Wikipedia

Search results

Friday, October 2, 2009

Photo Essay

Sa lahat ng IV-B,

Brutal ang kapinsalaan na nilikha ng Bagyong Ondoy sa buong Luzon partikular sa Kamaynilaan. Hindi birong buhay, ari-arian at kabuhayan ang winasak nito. Hindi na kailangan pa sigurong sabihin na maaring ganti na ito ni Inang kalikasan sa ating mga tao sapagkat hindi maikakaila ang ginagawa ng marami sa atin na paglapastangan sa kanya.

Bilang mag-aaral, mahalaga na bukas ang inyong kamalayan sa nangyayari sa ating paligid dahil higit sa lahat kabilang kayo sa mundong ating ginagalawan na marahil ay humihingi ng katarungan dahil sa ating mga pagkukulang at kapabayaan.

Bilang gawain, nais kong lumikha kayo ng isang "photo essay" na magpapakita, maglalarawan at magpapatibay kung paano tayo makababawi sa kalikasang patuloy na kumakalinga at nagbibigay sa atin ng buhay.


Narito ang mga pamantayang inyong susundin:

  • Ang "photo essay" ay kinakailangang gawin sa kalahating Manila Paper
  • 5-7 larawan na ginupit mula sa mga pahayagan o magazine ang kinakailangang ilagay sa photo essay. Ang mga larawan ay kinakailangang may kulay, malinaw at naghahatid ng mensahe tungkol sa mga dapat nating gawin bilang ganti sa pag-aaruga sa atin ng Inang Kalikasan.
  • Bukod sa mga larawan, kinakailangan lumikha rin ng isang sanaysay na hindi lalampas sa dalawandaang salita (100) na akma sa mga napiling larawan at temang "Kabataan: Pag-asa ng Inang Kalikasan"
  • Kinakailangang ayusin ang mga larawan at sanaysay sa paraang presentable sa sinumang makakakita nito. Bagamat isusulat kamay ang sanaysay, gawing printed (may upper at lower case) , malinaw at malaki ang sukat nito upang mabasa nang maayos kapag naidikit na sa pader o sa pisara para sa pagmamarka.
  • Lagyan ng pamagat ang gagawing photo essay. Kinakailangang sa pamagat pa lamang ay lumutang na agad ang kaisipan. Hindi maaaring gamiting pamagat ang temang "Kabataan: Pag-asa ng Inang Kalikasan"
  • Gamit ang itim na ballpen, Ilagay sa pinakasulok na kanang bahagi ang pangalan ng gumawa.
  • Kinakailangang maipasa ang photo essat sa Miyerkules (Oktubre 7 sa oras ng Filipino)
  • Ang sinumang estudyante na hindi makapagpapasa ng gawain sa tamang oras ay gagawa ng 5 photo essays na gagawin lamang niya sa loob ng isang araw.
  • Kinakailangang magpasa rin ang bawat isang estudyente ng isang 4X6 index card kung saan nakalagay ang pangalan, pamagat ng kanyang photo essay at ang pamantayan sa pagmamarka na nakasulat sa isang talahanayan (table)

Pamantayan sa Pagmamarka

30%
- Larawan (linaw, ganda ng kuha, kaisipan)
30% - Sanaysay (kaisipan, kaugnayan sa paksa,
30% - Lay-out (ganda ng sulat, paghahanay ng larawan)
5% - Pamagat (hikayat sa babasa, kaugnayan sa paksa)
____
95%





Hangad ko ang iyong pagiging malikhain sa proyektong ito para sa ating naghihingalong mundo.!



20 comments:

bianca Aro said...

sir bakit poh ang haba ng gagawin nmin.
ahhhh sir nagulat aqow sa ,ga photo nio....
hehehe
ang bangis heheheh
sir kala qow poh mgcocoment lng kame????
ingat poh lagi.........

Anonymous said...

sir ang hrap nmn ng pnapagwa nyu...

james daquigan said...

sr aga nman ng pass?

Anonymous said...

-Nababagabag man ang damdamin nating lahat sa nangyayari sa ating mundo, dahil sa malagim na trahedyang sinapit natin sa BAGYONG ONDOY, marahil ito nga ang ganti sa atin ng INANG KALIKASAN sapagkat sa ating kapabayaan ay sinisingil tayo sa lahat ng ating pagwawalang bahala sa ating kalikasan,lalo na ngayon na my paparating na panibagong hamon na gigimbal sa ating lahat ito ang BAGYONG PEPENG,ssana ito na ang hudyat ng paalala sa atin na bigyan nating importansya ang ating kapaligiran, dahil kung hindi natin ito mabibigyan ng pagpapahalaga marami pang buhay ang makikitil, ari-ariang mawawasak at baka sa isang iglap ay ang buong mundo ay mawawala na lang bigla dahil na rin sa ating kapabayaan...

->KHIMBERLY ROSE A. ESCUETA
4-B

khimy said...

Nababagabag man ang damdamin nating lahat sa nangyayari sa ating mundo, dahil sa malagim na trahedya na sinapit natin sa BAGYONG ONDOY, marahil ito nga ang ganti sa atin ng INANG KALIKASAN sapagkat sa ating kapabayaan ay sinisingil tayo sa lahat ng atin pagwawalang bahala sa ating kalikasan, ngayong may panibago na namang pagsubok na gigimbal sa ating mga mamamayan ang pagdating ng BAGYONG PEPENG. Sana ito na ang hudyat ng paalala sa atin na bigyan nating importanya ang ating kapaligiran, dahil kung hindi natin ito mabibigyan ng pagpapahalaga marami pang buhay ang makikitil, ari-ariang mawawasak at bka sa isang iglap pati mundo ntin ay mawak na lang na walang sino man ang nakakaalam

->KHIMBERLY ROSE A. ESCUETA
4-B

Anonymous said...

-Nababagabag man ang damdamin nting lahat sa nangyari sa atin mundo dahil sa malagim na trahedya na sinapit natin sa BAGYONG ONDOY. Marahil ito nga ang ganti sa atin ng INANG KALIKASAN, sapagkat sa ating kapabayaan ay sinisingil tayo sa lahat ng atin pagwawalang bahala sa ating kalikasan. Haharap na naman tayo sa isang pagsubok at hamon dhil sa paparating na BAGYONG PEPENG. Sana ito na ang hudyat na paalala sa atin nabigyan nating importanya ang ating kapaligiran at lalo na ang inang kalikasan, dahil kung hindi natin ito mabibigyan ng pagpapahalaga marami pang buhay ang makikitil, ari-ariang mawawasak at baka hindi na natin namamalayan na pati ang mundo natin ay biglang maglaho parang isang bula.


-KHIMBERLY ROSE A. ESCUETA
4-B

Anonymous said...

-Nababagabag man ang damdamin nting lahat sa nangyari sa atin mundo dahil sa malagim na trahedya na sinapit natin sa BAGYONG ONDOY. Marahil ito nga ang ganti sa atin ng INANG KALIKASAN, sapagkat sa ating kapabayaan ay sinisingil tayo sa lahat ng atin pagwawalang bahala sa ating kalikasan. Haharap na naman tayo sa isang pagsubok at hamon dhil sa paparating na BAGYONG PEPENG. Sana ito na ang hudyat na paalala sa atin nabigyan nating importanya ang ating kapaligiran at lalo na ang inang kalikasan, dahil kung hindi natin ito mabibigyan ng pagpapahalaga marami pang buhay ang makikitil, ari-ariang mawawasak at baka hindi na natin namamalayan na pati ang mundo natin ay biglang maglaho parang isang bula.


-KHIMBERLY ROSE A. ESCUETA
4-B

Anonymous said...

-sa tingin ko, ang kalikasan na nga ang gumagawa ng daan upang tau ay magising na sa mga maling gawain at pagbabaya sa ating kalikasan ,nagsisilbi lamang itong alarma na wala tayong magagawa upang makaligtas kung hindi tau magsisimula ng pagbabago

-FATIMA AYALA
4-B

Anonymous said...

nagpapakita na unti unti na tayong dmaranas ng mga salot dala ng klima at mga pagbabaya natin.

-kaizel e. britos
4-b

Anonymous said...

ang bagyong ondoy ay simula lang na tayo ay kailangan ng magawa na mga proyekto na magpapabago a ating kasalukuyan

Anonymous said...

Mother Earth omens'' dahil sa sariling kagagawan ng tao tayo din ang nagbabayad. maraming buhay ang nawala maraming kabuhayan ang nasira ito ang ang epekto ng bagyong ondoy kaya't kung ipagpapatuloy natin ang pagsira sa kalikasan mas higit pa d2 ang ating mararanasan.

-michelle lomibao
4-B

fatima ayala said...

Sa daming mga nasalanta nkakatakot at nakalulungkot isipin na masyado na nating napapabayaan ang ating kalikasan ,sana ay mabago natin ang ating kinabukasan para rin sa atin.

jezreeel becina said...

sana ay hindi na muli ito manyari dahil nakakalungkot para sa iba nating mga kababayan.

kaizel britos said...

naaawa ako para sa kanila dahil sa mga nasalanta nilang ari-arian at buhay na nawala.

john paul hernandez said...

Nakakatuwa dahil maraming tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.marami ang naging bayani na patuloy na tumutulong.

James Patrick P. Daquigan said...

ahm..nkakalulunos ang sinapit ng mga nasalanta ng bagyong ondoy..ngayon ay hindi pa huli ang lahat..makakabangon pa tayo sa sinapit ng ating mga kababayan..kung maaari magdonatE o magbigay tulong sa mga nasalanta..

charlyn danila said...

sana ay mapabuti ang buhay nila at makabangon sila uli.

Rogelyn Becina said...

sana naman makabangon sila sa hirap na dinanas nila..

arlene castaneda said...

Muli sana natin silang tulungan para patuloy silang makarecover sa mga nasalanta ng bagyo.

aldwin librando said...

Hindi na sana uli ito maulity muli,upang wala ng masalanta pa.