Hindi ko alam kung consuelo de bobo o pampalakas ng loob pero sa maraming pagkakataon ay pinaniniwala ko ang aking sarili na ang napili kong propesyon ang pinakadakila at pinakamarangal na trabaho na naimbento ng tao. Ngunit sa mga oras na isinisiksik ko ang ganitong paniniwala sa aking kukote, ay malaking bahagi nito ang namamanhid at ayaw gumana sapagkat maaring hindi kumbinsido.
Alam kong hindi ako yayaman sa pagtuturo. Batid ko na ang katotohanang ito bago pa man ako kumuha ng kursong Edukasyon. Tanda ko na malimit sabihin sa aming mga estudyante ng aming Dekana sa kolehiyo na kung ang pangunahin raw naming dahilan para magturo ay upang magkamal ng salapi kagaya ng ilang propesyon, umpisa pa lamang daw ay sumuko na kami dahil napakalayo raw nito sa katotohanan. Wala raw kasi ni isang guro sa istorya na naitala sa kasaysayan ng pagtuturo ang naging milyonaryo dahil lamang sa kanyang kinikita.
Kung tutuusin, aksidente lamang naman talaga ang pagiging guro ko. Pinili ko lamang ang kursong Edukasyon nang sunggaban ko ang plano ng aking tiyahin na papag-aralin ako ng kolehiyo matapos ang tatlong taong pagtatrabaho pagkagradweyt ko ng hayskul. Kung ako lang kasi talaga ang masusunod at sa sariling bulsa ko manggagaling ang pangmatrikula sa pag-aaral, sigurado na kukuha ako ng mga kursong may kinalaman sa pagsusulat o sa komunikasyon. Hilig ko na kasi sapul pagkabata ang pagkatha ng iba't ibang sulatin at pagmamasid sa paligid. Idagdag pa na ipinanganak akong sadyang may angking kakapalan ng mukha na walang takot humarap sa maraming tao kayat buo ang aking paniniwala noon na mabilis akong magtatagumpay kung ang mga gusto kong kurso ang aking pag-aaralan sa kolehiyo. Ngunit sa kasamaang palad, hindi pa napapag-isipan ng mga dalubhasaan sa San Pablo noon na isama ang mga kursong Journalism at Mass Communication sa listahan ng mga propesyon na pupwedeng piliin ng sinumang estudyante na nais mag-aral ng tersyarya. Kayat pikit mata kong kinuha ang karerang Edukasyon sa paniniwalang magagamit kong lahat ang aking talino at talento sa kursong ito. Isa pa, sobrang kahihiyan na pati siguro kung kukumbinsihin ko pa ang nagpaaral sa aking tiyahin kung sa Maynila pa ako mag-aaral samantalang ang kaniyang mga anak ay sa mga paaralan lamang dito sa probinsya nagsumiksik.
Tanda ko na sa simula pa lamang ay kalbaryo na agad ang dinanas ko sa pagtuturo sa pampublikong paaralan. Dalawampu't apat kaming mga bagong guro na pinilit bigyan ng aytem ng lokal na pamahalaan sapagkat salat sa mga guro ang dibisyon. Malawakan kasi noong inimplimento ang Basic Education Curriculum sa buong bansa kung saan umunti ang oras ng bawat asignatura kaya't ang resulta, nagkulang ang mga guro sa mga paaralan dahilan kung bakit "sinuwerte" kaming ma-empleyo. Sabi ng iba, magandang senyales daw iyon sapagkat agad kaming magkakaroon ng national item. Madalang pa raw kasi sa patak ng ulan sa mga lugar na tagtuyot ang pagbuhos ng ganoong karaming bakanteng posisyon kaya "napakapalad" raw namin. Hindi ko alam kung bakit magandang kapalaran ngang maituturing ang ganoong karanasan. Sa pagkakaalala ko, baon na kami sa utang eh hindi pa namin nasasahod ang ilang buwan naming pinagtrabahuhan. At dahil inampon nga lamang kami ng pamahalaang lokal, sabihin pa na ang munisipyo mismo ang nagpapasahod sa amin hindi katulad ng mga gurong mayron ng seguridad na hindi na sakop ng kapitolyo kahit pa sabihing empleyado pa rin ng gobyerno.
Nakalulungkot isipin na sa loob ng mahigit na apat na taon naming panunungkulan bilang mga locally funded teachers ay dumanas kami ng napakaraming hirap. Kung maituturing ang mga iyon na baptism of fire para sa mga bagong titser, salamat at hindi kami natusta, nasunog at naabo sa apoy ng kamalasan. Isipin n'yo na lang ang buwang-buwang pamamalimos ng pirma sa mga kinauukulang dapat lumagda sa payroll. Magkulang lang ng isa at tiyak na ang sweldo naming inaasam na pambayad ng mga utang ay mapupurnada. Idagdag pa na kinakailangan namin na kahit papaano'y "maglagay" sa sinumang pinagpalang guro na naatasang gumagawa ng "ginintuang payroll" kahit pa sabihing kapalit ng kabawasan ng kanyang teaching load ang pagtupad dito. At ang masama pa, dahil lokal na pamahalaan ang nagpapasahod, mandatoryo na makipagbalyahan ang bawat isa sa amin sa mga ibang kawani ng pamahalaan tulad ng mga basurero at casual employees sa oras ng bigayan ng sweldo sa opisina ng kahera tuwing kubrahan ng sahod. At dahil inampon nga lamang kami ng ng kapitolyo, sabihin pa na may mga natatanggap na benepisyo ang mga may seguridad ng guro na hindi namin natatanggap.
Nang may dumating na national item ang dibisyon, hindi ko na ipagkakaila na isa ako sa agad na natuwa sapagkat buo ang kumpiyansa ko sa sarili na kabilang ako sa unang mabibiyayaan. Nag-rank 1 kasi ako sa listahan ng aming kagawaran na ang pinagbasehan ay ang mga pertinent papers. Idagdag pa na mataas rin naman ang nakuha kong performance rating mula sa aking prinsipal. Isa pa, nangangailangan talaga ng guro sa Filipino ang paaralang pinagdalahan sa akin kaya walang dahilan para hindi ako makakakuha ng aytem. Ngunit sa kasamaang palad, nasilat ang aytem at napunta sa iba sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Talagang ipinagsintimyeto ko nang husto ang pangyayaring iyon ngunit kailanman ay hindi ako gumawa ng marahas na hakbang sa pangambang lalo akong mawawalan ng posisyon katulad ng ilang mga napabalitang aplikante na matapang na ipinaglaban ang kanilang aytem sa punto ng legalidad. Ilang buwan pa ang aking ipinagtiis at ilang mga nasa posisyon sa Division Office koang muntik ko pang makaaway o dalhin ang ang pangalan sa region para isumbong. Malimit ko ngang biruin ang aking mga kasamahan sa pagtuturo na muntik pang mauna ang aking international item bago ang national na agad din naman nilang sinasang-ayunan sapagkat "gamit na gamit" na nga raw naman ako ng paaralan at ng buong dibisyon eh hindi pa pala lehitimo ang pagiging guro ko.
Nang maluwalhati kong napagdaanan ang pagiging ampon ng pamahalaang lokal, akala ko ay doon na magtatapos ang aking mga kalbaryo sapagkat sa wakas ay miyembro na ako ng matatag na samahan ng mga legal na guro na hindi na kinakailangang mangamba sa seguridad ng kanilang aytem. Kumbaga, wala nang dahilan para paulit-ulit pa akong mag-aplay taun-taon o kaya nama'y mag-substitute sa pagtuturo sa sinumang guro na manganganak, magkakasakit o kaya'y tatakas na sa kagawaran papuntang ibang bansa. Hindi katulad ng dinaranas ng mga "Para Teachers" ngayon na nakukompormisong magtyaga sa maliit na sahod kapalit ng mailap na pag-asang mapagkakalooban sila ng ginintuan ngunit mailap na "security of tenure". Ngunit hindi lang pala ang pagkakaroon ng pinagpalang seguridad ang pinaka-esensiya o pinakakabuluhan ng pagtuturo sa pablik.
Sa halos pitong taon kong pamamalagi sa pampublikong paaralan kung saan ako nagtuturo hanggang ngayon, sumabay ako sa agos ng kalakalan. Niyakap ko nang lubusan kung ano man ang nakadulog sa aking harapan sa paniniwalang mas mabuting magtyaga sa halip na maging miserable. Wala naman kasing akong pagpipilian. Kung mayron man, ito ay ang pag-alis sa institusyon at paghahanap ko ng ibang trabaho katulad ng ibang guro na napilitang mandayuhan sa ibang lugar o kaya nama’y napuwersang mamasukan sa ibang institusyon kahit walang kaugnayan sa kursong tinapos nila ang kanilang napiling trabaho. Ngunit wala sa aking hinagap ang alin man sa mga nabanggit. Ang sa akin lang, ay bakit kailangang dumanas ng pagpapakababa ang mga guro gayong propesyunal? Kinakailangan ba talaga ang labis na pagpapakasakit tulad ni Kristo para masabing lubos ang kabuluhan ng pagtuturo?
Kung tutuusin, masarap sanang magtrabaho sa pablik. May professional growth ang mga guro dahil sa dami ng mga libreng seminar. Hindi katulad sa mga pribadong paaralan, na kung gusto mong madagdagan ang iyong kaalaman, ay kailangan pang magbayad para rito. Iyon nga lang, kung pinalad kang idapala sa mga pagtitipong may kaugnayan sa pagpapalawak ng kaalaman, buong giting mo dapat itong seryosohin sapagkat nangangahulugan ito ng karagdagang trabaho ngunit hindi karagdagang sweldo para sa iyo. Isipin mo na lang na ilang guro ang makikinig at mang-ookray sa iyo ng ilang araw kapag inobliga ka ng dibisyon para ibahagi ang iyong natutunan sa seminar sa pamamagitan ng ilang araw na re-echo. Tiyak na kapag walang naintindihan o di kaya nama'y pinasurasahan mo lamang ang mga kapwa guro mong nagsidalo sa pamamagitan ng pagbibigay na karagdagang gawain katulad na malimit mangyari sa mga dumadalong titser sa seminar, siguradong isusumpa ka ng buong kaguruan at kukwestyunin ang iyong natatanging kredibilidad kung bakit ikaw pa ang "mapalad na napili" na dumalo sa seminar at hindi sila. Malimit kasing pinagtatalunan ang pagpapadala ng paaralan ng mga guro sa seminar dahil katumbas ng mga sertipiko ng mga pagtitipong ito ang pagpapataas ng ranggo ng posisyon at ang pagdadagdag ng kaunting umento sa dati nang kakarampot na sweldo pagdating ng araw.
Speaking of sweldo, isa ito sa pinamalaking hinanakit ng mga guro sa buong kapuluan sa gobyernong Pilipino. Kaya't hindi na bago na malaman na may mga titser na sumasama sa pag-aaklas at magpiket sa mga kalsada na humihingi ng dagdag na umento sa kanilang mga sahod o kaya nagsa-side-line sa pagtitinda ng kung anu-ano sa loob ng paaralan kahit pa sabihing kasalanang mortal ito sa kagawaran ng edukasyon sapagkat nagpapababa raw ng imahe ng isang guro. Ewan kung hindi pa ba maituturing na pagpapakababa ng dignidad ang mahabang listahan ng mga gurong laging nakapila kung saan may mauutangan o kung hindi man ay ang dumaraming bilang ng mga titser na nagbebenta ng kung anu-ano sa loob ng paaralan para lamang makaraos sa hirap ng buhay.

Maaaring hindi nga kasing-aba ang buhay ng mga guro kumpara sa ibang propesyunal kung ang pagbabasehan ay kinikita, ngunit isang malaking katotohanan rin na hindi nito kayang agpangan ang pangangailangan ng bawat isang titser para mabuhay nang panatag sa isang materyalistikong mundo ng walang pangamba at pag-aalinlangan. Nakalulunos isipin ang sinabi sa akin ng isa kong kaibigang nagtatrabaho sa isang credit card company na ang mga guro raw ang nangunguna sa listahan ng mga propesyunal na delingkwenteng magbayad ng kanilang utang. Kayat bihira na raw payagan ang sinumang titser na pagkalooban ng credit card sa ngayon. Sampal ito burukrasya na patuloy na naniniwalang walang bahid ng kabalasubasan ang "dakilang propesyong " ito.
Sa totoo lang, mabibilang na yata sa daliri ang mga titser na walang bahid ng kautangan. Paano mo nga ba naman kasi pagkakasyahin ang mahigit sa sasampung libong sweldo sa loob ng isang buwan kung hindi ka mangungutang? Kahit pa siguro anong pagtitipid ang gawin ng isang guro ay mahihirapan siyang lagpasan ito lalo na sa hirap ng panahon ngayon na ang tanging libre na lamang ay ang mangarap. Isipin mo na lang ang araw-araw na gastusin sa bahay - mahal na pagkain, mataas na bayad sa tubig at kuryente, damit at iba pa. Idagdag pa ang gastusin sa pagpapaaral ng mga anak - matrikula, pambaon sa araw-araw, pamasahe, proyekto sa paaralan at iba pa. Paano kung isasama pa ang mga hindi inaasahang gastusin tulad ng mga biglaang pagkakasakit at marami pang iba? Kunswelo na nga lang ng maraming guro ang sinasabi na ilan na pampalubag-loob na sadyang mahal raw ng Panginoon ang mga guro dahil sa pagiging matiisin ng mga ito kaya hindi Niya ito pababayaan. At dahil din siguro sa paniniwalang ito, kaya marami ang patuloy na nagtitiis. Bahagi na kasi ng sistema ng bawat isang alagad ng karunungan ang magpaka-masokista sa paniniwalang wala sa ideolohiya ng pagtuturo ang ang pagkakasangkot sa mga isyu na may kaugnayan sa pananalapi. Hindi raw dahilan ang pera, para hindi makatupad ang guro sa kanyang tungkulin bilang ehemplo at tagapagpalaganap ng karunungan at mabuting asal. Napakaganda sana kung tutuusin ang ganitong paniniwala ngunit maliwanag itong kabalintunaan sa tunay na nangyayari kapag kumakalam na ang sikmura at nagpapatung-patong na ang mga suliranin ng isang guro.
Sa huli, bagamat alam na namin ang lahat ng katotohanang ito, patuloy pa rin kaming nagsisilbi nang buong puso sa paniniwalang pinakamarangal pa rin na propesyon ang napili namin sa kabila ng lahat. Sana nga...
No comments:
Post a Comment