Bilang paggunita sa ikalabinlimang taon nang pagkakatatag nito, ginawa kong proyekto sa aking mga mga-aaral sa IV-Science Curriculum sa Filipio IV ang paggawa ng isang talumpati na bibigkasin rin nila bilang panghuling proyekto sa aking asignatura.
Narito ang kanilang mga katha.
Ang Dizon High sa Loob ng Labinlimang
Taon
Ni
Patricia Mae Omana, IV-Science
“Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay.” Isang makatas na pahayag mula sa pambansang bayani ng ating bansa, Dr. Jose Rizal.Ito ang magpapatunay na ang kahirapan ay hindi magiging hadlang sa pagkamit ng tagumpay bagkus makakamit ito sa maraming paraan.
Mahal
kong mga tagapakinig, isang pinagpalang umaga sa inyong lahat!
Hindi na lingid
sa ating kaalaman na laganap na ang pag- unlad ng agham sa ating lipunan.
Kaliwa’t kanan na ang mga pagbabago sa ating mundong kinagagalawan. Isa na sa
makapagpapatunay ng pagbabago at pag-unlad ay ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National
High School na mas kilala na ngayon bilang Dizon High. Ito pa rin ba ang Dizon High noon
na makikita natin ngayon?
Mga magigiliw
kong tagapakinig, ang Dizon High ay naitatag bilang handog ni Mayor Amante sa
samahan ng mga gurong umalis noon sa Laguna College. Ang Dizon High na noo’y
Annex V ay isang sangay ng institusyon ng kaalaman ng Annex Main na ngayon ay
kilala bilang City High. Noon pa man ay tanyag na ito kung saan magagaling ang
mga guro, idagdag mo pa na ito ang may pinakamalaking bilang ng mag-aaral sa
lahat ng pampublikong paaralang matatagpuan sa lungsod ng San Pablo.
Mga kaibigan, maraming
suliranin ang napapaloob dito. Hindi sapat ang bilang ng mga silid-aralan, mga
kagamitan tulad ng libro sa pagpapalawig ng karunungan ng mga mag-aaral, pondo
o pinansyal na magagamit sa mga kompetisyon sa loob at labas ng paaralan at sa
adaptasyon ng pagbabago sa lipunan at kurikulum. Bagaman, maraming kakapusan
ang pampublikong eskwelahang ito ay marami pa ring magulang ang pinagaaral ang
kanikanilang anak rito. Dahil ba sa galing na taglay ng mga gurong mayroon ito?
Dahil ba sa dami ng mga prestihiyosong puri at gantimpalang nahahakot sa mga
kompetisyong nasasalihan nito?
Mga minamahal kong kababayan, sa iba’t ibang
larangan ay masasabi kong hindi magpapahuli ang Dizon High. Ikanga nga nila
“Soar High, Dizon High”. Isa na sa mga kinakatakutang paaralan at isa sa mga
tinuturing na kompetisyon ito sa bawat laban o patimpalak na masasalihan nito. Una
na rito ay sa larangan ng pagsayaw lalo na sa “street dancing” tuwing pista ng
lungsod. Sa pamumuno ni Ginoong Egardo Victorio, laging nasusungkit ng
paaralang ito ang unang pwesto. Sa choreography ay hindi siya magpapatalo,
maging sa mga costume na siyang pinopondohan at ilang buwang pinaghahandaan. Hep!
Hep! Hep! Hindi lang ‘yan, ang Talentado
at Indayog ng Kabataang Lauro Dizon o TIKLAD ay kilala na sa dibisyon ng San
Pablo dahil sa pinamalas na tunay na talento sa larangan ng sayaw ng sumali at
makasama sa Finals sa kilalang “noon time show” na Showtime.
Sa larangan ng
panitikan naman, taon-taong humahakot ng parangal sa iba’t-ibang pang-dibisyong
laban tulad ng Buwan Wika, APEX, Water District at VOTY. Marahil ay sa
kaalamang naipapasa ng tagapagsanay na si Ginoong Dennis Lacsam sa kanyang mga
panlaban. Bakas na bakas pa ang karangalang naiuwi ni Zarina Mojica noong
nakaraang taon sa National Voice of the Youth Oratorical Competition. Bukod sa
bigakasan, andiyan din ang talento ng mga Dizonians sa pagsusulat. Marami sa mga
manunulat natin ang nakakapasok sa Division Schools Press Conference hanggang
sa National Press.Con.
Sa pampalakasan
naman o sports, masasabing lamang na lamang tayo diyan. Sa dami ng mga
manlalaro, atleta at mga tagapagsanay na meron ang paaralang ito, hindi
maikakaila na hinirang tayong kampyeon kamakailan lamang sa Division Meet.
Sinong magsasabing
hindi matalino ang mga Dizonians? Sa iba’t ibang quizbee ay hindi nito
aatrasan. Nandyan ang MTAP, Super QuizBee at iba pa na pang-akademikong
patimpalak na madalas nakapaguuwi ng parangal.
Bukod sa
malalakas, talentado, matatalino, ay magaganda at magagwapo rin ang mga
Dizonians. Sa nakaraang, Mr. and Ms.
Dizon High, napatunayan na may angking kagandahang panlabas at panloob ang mga
estudyante nito. Pati ang mga guro ay umaangat sa iba, matapos ang Mr. and Ms.
DepEd na kung saan ang pambato natin na si
Mrs.Richelle Omana ay hinirang na Ms. DepEd at IanVillareal bilang 1st
Runner-up.
Mga minamahal kong tagapakinig, tunay ngang malayo na ang
narating ng dati’y mumunting paaralan lamang. Ang pagbabago nito ay parang isang luwad na
unti-unting nahuhulma ng siyang may hawak nito, wala ng iba kundi ang
punungguro. Siya ang magdadala kung saang direksyon tayo mapupunta, magdidikta
kung ano sa tingin niya ang makabubuti sa lahat at higit sa lahat ay
magpapasimula ng pagbabago para sa ikauunlad natin. Higit ngang pagbabago ang
nadama ng mga mag-aaral, maging ang mga guro nang mapalitan ito. Sa kasalukuyan
si Ginang Cristeta S.Uy na ang ating punungguro. Sa kakaunting taon pa lamang
niya sa institusyong ito, malaking epekto ang naging bunga nito, mas naging
maayos, disiplinado at palaban ang bawat Dizonian. Isa lamang itong
pagpapatotoo na ang pinuno ang siyang magdadala sa direksyong naayon ng
pinanghahawakan nito.
Mga kapuso,
kapamilya at kababayan, napakapalad nating mga mag-aaral na umabot
sa araw na ito. Alam nating lahat na napakaraming pagsubok ang dinanas at nagdaan sa instutusyong ito. Nais kong
mamulat ang isipan niyo sa makabuluhang kataga ni Gng. Uy sa kanyang artikulo, “Dizon
High…Saan ka patutungo? Iisa lamang ang direksyon na alam ko upang makamit ang
tinatawag na tunay na kalidad ng edukasyon- PAGBABAGO.” Ang karunungang makukuha natin sa paaralan ay
ang yamang walang katumbas, yamang hindi makukuha ng iba at yamang masasama
natin hanggang sa wala na tayo sa mundong ibabaw. Ang kahirapan ay hindi isang
malaking pader tungo sa tulay ng tagumpay bagkus pagsubok lamang. Ang paaralang
Dizon High ay siyang magiging susi para makabangon sa kahirapan, tutulong
makisabay sa agos ng buhay lalo na sa modernong pagbabago ng panahon at hakbang
sa pag-unlad. Kaya taas noo mong ipagmalaki na ikaw ay taga-Dizon dahil ang
bawat mag-aaral nito ay isa sa mga Soaring
Dizonians.
“
Ang Dizon High sa Loob ng Labinlimang Taon”
ni Princess Marylynn
G. Masibay, IV- Science
Ito ang
isa sa mga linyang binitawan ng ating mahal na punungguro na si Gng. Cristeta
S. Uy ng mga unang araw pa lamang niya sa
ating paaralan. Bagamat noong hindi pa siya namumuno bilang punungguro ng
eskwelahan, nauulinigan na niya galing ng mga gurong nagtuturo sa mahigit
kumulang ilang libong estudyante na pumapasok sa paaralan. Kahit pa sabihin na
may kakapusan ang paaralan para sa mga suliraning nakapaloob dito, pilit siyang
nagpaplano ng mga bagay na makakatulong sa pag-unlad ng ating paaralan.
Mga
giliw kong tagapakinig, isang mapagpalang hapon sa inyong lahat!
Mula
nang maitatag ang ating paaralan, dumaan na ito sa napakaraming pagsubok.
Makikita natin sa mga mata ng ating mga guro ang lungkot na kanilang nadarama
sa tuwing makikita nila ang paghihirap ng mga estudyante na nagtitis sa initan
habang nag-aaral. Ika nga ng iba , “Walang makahahadlang sa ating mga
pangarap.” Hindi man tayo mayaman gaya ng ibang mga pinagpala, marunong naman
tayong magsumikap para sa ating mga inaasam asam na pangarap. Halos wala nang
pagitan sa bawat isa ang mga mag-aaral sa tuwing magkaklase sila dahil sa
pagkakaroon ng kakulangan sa mga kagamitan sa pag-aaral.
Labinlimang
taon na ang nakalipas ng itatag ang paaralang Dizon High ngunit hindi sa
pangalang ito. Noon ay mas kilala ito bilang ANNEX V. Isang paaralang binubuo ng
mga estudyanteng masasabing “magugulo” at ang iba pa nga ay masasabing “walang
patutunguhan sa buhay”. Pero bakit ko ito nasabi? Hindi ba nagkakamali lamang
ako? Noong mga panahon na iyon, isa pa lamang akong mangmang na walang kaalam
alam sa mundong ating ginagalawan. Ngunit may mga usap usapan na halos magugulo
ang mga estudyante noon kaysa ngayon. Hindi ako para magmalinis. Ito ay batay lamang
sa aking pagkukumpara sa ating paaralan noon at ngayon. Oo nga. Sabihin na
natin maraming mga kaso ng mga estudyante sa ating paaralan sa ngayon. Marahil
dahilan ito ng makabagong panahon. Halimbawa na lamang ay ang paggawa ng isang
bagay para lamang masabi na “Belong ako dahil nagawa ko ito!” kahit na mali ang
iyong ginawang pamamaraan para makasali ka sa grupo. Isa pang halimbawa ay ang
pagkakaroon ng mga bata ng cellphone. Siguro ang dahilan ng iba ay para may
komunikasyon sila sa kanilang mga magulang at sa kanilang kapwa estudyante na
kapag “absent” ay maitatanong kung anu-ano ang napag-aralan at kung may binigay
na takdang aralin ang mga guro. Oo, maganda ang kanilang hangarin ngunit ‘di ba may mga estudyanteng lumalampas na sa
kanilang mga limitasyon? Mga estudyanteng nanunuod ng mga “video” na hindi pa
angkop sa kanilang edad.
Ilang
taon na rin ang nakalipas at marami na ring pagbabago ang naganap sa ating paaralan.
Hindi ito nakakagulat sapagkat
napakarami nang responsableng taong namuno noon at namumuno hanggang ngayon. Iisa
lamang ang kanilang hangarin. Ito ay paunlarin ang ating paaralan.
Noon,
mamamasdan natin ang kakulangan sa pasilidad ng paaralan. Isa na dito ang
kawalan ng mga silid aralan. Lahat ay nagtitiis na lamang sa init at siksikan
sa bawat klase. Nagkakaroon pa nga ng problema dahil sa dami ng estudyante, nahihirapan ang mga guro na makuha ang “attendance”
ng bawat isang bata. Halos masakop na ang lahat ng oras para malaman lamang
kung sino ang mga pumasok at hindi. Ngunit sa ngayon, nagkaroon ng napakalaking
pagbabago. Kung noong una ay nagkaklase lamang sila sa ilalim ng puno o kung
minsan pa nga ay sa ilalim ng “grandstand”, ngayon ay nagkaroon na ng mga silid
aralan na sasapat para sa mga estudyanteng nag-aaral. Maswerte tayo dahil hindi
na tayo katulad noon na nagpapakahirap pang umupo sa sahig at magklase sa
initan.
Nagkaroon
din tayo ng kakulangan sa mga libro. Kung dati, halos isa sa sampu o mas higit
pa na bilang ng mga bata ang naghihiraman upang matuto ngayon ay halos may
sari-sarili nang mga libro ang bawat mag-aaral. Bunga ito ng pagganap sa
tungkulin ng isang mamumuno na iangat ang ating paaralan at unti-unti itong
paunlarin. Humihingi sila sa gobyerno at sa mga namumuno sa lungsod upang
matugunan nila ang mga higit na pangangailangan ng eskwelahan. Hindi sila agad
agad na sumusuko. Ginagawa nila ang lahat para matupad lamang ang kanilang
hangarin sa paaralan.
Tama nga
ang sabi ng iba na “bilog ang ating mundo”. Minsan ikaw ang nasa itaas at kung
minsan ika’y pumapailalim sa iba. Katulad na lamang sa larangan ng akademiks.
Noong nakalipas na taon ay nakamit ng ating paaralan ang pagiging ika-lima nito
sa buong dibisyon ng San Pablo mula sa pagiging ika-labintatlo noon. Hindi man
natin inakala na magagawa iyon ay nakakatuwang isipin na nakuha natin ito
ngayon. Marami mang dumadating na pagsubok sa ating buhay, pilit naman tayong
bumabangon at handang harapin ang mga paparating pa lamang na mga suliranin.
Kung dati ay tayo ang nasa ilalim. Ngayon naman ay tayo ang masasabing isa sa
mga kinatatakutan ng ibang paaralan sa iba’t ibang larangan lalo na sa
akademiks kahit tayo ay binubuo ng halos ilang libong mag-aaral sa loob ng
isang taon.
Ang
isang halimbawa na rito ay ang pagsali natin sa taunang Coco Festival ng ating
lungsod. Lagi nating nakakamit ang pagiging “champion” sa Mardigras na nakuha
rin natin ngayong taon na ito. Ito ay dahilan na rin sa kahusayan ng mga
nagtuturo at ng pagkakaroon ng pagtutulungan ng lahat ng ng guro sa buong Dizon
High. Halos makarating na tayo sa matataas na antas ng kompetisyon dahil sa
natatanging kahusayan ng mga bata. Hindi lamang tayo nakakarating sa mga
kompetisyon na iyon subalit natatamo pa rin natin ang mga medalya at tropeyo ng
pagkapanalo.
Unti
unti na ring nalilinang ang mga bata hindi lamang sa mga gawaing pang akademiks
ngunit lumilinya na rin tayo sa mga magagaling sa larangan ng palakasan o
“isports”. Makikita naman natin ang galing at talino ipinamalas ng mga bata
upang makamit ang pagkapanalo ng ating paaralan na kung saan kampeon tayo sa
buong dibisyon ng ating lungsod. Sa una nga ay hindi ako makapaniwala dahil
noon ay hindi masyadong nakakakuha ang ating paaralan ng matataas na parangal
ngunit aking napagtanto na malilinang pa ang angkin talento ng bawat mag-aaral
sa tuwing tutulungan sila ng kanilang mga gurong tagagabay.
Saan na
kaya patungo ang Dizon High? Simula pa lamang ito ng pakikipagsapalaran ng
ating paaralan. Isa na tayo sa kinatatakutan ng lahat. Hindi man tayo ganoong
kagaling noon, palaban naman tayo ngayon at sa mga susunod pang mga pagsubok na
ating mararanasan.
Ang Dizon High sa Loob ng Labinlimang Taon
Ni Kevin Louie T. Libunao
Isa sa mga matataginting at napapanahong
paniniwala na umuulinig sa aking pandinig sa tuwing pinangangaralan kami ng
aming mga kaguruan sa iba’t ibang mga asignatura sa eskwelahan. Tunay na ang
mga pangangaral na ito ang siyang humuhubog pa lalo sa bawat bubot naming mga
kaisipan na masasabi kong tigang na tigan pa mula sa mga kaalaman at
katotohanan tungkol sa mundong ating ginagalawan.
Mga minamahal kong tagapakinig, nais kong
bumati ng isang mapagpalang araw sa inyong lahat.
Walang alintana na ang buhay ay sadyang
mapagbiro na kung minsa’y siyang nagpapligaw pa ng ating direksyon patungo sa
lugar kung saan nais nating lahat mailuklok, sa tagumpay. Sa bahid nitong
pagbabago, mailan-ilan ng sitwasyon at mga karanasan ang nagpatunay ng mga
kasawian kabilang ang mga kwento’t kasaysayan ng mga kababayan nating sumuko sa
pait na dulot nito kaya\t naluong sa masamang bisyo na nag-ugat sa pagkalaho ng
kani-kanilang pangarap. Bagaman nakakasira umano ayon sa karamihan, mayroon
ding ilan ang nanaig at kumabig upang patuloy na makipagsapalaran sa bigkis
nitong kapalaran. Isa na sa mga ito ang pinakamamahal nating institusyon.
Napakasarap isipin na sa kabila ng tagumpay
na sa ngayo’y tinatamasa ng ating namamayagpag na paaralan, mayroon pala itong
mapait na lihim ukol sa kasaysayan nito na maaring magsilbi na isang
inspirasyon para sa ating lahat. Ika nga sa mga teorya sa Agham, makabubuo ng
mga makabagong imbensyon na bagay sa mga panahon at oras na kung saan
nagkakamali tayo’t hindi natin inaasahan ang mga pangyayari. Isang matatag na
patunay nito ang pagkakadiskubre sa gamut na “penicillin” na waring aksidente lamang ang pagkakatuklas nito
ngunit nagging dahilan ito kung kaya umani ng sako-sakong parangal ang
nagpasimuno nito. Kagaya ng mga tuklas ng siyensya, marahil hindi makikilala
ang paaralang Col. Lauro Dizon kung hindi nagtayo ng union ang mga noo’y
kaguruan natin sa Laguna College, isa sa mga sikat na eskwelahan noon at ngayon
na masasabing kasabayan ng paaralan sa kabantugan.
Mga kaibigan, tila isang tagong biyaya kung
tutuusin ang yugtong iyon para sa ating eskwelahan na noo’y Annex V pa ang
bansag sapagkat nabuhusan tayo ng mga naghuhusayang guro na nagsilbing “main
founders” o punong-ugat ng paaralan. Matatandaan na noo’y walang makatatalo sa
nilisang lugar ngunit pagkaraan ng mga taong pag-eensayo, napabagsak din sa
wakas sa kauna-unahang pagkakataon ang tinagurian alamat na paaralan sa
dibisyon ng San Pablo at unti-unting nakilala ang Dizon High kasabay ng ilan
pang eskwelahan. Patunay ito sa kasabihang bilog ang mundo, minsa’y nasaibabaw
at minsa’y nasailalim kaya marapat na patuloy tayong magsikap upang maiwasan
ang masaklap na pagbagsak.
Mga giliw na tagapakinig, mula sa puntong
ito’y makikita natin ang kinahinantnan ng pakikibaka ng lahat ng henerasyong
nagdaan. Isang mariin na paliwanag nito ang sunud-sunod na pagkakatayo ng mga
silid sa ating pook paaralan na hindi maitatangging bunga ng natamong tagumpay
ng mga taong nakapaloob dito. Kung ating muling babalikan, tunay na payak laman
ang ating noo’y munting paaralan na binubuo ng mga bilang na silid-aralan at
kung minsa’y minamabuting lumabas na laman ng ilan upang doo’y maghain ng mga
diskusyon para sa mga kabataan na kalimita’y sa mga ila-ilalim ng mga punong
mayayabong at iba pang malililom na espasyo na nakapalibot sa eskwelahan.
Gayunpaman, higit na malaki na ang pagbabgo sa anyong pisikal ng Col. Lauro
kumpara sa lumang Annex V, saksi na dito ang ating dalawang mata.
Mga kapatid, waring masakit at nakakapang
hina ng kalooban ang mga bagay at pangyayari kung saan kinakailangan na lumikas
ng ilan. Pagbabago na kung minsa’y nagdudulot upang lalong manatili tayo sa
kailaliman sa halip na umusbong alinsunod sa dikta ng ating mga pangarap.
Datapwat, hindi sa lahat ng pagkakatao’y ito ang naghuhudyat na bunga para sa
atin bagkus dito pa marahil sumibol ang ating binhi sa pagtatagumpay. Mariin
itong pinatunayan ng kasalukuyang panunungkulan n gating punong guro na si Gng.
Cristeta Uy na sa kabila ng paglisan ng dating Gng. Malabag, lumuklok pa lalo
sa kaunlaran ang yamang taglay ng Dizon High.
Mga kamag-aaral, kaguruan, tagapakinig,
lubhang nagbago patungo sa daang pangkaunlaran ang ating paaralan. Mahihinuha
sa ngayon ang pantay na pagbibigay ng kahalagahan sa iba’t ibang antas at
aspeto na nakadaragdag sa ibayong mithiin natin sa pamamayagpag paitaas. Ang
mga bagong tayo na silid at gusali, mga baging henerasyon ng kaguruan at mga
kagamitang napapanahon tulad ng mga kompyuter at ibang mga makabagong gadgets
na talamak upang makasabay tayo sa antas ng ilang mauunlad na paaralan sa
labas. Gayundin, mapapansin ang espesyalisasyon ng administrasyon sa mga
atletang ipinanlalaban sa dibisyon lalong lalo na sa lebel pangrehiyon upang
maglayon magsungkit pa ng karagdagang karangalan para sa ating eskwelahan.
Mga kasama, sa loob ng labin-limang taon na
pakikidaupang palad ng Dizon High sa mga pagbabago, nanatili itong matatag at
umuunlad na marapat nating ipamagmalaki’t bigyang tuon ng pansin. Pagbabago
lamang ang isang bagay na hindi maiaalis sa paikot na daloy ng mundo kaya
akmang maging handa sa lahat ng mga
hamon na maari nating kaharapin sa hinaharap. Huwag matatakot magsimula sa kaunti’t
kakarapot bagkus ito sana ang maging dahilan upang lalo nating bigkisin ang
pagnanais na magtagumpay.
Sa muli, magandang araw po sa inyong lahat.
Ang
Dizon High sa loob ng Labinlimang Taon
ni Nikki Liz D. Gutierrez, IV-science
Ito
ay ang isang tandisang pahayag mula kay Henry Ford na isang matagumpay na amerikanong
imbentor at kinikilalang Ama ng Modernong Assembly Lines. Ang kasabihang ito ay
nagpapatunay na ang pag unlad ay matatamo kung sama sama at may pagkakaisa.
Mga
giliw kong tagapakinig isang magandang hapon sa inyong lahat.
Sinimulan
ko ang aking talumpati sa isang makapampaganang
kasabihan mula kay Henry Ford. Nais kong mabatid ninyo na lahat ay posible
kung magtutulungan at sama sama. Matatamo ang mga mithiin ang magkakaroon ng
magandang bunga ang hirap at pagod.
Taong 1998 ng magkaroon ng pagkakataon na mabuksan
ang isang mataas na paaralan na pinagtulungang mabuo ng mga dating guro ng
Laguna College. Masasabing isang blessing in disguise ang pagkakatayo ng
paaralang ito. Sapagkat ang mga ilan sa mga guro ng Laguna College ay nag-aklas
sa nasabing paaralan at nagtayo ng panibagong paaralan na tinawag na Annex 5.
Na nagsilbing daan para sa mga kabataang gustong mag-aral at matuto, ngunit
walang sapat ng salapi upang magpatuloy sa sekondarya.
Patuloy
sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon ang mga guro. Kahit kapos sa mga
magagandang pasilidad, nagawa pa rin nilang punan ang kakulangan sa pagbibigay
ng magandang turo sa mga kabataan. Nagsimula sa mahigit 100 estudyante ang nagsisiksikan
sa isang kwarto. Dahil sa nagsisismula pa lamang, ang ibang mga estudyante ay
nag-aaral sa may ilalim ng puno. Gayunpaman, nandoon pa rin ang kagustuhan na
matuto at mapa unlad ang sarili kahit nasa hindi magandang sitwasyon. Ganado pa
rin ang mga guro na magturo, dahil nakikita nila na gayon din magbigay ng interes
ang mga bata na matuto.
Nakilala ang paaralang Dizon High sa mga patimpalak na
sinasalihan nito sa ibat- ibang mga larangan. Naging “threat” kumbaga sa ibat
ibang paaralang dahil kilalang magagaling at may talento ang mga mag aaral ng Dizon
High. Halimbawa nito ang mga patimpalak sa bigkasan,tula, balagtasan.
Kinatatakutan ang Dizon High sapagkat sa magaling ang panlaban at magaling din
ang tagapagsanay. Katulad na lamang ni Zarina Joyce Mojica na nag uwi ng
ikalawang karangalan sa isang pambansang kompetison ng Voice of the Youth. Sa
tulong ng gurong tagapagsanay na si G. Dennis Lacsam nahasa pa ng husto ang
kanyang talento na lalong nakapagpaangat sa kanya. Nakatulong rin siya sa
paaralan sa nakuhang premyo mula sa naturang kompetisyon.
Kilala na rin sa buong San Pablo ang grupong Tiklad. Ang
kalipunan ng mga estudyante na may kasanayan sa pagsayaw. Mula 1996 ay
nagsisimula na ang mga mananayaw na umindak. Sumasali rin ang TIKLAD sa taunang
selebrasyon ng COCO festival. Magpa-hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa
pagbibigay karangalan ang TIKLAD. Sa katunayan, noong nakaraang Pebrero 2012 ay
nakapasok sa isang t.v. show ng ABS-CBN, ang “Showtime” na palabas sa buong
nasyon. Hindi man naiuwi ang kampyonato ay nakilala at naipakita pa rin ang
kanilang talento.
Sa isang banda,
nakapagpatayo na rin ng bagong dalawang gusali sa tulong ng isang politiko. Malaki
ang naitulong nito sa mga mag-aaral na siksikan sa isang maliit na silid. May
kasama na rin itong palikuran upang hindi na lumabas ang mga estudyante at
maglakad pa ng malayo . May kaloob rin na mga bagong upuan upang mapaltan na
ang mga upuang kahoy na nabubulok at sira-sira na. Naisaayos na rin ang sewage
system. Patuloy na rin ang pagsasaayos ng mga silid upang mas mapakinabangan
pang mabuti ng susunod na mga mag-aaral.
Kung dati ay walang maupahang gwardiya na magbabantay sa
buong maghapon, ngayon ay mayroon na. Naglaan na ng badyet ang paaralan upang
masiguro ang seguridad ng mga bata. Nagsasagawa na din ng inspeksyon, mahigpit
na sinisiguro na may kaukulang parusa ang mga estudyante na huli kung pumasok.
Mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo, pagsusugal, pag-inom ng alak at
paggamit ng bawal na gamot sa paaralan. Tinitiyak na kung sinuman ang lumabag
sa patakaran ng eskwelahan ay may karampatang parusa at hindi makalulusot.
Hindi man katulad ng mga pribadong eskwelahan, gayon din naman ang ibinibigay
na mga pangangailangan sa mga estudyante ng Dizon High.
Halos
labinlimang taon na rin ang nakalipas. Dumaan sa maraming pagbabago ang paaralan
ngunit nanatiling matatag. Mula sa pagiging Annex V ay naging Mataas na
paaralan sa pag-alaala kay Col. Lauro Dones Dizon. Isang institusyong
nagbibigay karunungan sa mga kabataang gustong mag-aral , ngunit walang salapi.
Tulong-tulong na isinulong ng mga guro kaya narating ang tagumpay. Sa paggawa
sa trabaho ng maayos lahat ay napalitan ng ginhawa.
Ngayong
labinlimang taon na ang dizon High narating na nito ang rurok ng tagumpay sa
pagtamo ng ibat ibang karangalan at alam ko na may iuunlad pa ito sa paglipas
ng panahon. Pagbalik ko sa paaralang ito matapos ang mga 10 taon ikararangal ko
na ako ay isang Dizonian at magapapahayag ng pasasalamat sa mga tao sa likod ng
pagkakabuo ng paaralan kung saan ako namulat, natuto at nahubog ang aking
pagkatao. Mabuhay ang Dizon High!
Muli isang mapagpalang hapon sa inyong lahat.
Ang Dizon High sa loob ng Labinlimang Taon
Ni Zyra Mae B. Gapulao, IV-Science
Ito ang kasabihan na nararapat para sa lahat ng tao.
Hindi lahat ng bagay ay mahuhusgahan mo na agad sa isang tingin lang. Sa tingin
mo ba ang mga tanong sa Matematika pag tinitigan mo lang malalaman mo na agad
ang sagot? Tama ako diba? Dahil kailngan mo itong suriin, pag-aralan at
kilalanin.Matuto kang rumespeto sa mga nakapaligid sa’yo na hindi mo pa
masyadong kilala o kahit sa mga kakilala mo na dahil hindi buong buhay nila ay
ikaw ang kasama nila kaya hindi mo alam ang tunay na dahilan at kwento kung
bakit ganito o ganyan sila.
Isang pinagpalang araw sa inyong lahat!
Mainit, malawak at magabok na paaralan ang Dizon High
pero ito ay isang paaralan na marangal, maipagmamalaki at higit sa lahat
hinahangaan. Alam ko at alam nating lahat na mababa ang tingin sa Dizon High
dahil sa kapaligiran nito. May mga umaayaw nga na pumasok sa eskwelahan na ito.
Inaamin ko na dati ayaw ko rin pumasok dito dahil akala ko mas maganda kung sa
pribadong eskwelahan ako papasok pero nang ako ay makapasok dito sa Col. Lauro
D. Dizon Memorial National High School, damang dama ko na pinapahalagahan ang
bawat estudyante dito lalong lalo ng mga guro. Ang paaralang ito ang naging
pangalawang tahanan namin kasama ang aming mga guro na tumatayong pangalawang
magulang ng bawat estudyante.
Nagsimula ang paaralang ito sa kakaunting silid-aralan na
pinagsisiksikan ng animnapu hanggang isang daang estudyante bawat isang silid-aralan.
Hindi magkandaugaga ang mga guro sa kanilang mga hinahawakang estudyante noon.
Ang iba pa ay sa FVR Grandstand lang nagkakaklase. Tingnan niyo kung gaano
kahirap nagsimula ang Dizon High na tinatawag noong Annex V.
Marapat na pasalamatan ang ating Mayor na si G. Vicente
B. Amante na siyang nagpagawa ng bagong gusali na tinatawag naming “new
building” o “mapeh building”. Malaki ang naitulong nito sa lahat ng estudyante
at guro.
Ang paaralang ito ang nagsilbing babaan ng mga helicopter
na ang kalimitang sakay ay mga pulitiko. Naging lagayan din ang oval dito ng
peryahan noong kabataan ko. Kung susuriin mo ang mga guro dito, halos lahat
sila ay galing sa Laguna College. Maituturing mo na ang mga magagaling na guro
dito ay nag-aral at nagturo din sa isang pribadong paaralan kaya hindi ito
basta basta isang pampublikong paaralan.
Hindi mo aakalain na ang isang simpleng paaralan na ito
ay sisikat pa at maipagmamayabang ng ibang eskwelahan sa iba’t ibang larangan.
Masasabi ko na maraming matatalino, mahuhusay at talentado sa paaralang ito.
Bukod doon, marami rin ang mga naggagandahang dilag at naggagwapuhang binata
ang sumisikat dito.
Naging panlaban noon ang dating estudyante na Shaira Mae
Sabirin sa San Pablo Got Talent na nakuha ang unang gantimpala. Isa siyang
napakahusay na mang-aawit. Ang Tiklad ng Dizon High ay naipanglaban sa Showtime
na noontime show sa ABS-CBN. Sinuportahan kami ng San Pablo City National High
School (SPCNHS) na sila ang sumayaw bilang representative ng lugar. Nanalo sila
sa Daily Finals at Weekly Finals ngunit hindi nila nalagpasan ang Monthly
Finals na sana ay makakapagdala sa kanila sa Finals. Ayos lang ito dahil isang
malaking karangalan na ito. Nagkaroon din ng paligsahan ng mga
pogi at magaganda na tinawag na Mr. & Ms. Dizon High. Ang nagwagi sa
paligsahang ito ay sina Abegail Abbas at Andre Miguelle Arenas.
Nadagdagan
ang mga silid-aralan sa pamamagitan ng pagdodonasyon ni Congresswoman Evita
“Ivy” Arago. Nagkaroon ng limang bagong silid-aralan. Gumawa din ng program ang
paaralang ito para sa mga kabataang hindi na kaya mag-aral dahil sa kakulangan
ng pera o dahil lang sa hindi na nila kaya. Tinatawag namin itong OHSP o Open
High School Program. Malaki an gang naitutulong nito sa mga bata na tinatamad
na at mga batang napapariwara.
Sumali naman ang aming paaralan sa labanan ng talumpatian
na APEX na ginanap sa San Pablo Central School at ang aming pinanglaban ay si
Mishael Pontanoza. Ginamit niya ang piyesa ni G. Dennis Lacsam na pinamagatang "Tatag
ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino” nakamit ang pangalawang
gantimpala. Nanguna sa talumpatian ang estudyante ng LSPU.
Nanalo ng unang gantimpala at “Best in Costume” ang Dizon
High sa Street Dancing na ginanap noong Enero 15. Pinatunayan ng isang Dizon
High na walang publiko na di kayang magtagumpay sa kahit anong patimpalak kung
hindi ito pinagtutulungan ng mga tao na sakop nito. Marami nang nakamit ang
paaralang ito para tumatak sa isipan ng ibang tao ang kahusayan at kasipagan
nito.
Ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ay
makikilala pa at hahangaan pa, hindi lang sa buong Pilipinas, kundi sa buong
mundo. Magiging isang modelo ang paaralang ito sa lahat ng mga umaasa at
nangangarap na maging isang matagumpay na paaralan.
Sa paaralang ito hinubog ng mga guro ang aming pagkatao
na siyang gumagabay at gagabay sa amin sa susunod na henerasyon upang
magtagumpay sa anumang pagsubok na darating.
Muli, magandang umaga at maraming salamat!
Ang
Dizon High sa Loob ng Labinlimang Taon
ni
Zane Andrei Cortez, IV-Science
“Iisa
lamang ang direksyon na alam ko upang makamit ang tinatawag na tunay na kalidad
ng edukasyon – PAGBABAGO.”
Ito
ang ilan sa mga salitang binitawan ni Gng. Cristeta Uy sa isang lathalain na
naisulat sa ating dyaryo na Ang Laurel noong nakaraang taong pampanuruan kung
kailan unang taon rin niya sa ating paaralan. Isa na rin marahil itong
pagpapatunay na sa paglipas ng panahon, bawat pamumuno ay nag-iiwan ng malaking
kaibahan at kaunlaran sa paaralan.
Mga
giliw kong tagapakinig, isang pinagpalang umaga sa inyong lahat.
Maliwanag
na nakasaad sa lathalain ni Gng. Cristeta Uy na pagbabago lamang ang tanging
paraan upang makamit ang kaunlaran. Tunay ngang walang permanente sa mundo
kundi ang pagbabago, ngunit mayroon tayong maaaring pagpilian – pagbabago para
sa ikabubuti o pagbabago para sa ikasasama. Ano nga ba ang pagbabagong tinahak
at tinatahak sa ngayon ng Dizon High?
Siksikan,
may malaking kakulangan sa bilang ng mga guro, walang sapat na silid-aralan,
aklat, upuan at iba pang kagamitan, ito ang madalas kong naririnig sa aking mga
guro sa tuwing ilalarawan ang dating anyo ng Dizon High. Nakalulungkot sa
bahagi ng mga dating mag-aaral nito ngunit hindi maikakailang isang malaking
kalamangan sa isang katulad ko.
Taong
1998 nang itinayo ang San Pablo City National High School o mas kilala bilang
City High. Itinuturing lamang noong mga panahong iyon na Annex V ang ating
paaralan. Ngunit pagdating ng taong 2004, napalitan na ito at naging Col. Lauro
D. Dizon Memorial National High School bilang paggunita sa alaala ni Col.
Lauro Dizon, at sa pagkakataon ding ito
ay nagsimula ng magkaroon ng sariling pangangatawan ang paaralan, kumbaga’y
nagsisimula ng tumayo sa sarili niyang mga paa, nagiging malaya at may
kakayahan na sa pag-iisa.
Kasabay
ng mga kaganapang ito ay unti-unti rin namang bumagsak ang institusyon ng
Laguna College kaya’t sa halip na mawalan ng hanapbuhay ay walang nagawa ang
mga guro doon kundi ang lumipat sa Dizon High yamang hindi rin naman sapat ang
mga guro dito. Masasabing naging bagsakan nga ang ating paaralan ng mga gurong
tinanggal sa LC ngunit ang samahan ng mga gurong ito ang nagsimula upang
magkaroon ng isang panibagong Dizon High.
Nagsimula
ito sa mga guro na buong-pusong inilaan ang kanilang kakayahan, oras, kaalaman,
at maging ang buhay para sa ikabubuti ng paaralan. Nagkaroon na ng Science
Curriculum ng simulang buksan ang Dizon High na nagbigay-pagkakataon sa
maraming mag-aaral na mas mahubog hindi lamang ang kanilang kakayahan kundi ang
asal at buong pagkatao. Nariya’t kung ating makikita ang hanay ng mga subject coordinators, ating mapapansin na halos lahat sa
kanila ay nagmula sa LC. Masasabi nating utang natin sa kanila ang anumang
mayroon ang Dizon High sa kasalukuyan.
Idagdag
pa ang mga punung guro na naging bahagi ng sistema ng paaralan. Tunay na sila
ay nagbigay-daan sa pagsulong ng Dizon High. Naging isang napakalaki at
napakahalagang bahagi sila ng pag-unlad ng paaralan.
Hindi
rin natin mapabubulaanan ang katotohanan na sa panahong ito, nangunguna na ang
Dizon High sa iba’t ibang larangan o aspeto; mapa-akademiks, isports, bigkasan,
pamamahayag at marami pang iba. Isa na rin ang ating paaralan sa kinatatakutan
pagdating sa anumang labanan o paligsahan. Talaga ngang ibang-iba na ang ating
paaralan sa ngayon, sa mga gusali pa lamang, sa kalinisan at kaayusan, at
maging sa mga patakaran, Dizon High School is truly taking the lead to a better
country. Oo, maaaring masyado tayong nabibigla sa mga pangyayari, masyado
tayong nahihigpitan sa mga patakaran at alituntunin, ngunit maaaring ito ang
maging sagot sa pagkamit sa tunay na kalidad ng edukasyon. Ito marahil ang
magdadala sa atin sa pagsabay sa pandaigdigang pagbabago.
Mga
ginigiliw kong tagapakinig, wala naman sigurong masama sa pagsunod. Kung ang
isang paslit nga ay nagagawang sumunod sa utos ng kanyang ina, ano pa kaya ang
mga kagaya nating may pag-iisip at may kakayahang umintindi na.
Maraming
pagsubok ang pinagdadaanan at pagdadaanan pa ng paaralan, hindi ito maiiwasan.
Ngunit kung ang bawat kasapi nito ay may pagpapahalaga sa pagbabago na
magbibigay-diin sa pagiging mapanagutan at responsible ng bawat isa upang ganap
na makamtan ang karunungan na siyang mahalagang sandata para malabanan ang kakulangan,
hindi nakapagtatakang mangunguna ang Dizon High sa Sangay ng San Pablo sa lahat
ng aspeto. Lagi nating tatandaan, ang edukasyon ang pinakamakapangyarihang
armas na maaari nating gamitin upang baguhin ang mundo.
Muli,
magandang umaga at maraming salamat.
Ang Dizon High sa Loob ng Labinlimang
Taon
ni
Rheena Bianca S. Villeno, IV- Science
Ito ang mga katagang parating sinasambit
ng paaralang aking tinutuluyan sa bawat pagsubok na tinatahak nito. Manalo man
o matalo, tuloy parin ang laban. Tuloy parin sa pag- abot ng mga mithiin para
sa tagumpay na kapalit nito.
Minamahal
kong mga tagapakinig, isang pinagpalang umaga sa inyong lahat!
Labinlimang
taon na ang nakakalipas mula ng maitatag ang Annex V, na mas kilala ngayon
bilang Col. Lauro Dizon MNHS o Dizon High. Itinatag ang paaralang ito para sa
mga gurong nawalan ng trabaho upang magbukas ng oportunidad sa mga gurong
nawalan ng trabaho sa isa sa mga paaralan sa ating lungsod. Nabigyan ng pag-
asa ang mga gurong ito na maibahagi sa mga estudyante ang iba’t ibang kaalaman
at kagalingan. Hinuhubog din ng paaralang ito ang potensyal ng bawat estudyante
na kanilang nakadausang palad.
Nagsimula
ito mula sa iilang silid- aralan na mayroong humigit- kumulang na isang daang estudyante
kada isang silid. May ilan na sa ilalim pa ng puno nagkaklase, maturuan lang
ang mga estudyanteng nagsisikap. Hindi lamang ang mga estudyante ang handang
magsikap, kundi ang mismong paaralan na ito. Patuloy parin ito sa pag-abot ng
layunin para sa ikagaganda at ikaaayos ng pasilidad ng paaralan.Kung tutuusin,
mapalad tayong mga kabataan sa ngayon dahil hindi natin naabot ang kahirapang
dinanas nila noon sa pag- aaral.
Mula
sa halos apat na taon na pagpasok ko dito, maraming bagay na ang nabago,
nagbabago at alam kong magbabago pa. Isa na dito ang kapansin pansin na mga pasilidad
at mga silid ng eskwelahan. Masasaksihan natin na may sapat na bilang na ang
mga silid dito. Higit na kapuna puna ang aming mga guro o mga tagapagsanay na
talaga naman na hindi kami bibiguin sa aming inaasahan na tagumpay.
Isang
katotohanan na simula pa noong dumating sa ating paaralan si Gng. Cristeta Uy
ay ang malaking pagbabago ng Dizon High. Nagkaroon na ng guard upang maiwasan
ang pagka- cutting ng estudyante sa
ating paaralan. Mayroon na din Open High School Program kung san pumapasok ang
mga mag- aaral na hindi kayang makapasok sa regular na klase nito. Isa pa sa
panukala na inilabas niya ay ang pagdadamit ng ayos ng mga estudyante. Dahil dito,
unti- unti ng nadidisiplina ang aking kapwa mag- aaral.
Minamahal
kong mga kamag- aaral, nais kong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga nakamit na
tagumpay ng ating paaralan, di lamang panlungsod o panrehiyon, kundi pambansa
pa!
Sa
akademiks palang, hindi na papatalo pa ang Dizon High. Kahit anong subjects pa
yan, kayang kaya yan. Aminin man o hindi, isa ang ating paaralan na
kinatatakutan ng iba pagdating sa iba’t ibang patimpalak. Patunay lang na hindi
basta basta ang Dizon High pagdating sa iba’t ibang larangan.
Sa usaping
pampalakasan naman, hindi rin tayo papatalo. Athletics, Table Tennis,
Basketball o kahit anong sports pa ‘yan, lahat may pambato. Isa ako sa mga
saksi sa mga kaganapang ito. Mula sa pageensayo hanggang sa mismong laban ay
ipinapakita ng ating mga manlalaro ang husay at determinasyon sa bawat laban.
Kaya hindi kataka takang pasok ang karamihan sa ating mga manlalaro sa Southern
Tagalog Calabarzon Athletic Association (STCAA).
Mapabigkasan o pagsulat man, kilala
rin ang ating paaralan. Nagwagi ang ating kamag- aaral ng ika- 6 na pwesto sa
naganap na Regional Press Conference na may humigit- kumulang na isang daan na
kalahok. Labanang pambansa naman ang nilahukan ng dalawa nating kamag- aaral.
Di man nila nakamit ang ika- unang pwesto, pumapangalawa naman sila dito.
Di rin papahuli ang mga guro sa pag
papakita ng kanilang galing. Isa na dito si G. Lacsam na nagpakita ng kanyang
angking galing sa pagsulat ng mga komposisyon na ginagamit tuwing pyesta ng San
Pablo. Ang komposisyong ito rin ang ginamit na tugtog ng grupo ng mananayaw ng
Dizon High, ang Tiklad na s’yang nagtanghal on national TV na nagwagi sa daily
at weekly finals. Nabigo man sa monthly o buwanang laban, tuloy parin ang
suporta ng kapwa Dizonians!
Kapwa ko mag- aaral, ngayo’y
naulinigan nyo na ang ilan sa mga tagumpay na nakamit ng Dizon High. Sama sama
natin kam’tin ang tagumpay na mithiin!
Isang magandang umaga muli sa inyong
lahat!
Ang Dizon High sa loob ng 15
taon
ni Ruth Valerie R. Fajardo, IV-Science
Isang sikat na linya sa
patok na kantang Kanlungan ni G. Noel
Cabangon. Tila nga kay bilis ng panahon, parang kahapon lang nasa ika-unang
antas pa lang ako ng sekondarya samantalang ngayon ilang buwan na lang pala ay
lilinasin ko na rin ang aking mahal na paaralan. Sa loob ng halos apat na taon
kong pamamalagi sa paaralang ito, naranasan ko ang ibat-ibang klase ng
pagbabago. Pagbabago sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw, sa mga guro,
kapwa mag-aaral, sa pamunuan, sa kapaligiran at sa lahat ng bumubuo ng
paaralang aking maipagmamalaki sa darating na panahon. Pampubliko mang
ituturing, ngunit binubuo naman ng mga dedikado’t may dignidad na estudyante,
idagdag na dito ang mga gurong dekalidad at may paninindigan sa sarili.
Sa apat na sulok ng aming
silid-aralan ko naranasan ang tunay na kasiyahan. Sa piling ng aking mga
kamag-aaral at kaibigang maituturing kong isang kayamanan. Walang tigil na
tawanan, biruan at asaran, harutan, tuksuhan at minsan hindi pagkakaunawaan at
pagkakaintindihan na nauuwi sa iyakan. Kung minsan pa nga ay puno kalokohan na
nauuwi sa kapahamakan. Pero sa bawat pagkakamali, doon tayo natututong bumangon
at magbago. Lahat ng bagay sa mundo ay nakakaranas ng pagbabago. Kagaya nga ng
sabi nila, wala ng permanente dito sa mundo.
“Annex V” kung ito’y tawagin
noon ngunit kakaibang Dizon High ang
makikilala mo ngayon. Sa loob ng labinlimang taon ng Dizon High, masasabi kong
madami na nga itong napagdaanang pagbabago. Kahit apat na taon pa lamang akong
namamalagi dito, nadadama ko na ang unti-unting pagyabong ng institusyong ito.
Sa paraan ng pamamalakad ditto at maging sa pisikal na imprastraktura nito.
Kung dati nga’y matiyagang nagtuturo ang aking mga butihing guro sa ilalim ng
mga puno o kaya naman ay sa itaas ng grandstand, ngayon unti-unti ng
nalulunasan ang problema sa silid-aralan. Patunay dito ang pagkakaroon ng
sariling silid ng bawat seksyon sa ibat-ibang antas. Ngunit may mga
silid-aralan pa rin na pinaghahatian ng dalawang seksyon. Subalit hindi ako
nawawalan ng pag-asa na balang araw ganap ng magkakaroon ang bawat seksyon ng
sariling silid-aralan na kanilang iingatan at pahahalagahan. Ang madamong oval,
mga may sulat at sirang upuan at maging ang grandstand na puno ng bandalismo
noon, ay unti-unti nang nagbabago ngayon. Isang maaliwalas na Dizon High na ang
iyong masasaksihan. Isang pampublikong paaralan na may kakayahang
makipagsabayan hindi lamang sa akademiko kung hindi maging sa ibat-ibang
larangan. Sa larangan ng isports, kantahan, sayawan at maging sa pagandahan.
Sa larangan ng sayaw, hindi
na isang katanungan ang narating ng ating paaralan. Isang halimbawa na dito ang
pagkapanalo ng TIKLAD sa weekly at monthly finals sa sikat na noon time show na
Showtime at umabot pa nga ito sa
Grand Finals. Talagang hindi lamang sa paaralan may ibubuga ang mga Dizonians.
Isa pang halimbawa ay ang kamakailan lamang na pagkapanalo ng Dizon sa street dancing competition sa nakaraang Cocofestival 2013. Itinanghal ito bilang
kampeon na ipinagbunyi ng lahat ng guro’t mag-aaral at lubos na ikinatuwa ng
punungguro ng paaralan.
Sa kantahan naman, hinding
hindi pa rin tayo magpapahuli. Patunay dito ang magagaling na estudyante’t
alumni na may natatanging talento sa pag-awit. Nakaabuo na nga sila ng
kanya-kanyang banda at grupo na nagtatanghal sa iba’t ibang lugar at sa
paaralan tuwing may magkakaroon ng concert.
Isa pang dapat ipagmalaki ay ang pagbida ng isa sa aming kapwa mag-aaral na
tinanghal bilang SAN PABLO IDOL 2009. Isang dekalidad na kompetisyon na ginanap
noon sa city plaza na inisponsoran ng
Center for Pop Philippines. Kahanga-hanga
talaga ang talent ng Dizonian!
Likas sa ating mga
estudyante ang pagkahilig sa isports. Pagpapatunay ang walang sawang pagsuporta
sa mga taunang intrams, na kung saan ang mga magwawaging manlalaro ay
inihahahnda para sa Division Meer. at kapag nakalusot sa Diviosion Meet, ay
didiretso sa Regional para STCAA. Mapa basketball man, volleyball, badminton,
table tennis, athletics, sepak takraw, soccer at iba pa na talagang
maipagmamalaki ng Dizon High. Nakakatuwa talaga na hindi lamang sa akademiko
lumilitaw ang kagalingan ng mga estudyante kung hind imaging sa iba’t-ibang
isports din.
Blah…..
Ilan lang ito sa mga linyang
binitawan ng iba’t ibang Beauty Queens. Iba nga naman pag pagandahan na ang
pinag –uusapan. Sa paksa bang ito, magpapahuli ba tayo? Mr and Ms Dizon High
2011, isang prestihiyosong patimpalak na ginaganap noon sa San Pablo Central
Gymnasium. Halos apatnapung naggagandahang kandidata ang mga kalahok dito.
Tampok din ditto ang mahuhusay na fashion designers at mga kilalang
personalidad tulad nina Binibining Nikki Valdez, Binibining Zara Aldana,
Ginoong Archie Ilagan, Ginoong James Cooper, Ginoong Jessie Esmilla, Bb. Sol Aragones at marami pang iba. At ito ay hindi na nakakapagtaka kung bakit
nagging usap-usapan ang magarbong pangyayaring ito sa buong lungsod. Sa
nakaraan namang search for Mr. and Ms. Coco Star, hindi pa rin nagpahuli ang
Dizonian. Marami pa ring mga estudyante ang nakapasa sa mga screening para
makalahok sa nasabing patimpalak. Iba talaga Dizonians! Hindi lang brain may
beauty rin.
Ilan lang ito sa mga
pangyayayaring tatatak sa bawat isip at puso ng mga estudyante na kanilang
dadalhin kahit saan sila makapunta. Ako, bilang isang graduating student ay
umaasa pang madadagdagan ang mga kaganapang ito. Mga bagay na maipagmamalaki ko
balang araw. Ipagpatuloy pa sana ang nasimulang magandang pagbabago para sa
magandang kinabukasan.
Muli magandang hapon sa
inyong lahat.
Ang Dizon High sa Loob ng Labinlimang
Taon
ni
Kenna O. Evangelista, IV-Science
Isa lang ito sa mahahalagang aral na
natutunan ko sa apat na taon ko nang pag-aaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial
National High School. At alam kong hindi lang ako ang mag-aaral na natulungan
ng paaralang ito sa loob ng labinlimang taon. Siguro, nasa mahigit kumulang na
daang libo ng mga estudyante ang natulungan ng paaralang ito na magkaroon ng
mgandang kinabukasan at maging mabuti at maayos na tao sa pakikisalamuha sa iba
at maging sa pagharap na rin sa mga hamon ng buhay.
Sa mahal naming punungguro, mga
giliw naming guro, at sa aking mga kapwa mag-aaral, isang pinagpalang araw po
sa inyong lahat.
Naikukwento pa sa’kin ng kaibigan ng
aking ama na noon daw ang Dizon High ay Annex V pa at kadalasan noong nag-aaral
siya ay halos ang lahat ng mag-aaral na lalake ay nakaupo sa sahig at umaabot
sa labas ng silid ang mga nakaupo, hindi tulad ngayon na may sapat at magaganda
ng silid ang ating paaralan. Inisa-isa niya pa nga sa’kin ang kanyang mga guro
, at nabanggit niya rin sa akin na kahit hindi man siya nakapagtapos ng may
karangalan ay masasabi niyang nagatapos siya sa isang hindi ordinaryong
pampublikong paaralan. Maging sa pananalita niya, kahit siya kabilang sa mga
nakakataas na seksyon ay masasabi ko na nagkaroon siya ng mataas na kalidad ng
edukasyon.
Mapapribado
man o kapwa pampublikong paaralan man, walang makakapagsabi na mahina at walang
laban ang Annex V noon hanggang sa maging Dizon High ito ngayon. Dahil sa loob
ng labinlimang taon, marami ng nakamit na karangalanang paaralan sa halos lahat
ng uri at kategorya ng mga paligsahan, mapalarangan man ng sports,
pang-asignatura, street-dancing at iba pa. Hindi mabibilang na matataas na mga
gintong tropeo at mga babasaging plaque ang katibayan nito na makikita sa ating
school library at sa opisina ng ating punungguro mula sa mga malalaking
paligsahan. Halimbawa na nito ang hindi na mabilang na mga plaque at tropeo na
naiuwi ng TIKLAD sa ating paaralan sa pamumuno ng isa sa mga batikang guro na
si G.Egay Victorio, at hindi lang ‘yan, napakalaking karangalan rin na nadala
nila ang pangalan na TIKLAD at ng ating paaralan, maging ang pangalan na rin ng
ating lungsod ay nabigyan ng karangalan sa pagiging isa sa mga magagaling na
kalahok sa Showtime na ABS-CBN. At isa pa sa mga pinakamataas na karangalang
nakamit n gating paaralan ay ang pagkakapanalo ni Zarina Mojica ng IV-A nitong
nakaraang taon sa STI Voice of The Youth na nagkamit ng unang karangalan sa
ating dibisyon hanggang sa rehiyon at nagging 2nd runner-up sa buong
bansa sa tulong ng guroong tagapagsanay na si G.Dennis Lacsam na isa talaga sa
mga talentado at maaasahang guro sa paaralan. At ang kanyang pagkakapanalo ay
nagdala ng AVR set mula sa STI at malaking money cheque na makakatulong talaga
ng malaki para sa ikauunlad pa ng ating paaralan.
Natatandaan ko pa noong nakaraang
pitong taon ng pumunta ako sa Dizon High maayos na ang sistema nito. Isinasama
ako ng aking ina sa kanyang classroom, kabilang man sa mabababang seksyon ang
ang tinuturuan niya ay kita ko na ang mga estudyante ay sumasagot talaga tuwing
recitation at masaya sila sa oras ng klase. Tulad na rin sa halos lahat ng guro
sa paaralan, ang mga estudyante mula sa pinakamataas na seksyon hanggang sa
huli ay talagang natuturuan ng ayos at hindi napapabayaan lalo na sa
pagpapahalaga sa pagpapakatao. At ngayong bahagi na rin ako ng paaralang ito,
masasabi kong isa ako sa pinakamaswerteng mag-aaral. Habanag tumatagal ay
lalong umuunlad ang Dizon High at mas naging maayos ang sistema sa paaralan.
Nagkaroon na ng magagandang buildings para sa iba’t ibang year levels,
nagkaroon ng grandstand, dumami ang computers at sa pamamahala ng aming
pununggruro na si Gng.Cristeta Uy lalong naging maunlad ang Dizon High. At
ipinagmamalaki ko rin na ang Dizon High na isa sa mga iginagalang ngayon ng
halos lahat ng paaralan sa dibisyon ay hindi magkakaroon ng ganito kagandang
pangalan ngayon kung wala ang mga masisigasig at masisipag na guro na walang
sawang tinuturuan ang mga mag-aaral hindi lamang sa pang-asignaturang aspeto,
ngunit hanggang maging sa paghubog sa amin na maging mabuting tao.
Ayon pa nga sa mga aral na
natututunan naming sa El Filibusterismo, “Ang masistema at makatarungang
paggawa ay makapagtatamo ng pag-asa at pag-unlad.” At ito ang kabuuang masasabi
ko sa Dizon High sa loob ng labinlimang taon nitong pamamayagpag sa ating
dibisyon hanggang sa ating rehiyon. Ang pagiging maayos at organisado nito at
pagiging tapat nito sa lath ng paligsahan at patimpalak ang isa sa mga dahilan
kung bakit lalo itong umuunlad at ang mga guro naming dito ang siyang
nagbibigay pag-asa sa’ming mga mag-aaral na naging mga pangalawa na naming mga magulang
at lagi nilang itinatama ang aming mga pagkakamali upang mas maging matalino
kami sa pagpapasya naming pagdating araw na haharap na kami sa realidad ng
mundo.
Sa aking mga kapwa mag-aaral, dapat
nating maunawaan ang kaisipan na gustong itatak sa atin ng paaralang ito na,
“Anumang adhikain ng mga kabataan at mag-aaral para sa kabutihan ng bayan ay
pagpapalain at magtatagumpay.” Kaya naman dapat lang na hindi natin sayangin
ang bawat pagkakataon, magkaroon tayo ng mga pangarap para sa ikauunlad natin
at para na rin sa ating mga magulang na iginapang tayo sa hirap. Maging
inspirasyon sana sa ating lahat ang Annex V na naging Dizon High na ngayon at
nagkaroon ng magandang pangalan at naging matagumpay sa loob ng labinlimang
taon.
Ang
Dizon High sa Loob ng Labinlimang Taon
Judy Ann Bondad
Isang magandang umaga
sa inyong lahat, sa aking guro at minamahal na mga kamag-aaral. Ako ngayon ay
nasa inyong harapan upang ihayag ang mga pangyayaring naganap sa bawat taong
lumipas dito sa lugar kung saan apat na taon rin tayong nagsama-sama at bumuo
ng mga alaala. Bago natin lisanin ang paaralang ito na siyang kumupkop at
nagsilbing pangalawang tahanan natin, hayaan nyong aking sariwain sa inyong mga
isipan ang lumipas nating mga taon sa ating paaralan.
“Annex V”, ito ang
unang pangalan ng ating paaralan na binuo noong taong 1998 kung saan hindi pa
sapat ang mga silid-aralan, upuan, lamesa at iba pang mga pasilidad na
kailangan ng mga mag-aaral. Isang paaralan na hindi kalakihan ngunit sandaang
estudyante ang nagsisiksikan sa isang klase upang matuto lamang. Ang iba ay
nasa labas na ng silid at bahagya ng makakinig sa leksyong itinuturo ng guro.
Mayroon din namang sama-samang nakabilad sa matinding sikat ng araw at nakaupo
sa may grandstand habang pinipilit na maulinig ang tinig ng guro kasabay ng
malalakas na boses ng mga kaklase. Ilang taon ring ganito ang sistema ng
paaralang ito. Maaaring sa bawat taon ay may bahagyang pagbabago at may mga
nadaragdag na mga kagamitan tulad na lamang ng silya at mga pisara, ngunit
hindi pa rin ito sapat upang maibsan ang pagtitiis ng maraming estudyante sa
hindi komportableng silid-aralan. Pero sa kabila naman ng hindi maalwang
pakiramdam na ito na kanilang nararanasan sa halos araw-araw na pagpasok nila
sa paaralan, walang dapat panghinayangan sapagkat napapawi naman ito sa mga
ngiti at halakhak ng bawat isa sa loob ng klase kapag ang talakayan nila sa
guro ay nagsimula na.
Dumaan pa ang ilang
taon, wala pa ring gasinong pagbabago sa paaralan. Ang unang naging punong-guro
ng paaralang ito ay si Ginang Bicomong. Siya paring principal na inaasahan ng
mga magulang na magsusulong ng kaayusan ng paaralan. Ngunit alam naman nating
lahat na hindi ganoon kadali na maisaayos ang maraming bagay sa loob ng paaralan
ng mag-isa lamang sapagkat napakalaking responsibilidad nito para sa isang tao
lamang. Mabuti na lamang at nariyan at ating mabubuting guro na handang gumabay
sa mga bata at tumulong sa ikaaayos pa ng paaralan. Kaya’t nasa kamay pa rin ng
mga gurong siya nating pangalawang magulang ang ikabubuti ng bawat mag-aaral.
Mga gurong dito nag-umpisang magturo, mga gurong dito na nagkaroon ng
permanenteng trabaho, mga gurong dito na tumanda at hanggang ngayon ay nasa
serbisyo pa rin, mga gurong umalis at muling bumalik, at mga bagong guro na
tiyak na dito rin ay magsisilbi ng matapat sa matagal na panahon. Mabuti na lamang
at sa paglipas ng mga taon na dumarami ang bilang ng mga mag-aaral ay patuloy
rin ang pagdami ng bilang ng mga guro upang maging sapat ang magtuturo sa bawat
estudyante sa loob ng silid-aralan kung kaya’t hindi na kinakailangan pang
maghalf-day ng mga estudyante dahil sa dating kulang na bilang ng magtuturo at
pati na rin ng mga silid.
Tumuntong ako sa
pampublikong paaralang ito, ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School
noong taong 2009. Kabilang sa ikalimang batch ng Science Curriculum students.
May mahigit sa sampung seksyon mula sa first year hanggang sa fourth year at
halos 50 estudyante sa bawat isang silid. Si Ginang Evelyn C. Malabag pa ang
punong-guro noon at mayroong isangdaan at mahigit pang mga guro. Sa pagtagal ko
sa paaralang ito, napatunayan kong tunay na mahuhusay ang mga guro dito at
hindi lamang basta-basta. Kahit na ang iba sa kanila ay masasabing may
katandaan na, sila naman ang siyang pinakamagagaling at tunay na karapat-dapat
hangaan sapagkat sa pagtagal ng panahon nila sa pagtuturo ay lalo lamang
nadaragdagan ang kanilang mga kaalamang naituturo sa mga bata pati na rin ang
kanilang mga naibabahaging karanasan sa pagtuturo na nagbibigay ng mga
makabuluhang aral sa lahat. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit napakaraming
mag-aaral ang nakikilala sa iba’t ibang larangan, maging pang-academics man o
non-academics sapagkat naniniwala akong taglay nila ang ginintuang talento
ngunit naniniwala pa rin ako na ang mga guro ang siyang tunay na humuhubog nito
sa kanilang pagkatao. Kaya naman sa mga timpalak at paligsahan ay hindi
nahuhuli ang mga mag-aaral dito dala ang pangalan ng paaralan. Sila ang
nagbibigay ng iba’t ibang karangalan at pagkilala na tunay na maipagmamalaki ng
lahat ng kinatawan ng paaralan at pati na rin ng kanilang mga magulang. Ang
kakayahan ng bawat isa ay hindi isinasantabi ng mga guro lalo na kung
kinakikitaan nila ng potensyal ang mag-aaral. Hindi nila sinasayang ang talento
ng mga bata, bagkus ay hinahasa pa nila ito ng mabuti. Kaya naman marami ang
nabibigyan ng pagkakataon upang makalaban sa mga pandibisyon, panrehiyon at
maging sa nasyonal din. Hindi nagpapahuli sa iba’t ibang aspeto tulad ng pagsulat ng mga
sanaysay at tula, pagsali sa mga bigkasan at declamation, mga contest na
kabilang ang tagisan ng utak, at pati na rin sa larangan ng sports. Sa
katunayan nga ay halos taon-taong nakapapasaook ang ating mga atleta sa
pangrehiyong palaro na STCAA. Patunay lamang ito na hindi nagpapahuli ang ating
paaralan sa anumang larangan, maging pangkaisipan man o pangpangangatawan. Tunay
na ang paaralang ito ay nakalilikha ng mga produktibong mag-aaral.
Ngayon, sa huling
taon ko sa paaralang ito sa pamamalakad ni Ginang Cristeta S. Uy, masasabi kong
nagkaroon ng malaking pagbabago sa kabuuan ng paaralan lalo na sa sistema nito.
At ang mga pagbabago namang ito ay nakabuti para sa lahat. Muling ibinalik ang
pagkakaroon ng guard sa paralan upang mas makasiguro sa maayos na seguridad ng
lahat lalo na ng mga estudyante. Naging mas organisado rin ang
paghihiwa-hiwalay sa bawat silid ng mga mag-aaral mula sa first year hanggang
sa fourth year. At bilang pagtugon na rin sa programang K+12 ng ating pamahalaan,
mayroon na ring tinatawag na “Grade Seven Academy” ang ating paaralan. Isa ito
sa mga pinakamalaking pagbabagong naganap sa loob ng Dizon High. Masasabi kong
nakasasabay sa modernisasyon ang ating paaralan sa mga bagay na ito at pati na
rin makabagong pamamaraan ng pagtuturo. Nariyan ang computer laboratory na
bukas para sa mga estudyanteng gustong gumamit nito. Mayroon ding science
laboratory na napagdarausan ng klase ng mga estudyante na may kinalaman sa
paggamit ng mga science apparatus na mas nakatutulong para sa edukasyon ng mga
bata. Sa library naman ng paaralan kadalasang ginaganap ang mga programa ng
paaralan pati na rin ang pagpaparangal sa mga nanalong kalahok nito. Nadagdagan
na rin ang bilang ng mga silid-aralan mula sa mga may mabubuting-loob nating
opisyal na sa aking palagay ay sapat na
sa bilang ng mga estudyanteng pumapasok dito sa araw-araw.
At bago ko tuluyang
lisanin ang espesyal na lugar na ito para sa akin, nais kong ipabatid sa lahat
na isang karangalan para sa akin ang pumasok sa loob ng apat na taon at
magtapos sa paaralang ito dahil naniniwala ako na kung hindi ako dinala ng
aking mga paa dito upang mag-aral, hindi ako magiging ganito. Hindi mahuhubog
ang aking mga kakayahan na dito ko lamang naipakita at hindi ko matututunan ang
mga bagay na alam kong dito ko lamang natagpuan. Mga kaalamang walang kapantay
at dadalhin ko hanggang sa aking pag-alis sa lugar na ito, mga kaalamang
ipagmamalaki at dadalhin ko saan man ako marating at dadalhin ko hanggang sa
makamit ko na ang nais kong marating. Hindi ko makikilala ang mga
pinakamahuhusay na guro na maaari kong makilala sa buhay ko na siyang nagturo
sa akin ng lahat ng mga ginintuang kaalaman dito sa mundo at ng maraming bagay na humubog sa aking pagkatao.
Kung kaya’t naniniwala ako na patuloy na mamamayagpag ang paaralang ito sa mga
susunod pa nitong taon at marami pang kabataan ang tutupad ng kanilang mga
pangarap dito kasama ang mga guro at ang buong paaralan na magbibigay sa kanila
ng buong suporta. Naniniwala ako na sa patuloy na paglipas pa ng taon, mas
magiging marami pa ang propesyonal na magiging produkto ng paaralang ito. Mas
dadami pa ang bilang ng kabataan na magiging matagumpay sa kanilang buhay dala
ang salita ng kanilang mga naging gurong tagapayo na isa sa mga nagbigay sa
kanila ng inspirasyon.
Mula sa simpleng
simula ng paaralang ito hanggang sa lubusang pag-angat nito, asahan niyo ang
buong suporta naming lahat. Ang Dizon High sa loob ng labinlimang taon at sa
mga susunod pa nitong henerasyon.
Ang Dizon
High sa loob nang Labing limang Taon
Jedd Hanz
Castaneda, IV-Science
Maraming taon na rin ang nakalipas nang itinayo ang paaralang Col.
Lauro D. Dizon memorial National High School. Isang simpleng pampublikong
paaralan, dahil sa dami ng mga estudyante na napasok ditto at sa lawak ng
paaralang ito.May mga gusali din ito para sa iba’t ibang year level, na kaya
ang kapasidad ng bawat estudyanteng magaaral.
Magbalik muna tayo
sa kasaysayan ng Dizon High School. Bago pa man ito tawaging Dizon High ay
nakilala muna itong Annex 5. Isa ito sa mga sangay na high school nakalatag sa
San Pablo. Noon, marami ang kakulangan sa classroom, Naikwento noon nang aking
guro, ang mga estudyante ay nagkaklase kung saan saang lugar. May nagkaklase sa
ilalim nang punong mangga, ang iba ay sa Grandstand, at ang iba ay sa lugar na
may lilom. May nakatira pa nga dawn a kambing sa oval, at nagkakayas nang damo!
Ngunit habang natagal ang panahon ay nasusustentuhan na nang gobyerno ang
eskwelahang ito at nakapagpatayo ng mga buildings. Naipatayo na nila ang IV
year building, Dati ay tinawag itong new building, nagbago ay tinawag na MAPEH
building at ngayon, IV year building. Naipatayo na rin nila ang building kung
saan makikita ang room ng mga science curriculum, at ang pinakabago ay ang OHSP
Building sa dulo nang oval.
Nabago na rin ang
antas nang pagaaral ng Dizon High. Kung dati ay hanggang section A lang ang
curriculum nito, ya nagkaroon na nang science section. Ito ay isa sa
pinakamataas na section sa nasabing paaralan. Maraming na ring karangalan ang
naiuwi ng ating eskwelahan. Sa iba’t ibang larangan. Mayroong nananalo sa mga
contest kagaya nalang ng math quizbee, science quizbee, at art contest. At ang
pinakabagon ngayon ang streetdancing contest. Nag champion ang dizon high
school nang sunod sunod na Sali nito. Nakatala na sa kasaysayan nang street
dancing completion ang ating pagkapanalo.ang street dancing ay pinangunahan ni
Mr. Egay Victorio. Isa siya sa mga batikang choreographer hindi lang sa sayawan
kundi sa pagmomodelo din.
Isa rin sa mga karangalang naiuwi nang
ating eskwelahan ay ang patimpalak sa pagsasalita. Maraming magaaral ang
nakakaabothindilang sa division level, kundi sa regional at nationals level pa!
bikod sa mga patimpalak pang akademya, marami rin ang mga estudyante na nalaban
sa sports. Analalapit narin ang pang rehiyon na labang pang isports. Kasama sa
mga napiling sports ay ang table tennis, baseball at athletics. Siguro kaya isa
sa mga mahuhusay ang mga player ay may ground na pinagpapraktisan nila nang
ayos.
Tatlong taon na rin nang magpalit nang
punong guro anf Dizon High sa kadahilanang si Mrs. Malabagay nagging supervisor
na ng TLE. Pumalit naman si Mrs. Kristeta Uy. Bagamat bago palamang siya, ay
marami na rin siyang nagawa. Kagaya ng paghihiwalay hiwalay nang bawat year
level, pagiging strikto sa pagtatapon nang basura at ang pagtatanim niya sa mga
estudyante ng halaman sa mga 1.5 bote nang softdrinks.Nagtanim ka na nang
halaman, nakapagre-cycle ka pa. nag karoon din nang guardia ang gate. Ito ay
upang mas maging ligtas ang mga estudyante, at maiwasan ang pag cu-cutting
classes. Humigpit din at napatupad ang polisiyang “NO ID,NO ENTRY”. Ang mga
huling pumapasok naman na mga estudyante ay pinapalista ang pangalan atkung
minsan ay kinukuha na ang ID nila. Siguro ay para magsilbing aral na rin nila
it sa kanilang pagpasok nang huli.
Kay bilis nga naman nang panahon.dati’y
ang dizon high school a isa sa mga hindi kilalang eskwelahan, ngunit ngayon ay
umaarangkada at kinatatakutang high school. Kagaya nga nang motto nitong, “Dizonians,
Soar High!”
Ang Dizon High sa Loob ng Labinlimang
Taon
ni
Lhira Jhane B. Masarap, IV-Science
“Ang adhikain kabataan ay paunlarin. Ang
kabutihan ay hubugin. Karunungan pagibayuhin…”
Ito
ay isang bahagi ng Dizon High Hymn na kinakanta ng mga estudyante tuwing flag
ceremony. Simpleng mga salita, ngunit kung iisipin natin ay napakaganda ng
kahulugan at ng layunin para sa kinabukasan nating mga kabataan.
Isang
magandang araw ang bati ko sa inyo aking mga giliw na tagapakining.
Naririto
tayo upang balikan ang nakaraan at kung ano na nga ba ang narating ng Col.
Lauro D. DIzon Memorial National High School sa nakalipas na mga taon. Mga
karangalang nakamit ng mga mbukod tanging mag-aaral at guro ng ating paaralan.
Nagsimula ang Dizon
High bilang Annex V labinlimang taon na ang nakalipas, taong 1998. Isa pa
lamang itong annex ng San Pablo City National High School o mas kilala bilang
City High. Kaunti pa lamang ang mga guro dito noon. Nagsisiksikan sa maliit,
mainit at sikip na silid-aralan ang mahigin animnapung estudyante. Kung hindi
naman ay nagakaksya na lamang na magklase sa ilalim ng mga puno o sa FVR
Grandstand. Ganyan ang kalagayan noon ng Dizon High. Kung titingnan mo’t ikaw
ang makakaranas ay parang mahirap. Hindi maalwan. Ngunit may dumating na mga
guro galling sa ibang paaralan.
Mga guro ng
sekondarya galing sa Laguna College na lumipat sa Dizon High dahil sa maling
pamamalakad. Dito nabago ang dating Annex V. mas dumami ang guro kung kaya’t
mas maganda na ang nagging aral. Taong 2004 ng mapalitan ng Col. Lauro D. Dizon
Memorial National High School ang dating Annex V. Karugtong lamang noon ng City
High ngunit nabago na din. Ang Section A na pinakamataas na section ay
napalitan ng magkaroon ng Science Curriculum.
Nagsimulang umunlad
ang Dizon High. Sa pisikal na aspeto, sa larangan ng akademiya at sports.
Bukos sa FVR
Grandstand ay naipatayo din angMAPEH building kung tawagin dati na ngayon ay 4th
year building, kung saan ay ang gumagamit ng mga silid ay pawing mga 4th
yeart lamang, sections A(Archimedes) hanggang L(Locke). At nakapagpagawa pa rin
ng iba pang silid-aralan. Dahil ditto, kanya kanya ng silid kada antas at
seksyon. Wala na ring nagkaklase sa labas, sa ilalim ng mga puno maging sa
grandstand.
Marami ring magagling
na estudyante na nakakamit ng karangalan sa akademiya. Sa Mathematics, nariyan
sina Norlan Dazo, Marian Calanasan, Kimberly Reynaldo, Hazel Basilio at iba pa
na pawing mga alumni. Sina Jomhel Agnote, John Rain Heart Lopez at Patricia Mae
Omaña na nagbigay karangalan ngayon taon at noong nakaraang taon na pawing nga
nasa ika-apat na antas. Sa Science naman ay nariyan pa rin si Patricia Mae
Omaña kasama si Zane Andrei Cortez. Sa Pagsulat naman ng lathalain at iba pang
may kaugnayan sa dyaryo ay nariyan sina Kevin Louie Libunao, muli ay sina
Jomhel Agnote, Patricia Mae Omaña, Zane Andrei Cortez, JM Agnote at iba pa mula
noon. Sa bigkasan naman ay sina Mishael Pontanoza, Kenna Evangelista, Nikki
lLiz Gutierrez, Fausto Carlos, Zarina Mojica na nagging Speaker of the year ng
sila ay grumaduate ng nakaraang taon. Marami pang mag-aaral ng Dizon High ang
nagbigay papuri sa ating paaralan.
Maging sa sports ay
hindi nagpapahuli ang mga Dizonians. Nitong nakaraang Divisiob Meet, nakamit ng
Dizon ang unang gantimpala sa Soccer at Baseball. Nakamit din ni Gilda Karla
Carag ang unang gantimpala sa Table Tennis. Maging sa Athletics ay nanguna rin
ang Dizonians. Halimbawa na lamang sa mga manlalaro ngayong taon ng athletics
na nakakamit ng karangalan ay sina John Paul Belen, Aaron Paul Enriquez at John
Christopher Dela Luna. Nagkamit din tayo ng karangalan sa Lawn Tennis sa
magkapatid na manlalarong sina Paulyn Fortadez at RJ Fortadez. At sa
kaunaunahang pagkakataon, natalo ng Dizon High ang City High sa pagkakatanghal
sa atin bilang overall champion. Marami ring nakalusot at napili sa
naggagalingan nating manlalaro sa STCAA o ang Southern Tagalog CALABARZON
Athletic Association Meet. Para sa mga manlalarong ito ay isang karangalan ang
mapasama at mapiling lumaro dito.
Marami ring pagunlad
sa pomamalakad sa Dizon. Dati ay basta na lamang nakakalabas ng paaralan ang
mga estudyanteng nagka-cutting, ngayon ay hindi na dahil sa mahigpit na
pagbabantay sa mga labasan. Dati ay sobrang maingay sa bawat corridor, ngunit
ngayon ay hindi na. dati ay kahit oras ng klase ay nasa labas ang mga
estudyante, ngunit ngayon ay hindi na iyon maaari. May kaukulang parusa sa
bawat paglabag. Ngunit kahit ganito man kahigpit ay nakakapagsaya pa rin naman.
Malaki ang mga naging
pagbabago sa Dizon High. Sa mga mag-aaral,sana ay ating pagingatan, at
pagyamanin ang mga pagbabagong ito para na rin sa ikagaganda n gating
kinabukasan. Gaya ng sinasabi sa isang bahagi ng Dizon High Hymn, “…iyong mithiin, aalagaan…”, ating alagaan at tayo na rin ang tumupad sa
layuning hinahangad ng paaralan sa ating bawat kabataan. Sana lamang, ang
pagsisikap ng mga naging guro at mga guro natin sa loob ng labinlimang taon ay
hindi masayang. Ang pagiging isang Dizonian ay nararapat nating ikarangal at
sana, baling araw ay ikarangal din tayo n gating pinagmulan.