Wikipedia

Search results

Tuesday, August 31, 2010

Kalan-Banga Festival Song 2009


-->
Iba’t iba ang paraan kung paano ipinakikilala ng mga mamamayan ang kanilang sariling bayan sapagkat ito ang palatandaang nag-uugnay ng kanilang lunggati sa kanilang lupang tinubuan.

Sa pagpapasinaya ng kauna-unahang Kalan-Banga Festival ng Calamba, kasabay na ilulunsad ng lungsod ang isang masiglang awit ng papuri at pagdakila na kikilala hindi lang sa makulay na kultura ng mga Calambeño bagkus ay sa natatanging lipi na kanilang pinagmulan na siyang pundasyon ng bayan sa pagsulong sa hinaharap.

Sa pagtutulungan ng tourism officer ng Calamba na si Dr. Virgilio R. Lazaga at ng kompositor na si Dennis B. Lacsam, mabusising idinetalye sa titik ng awitin ang mayaman at naiibang kakanyahan ng Calamba sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Isinaad rin sa titik ang mga katangi-tanging ugaling Pilipino na likas sa sa bawat isang mamamayan ng Calamba na kumikilala at nagpapahalaga sa kapwa, sa bayan, sa kalikasan at sa dakilang lumikha. At upang pagyamanin ang turismo, inilahad rin sa titik ng awit na ang Calamba ay kanlungan ng mga likas na yaman na siyang itinuturing na bukal ng kayamanan ng buong lalawigan ng Laguna.

Sinadya rin ng kompositor at nag-areglo ng awit na si G. Michael O. Austria na pasiglahin at gawing mabilis na matandaan ang melodiya ng kanta upang agad na tumimo sa isip ng sinumang Calambeño ang diwa ng awit nang sa ganoon ay mabuhay sa kanyang katauhan ang pagmamalaki na nilikha ng kanyang bayan at iniidolong bayani. At upang mabuhay ang awit na siya ring gagamiting pyesa sa gaganaping sa kauna-unahang Kalan-Banga Street Dancing Festival, pinagsama-sama sa pambihirang areglo ang iba’t ibang masisigla at masasayang tunog na sumasagisag sa kultura at modernisasyon ng lunsod upang makadagdag sa enerhiya ng mga Calambeño na magdiriwang at magsasayawan sa kalye.

At upang bigyang buhay ang awitin napili si G. John Arlan D. Manalo sapagkat bukod sa magandang tinig kinakatawan ng mang-aawit ang mga katangian ng isang tunay na Calambeño na maginoo, magiliw, may pagpapakumbaba at nagpapahalaga sa nayonalismo.



Kalan-Banga Festival Song 2009


Lyrics and Melody: Dennis B. Lacsam
Arranger: Michael O. Austria
Interpreter: John Arlan D. Manalo

Lupang tinubuan, pinagpala ng kalikasan
Inambunan ng yaman, Calamba naming bayan
Hinubog ang talino ng bawat Calambeño
Nilikhang maka-Diyos, makabaya’t makatao
Bayang sinilangan ng bayaning pilipino
Pagyayamanin namin upang maging progresibo
Pilit ikikintal sa bawat isang tao
Ugaling matapat, marangal at disiplinado

Chorus
Mabuhay ang Calamba, Sulong kalan-banga
Bayang hinahangaan, liping dinarakila
Mabuhay ang Calamba, Yabong kalan-banga
Yaman ng Laguna at nitong bansa.
(Repeat Chorus)
Sagana sa tubig at kabundukan
Bukal ng kayamanan ng buong lalawigan
Masarap na pagkain ang iyong matitikman
Kaygandang mamasyal maraming kang pupuntahan
Calambeño’y maginoo at laging masaya
Sa lahat ng bisita magalang at nakatawa
Nagpapahalaga sa edukasyon at sa kultura
Na s’yang pundasyon ng aming pagkakaisa
(Repeat Chorus 3X)



No comments: