Sa lahat ng IV-B,
Natutuwa ako na binasa n'yo ang ang aklat ni Egay nang walang pasubali dahil sa gusto ninyong makapasa sa Ikaapat na Markahan. Bagama't mahabang panahon ang ginugol n'yo sa pagbabasa ng akda sapagkat isinisingit n'yo lang ito sa iba ninyong gawain sa paaralan ay lubos pa rin akong nasisiyahan sapagkat alam ko na napagtagumpayan ko ang tunay kong layunin na hikayatin kayong magbasa ng isang buong aklat. Bibihira na ngayon ang kabataang tulad n'yo. Sana'y magpatuloy kayo sa maganda at produktibong ugali na pagbabasa dahil higit sa lahat, kayo ang unang makikinabang nito. Anumang salita, pangungusap, kaisipan, diwa, at mensahe na inyong nabatid ay karagdagang talino sa inyo bilang tao na magagamit ninyo hindi lang sa pang-araw-araw na buhay bagkus sa pagharap sa lahat ng aspeto ng buhay.
Bilang pangwakas na pagsulat na gawain, nais kong gumawa kayo ng isang pagsusuri tungkol sa Walong Diwata ng Pagkahulog. Sa akdang inyong gagawin, nais kong patunayan o pasubalian ninyo ang pahayag ni Jun Cruz Reyes tungkol sa nobela na matatagpuan sa likod na pabalat ng aklat ni Egay. Lahat ng suring-nobela ay kailangang maipasa sa Miyerkules (March 11, 2009). Tandaan na bukod sa mababang marka, ang estudyanteng hindi makapagpapasa ng suri sa itinakdang araw ay huli sa talaan ng mga estudyanteng pagkakalooban ng pirma sa "clearance" para sa inaasam na graduation.
Panuntunan:
1. Ang suring nobela ay kinakailangang nasa anyong sanaysay na may simula, katawan at wakas at nagtataglay ng 700-1000 na salita.
2. Ang akda ay kailangang naka-type sa "short bond paper". Gamit ang Font Style na Times New Roman, kinakailangang 12 pt. ang sukat ng buong teksto at 15 pt. ang pamagat
3. Kinakailangang mapatunayan o mapasubalian sa suri ang obserbasyon ni Jun Cruz Reyes tungkol sa nobela sa paraang hindi maligoy at paulit-ulit sa pamamagitan ng paggawa ng talataan.
4. Ang dalawampung (20) pinakamahuhusay na suri ay mailalahatla sa blog na ito
Hangad ko ang inyong pagiging mapanuri.

2 comments:
sir andaya.. .
sana kayo na lang naging teacher namin sa pilipino!
huhuhu...
(buti pa ang 4b may article sa blog nyu haaayzzz.. .)
sana meron din ang 4a
nga pala sir nabasa nyu na ba ung nkapaskil sa bulletin board?
ako gumawa nun hahaha
frm:
itchan
(christian)
4a
uh well yeah,..
we're so lucky to have Sir Lacsam as our teacher in Filipino!
sucks to be you guys! LOL!
♫rock_on!♫
Post a Comment