ginampanan.

Sa aking palagay nagpapakita ng pagkamadula ang mga eksenang nagpapakita ng katotohanan na talagang mahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon.

Sa paglalapat naman ng ilaw, tunog, kasuotan at maging sa tagpuan ay malaki ang naitulong nito dahil mas lalong naipakita o naipahayag ang kagandahan ng eksena o ng pelikula.

May ilang eksenang napabayaan kagaya ng pagbabarilan na kung mapapanood ng mga bata ay hindi maganda na kagisnan.

Sa aking palagay naipahatid nila ang magandang mensahe nito dahil sa pagsasadula ni Ayeng dahil naipakita niya kung paano tumulong o magmalasakit sa ibang tao at naipakita dito ang magandang kaisipan .

Anonymous said...

Ang pelikulang ito ay makatotohanan sapagkat sa panahon ngayon,nangyayari ito sa mga liblib na lugar sa Pilipinas.Para sa alin,si Heart Evangelista ay hindi angkop sa ginagampanang papel dahil ang ganda ng kanyang kutis para maging isang katutubo,pero ang iba ay angkop naman sa kanilang ginampanan.Noong nag-away si Umay at Ayeng dahil sa pagtatrabaho ng mga batang katutubo,kasi kitang-kita ang kagalingan nila sa pagganap.Nagiging makatotohanan ang isang pelikula sa paggamit ng mga ilaw,kasuotan at tagpuan.Sa aking pagsusuri,wala namang napabayaang elemento.Oo,dahil naging makatotohanan at nakapagbigay-inspirasyon sa mga mag-aaral.

Anonymous said...

Sinimulan ang istoryang ito "Ay Ayeng" sa alaala ng dalawang magkaibigan na sina Ayeng at Karen. Nagkahiwalay ang dalawang magkaibigan dahil si Karen ay aalis patungong Hawaii.
Makatotohanan ang mga pangyayari sa istoryang ito dahil sa kasalukuyan ay nangyayari ito sa panahon ngayon. Walang awa nilang pinapatay at pinapaalis ang mga katutubong wala namang kasalanan sa kanila gaya nang nangyayari sa kasalukuyan.
Masasabi kong angkop ang ibang artista sa papel na kanilang ginampanan. Meron din namang isang tauhan na gumanap ang hindi umangkop sa kanyang ginampanan bilang Ayeng na si Heart Evangelista dahil hindi siya masyadong angkop kung ang pagbabatayan ay ang kanyang kaanyuan sa kanyang ginampanan dahil hindi nangingibabaw sa kanya ang kaanyuang mahirap.
Ang nagpakita ng bahagi ng pelikula na pagkamadula o kagalingan sa pagganap ay ang eksena kung saan nagaganap ang pagtatalo nina Ayeng at Umay dahil dito lumabas ang tunay na kagalingan ng gumaganap na tauhan.
Ang paglalapat ng ilaw, tunog, kasuotan at tagpuan ito ang nakatulong sa ikagaganda ng buong pelikula dahil ito ang mga nagbibigay ng mga ikagaganda ng isang pelikula.
May napabayaan na elemento nung ginahasa si Ayeng ni Gallo.
Ang mensaheng nais iparating ng pelikulang ito ay naipakita at nailahad dahil ipinakita ng maayos at malinaw ang bawat eksena ng pelikula.
Ipinakita sa pagwawakas ng istorya ang walang awang pagpatay sa mga taong walang laban.

Anonymous said...

Oo makatotohanan ang pelikula.Ito'y hango sa isang tunay na istorya ng isang dakilang babae na nagmula sa mindanao.

Para po sa akin angkop ang mga artistang gumanap sa pelikulang pinanood sapagkat sila'y magagaling na artista.

Ang bahaging ang artista ay gumanap ng mahusay ay ng si Ayeng ay ginahasa at nawala ang kanyang pagkababae.Tunay na makatotohanan ang ganap pati ako'y nadala sa pagganap ng gumanap na artista.

Nakatutulong ang lahat ng mga ito sapagkat dito nakasalalay ang ikagaganda ng isang pelikula.Ito ang dahilan kung bakit mas nagiging mas may buhay at makatotohanan ang isang pelikula.

Oo,ito ay ang paglalapat ng ilaw sapagkat may bahaging masyadong madilim na kung saan dapat na mas pinagtuunan ng pansin.

Para sa akin naipahatid ng pelikula ang mensaheng nais ipabatid sapagkatnaipakita ng maayos sa bandang hulihan ng pelikulang pinanood.

Anonymous said...

Melanie Calupas

Makatotohanan ang istoryang ito dahil sa kasalukuyan may mga ganitong pangyayari tulad ng sa
Mindanao.Na nagkakaroon ng alitan sa pagitan ng mga sundalo at mga katutubo.
Angkop ang mga artista sa papel na kanilang ginampanan,naipakita nila ng maayos at malinaw ang bawat eksena.
Ang alitan sa pagitan ni Ayeng at Umay,natural na natural ang pagganap ng bawat isa.
Malaki ang naitulong nito sapagkat ito ang nagbibigay ng buhay at kagandahan ng pelikula.
Walang napabayaan na elemento ang pelikula.
Para sa akin naipahatid ng pelikula ang mensaheng nais nitong iparating.

Anonymous said...

Lesley Paderes said...
Ang pelikula ay nagpakita ng makatotohanang istorya.Ipinakita dito angb tunay na nangyari sa buhay ng mga katutubo.
Sa pamamgitan nito ay ginampanan nang mahusay ng mga gumanap ang kani-kanilang sariling eksena, lalong lalo na sa madamdaming eksena na nangyari sa palabas.
Pinakamadahas at nakakalungkot ang eksena ng pagmamakaawa ng tiya sa mga rebeldeng sundalo na hhuwag silang patayin, ngunit ang mga ito ay hindi nakinig sa kanya. Ipinakita dito ang kahabag habag at ang mga walang laban na mamamayan.
Malaki ang nagawa ng paglalapat ng ilaw, tunog, kasuotan, at tagpuan sapagkat ito ang nagbibigay byhay sa isang palabas.
Sa bawat eksena ay may kani-kanilang ginagampanan ang elemento dahil dito ay hindi ito napabayaan.Ang elemento ayang nagbibigay buhay sa isang palabas para lalo itong maintindihan ng mga manonood ang bawat eksena. Ito ay ang paglalapat ng tunog, ilaw, kasuotan, at ang tagpuan o lokasyon na nababagay sa bawat eksena.
Ang pelikula ay naghatid ng kanyang mensahe sa mga manonood sapagkat naipahatid nito ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat taong manonood at naipabatid din nito ang buhay ng mga katutubo higit sa lahat naantig nito ang damdamin ng mga manonood.

Anonymous said...

Makatotohanan ang mga pangyayari sa pelikulang ito nagpapatunay dito ang walang awang pagpatay,panghahalay at pagpapaalis ng mga sundalo sa mga katutubo na nakatira sa lugar na iyon nagagawa nila iyon dahil sa kamangmagan ng mga katutubo hindi kasi nila alam ang kanilang mga karapatan dahil para sa kanila mahirap maabot ng edukasyon ang kanilang lugar at ytanging pagbubungkal ng lupa ang dapat nilang gawin.
Para sa akin ay may di-angkop sa mga nagsipagganap na artista dito at para sa kanilang pagganap masasabi kong magaling lahat sila at ang pagiging over acting ng ilan ang mas nagpaganda pa dito upang mas madama ng manonood nag pagiging makatotohanan nito.
Ang nagpakita ng bahaging pagkamadula ng artista ay ang pagtatalo ni Ayeng at Umay tungkol sa edukasyon dahil dito ipinakikita nila ang kanilang mga opinyon tungkol dito na ang mga kahalagahan nito ay magmumulat sa mga tao ng tunay na kahalagahan ng edukasyon sa mundo.
Nakatutulong ang mga ito dahil sila ang mga salik na nagbibigay buhay,sigla at katotohanan ng isang matagumpay,maganda at makatotohanang pelikula.
Napabayaan ng pelikulang ito ang elemento ng bida sa pelikula sapagkat katulad ni Ayeng na hindi bagay sa kanyang ganap bagamat siya'y isang magaling na artista ay hindi siya tugma dahil sa kanyang pisikal na anyo tulad nag kanyang kaputian,kinis ng balat,kagandahan at iba pa na hindi tugmang karakter para sa isang katutubo.
Naipahatid ng pelikulang ito ang kanyang layunin sapagkat damang dama ko ang pagsasadula ng mga artista at dahil din sa pagbibigay nila nang tunay na kahalagahan ng edukasyon na hindi ito hadlang para sa isang taong nais makamit ang kanyang pangarap na maging isang guro upang maalis ang kamangmangan ng kanyang kababayan upang malaman nila ang kanilang mga karapatan at hindi na sila maabuso.

Anonymous said...

Isang pelikulang pinamagatang "Ay Ayeng " ang aming sinuri.Isang pagsusuring kinakailangan ng lubos na pag-unawa.
Naipahayag ang tunay na damdamin .Mga damdaming nais ipahayag ng sumulat at gumawa ng pelikula. Sa madaling salita ang pelikula ay naging makatotohanan.
Ang mga artista ng naturang pelikula ay mahuhusay.Nagampanan nila ng buong husay ang kanilang papel sa pelikula.
Sa bahagi ng pelikulang nagtatalo ang ilan sa mga katutubo at si Ayeng ang nagpakita ng kagalingan ni Ayeng. Dahil napalutang niya ang damadamin ng pelikula.
Naipakita ang kasiningan ng pelikula dahil sa mga paglalapat ng tunog,ilaw,at iba pang elemento ng pelikula. Naipahayag ang mga ideyalismo ng pelikula.
May ilang mga elemento ng pelikula ang napabayaan. Ito ay ang mga papel na ginagampanan ng mga artista. Ang ilan sa kanila ay hindi nababagay sa kanilang papel na ginampanan sa pelikula.
Naipahatid ng pelikula ang mga nais na ipapatid nito sa mga manonood.

Anonymous said...

aiden said...

Makatotohanan ang pelikulang ito,dahil ipinakita dito ang mga pangyayari sa tunay na buhay.
Ang ibang artista ay karapat-dapat sa kanilang ganap,may isa lang akong napansin,siya si Ms.Heart Evangelista bilang Ayeng,dahil sa kanyang mga kuko na maganda,nakatira siya sa probinsiya tapos ganon ang kanyang mga kuko.tapos meron silang mga make-up,ang isang taga probinsiya ay hindi nagmamake-up.
Ang bahagi sa pelikula na naging madula o naging maganda ang kanilang pagganap ay ang parte na umalis sina Ayeng at Karen,sumakay sila sa isang Bus,nakarinig sila ng isang putukan na hindi nagustuhan nina Ayeng nagpumilit silang bumaba ngunit hindi huminto ang sasakyan.
Mas gumanda ang pelikulang ito dahil sa paglalapat ng tunog,nakakaakit itong panoodin lalo sa mga kabataan.
Wala namang napabayaan sa pelikulang ito,naging maganda at maayos naman ang palabas na ito.
Naipahatid naman nila ang mensahe nito.Naipakita ang nais ipakita.Sa kabuuan naging maganda ang palabas na ito.

Anonymous said...

Ay Ayeng
Ang pelikulang ito ay tungkol sa isang katutubo na nagpakita ng katatagan at dedikasyon upang maturuan ang kanyang mga kababayan, sa kabila ng mga balakid siya ay nanatiling matatag.

Ang bawat linya o dayalogo sa bawat tagpo ng pelikula ay kapuri-puri, sapagkat lutang na lutang ang mga damdamin na dapat taglayin. Mayroong pangyayari din sa pelikula na nangyayari din sa kasalukuyan ito ay ang pakikipag laban ng mga rebelde sa mga militar.

Ang pangunahing tauhan sa pelikulang ito ay ginampanan naman ni Heart Evanghelista, sa kanyang pagganap ipinakita niya ang pagiging konsistent. Ang iba pang tauhan ay nagpakita din ng pagiging konsistent sa kanilang pagganap.

Maraming bahagi ng pelikula ang nagpakita nga pagkamadula, isa narito ang bahagi nakung ssaan ay nagpatuloy parin si ayeng sa pagtuturo kahit na napagsamantalahan siya. Naipakita dito ng aktres ang kanyang natural bna pagganap at kinakitaan ito ng dedikastyonb at puso sa kanyang eksenang ginampanan.

Ang mga ilaw,tunog o musika,kasuotan at tagpuan ay nakatulong sa pagpapaganda ng mga tagpo sa pelikula. binigyang linaw ng mga ilaw ang bawat tagpo,binigyang buhay naman ng tunog o musika ang buong pelikula at nagpatotoo naman ang mga kasuotan sa mga papel na kanilang ginagampanan.

Sa pagsuri ko sa buong pelikula sa tingin ko ay may napabayaang elemento sapagkat hindi na ipinakita ang mga nangyari sa iba pang katutubo kung kayat ako ay nabitin sa huli.

Sa kabuuan nga pelikula masasabi kong naibigay ng buong produksyon ang pinakamabuti nilang magagawa upang ilahad ang mensahe ng pelikula at ito ay ang kahalagahanng edukasyon at pagmamalasakit sa kapwa.

Anonymous said...

Ang pelikulang Ay Ayeng ay isang makatotohanang pelikula sapagkat ang ilan sa mga pinakitang pangyayari dito gaya na lang ng pananakot ng mga sundalo sa mga walang kalaban kalaban na mamamayan ay nagaganap parin daw sa ilang lugar dito sa Pilipinas.

Magagaling ang mga nagsipag ganap na artista.Konsistent sila sa kanilang pagganap dahil nagampanan naman nila ang kanilang mga "role" ng mahusay.

Makikita ang galing ng artista sa bahagi ng pelikula na binabaril ng mga sundalo ang mga katutubo habang si Ayeng ay nag pipilit na lumabas sa loob ng bus.Kitang kita na nag karoon ng reaksyon ang mga manonood sa bahaging ito ng pelikula dahil sa galing ng pag arte ng mga artista.

Ang paglalapat ng kasuotan ay nakatutulong dahil mas napatitingkad ang karakter ng isang tauhan.Ang pag lalapat ng tunog naman ay nakadadala sa damdamin ng mga manonood.Ang ilaw ang nag papakita kung gabi na o maaga pa sa tagpuan ng palabas.Ang tagpuan naman ay isa rin sa nag papaganda sa pelikula.

Kung minsan ay napapabayaan ang sobrang ilaw dahil kahit gabi na ay kapansipansin parin ang liwanag sa paligid.

Para sa akin naipahatid naman ng pelikula ang mensaheng nais nitong iparating dahil marami akong natutuhan sa palabas.

Anonymous said...

sir carol po 2
ako po ung unangunang anonymous
hehehe
sorry po..
carol fernando po ito

Anonymous said...

Makatotohanan ang istorya.Nangyayari ang mga ganitong sitwasyon lalo na sa panahon ngayon na lahat ng tao o pilipino ay naghahangad na magkamit ng edukasyon sa paniniwalang ito ang makapagbibigay ng kaginhawaan at magandang kinabukasan sa bawat isa at magwawaksi sa kabigatan ng pasanin na dala ng kahirapan.
Angkop sa ibang tauhan ang kanilang ginampanan,maliban kay heart evangelista na gumanap bilang Ayeng.Sa aking opinion hindi angkop o hindi bagay sa kanya ang naturang pagganap.Dahil hindi marahil bagay sa kanyang personalidad o panlabas na anyo ang pagiging isang katutubo,lalo na ang magtanim ng gulay dala na rin siguro ng kanyang maputing kutis na animo'y hindi dumadanas ng hirap.marahil kung ako ang papipiliin maghahanap ako ng talento o artista na pangmasa ang hitsura.halimbawa judy ann santos,sarah geronimo,iza calsado atbp.pero sa kabuuan maganda naman ang kanyang naging pagganap
Naipakita ang kagalingan ng kanilang pagganap sa bahaging pakikipagtalo sa pagitan ni Ayeng at mga katutubo ukol sa sa "value" o kahalagahan ng edukasyon.Naipakita nila ang kanilang kagalingan o pakamadula dahil madadala ka ng iyong emosyon at nakakarelate kaming mga estudyante.
Nakatutulong ang lahat ng ito sa pagbibigay ng makatotohanang pangyayari, nagsilbing buhay at nagbigay kagandahan sa buong pelikula.nakatulong din itong mahikayat ang mga manonood.
Sa aking palagay walang napabayaang elemento sa pelikula.Sa kabuuan maganda at makatotohanan ang pagkabuo ng istorya.
Sa aking opinyon maayos na naihatid ng pelikula ang mensaheng nais nitong iparating sa manonood.Ang iparating sa bawat isa ang kahalagahan ng edukasyon sa ating buhay.

Arlene Way said...

Naging maganda ang pelikulang Ay Ayeng. Base na rin sa mga tanong at sagot sa ibaba. Sa pelikulang ito maraming ipinakitang kahirapan ng mga kabataan dahil na rin sa paniniwala ng kanilang mga magulang na mas maigi pang magtanim kaysa sa mag-aral.

Para sa akin makatotohanan ang istorya. Tulad na lang ng pagpatay ng mga militar sa mga katutubo. Marami tayong nababalitaan na mga namatay dahil na rin sa mga military. Gusto nilang makuha anuman ang naisin nila. Pero mayroon pa ring maimpluwensyang nag-uutos sa kanilang gawin ang mga ganoong kasamaan.

Naging maayos ang pagganap ng mga artista sa kanilang papel. Mula sa major hanggang sa minor characters. Ngunit may sinabi sa amin noon ang aming guro sa Pisika na si Sir Vasquez na hindi angkop si Heart Evangelista sa kanyang papel. Bakit daw ang gumanap ay napakaganda ng kamay samantalang nagtatanim sila ng gulay doon. Pwede naman daw na ibang artista tulad ni Judy Ann Santos na alam naman nating sanay sa mga ganoong uri ng papel.

Tuwing lumalabas sa scene si Jon Arcilla ay lumulutang ang kagalingan nitong artista. Talagang naramdaman ng mga manonood ang masamang papel niya. Base na rin sa mga ekspresyon ng aking mga katabi noon. Magaling ang naging pagtatalo ni Ayeng (Heart Evangelista) at ni Umay (Ma. Isabel Lopez) dahil sa ramdam mo talaga ang mainit nilang diskusyon tungkol sa edukasyon ng mga bata roon. Wala naman akong masyadong napansin na pagkamadula kina Sheena Joy at Jao Mapa.

Nakatulong ito ng malaki dahil sa mga ito naging makatotohanan ang pelikula. Mahalaga ang mga ito, dahil ito ang nagbibigay ng buhay sa pelikula. Kung wala ang mga ito siguradong hindi maganda ang kalalabasan ng istorya.

Para sa akin walang napabayaang elemento. Kung meron man ay hindi ito kapansin-pansin.

Opo, naihatid ng pelikula ang nais nitong iparating. Maganda ang kabuuan ng pelikula.

Maganda ang kabuuan ng pelikula. Ang mga naging sagot ko sa mga tanong ay halos lahat ay positibo. Ang ibig sabihin lamang noon ay naging maayos, maganda at kasiya-siya ang pelikula.

Anonymous said...

Good day!!!sir...inayos ko po ayan na yung bago tnx po!!!!!yngat
...Paul

Arlene Way said...

sir gumawa po ako ulit. Wala po kasi ako nung simula at wakas. Unfair naman... LOLx

http://arleneway09.blogspot.com

Anonymous said...

Isang mahusay na pelikula ang Ay Ayeng. Maihahalintulad mo ito sa kasalukuyang panahon kung saan nararanasan ng mga kapatid nating katutubo ang pangmamalupit ng mga militar. kaya masasabi kong makatotohanan ang pelikula.

Mahuhusay ang mga napiling artista ng produksyon. Naiaangkop nila ang kanilang sarili sa tauhang kanilang binibigyan buhay. Subalit para sa akin ay hindi angkop na maging isang katutubo ang ubod na mestisang babae tulad ni Heart Evangelista. Ngunit sa kabilang banda ay maaari na rin sapagkat nabigyan naman niya ng magandang pagganap ang kanyang tauhan.

Ang pagtatalo nina Umay at Ayeng ang isa sa mahusay na eksena sa Ay Ayeng. Magaling ang kanilang pagganapat nailahad nila ang tamang emosyon na kinakailangan sa eksena.

Ang paglalapat ng iba't ibang elemento sa isang pelikula tulad ng ilaw,tunog,kasuotan,at tagpuan ay isang mahalagang "factor" upang mapaganda ang palabas. Nagagawa ng mga elementong ito na maka-"relate" ang mga manonood sa pinapanood na pelikula.

Kagaya ng aking sinabi,mahusay ang pelikula.Wala akong nakikitang pagkukulang ng produksyon sa iba't ibang uri ng elemento.

Naipahatid ng pelikula ng maliwanag sa mga manonood ang nais nitong ipabatid sa atin gaya na lamang ng pagpapahalaga sa edukasyon.

Anonymous said...

Ang pelikulang Ay Ayeng ay nagbibigay inspirasyon sa mga kabataang makapag-aral sa kabila ng hirap ng buhay.Dahil sabi nga ng ilan ang edukasyon ang susi para magtagumpay sa buhay.

Naging makatotohanan din ang mga pangyayari sa pelikula.Dito natin makikita kung paano manakit at manamantala ang mga masasamang sundalo sa mga inosenteng tao katulad na lamang nang nangyayari ngayon sa Mindanao.Pati narin ang katotohanang ang ibang mga kabataan ay hindi nakakapag-aral,sa halip ay nagtatrabaho na lamang para may makain sa araw-araw.

Masasabi ko rin na hindi masyadong naging angkop ang pagganap ng mga tauhan sa pelikula.Katulad na lamang ni Ayeng na ang kanyang mga kamay ay makikinis at magaganda ngunit ang ginagawa niya ay magtanim ng mga gulay.Ngunit sa kabilang banda,magaling siyang umarte.

Ang mga artista na nagsiganap ay magagaling at nagpakita ng pagkamadula sa mga ginagawa nila.Isa na sa nakatawag pansin sa akin ay noong pinagtatalunan nina Umay at Ayeng ang pag-aaral ng mga bata.May punto naman si Ayeng sa kanyang pagkukumbinsing pag-aralin ang mga bata para sa kanilang kinabukasan.Ngunit ang nais nila Umay ay pagtrabahuhin lang ang mga bata upang makatulong sa kanila.

Nakakatulong rin ang paggamit ng mga ilaw,tunog,kasuotan,at tagpuan sa pagpapaganda ng pelikula dahil mas lalong naging makatotohanan ang mga pangyayari sa pelikula.

Wala namang nagkulang na elemento sa pelikula.Naging maayos at maganda naman ang pagkakagawa ng mga pangyayari.Angkop ito sa mga estudyanteng nakapanood.

Naipahatid ng pelikula ang nais nitong iparating dahil maraming kabataan ang magiging desperado sa pag-aaral para sa kanilang kinabukasan.Katulad ni Ayeng na naabot niya ang kanyang pangarap na maging guro dahil sa kanyang determinasyong makapagtapos.May malasakit rin siya sa mga bata sa kanilang lugar na nais makapag-aral.

Nagbibigay ang Ay Ayeng ng inspirasyon sa mga kabataan na maabot nila ang kanilang mga pangarap kahit mahirap ang buhay.Maging katulad sana tayo ni Ayeng na may malasakit sa mga batang kapos sa kaalaman.

Anonymous said...

Angelique B.Guerra


Ay Ayeng
Pinapakita dito sa pelikulang ito ang kahalagahan ng edukasyon.
Oo,dahil naipakita rito kung gaano kahirap ang buhay ng mga katutubo.Sila ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga gulay at ipinagbibili nila sa kabayanan na patuloy na nangyayari sa totoong buhay.makikita rito na sila ay talagang masipag.ipinakita rin dito ang kagustuhan ng mga kabataan na matuto,ngunit mas gusto pa ng kanilang na tumulong na lamang sila sa pagtatanim.makatotoo dahil napatunayan sa pelikulang ito na ang tunay na kaibigan ay hindi nangiiwan sa oras ng pangangailangan.
Nagampanan nila ng buong husay ang kani kanilang papel sa pelikula.konsistent sila sa kanilang pagganap.ngunit mas maganda siguro kung kumuha sila ng ibang artista upang gumanap na ayeng sapagkat kung pisikal na aspeto ang pagbabatayan,masyadong makinis at maputi ang balat ni heart evangelista.hindi bagay sa kanya ang magtanim ng gulay.

Ang nagpakita ng pagkamadula ay ang huling senaryo.doon ako napaluha.

Mas lalo nitong napapaganda ang pagpapalabas ng pelikula.angkop na angkop ang kasuotan at pinagkuhanan.


Sa tingin ko ay wala namang napabayaang elemento ang palabas.maganda naman ang kinalabasan nito.

Ang nais iparating ng pelikula ay ang kahalagahan ng edukasyon.ito ang nagbibigay karangalan sa isang tao.biulang estudyante,dapat kong pahalagahan ang aking pagaaral.ito lamang ang tanging kayamanan na maipapamana ng aking mga magulang sa akin.naiisip ko ang aking mga magulang ng pinapanood ko ang pelikulang ito.naiisip ko ang kanilang paghihirap para mapatapos kami sa pagaaral.sana ay mapanood ito ng marami pang mga kabataan.

Anonymous said...

"Ay Ayeng"
Ang istorya ng pelikula ay nagpakilala ng pagiging masigasig ng isang babae sa pagtupad ng kanyang pangarap at ang pagiging matatag sa mga pagsubok ng buhay.Naipakita rin ang kahalagahan at karapatan ng mga kabataan na magkamit ng tamang edukasyon na magiging daan ng bawat isa sa pagunlad.

Ang mahusay na pagganap at mga salita na nagpapaluha sa mga manonood ang nagpatunay na makatotohanan ang istorya. Isa na dito ang eksena ng pagtatalo ng ng bidang si Ayeng sa mga magulang ng mga batang kanyang tinuturuan tungkol sa kanyang pagkumbinsi sa mga ito na bumalik sa eskwela ngunit pinili ng kanilang mga magulang na tumulong na lamang sila sa pagtatanim.

Si Heart Evangelista bilang Ayeng, ay naging angkop sa nasabing papel dahil isa siya sa magagaling na aktres ng bagong henerasyon at naiangkop niya ang kanyang sarili sa karakter na ito.

Ang pagkamadula ay naipakita sa huling tagpo ng pag-alis ni Ayeng at Karen sa kinalakihan nilang lugar kung saan naibuhosang emosyon lalo na ng sa kanilang pag-alis ay pinagbabarilang mga taong naging parte na ng buhay ni Ayeng.
Malaki ang naitulong ng mga tunog at kasuotan sa ikinaganda ng pelikula.Ang mga tunog ang nagbigay buhay sa mga pangyayari tulad ng pagpapalitan ng putok ng mga rebelde at mga katutubo.Gayun din ang kasuotan na ginamit ng mga katutubo na nagpatotoo sa lugar na kanilang tinitirhan.

Isa sa maaaring nagkaroon ng kapabayaan ay sa unang bahagi ng istorya dahil hindi kaagad madaling naunawaan ang tunay na nangyayari.

Naipahatid naman ng pelikula ang mabubuting aral tulad na lamang ng pagpapahalaga sa edukasyon na ipinakita ni Ayeng dahil ito ang maghahatid sa isang kabataan sa kanyang pag-unlad.

Nagbigay aral ang pelikula sa mga kabataang nakapanood nito.Sa pamamagitan nito mas naunawaan ang kahalagahan ng edukasyon at ang pagpapahalaga sa pagkakaibigan kahit sa paglipas ng panahon.

Anonymous said...

Isang kapanapanabik at kaakit-akit ang istorya ng Ay Ayeng. Bawat eksena ay pawang katotohanan na nangyayari sa tunay na buhay.

Naging mas lalo itong kapanipaniwala nang magampanan ito ng maayos ng bawat tauhan. Ang isang eksena dito na makapagpapatunay na makatotothanan ang istorya ay ang pagkawala ng halaga ng mga katutubo sa edukasyon na nagiging dahilan ng pagbaba ng tingin at kung minsan ay pang-aabuso sa kanila.

Naging mahusay din sila sa pagganap. Bawat isa ay nagpakita nang kagalingan sa pag-arte upang mabigyang buhay ang kani-kaniyang papel.

Para sa akin ang eksena ni Ayeng at ni Umay ang nagpapakita ng kagalingan o pagkamadula ng isang artista dahil dito pinapakita ni Ayeng ang kanyang paninindigan na matuto ang mga bata na labis namang tinutulan ng kanilang mga magulang at isa na doon ni Umay.

Nakatulong din sa ikagaganda ng buong pelikula ang ilaw,tunog,kasuotan at tagpuan dahil mas nabibigyang buhay nito ang bawat eksena upang mas maging makatotohanan.

Sa aking pagsusuri wala naman silang napabayaang elemento dahil lahat ng eksena ay ipinakita ng maayos at maingat na naisagawa.

Kung ako ang tatanungin naipakita naman nila ang mensahe na nais nilang iparating dahil nabigyang buhay ng bawat tauhan nag kani-kaniyang papel na gingampanan na nakatulong upang mas maintindihan ng mga manonood ang pelikula. Tulad ng pagpapahalaga sa edukasyon.

Sa bandang huli maganda at talaga namang kahanga-hanga ang pelikulang Ay Ayeng dahil sa ganda ng mensaheng gusto nitong iparating sa bawat manonood na talaga namang kapupulutan ng aral.

Anonymous said...

Ang pelikulang Ay Ayeng ay may istoryang naglalahad ng mga pangyayari sa ating buhay.Ang pagmamalupit ng may kapangyarihan sa nakabababa ay bahagi na ng ating buhay. Tinatalakay din dito ang iba't ibang problema sa aspeto ng pangkabuhayan,panlipunan at pamantayang moral.
Maraming mayayaman ang kumukuha sa lupa ng katutubo, tulad ng ipinakita sa pelikula. Ang tagpong ito ay makatotohanan sapagkat marami sa kanila ang pumupunta sa lungsod dahil wala na silang lupang matitirhan.
Ang pagganap ng mga artista ay nagbigay ng buhay sa pelikula. Ang bawat karakter ay angkop sa kanilang mga ginampanan. Ang kanilang magaling na pag-arte ay nakatulong sa pelikula na maihatid ang kani-kanilang karakter.
Ipinakita ang kahusayan sa pag-arte ni Heart Evangelista(Ayeng)sa bahagi ng pagtatalo nilang dalawa ni Maria Isabel Lopez(Umay). Nabigyan niya ito ng damdamin at masasabi kong nakumbinsi niya ako na pahalagahan ang edukasyon.
Ang kasuotan,tagpuan,mga tunog at ilaw ay nakatulong sa ikagaganda at pagiging makatotohanan ng pelikula. Kailangang tugma ang kasuotan at tagpuan sa pelikula upang hindi malito ang manonood sa nangyayari sa pelikula. Samantala, ang tunog at ilaw naman ay nakadagdag sa aking interes na ipagpatuloy ang aking panonood.
Naging maayos ang takbo ng mga pangyayari sa pelikula kaya masasabi kong walang napabayaang elemento ng pelikula.
Sa kabuuan ng pelikula, ang mensahe nito ay napabatid sa mga manonood.Nailahad ng maayos ang mga layunin nito tulad ng pagpapahalaga sa edukasyon at pati na rin sa mga karapatan ng mga katutubo. Naging matagumpay ang mga kaisipan na nais iparating sa panonood dahil bawat eksena ay nakapukaw sa aking damdamin.
Dapat nating pahalagahan ang mga katutubo sapagkat sila ang lumilinang sa ating kalikasan. Mapalad tayo dahil nakapag-aaral tayo sa paaralan at ang edukasyon ay ating natatamo. Gawin natin ang ating makakaya upang ito ay umunlad.

Anonymous said...

May isang pelikula na tumatak sa isipan ng mga manonood dahil magandang aral ang naidulot nito.Ngunit nag-iwan rin sa atin ng ibat-ibang katanungan at ito ay ating aalamin.Ito ang Ay Ayeng.

Para sa akin ang palabas na Ay Ayeng ay makatotohanan dahil ito ay nanyari sa tunay na buhay.Ipinakita dito ang pagtatalo ni Ayeng at ni Umay tungkol sa edukasyon.Sa panahon natin ngayon may mga batang di nakapag-aaral dahil sa hirap ng buhay kaya mas naisipan ng mga bata na magtrabaho kaysa sa mag-aral.Ito ay dahilan na rin ng kumakalam nilang mga sikmura.

Masasabi ko na si Heart Evangelista ay di bagay sa kanyang papel dahil maganda ang kanyang kutis at sa pagkakaalam ko na ang mga katutubo ay bilab sa init.Si Sheena Joy Lopez ay di angkop sa papel na kanyang ginampanan dahil siguro di pa siya sanay.Si Jao Mapa,John Arcilla at Maria Isabel Lopez ay pawang mga sanay na sa pag-arte.

Ang pagtatalo nina Ayeng at Umay ang nagpakita ng kagalingan nila sa pagganap.Para bang nakita mo ang iyong kapitbahay na nagtatalo.

Ang paglalapat ng ilaw ay nagpapaganda sa palabas dahi nagbibigay ito ng tamang liwanag at dilim.Ang paglalapat ng tunog,dito mararamdam ng isang manonood kung may pangamba o kasiyahan.Sa kasuotan makikita natin na ang ilang tauhan sa pelikula ay nagsuot ng damit ng katutubo.Ang tagpuan ay dapat angkop sa pelikula at ganun nga ang nangyari sa pelikula.

Sa tingin ko wala namang napabayaang elemento dahil maganda ang pagkagawa nito.Kaya maganda ang naging resulta.

Naipahatid ang mensaheng nais iparating nito sa mga manonood.Maraming magagandang aral ang mapupulot dito.Naantig rin nito ang damdamin ng mga manonood, may ilang napaluha at mayroon ding natuwa.

Ang pelikulang Ay Ayeng ay isang magandang palabas dahil kahit may ilang kapalpakan naghatid pa rin ito ng magandang mensahe.Ang ganitong palabas ay nakakatulong sa ating mga kabataan na maging matatag at matalino sa lahat ng bagay.

Anonymous said...

Sir THANK YOU po!!!! at binigyan nyo po ako ng palugit sa project!
MERRY CHRISTMAS IN ADVANCE!!
-mAY yApAN & JAyLene VillaMin

papasko po!!!
-by:SIXTERS***(4-B)

Anonymous said...

Noong Oktubre 4, 2008 ay pinanood ng mga Dizonians ang pelikulang Ay Ayeng. Ito ay pinasuri sa amin ng aming guro sa Filipino.

Ang mga kaganapan sa pelikula ay makatotohanan sa Pilipinas,noong panahon ay naghahari ang mga militar at nagaganap ang pagkuha ng mga lupain. Ang mga Pilipino o mga tribu noon na naninirahan sa mga bundok ay walang kakayahan ipag laban ang kanilang mga karapatan.

Ang mga artistang nagsiganap sa pelikula ay maayos at maganda ang kanilang pag acting. At ang bidang si Heart Evangelista ay maganda ang pagdala nya ng emosyon sa bawat eksenang kanyang ginanapan sa pelikula.

Ang bahaging pagkamadula sa pelikula ay nung nagtalo o hindi ngakaunawaan sina Umay at Ayeng. Sapagkat sa eksenang ito ay aking napansin ang maraming pag re act ng manonood na nadala ang emosyon sa bawat salita ng kanilang binibitawan.

Napakahalaga ng mga elemento na kinakailangan ng isang pelikula sapagkat ito ay nakakatulong na mabuo ang isang pelikula nagbibigay ng buhay ang mga elemento upang mapaganda. Tulad ng mga kasuotan ng nagsisiganap sa Ay Ayeng.

Para sa aking pagsusuri ay walang napabayaan elemento kayat napalabas nila ito nang maganda.

Ang mensaheng nais iparating ay naipahatid. Ito ay ang pagpapahalaga o kahalagahan ng edukasyon sa atin.

Anonymous said...

Ay Ayeng

ang pelikulang ito ay tungkol sa isang katutubong guro na pinag-aral
ng kanyang kapwa katutubo para lamang maturuan nya ang kanyang mga katutubo para matuto sila sa hindi pa nila nalalaman!

a. makatotohanan dahil madami pa rin ang mga mangmang na tao na taga bundok dahil mahirap ang buhay sa mga kabundukan at di ito naaabot ng gobyerno sa pagbibigay ng tulong!

b. hindi bagay ang ginampanan ni heart evangelista o si ayeng dahil wala namang taga bundok na maganda ang kamay at maputi!

c. ang pagtatalo nina umay at ayeng tungkol sa edukasyon at hanapbuhay para mabuhay na talaga namang pinanindigan ni ayeng na ang pagkatuto ay susi sa magandang kinabukasan pero tinutulan ito ni umay sa kadahilanang walang ikabubuhay kung uunahin nila ang pag-aaral!

d. ang ilaw,tunog,kasuotan at tagpuan, ito ay nakatulong dahil para maging makatotohanan ang bawat pangyayari o eksena sa pelikula!

e. may ilang napabayaang elemento tulad ng bihirang iapkita ang ibang katutubo kaya hindi alam ng mga manononod ang nangyayari sa kanila!

f. oo, naiparating nito ang mensaheng nais iparating dahil gusto nitong ipakita na mahalaga ang edukasyon sa mga kabataan para sa kanilang magandang kinabukasan!

kapupulutan ito ng napakadaming aral para sa mga kabataan na magsikap mag aral dahil para din ito sa ikauunlad ng kanilang buhay sa pagdating ng panahon!

Anonymous said...

hehehehehehe

napadaan lang po sa blog noy kaya nagcomment na din po ako dito^_^

ingat po!

eiramoj said...

,,ang pelikulang ito ay TOTOO,,eun lng,,