Wikipedia

Search results

Saturday, November 2, 2013

Monday, June 17, 2013

Gintong Laurel Official Theme Song

Gintong Laurel
Music and Melody by Dennis B. Lacsam
Arranged by Michael Austria of 16th of December
Interpreted by Jerwin Pineda
Video by Charisel Jeane Hernandez


http://www.youtube.com/watch?v=J7mOYj5hqks


Ooohhhh

Puputungan ng karangalan huwarang guro ng paaralan
Na nagpunla ng kabutihan at naghasik ng kaalaman
Gumawa ng isang pangalan nagsikhay sa napiling larangan
Nagtaas ng antas ng karunungan, humubog sa isip ng kabataan


Chorus:

Gintong laurel ang ipuputong ko sa natatanging gurong idolo
Gintong laurel ang pabuya ko na sagisag ng aking pagsaludo
Gintong laurel ang kaloob ko sa pantas na mabuting modelo
Gintong laurel ang ihahandog ko sa bagong bayaning Pilipino


Ang mithiin n’ya’y kikilalanin, ang misyon ay tutuparin
Gintong aral ay payayabungin, iingata’t pagyayamanin
Tutularan ang mabuting gawa, kakalingain bawat adhika
Nang mamayani ang kawanggawa nang guminhawa itong bansa



(Repeat chorus thrice)


...sa bayaning Pilpino

Pilipino

Pilipino

Pilipino

Sunday, May 19, 2013

Pasayahan sa Lucena


Pasayahan sa Lucena

Official Song of Lucena City’s Pasayahan Festival 2013



Music and Lyrics by Dennis B. Lacsam
Arranged by Michael Austria of 16th of Decemeber
Interpreted by Lea Marie Hernandez of 16th of December



Iba ang saya, iba ang sigla
Iba ang panghalina nitong aming Lucena
Ang ganda ng kulturang bukod-tangi sa iba
Ang saya ng mga tao laging nakatawa


Chorus:
Pasayahan sa Lucena sadyang angat sa iba
Mga tao sa kalsada nagsasaya’t nagpi-pyesta
May parada ng artista ng pogi at magaganda
Ang sayawa’y bonggang-bongga makulay at ibang-iba

Sa Pasayahan sa Lucena halika na’t makisaya
Makisayaw, makiparada sa handog naming pyesta
Bisitahin ang Lucena at mamangha sa angking ganda
Na alay nitong Quezon sa sinuman na bibisita

Iba ang linamnam ng lutong Lucena
 Chami, buko’t tinapa sa lasa’y bidang-bida
Biyaya sa kabisera na bayan ng pag-asa
Ni San Fernandong mahal na pintakasi ng Lucena


Repeat Chorus 3X


Rap
Dito sa Pasayahan, walang patid ang kasiyahan
Ang dami mong pupuntahan, maraming pagpipiliian
May Perez Park malapit sa bayan, masarap ang isda sa Dalahican
Patunay ito ng pag-asenso ng maunlad naming bayan

Lucenahin ay magiliw, sa bisita’y may paggalang
Mapagmahal sa kalikasan na pundasyon ng kalinisan
Sa edukasyon at sa kultura tao’y nagpapahalaga
At sa Dyos na lumikha patuloy na kumikilala


Pasayahan sa Lucena… Halika na sa Lucena
Pasayahan sa Lucena… Halika na sa Lucena
Pasayahan sa Lucena… Halika na sa Lucena

Pasayahan sa Lucena!

Saturday, February 2, 2013

Ang Dizon High sa Loob ng Labinlimang Taon

Malayo na ang narating ng Dizon High School. Kung noo'y bahagi pa lamang ang paaralan ng San Pablo City NHS, ngayo'y isa na ito sa mga nagungunang paaralan ng lunsod. 

Bilang paggunita sa ikalabinlimang taon nang pagkakatatag nito, ginawa kong proyekto sa aking mga mga-aaral sa IV-Science Curriculum sa Filipio IV ang paggawa ng isang talumpati na bibigkasin rin nila bilang panghuling proyekto sa aking asignatura.

Narito ang kanilang mga katha.



Ang Dizon High sa Loob ng Labinlimang Taon
Ni Patricia Mae Omana, IV-Science


“Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay.Isang makatas na pahayag mula sa pambansang bayani ng ating bansa, Dr. Jose Rizal.Ito ang magpapatunay na ang kahirapan ay hindi magiging hadlang sa pagkamit ng tagumpay bagkus makakamit ito sa maraming paraan.

            Mahal kong mga tagapakinig, isang pinagpalang umaga sa inyong lahat!
Hindi na lingid sa ating kaalaman na laganap na ang pag- unlad ng agham sa ating lipunan. Kaliwa’t kanan na ang mga pagbabago sa ating mundong kinagagalawan. Isa na sa makapagpapatunay ng pagbabago at pag-unlad ay ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School na mas kilala na ngayon bilang  Dizon High. Ito pa rin ba ang Dizon High noon na makikita natin ngayon?
Mga magigiliw kong tagapakinig, ang Dizon High ay naitatag bilang handog ni Mayor Amante sa samahan ng mga gurong umalis noon sa Laguna College. Ang Dizon High na noo’y Annex V ay isang sangay ng institusyon ng kaalaman ng Annex Main na ngayon ay kilala bilang City High. Noon pa man ay tanyag na ito kung saan magagaling ang mga guro, idagdag mo pa na ito ang may pinakamalaking bilang ng mag-aaral sa lahat ng pampublikong paaralang matatagpuan sa lungsod ng San Pablo.
Mga kaibigan, maraming suliranin ang napapaloob dito. Hindi sapat ang bilang ng mga silid-aralan, mga kagamitan tulad ng libro sa pagpapalawig ng karunungan ng mga mag-aaral, pondo o pinansyal na magagamit sa mga kompetisyon sa loob at labas ng paaralan at sa adaptasyon ng pagbabago sa lipunan at kurikulum. Bagaman, maraming kakapusan ang pampublikong eskwelahang ito ay marami pa ring magulang ang pinagaaral ang kanikanilang anak rito. Dahil ba sa galing na taglay ng mga gurong mayroon ito? Dahil ba sa dami ng mga prestihiyosong puri at gantimpalang nahahakot sa mga kompetisyong nasasalihan nito?
 Mga minamahal kong kababayan, sa iba’t ibang larangan ay masasabi kong hindi magpapahuli ang Dizon High. Ikanga nga nila “Soar High, Dizon High”. Isa na sa mga kinakatakutang paaralan at isa sa mga tinuturing na kompetisyon ito sa bawat laban o patimpalak na masasalihan nito. Una na rito ay sa larangan ng pagsayaw lalo na sa “street dancing” tuwing pista ng lungsod. Sa pamumuno ni Ginoong Egardo Victorio, laging nasusungkit ng paaralang ito ang unang pwesto. Sa choreography ay hindi siya magpapatalo, maging sa mga costume na siyang pinopondohan at ilang buwang pinaghahandaan. Hep! Hep! Hep! Hindi lang ‘yan, ang  Talentado at Indayog ng Kabataang Lauro Dizon o TIKLAD ay kilala na sa dibisyon ng San Pablo dahil sa pinamalas na tunay na talento sa larangan ng sayaw ng sumali at makasama sa Finals sa kilalang “noon time show” na Showtime.
Sa larangan ng panitikan naman, taon-taong humahakot ng parangal sa iba’t-ibang pang-dibisyong laban tulad ng Buwan Wika, APEX, Water District at VOTY. Marahil ay sa kaalamang naipapasa ng tagapagsanay na si Ginoong Dennis Lacsam sa kanyang mga panlaban. Bakas na bakas pa ang karangalang naiuwi ni Zarina Mojica noong nakaraang taon sa National Voice of the Youth Oratorical Competition. Bukod sa bigakasan, andiyan din ang talento ng mga Dizonians sa pagsusulat. Marami sa mga manunulat natin ang nakakapasok sa Division Schools Press Conference hanggang sa National Press.Con.
Sa pampalakasan naman o sports, masasabing lamang na lamang tayo diyan. Sa dami ng mga manlalaro, atleta at mga tagapagsanay na meron ang paaralang ito, hindi maikakaila na hinirang tayong kampyeon kamakailan lamang sa Division Meet.
Sinong magsasabing hindi matalino ang mga Dizonians? Sa iba’t ibang quizbee ay hindi nito aatrasan. Nandyan ang MTAP, Super QuizBee at iba pa na pang-akademikong patimpalak na madalas nakapaguuwi ng parangal.
Bukod sa malalakas, talentado, matatalino, ay magaganda at magagwapo rin ang mga Dizonians.  Sa nakaraang, Mr. and Ms. Dizon High, napatunayan na may angking kagandahang panlabas at panloob ang mga estudyante nito. Pati ang mga guro ay umaangat sa iba, matapos ang Mr. and Ms. DepEd na kung saan ang pambato natin na  si Mrs.Richelle Omana ay hinirang na Ms. DepEd at IanVillareal bilang 1st Runner-up.
Mga minamahal kong tagapakinig, tunay ngang malayo na ang narating ng dati’y mumunting paaralan lamang. Ang pagbabago nito ay parang isang luwad na unti-unting nahuhulma ng siyang may hawak nito, wala ng iba kundi ang punungguro. Siya ang magdadala kung saang direksyon tayo mapupunta, magdidikta kung ano sa tingin niya ang makabubuti sa lahat at higit sa lahat ay magpapasimula ng pagbabago para sa ikauunlad natin. Higit ngang pagbabago ang nadama ng mga mag-aaral, maging ang mga guro nang mapalitan ito. Sa kasalukuyan si Ginang Cristeta S.Uy na ang ating punungguro. Sa kakaunting taon pa lamang niya sa institusyong ito, malaking epekto ang naging bunga nito, mas naging maayos, disiplinado at palaban ang bawat Dizonian. Isa lamang itong pagpapatotoo na ang pinuno ang siyang magdadala sa direksyong naayon ng pinanghahawakan nito.
Mga kapuso, kapamilya at kababayan, napakapalad nating mga mag-aaral na umabot sa araw na ito. Alam nating lahat na napakaraming pagsubok ang dinanas  at nagdaan sa instutusyong ito. Nais kong mamulat ang isipan niyo sa makabuluhang kataga ni Gng. Uy sa kanyang artikulo, “Dizon High…Saan ka patutungo? Iisa lamang ang direksyon na alam ko upang makamit ang tinatawag na tunay na kalidad ng edukasyon- PAGBABAGO.”  Ang karunungang makukuha natin sa paaralan ay ang yamang walang katumbas, yamang hindi makukuha ng iba at yamang masasama natin hanggang sa wala na tayo sa mundong ibabaw. Ang kahirapan ay hindi isang malaking pader tungo sa tulay ng tagumpay bagkus pagsubok lamang. Ang paaralang Dizon High ay siyang magiging susi para makabangon sa kahirapan, tutulong makisabay sa agos ng buhay lalo na sa modernong pagbabago ng panahon at hakbang sa pag-unlad. Kaya taas noo mong ipagmalaki na ikaw ay taga-Dizon dahil ang bawat mag-aaral nito ay isa sa mga Soaring Dizonians.


“ Ang Dizon High sa Loob ng Labinlimang Taon”
ni Princess Marylynn G. Masibay, IV- Science



          “Dizon High School…saan ka patungo?”

            Ito ang isa sa mga linyang binitawan ng ating mahal na punungguro na si Gng. Cristeta S. Uy ng  mga unang araw pa lamang niya sa ating paaralan. Bagamat noong hindi pa siya namumuno bilang punungguro ng eskwelahan, nauulinigan na niya galing ng mga gurong nagtuturo sa mahigit kumulang ilang libong estudyante na pumapasok sa paaralan. Kahit pa sabihin na may kakapusan ang paaralan para sa mga suliraning nakapaloob dito, pilit siyang nagpaplano ng mga bagay na makakatulong sa pag-unlad ng ating paaralan.

            Mga giliw kong tagapakinig, isang mapagpalang hapon sa inyong lahat!

            Mula nang maitatag ang ating paaralan, dumaan na ito sa napakaraming pagsubok. Makikita natin sa mga mata ng ating mga guro ang lungkot na kanilang nadarama sa tuwing makikita nila ang paghihirap ng mga estudyante na nagtitis sa initan habang nag-aaral. Ika nga ng iba , “Walang makahahadlang sa ating mga pangarap.” Hindi man tayo mayaman gaya ng ibang mga pinagpala, marunong naman tayong magsumikap para sa ating mga inaasam asam na pangarap. Halos wala nang pagitan sa bawat isa ang mga mag-aaral sa tuwing magkaklase sila dahil sa pagkakaroon ng kakulangan sa mga kagamitan sa pag-aaral.

            Labinlimang taon na ang nakalipas ng itatag ang paaralang Dizon High ngunit hindi sa pangalang ito. Noon ay mas kilala ito bilang ANNEX V. Isang paaralang binubuo ng mga estudyanteng masasabing “magugulo” at ang iba pa nga ay masasabing “walang patutunguhan sa buhay”. Pero bakit ko ito nasabi? Hindi ba nagkakamali lamang ako? Noong mga panahon na iyon, isa pa lamang akong mangmang na walang kaalam alam sa mundong ating ginagalawan. Ngunit may mga usap usapan na halos magugulo ang mga estudyante noon kaysa ngayon. Hindi ako para magmalinis. Ito ay batay lamang sa aking pagkukumpara sa ating paaralan noon at ngayon. Oo nga. Sabihin na natin maraming mga kaso ng mga estudyante sa ating paaralan sa ngayon. Marahil dahilan ito ng makabagong panahon. Halimbawa na lamang ay ang paggawa ng isang bagay para lamang masabi na “Belong ako dahil nagawa ko ito!” kahit na mali ang iyong ginawang pamamaraan para makasali ka sa grupo. Isa pang halimbawa ay ang pagkakaroon ng mga bata ng cellphone. Siguro ang dahilan ng iba ay para may komunikasyon sila sa kanilang mga magulang at sa kanilang kapwa estudyante na kapag “absent” ay maitatanong kung anu-ano ang napag-aralan at kung may binigay na takdang aralin ang mga guro. Oo, maganda ang kanilang hangarin ngunit ‘di ba  may mga estudyanteng lumalampas na sa kanilang mga limitasyon? Mga estudyanteng nanunuod ng mga “video” na hindi pa angkop sa kanilang edad.

            Ilang taon na rin ang nakalipas at marami na ring pagbabago ang naganap sa ating paaralan. Hindi  ito nakakagulat sapagkat napakarami nang responsableng taong namuno noon at namumuno hanggang ngayon. Iisa lamang ang kanilang hangarin. Ito ay paunlarin ang ating paaralan.

            Noon, mamamasdan natin ang kakulangan sa pasilidad ng paaralan. Isa na dito ang kawalan ng mga silid aralan. Lahat ay nagtitiis na lamang sa init at siksikan sa bawat klase. Nagkakaroon pa nga ng problema dahil sa dami ng estudyante,  nahihirapan ang mga guro na makuha ang “attendance” ng bawat isang bata. Halos masakop na ang lahat ng oras para malaman lamang kung sino ang mga pumasok at hindi. Ngunit sa ngayon, nagkaroon ng napakalaking pagbabago. Kung noong una ay nagkaklase lamang sila sa ilalim ng puno o kung minsan pa nga ay sa ilalim ng “grandstand”, ngayon ay nagkaroon na ng mga silid aralan na sasapat para sa mga estudyanteng nag-aaral. Maswerte tayo dahil hindi na tayo katulad noon na nagpapakahirap pang umupo sa sahig at magklase sa initan.

            Nagkaroon din tayo ng kakulangan sa mga libro. Kung dati, halos isa sa sampu o mas higit pa na bilang ng mga bata ang naghihiraman upang matuto ngayon ay halos may sari-sarili nang mga libro ang bawat mag-aaral. Bunga ito ng pagganap sa tungkulin ng isang mamumuno na iangat ang ating paaralan at unti-unti itong paunlarin. Humihingi sila sa gobyerno at sa mga namumuno sa lungsod upang matugunan nila ang mga higit na pangangailangan ng eskwelahan. Hindi sila agad agad na sumusuko. Ginagawa nila ang lahat para matupad lamang ang kanilang hangarin sa paaralan.

            Tama nga ang sabi ng iba na “bilog ang ating mundo”. Minsan ikaw ang nasa itaas at kung minsan ika’y pumapailalim sa iba. Katulad na lamang sa larangan ng akademiks. Noong nakalipas na taon ay nakamit ng ating paaralan ang pagiging ika-lima nito sa buong dibisyon ng San Pablo mula sa pagiging ika-labintatlo noon. Hindi man natin inakala na magagawa iyon ay nakakatuwang isipin na nakuha natin ito ngayon. Marami mang dumadating na pagsubok sa ating buhay, pilit naman tayong bumabangon at handang harapin ang mga paparating pa lamang na mga suliranin. Kung dati ay tayo ang nasa ilalim. Ngayon naman ay tayo ang masasabing isa sa mga kinatatakutan ng ibang paaralan sa iba’t ibang larangan lalo na sa akademiks kahit tayo ay binubuo ng halos ilang libong mag-aaral sa loob ng isang taon.

            Ang isang halimbawa na rito ay ang pagsali natin sa taunang Coco Festival ng ating lungsod. Lagi nating nakakamit ang pagiging “champion” sa Mardigras na nakuha rin natin ngayong taon na ito. Ito ay dahilan na rin sa kahusayan ng mga nagtuturo at ng pagkakaroon ng pagtutulungan ng lahat ng ng guro sa buong Dizon High. Halos makarating na tayo sa matataas na antas ng kompetisyon dahil sa natatanging kahusayan ng mga bata. Hindi lamang tayo nakakarating sa mga kompetisyon na iyon subalit natatamo pa rin natin ang mga medalya at tropeyo ng pagkapanalo.

            Unti unti na ring nalilinang ang mga bata hindi lamang sa mga gawaing pang akademiks ngunit lumilinya na rin tayo sa mga magagaling sa larangan ng palakasan o “isports”. Makikita naman natin ang galing at talino ipinamalas ng mga bata upang makamit ang pagkapanalo ng ating paaralan na kung saan kampeon tayo sa buong dibisyon ng ating lungsod. Sa una nga ay hindi ako makapaniwala dahil noon ay hindi masyadong nakakakuha ang ating paaralan ng matataas na parangal ngunit aking napagtanto na malilinang pa ang angkin talento ng bawat mag-aaral sa tuwing tutulungan sila ng kanilang mga gurong tagagabay.

            Saan na kaya patungo ang Dizon High? Simula pa lamang ito ng pakikipagsapalaran ng ating paaralan. Isa na tayo sa kinatatakutan ng lahat. Hindi man tayo ganoong kagaling noon, palaban naman tayo ngayon at sa mga susunod pang mga pagsubok na ating mararanasan.



Ang Dizon High sa Loob ng Labinlimang Taon
Ni Kevin Louie T. Libunao


           
“In life, the only thing that will remain as a constant is change.”

Isa sa mga matataginting at napapanahong paniniwala na umuulinig sa aking pandinig sa tuwing pinangangaralan kami ng aming mga kaguruan sa iba’t ibang mga asignatura sa eskwelahan. Tunay na ang mga pangangaral na ito ang siyang humuhubog pa lalo sa bawat bubot naming mga kaisipan na masasabi kong tigang na tigan pa mula sa mga kaalaman at katotohanan tungkol sa mundong ating ginagalawan.

Mga minamahal kong tagapakinig, nais kong bumati ng isang mapagpalang araw sa inyong lahat.

Walang alintana na ang buhay ay sadyang mapagbiro na kung minsa’y siyang nagpapligaw pa ng ating direksyon patungo sa lugar kung saan nais nating lahat mailuklok, sa tagumpay. Sa bahid nitong pagbabago, mailan-ilan ng sitwasyon at mga karanasan ang nagpatunay ng mga kasawian kabilang ang mga kwento’t kasaysayan ng mga kababayan nating sumuko sa pait na dulot nito kaya\t naluong sa masamang bisyo na nag-ugat sa pagkalaho ng kani-kanilang pangarap. Bagaman nakakasira umano ayon sa karamihan, mayroon ding ilan ang nanaig at kumabig upang patuloy na makipagsapalaran sa bigkis nitong kapalaran. Isa na sa mga ito ang pinakamamahal nating institusyon.

Napakasarap isipin na sa kabila ng tagumpay na sa ngayo’y tinatamasa ng ating namamayagpag na paaralan, mayroon pala itong mapait na lihim ukol sa kasaysayan nito na maaring magsilbi na isang inspirasyon para sa ating lahat. Ika nga sa mga teorya sa Agham, makabubuo ng mga makabagong imbensyon na bagay sa mga panahon at oras na kung saan nagkakamali tayo’t hindi natin inaasahan ang mga pangyayari. Isang matatag na patunay nito ang pagkakadiskubre sa gamut na “penicillin” na waring aksidente lamang ang pagkakatuklas nito ngunit nagging dahilan ito kung kaya umani ng sako-sakong parangal ang nagpasimuno nito. Kagaya ng mga tuklas ng siyensya, marahil hindi makikilala ang paaralang Col. Lauro Dizon kung hindi nagtayo ng union ang mga noo’y kaguruan natin sa Laguna College, isa sa mga sikat na eskwelahan noon at ngayon na masasabing kasabayan ng paaralan sa kabantugan.

Mga kaibigan, tila isang tagong biyaya kung tutuusin ang yugtong iyon para sa ating eskwelahan na noo’y Annex V pa ang bansag sapagkat nabuhusan tayo ng mga naghuhusayang guro na nagsilbing “main founders” o punong-ugat ng paaralan. Matatandaan na noo’y walang makatatalo sa nilisang lugar ngunit pagkaraan ng mga taong pag-eensayo, napabagsak din sa wakas sa kauna-unahang pagkakataon ang tinagurian alamat na paaralan sa dibisyon ng San Pablo at unti-unting nakilala ang Dizon High kasabay ng ilan pang eskwelahan. Patunay ito sa kasabihang bilog ang mundo, minsa’y nasaibabaw at minsa’y nasailalim kaya marapat na patuloy tayong magsikap upang maiwasan ang masaklap na pagbagsak.

Mga giliw na tagapakinig, mula sa puntong ito’y makikita natin ang kinahinantnan ng pakikibaka ng lahat ng henerasyong nagdaan. Isang mariin na paliwanag nito ang sunud-sunod na pagkakatayo ng mga silid sa ating pook paaralan na hindi maitatangging bunga ng natamong tagumpay ng mga taong nakapaloob dito. Kung ating muling babalikan, tunay na payak laman ang ating noo’y munting paaralan na binubuo ng mga bilang na silid-aralan at kung minsa’y minamabuting lumabas na laman ng ilan upang doo’y maghain ng mga diskusyon para sa mga kabataan na kalimita’y sa mga ila-ilalim ng mga punong mayayabong at iba pang malililom na espasyo na nakapalibot sa eskwelahan. Gayunpaman, higit na malaki na ang pagbabgo sa anyong pisikal ng Col. Lauro kumpara sa lumang Annex V, saksi na dito ang ating dalawang mata.

Mga kapatid, waring masakit at nakakapang hina ng kalooban ang mga bagay at pangyayari kung saan kinakailangan na lumikas ng ilan. Pagbabago na kung minsa’y nagdudulot upang lalong manatili tayo sa kailaliman sa halip na umusbong alinsunod sa dikta ng ating mga pangarap. Datapwat, hindi sa lahat ng pagkakatao’y ito ang naghuhudyat na bunga para sa atin bagkus dito pa marahil sumibol ang ating binhi sa pagtatagumpay. Mariin itong pinatunayan ng kasalukuyang panunungkulan n gating punong guro na si Gng. Cristeta Uy na sa kabila ng paglisan ng dating Gng. Malabag, lumuklok pa lalo sa kaunlaran ang yamang taglay ng Dizon High.

Mga kamag-aaral, kaguruan, tagapakinig, lubhang nagbago patungo sa daang pangkaunlaran ang ating paaralan. Mahihinuha sa ngayon ang pantay na pagbibigay ng kahalagahan sa iba’t ibang antas at aspeto na nakadaragdag sa ibayong mithiin natin sa pamamayagpag paitaas. Ang mga bagong tayo na silid at gusali, mga baging henerasyon ng kaguruan at mga kagamitang napapanahon tulad ng mga kompyuter at ibang mga makabagong gadgets na talamak upang makasabay tayo sa antas ng ilang mauunlad na paaralan sa labas. Gayundin, mapapansin ang espesyalisasyon ng administrasyon sa mga atletang ipinanlalaban sa dibisyon lalong lalo na sa lebel pangrehiyon upang maglayon magsungkit pa ng karagdagang karangalan para sa ating eskwelahan.

Mga kasama, sa loob ng labin-limang taon na pakikidaupang palad ng Dizon High sa mga pagbabago, nanatili itong matatag at umuunlad na marapat nating ipamagmalaki’t bigyang tuon ng pansin. Pagbabago lamang ang isang bagay na hindi maiaalis sa paikot na daloy ng mundo kaya akmang maging  handa sa lahat ng mga hamon na maari nating kaharapin sa hinaharap. Huwag matatakot magsimula sa kaunti’t kakarapot bagkus ito sana ang maging dahilan upang lalo nating bigkisin ang pagnanais na magtagumpay.

Sa muli, magandang araw po sa inyong lahat.




Ang Dizon High sa loob ng Labinlimang Taon
ni Nikki Liz D. Gutierrez, IV-science


"Coming together is a beginning, keeping together is progress, working together is a success."

Ito ay ang isang tandisang pahayag mula kay Henry Ford na isang matagumpay na amerikanong imbentor at kinikilalang Ama ng Modernong Assembly Lines. Ang kasabihang ito ay nagpapatunay na ang pag unlad ay matatamo kung sama sama at may pagkakaisa.

Mga giliw kong tagapakinig isang magandang hapon sa inyong lahat.

Sinimulan ko ang aking talumpati sa isang makapampaganang  kasabihan mula kay Henry Ford. Nais kong mabatid ninyo na lahat ay posible kung magtutulungan at sama sama. Matatamo ang mga mithiin ang magkakaroon ng magandang bunga ang hirap at pagod.

Taong  1998 ng magkaroon ng pagkakataon na mabuksan ang isang mataas na paaralan na pinagtulungang mabuo ng mga dating guro ng Laguna College. Masasabing isang blessing in disguise ang pagkakatayo ng paaralang ito. Sapagkat ang mga ilan sa mga guro ng Laguna College ay nag-aklas sa nasabing paaralan at nagtayo ng panibagong paaralan na tinawag na Annex 5. Na nagsilbing daan para sa mga kabataang gustong mag-aral at matuto, ngunit walang sapat ng salapi upang magpatuloy sa sekondarya.

Patuloy sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon ang mga guro. Kahit kapos sa mga magagandang pasilidad, nagawa pa rin nilang punan ang kakulangan sa pagbibigay ng magandang turo sa mga kabataan. Nagsimula sa mahigit 100 estudyante ang nagsisiksikan sa isang kwarto. Dahil sa nagsisismula pa lamang, ang ibang mga estudyante ay nag-aaral sa may ilalim ng puno. Gayunpaman, nandoon pa rin ang kagustuhan na matuto at mapa unlad ang sarili kahit nasa hindi magandang sitwasyon. Ganado pa rin ang mga guro na magturo, dahil nakikita nila na gayon din magbigay ng interes ang mga bata na matuto.

 Nakilala ang paaralang Dizon High sa mga patimpalak na sinasalihan nito sa ibat- ibang mga larangan. Naging “threat” kumbaga sa ibat ibang paaralang dahil kilalang magagaling at may talento ang mga mag aaral ng Dizon High. Halimbawa nito ang mga patimpalak sa bigkasan,tula, balagtasan. Kinatatakutan ang Dizon High sapagkat sa magaling ang panlaban at magaling din ang tagapagsanay. Katulad na lamang ni Zarina Joyce Mojica na nag uwi ng ikalawang karangalan sa isang pambansang kompetison ng Voice of the Youth. Sa tulong ng gurong tagapagsanay na si G. Dennis Lacsam nahasa pa ng husto ang kanyang talento na lalong nakapagpaangat sa kanya. Nakatulong rin siya sa paaralan sa nakuhang premyo mula sa naturang kompetisyon.

 Kilala na rin sa buong San Pablo ang grupong Tiklad. Ang kalipunan ng mga estudyante na may kasanayan sa pagsayaw. Mula 1996 ay nagsisimula na ang mga mananayaw na umindak. Sumasali rin ang TIKLAD sa taunang selebrasyon ng COCO festival. Magpa-hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagbibigay karangalan ang TIKLAD. Sa katunayan, noong nakaraang Pebrero 2012 ay nakapasok sa isang t.v. show ng ABS-CBN, ang “Showtime” na palabas sa buong nasyon. Hindi man naiuwi ang kampyonato ay nakilala at naipakita pa rin ang kanilang talento.

   Sa isang banda, nakapagpatayo na rin ng bagong dalawang gusali sa tulong ng isang politiko. Malaki ang naitulong nito sa mga mag-aaral na siksikan sa isang maliit na silid. May kasama na rin itong palikuran upang hindi na lumabas ang mga estudyante at maglakad pa ng malayo . May kaloob rin na mga bagong upuan upang mapaltan na ang mga upuang kahoy na nabubulok at sira-sira na. Naisaayos na rin ang sewage system. Patuloy na rin ang pagsasaayos ng mga silid upang mas mapakinabangan pang mabuti ng susunod na mga mag-aaral.
            Kung dati ay walang maupahang gwardiya na magbabantay sa buong maghapon, ngayon ay mayroon na. Naglaan na ng badyet ang paaralan upang masiguro ang seguridad ng mga bata. Nagsasagawa na din ng inspeksyon, mahigpit na sinisiguro na may kaukulang parusa ang mga estudyante na huli kung pumasok. Mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo, pagsusugal, pag-inom ng alak at paggamit ng bawal na gamot sa paaralan. Tinitiyak na kung sinuman ang lumabag sa patakaran ng eskwelahan ay may karampatang parusa at hindi makalulusot. Hindi man katulad ng mga pribadong eskwelahan, gayon din naman ang ibinibigay na mga pangangailangan sa mga estudyante ng Dizon High.

   Halos labinlimang taon na rin ang nakalipas. Dumaan sa maraming pagbabago ang paaralan ngunit nanatiling matatag. Mula sa pagiging Annex V ay naging Mataas na paaralan sa pag-alaala kay Col. Lauro Dones Dizon. Isang institusyong nagbibigay karunungan sa mga kabataang gustong mag-aral , ngunit walang salapi. Tulong-tulong na isinulong ng mga guro kaya narating ang tagumpay. Sa paggawa sa trabaho ng maayos lahat ay napalitan ng ginhawa.

Ngayong labinlimang taon na ang dizon High narating na nito ang rurok ng tagumpay sa pagtamo ng ibat ibang karangalan at alam ko na may iuunlad pa ito sa paglipas ng panahon. Pagbalik ko sa paaralang ito matapos ang mga 10 taon ikararangal ko na ako ay isang Dizonian at magapapahayag ng pasasalamat sa mga tao sa likod ng pagkakabuo ng paaralan kung saan ako namulat, natuto at nahubog ang aking pagkatao. Mabuhay ang Dizon High!

 Muli isang mapagpalang hapon sa inyong lahat.
           


Ang Dizon High sa loob ng Labinlimang Taon
Ni Zyra Mae B. Gapulao, IV-Science



“Don’t judge a book by its cover.”

Ito ang kasabihan na nararapat para sa lahat ng tao. Hindi lahat ng bagay ay mahuhusgahan mo na agad sa isang tingin lang. Sa tingin mo ba ang mga tanong sa Matematika pag tinitigan mo lang malalaman mo na agad ang sagot? Tama ako diba? Dahil kailngan mo itong suriin, pag-aralan at kilalanin.Matuto kang rumespeto sa mga nakapaligid sa’yo na hindi mo pa masyadong kilala o kahit sa mga kakilala mo na dahil hindi buong buhay nila ay ikaw ang kasama nila kaya hindi mo alam ang tunay na dahilan at kwento kung bakit ganito o ganyan sila.

Isang pinagpalang araw sa inyong lahat!

Mainit, malawak at magabok na paaralan ang Dizon High pero ito ay isang paaralan na marangal, maipagmamalaki at higit sa lahat hinahangaan. Alam ko at alam nating lahat na mababa ang tingin sa Dizon High dahil sa kapaligiran nito. May mga umaayaw nga na pumasok sa eskwelahan na ito. Inaamin ko na dati ayaw ko rin pumasok dito dahil akala ko mas maganda kung sa pribadong eskwelahan ako papasok pero nang ako ay makapasok dito sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, damang dama ko na pinapahalagahan ang bawat estudyante dito lalong lalo ng mga guro. Ang paaralang ito ang naging pangalawang tahanan namin kasama ang aming mga guro na tumatayong pangalawang magulang ng bawat estudyante.

Nagsimula ang paaralang ito sa kakaunting silid-aralan na pinagsisiksikan ng animnapu hanggang isang daang estudyante bawat isang silid-aralan. Hindi magkandaugaga ang mga guro sa kanilang mga hinahawakang estudyante noon. Ang iba pa ay sa FVR Grandstand lang nagkakaklase. Tingnan niyo kung gaano kahirap nagsimula ang Dizon High na tinatawag noong Annex V.

Marapat na pasalamatan ang ating Mayor na si G. Vicente B. Amante na siyang nagpagawa ng bagong gusali na tinatawag naming “new building” o “mapeh building”. Malaki ang naitulong nito sa lahat ng estudyante at guro.

Ang paaralang ito ang nagsilbing babaan ng mga helicopter na ang kalimitang sakay ay mga pulitiko. Naging lagayan din ang oval dito ng peryahan noong kabataan ko. Kung susuriin mo ang mga guro dito, halos lahat sila ay galing sa Laguna College. Maituturing mo na ang mga magagaling na guro dito ay nag-aral at nagturo din sa isang pribadong paaralan kaya hindi ito basta basta isang pampublikong paaralan.

Hindi mo aakalain na ang isang simpleng paaralan na ito ay sisikat pa at maipagmamayabang ng ibang eskwelahan sa iba’t ibang larangan. Masasabi ko na maraming matatalino, mahuhusay at talentado sa paaralang ito. Bukod doon, marami rin ang mga naggagandahang dilag at naggagwapuhang binata ang sumisikat dito.

Naging panlaban noon ang dating estudyante na Shaira Mae Sabirin sa San Pablo Got Talent na nakuha ang unang gantimpala. Isa siyang napakahusay na mang-aawit. Ang Tiklad ng Dizon High ay naipanglaban sa Showtime na noontime show sa ABS-CBN. Sinuportahan kami ng San Pablo City National High School (SPCNHS) na sila ang sumayaw bilang representative ng lugar. Nanalo sila sa Daily Finals at Weekly Finals ngunit hindi nila nalagpasan ang Monthly Finals na sana ay makakapagdala sa kanila sa Finals. Ayos lang ito dahil isang malaking karangalan na ito. Nagkaroon din ng paligsahan ng mga pogi at magaganda na tinawag na Mr. & Ms. Dizon High. Ang nagwagi sa paligsahang ito ay sina Abegail Abbas at Andre Miguelle Arenas.

Nadagdagan ang mga silid-aralan sa pamamagitan ng pagdodonasyon ni Congresswoman Evita “Ivy” Arago. Nagkaroon ng limang bagong silid-aralan. Gumawa din ng program ang paaralang ito para sa mga kabataang hindi na kaya mag-aral dahil sa kakulangan ng pera o dahil lang sa hindi na nila kaya. Tinatawag namin itong OHSP o Open High School Program. Malaki an gang naitutulong nito sa mga bata na tinatamad na at mga batang napapariwara.

Sumali naman ang aming paaralan sa labanan ng talumpatian na APEX na ginanap sa San Pablo Central School at ang aming pinanglaban ay si Mishael Pontanoza. Ginamit niya ang piyesa ni G. Dennis Lacsam na pinamagatang "Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino” nakamit ang pangalawang gantimpala. Nanguna sa talumpatian ang estudyante ng LSPU.

Nanalo ng unang gantimpala at “Best in Costume” ang Dizon High sa Street Dancing na ginanap noong Enero 15. Pinatunayan ng isang Dizon High na walang publiko na di kayang magtagumpay sa kahit anong patimpalak kung hindi ito pinagtutulungan ng mga tao na sakop nito. Marami nang nakamit ang paaralang ito para tumatak sa isipan ng ibang tao ang kahusayan at kasipagan nito.

Ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ay makikilala pa at hahangaan pa, hindi lang sa buong Pilipinas, kundi sa buong mundo. Magiging isang modelo ang paaralang ito sa lahat ng mga umaasa at nangangarap na maging isang matagumpay na paaralan.

Sa paaralang ito hinubog ng mga guro ang aming pagkatao na siyang gumagabay at gagabay sa amin sa susunod na henerasyon upang magtagumpay sa anumang pagsubok na darating.

Muli, magandang umaga at maraming salamat!





Ang Dizon High sa Loob ng Labinlimang Taon
ni Zane Andrei Cortez, IV-Science



            “Iisa lamang ang direksyon na alam ko upang makamit ang tinatawag na tunay na kalidad ng edukasyon – PAGBABAGO.”

Ito ang ilan sa mga salitang binitawan ni Gng. Cristeta Uy sa isang lathalain na naisulat sa ating dyaryo na Ang Laurel noong nakaraang taong pampanuruan kung kailan unang taon rin niya sa ating paaralan. Isa na rin marahil itong pagpapatunay na sa paglipas ng panahon, bawat pamumuno ay nag-iiwan ng malaking kaibahan at kaunlaran sa paaralan.

Mga giliw kong tagapakinig, isang pinagpalang umaga sa inyong lahat.

Maliwanag na nakasaad sa lathalain ni Gng. Cristeta Uy na pagbabago lamang ang tanging paraan upang makamit ang kaunlaran. Tunay ngang walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago, ngunit mayroon tayong maaaring pagpilian – pagbabago para sa ikabubuti o pagbabago para sa ikasasama. Ano nga ba ang pagbabagong tinahak at tinatahak sa ngayon ng Dizon High?

Siksikan, may malaking kakulangan sa bilang ng mga guro, walang sapat na silid-aralan, aklat, upuan at iba pang kagamitan, ito ang madalas kong naririnig sa aking mga guro sa tuwing ilalarawan ang dating anyo ng Dizon High. Nakalulungkot sa bahagi ng mga dating mag-aaral nito ngunit hindi maikakailang isang malaking kalamangan sa isang katulad ko.

Taong 1998 nang itinayo ang San Pablo City National High School o mas kilala bilang City High. Itinuturing lamang noong mga panahong iyon na Annex V ang ating paaralan. Ngunit pagdating ng taong 2004, napalitan na ito at naging Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School bilang paggunita sa alaala ni Col. Lauro  Dizon, at sa pagkakataon ding ito ay nagsimula ng magkaroon ng sariling pangangatawan ang paaralan, kumbaga’y nagsisimula ng tumayo sa sarili niyang mga paa, nagiging malaya at may kakayahan na sa pag-iisa.

Kasabay ng mga kaganapang ito ay unti-unti rin namang bumagsak ang institusyon ng Laguna College kaya’t sa halip na mawalan ng hanapbuhay ay walang nagawa ang mga guro doon kundi ang lumipat sa Dizon High yamang hindi rin naman sapat ang mga guro dito. Masasabing naging bagsakan nga ang ating paaralan ng mga gurong tinanggal sa LC ngunit ang samahan ng mga gurong ito ang nagsimula upang magkaroon ng isang panibagong Dizon High.

Nagsimula ito sa mga guro na buong-pusong inilaan ang kanilang kakayahan, oras, kaalaman, at maging ang buhay para sa ikabubuti ng paaralan. Nagkaroon na ng Science Curriculum ng simulang buksan ang Dizon High na nagbigay-pagkakataon sa maraming mag-aaral na mas mahubog hindi lamang ang kanilang kakayahan kundi ang asal at buong pagkatao. Nariya’t kung ating makikita ang hanay ng mga subject coordinators, ating mapapansin na halos lahat sa kanila ay nagmula sa LC. Masasabi nating utang natin sa kanila ang anumang mayroon ang Dizon High sa kasalukuyan.

Idagdag pa ang mga punung guro na naging bahagi ng sistema ng paaralan. Tunay na sila ay nagbigay-daan sa pagsulong ng Dizon High. Naging isang napakalaki at napakahalagang bahagi sila ng pag-unlad ng paaralan.

Hindi rin natin mapabubulaanan ang katotohanan na sa panahong ito, nangunguna na ang Dizon High sa iba’t ibang larangan o aspeto; mapa-akademiks, isports, bigkasan, pamamahayag at marami pang iba. Isa na rin ang ating paaralan sa kinatatakutan pagdating sa anumang labanan o paligsahan. Talaga ngang ibang-iba na ang ating paaralan sa ngayon, sa mga gusali pa lamang, sa kalinisan at kaayusan, at maging sa mga patakaran, Dizon High School is truly taking the lead to a better country. Oo, maaaring masyado tayong nabibigla sa mga pangyayari, masyado tayong nahihigpitan sa mga patakaran at alituntunin, ngunit maaaring ito ang maging sagot sa pagkamit sa tunay na kalidad ng edukasyon. Ito marahil ang magdadala sa atin sa pagsabay sa pandaigdigang pagbabago.

Mga ginigiliw kong tagapakinig, wala naman sigurong masama sa pagsunod. Kung ang isang paslit nga ay nagagawang sumunod sa utos ng kanyang ina, ano pa kaya ang mga kagaya nating may pag-iisip at may kakayahang umintindi na.

Maraming pagsubok ang pinagdadaanan at pagdadaanan pa ng paaralan, hindi ito maiiwasan. Ngunit kung ang bawat kasapi nito ay may pagpapahalaga sa pagbabago na magbibigay-diin sa pagiging mapanagutan at responsible ng bawat isa upang ganap na makamtan ang karunungan na siyang mahalagang sandata para malabanan ang kakulangan, hindi nakapagtatakang mangunguna ang Dizon High sa Sangay ng San Pablo sa lahat ng aspeto. Lagi nating tatandaan, ang edukasyon ang pinakamakapangyarihang armas na maaari nating gamitin upang baguhin ang mundo.

Muli, magandang umaga at maraming salamat.





Ang Dizon High sa Loob ng Labinlimang Taon
ni Rheena Bianca S. Villeno, IV- Science

            “Soar high, Dizon High!”.

       Ito ang mga katagang parating sinasambit ng paaralang aking tinutuluyan sa bawat pagsubok na tinatahak nito. Manalo man o matalo, tuloy parin ang laban. Tuloy parin sa pag- abot ng mga mithiin para sa tagumpay na kapalit nito.

Minamahal kong mga tagapakinig, isang pinagpalang umaga sa inyong lahat!  

Labinlimang taon na ang nakakalipas mula ng maitatag ang Annex V, na mas kilala ngayon bilang Col. Lauro Dizon MNHS o Dizon High. Itinatag ang paaralang ito para sa mga gurong nawalan ng trabaho upang magbukas ng oportunidad sa mga gurong nawalan ng trabaho sa isa sa mga paaralan sa ating lungsod. Nabigyan ng pag- asa ang mga gurong ito na maibahagi sa mga estudyante ang iba’t ibang kaalaman at kagalingan. Hinuhubog din ng paaralang ito ang potensyal ng bawat estudyante na kanilang nakadausang palad.

Nagsimula ito mula sa iilang silid- aralan na mayroong humigit- kumulang na isang daang estudyante kada isang silid. May ilan na sa ilalim pa ng puno nagkaklase, maturuan lang ang mga estudyanteng nagsisikap. Hindi lamang ang mga estudyante ang handang magsikap, kundi ang mismong paaralan na ito. Patuloy parin ito sa pag-abot ng layunin para sa ikagaganda at ikaaayos ng pasilidad ng paaralan.Kung tutuusin, mapalad tayong mga kabataan sa ngayon dahil hindi natin naabot ang kahirapang dinanas nila noon sa pag- aaral.

Mula sa halos apat na taon na pagpasok ko dito, maraming bagay na ang nabago, nagbabago at alam kong magbabago pa. Isa na dito ang kapansin pansin na mga pasilidad at mga silid ng eskwelahan. Masasaksihan natin na may sapat na bilang na ang mga silid dito. Higit na kapuna puna ang aming mga guro o mga tagapagsanay na talaga naman na hindi kami bibiguin sa aming inaasahan na tagumpay.

Isang katotohanan na simula pa noong dumating sa ating paaralan si Gng. Cristeta Uy ay ang malaking pagbabago ng Dizon High. Nagkaroon na ng guard upang maiwasan ang pagka- cutting ng estudyante sa ating paaralan. Mayroon na din Open High School Program kung san pumapasok ang mga mag- aaral na hindi kayang makapasok sa regular na klase nito. Isa pa sa panukala na inilabas niya ay ang pagdadamit ng ayos ng mga estudyante. Dahil dito, unti- unti ng nadidisiplina ang aking kapwa mag- aaral.

Minamahal kong mga kamag- aaral, nais kong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga nakamit na tagumpay ng ating paaralan, di lamang panlungsod o panrehiyon, kundi pambansa pa!
Sa akademiks palang, hindi na papatalo pa ang Dizon High. Kahit anong subjects pa yan, kayang kaya yan. Aminin man o hindi, isa ang ating paaralan na kinatatakutan ng iba pagdating sa iba’t ibang patimpalak. Patunay lang na hindi basta basta ang Dizon High pagdating sa iba’t ibang larangan.

Sa usaping pampalakasan naman, hindi rin tayo papatalo. Athletics, Table Tennis, Basketball o kahit anong sports pa ‘yan, lahat may pambato. Isa ako sa mga saksi sa mga kaganapang ito. Mula sa pageensayo hanggang sa mismong laban ay ipinapakita ng ating mga manlalaro ang husay at determinasyon sa bawat laban. Kaya hindi kataka takang pasok ang karamihan sa ating mga manlalaro sa Southern Tagalog Calabarzon Athletic Association (STCAA).

            Mapabigkasan o pagsulat man, kilala rin ang ating paaralan. Nagwagi ang ating kamag- aaral ng ika- 6 na pwesto sa naganap na Regional Press Conference na may humigit- kumulang na isang daan na kalahok. Labanang pambansa naman ang nilahukan ng dalawa nating kamag- aaral. Di man nila nakamit ang ika- unang pwesto, pumapangalawa naman sila dito.

            Di rin papahuli ang mga guro sa pag papakita ng kanilang galing. Isa na dito si G. Lacsam na nagpakita ng kanyang angking galing sa pagsulat ng mga komposisyon na ginagamit tuwing pyesta ng San Pablo. Ang komposisyong ito rin ang ginamit na tugtog ng grupo ng mananayaw ng Dizon High, ang Tiklad na s’yang nagtanghal on national TV na nagwagi sa daily at weekly finals. Nabigo man sa monthly o buwanang laban, tuloy parin ang suporta ng kapwa Dizonians!

            Kapwa ko mag- aaral, ngayo’y naulinigan nyo na ang ilan sa mga tagumpay na nakamit ng Dizon High. Sama sama natin kam’tin ang tagumpay na mithiin!

            Isang magandang umaga muli sa inyong lahat!




Ang Dizon High sa loob ng 15 taon
ni Ruth Valerie R. Fajardo, IV-Science


“Panapanahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?”

Isang sikat na linya sa patok na kantang Kanlungan ni G. Noel Cabangon. Tila nga kay bilis ng panahon, parang kahapon lang nasa ika-unang antas pa lang ako ng sekondarya samantalang ngayon ilang buwan na lang pala ay lilinasin ko na rin ang aking mahal na paaralan. Sa loob ng halos apat na taon kong pamamalagi sa paaralang ito, naranasan ko ang ibat-ibang klase ng pagbabago. Pagbabago sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw, sa mga guro, kapwa mag-aaral, sa pamunuan, sa kapaligiran at sa lahat ng bumubuo ng paaralang aking maipagmamalaki sa darating na panahon. Pampubliko mang ituturing, ngunit binubuo naman ng mga dedikado’t may dignidad na estudyante, idagdag na dito ang mga gurong dekalidad at may paninindigan sa sarili.

Sa apat na sulok ng aming silid-aralan ko naranasan ang tunay na kasiyahan. Sa piling ng aking mga kamag-aaral at kaibigang maituturing kong isang kayamanan. Walang tigil na tawanan, biruan at asaran, harutan, tuksuhan at minsan hindi pagkakaunawaan at pagkakaintindihan na nauuwi sa iyakan. Kung minsan pa nga ay puno kalokohan na nauuwi sa kapahamakan. Pero sa bawat pagkakamali, doon tayo natututong bumangon at magbago. Lahat ng bagay sa mundo ay nakakaranas ng pagbabago. Kagaya nga ng sabi nila, wala ng permanente dito sa mundo.

“Annex V” kung ito’y tawagin noon ngunit kakaibang Dizon High ang makikilala mo ngayon. Sa loob ng labinlimang taon ng Dizon High, masasabi kong madami na nga itong napagdaanang pagbabago. Kahit apat na taon pa lamang akong namamalagi dito, nadadama ko na ang unti-unting pagyabong ng institusyong ito. Sa paraan ng pamamalakad ditto at maging sa pisikal na imprastraktura nito. Kung dati nga’y matiyagang nagtuturo ang aking mga butihing guro sa ilalim ng mga puno o kaya naman ay sa itaas ng grandstand, ngayon unti-unti ng nalulunasan ang problema sa silid-aralan. Patunay dito ang pagkakaroon ng sariling silid ng bawat seksyon sa ibat-ibang antas. Ngunit may mga silid-aralan pa rin na pinaghahatian ng dalawang seksyon. Subalit hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw ganap ng magkakaroon ang bawat seksyon ng sariling silid-aralan na kanilang iingatan at pahahalagahan. Ang madamong oval, mga may sulat at sirang upuan at maging ang grandstand na puno ng bandalismo noon, ay unti-unti nang nagbabago ngayon. Isang maaliwalas na Dizon High na ang iyong masasaksihan. Isang pampublikong paaralan na may kakayahang makipagsabayan hindi lamang sa akademiko kung hindi maging sa ibat-ibang larangan. Sa larangan ng isports, kantahan, sayawan at maging sa pagandahan.

Sa larangan ng sayaw, hindi na isang katanungan ang narating ng ating paaralan. Isang halimbawa na dito ang pagkapanalo ng TIKLAD sa weekly at monthly finals sa sikat na noon time show na Showtime at umabot pa nga ito sa Grand Finals. Talagang hindi lamang sa paaralan may ibubuga ang mga Dizonians. Isa pang halimbawa ay ang kamakailan lamang na pagkapanalo ng Dizon sa street dancing competition sa nakaraang Cocofestival 2013. Itinanghal ito bilang kampeon na ipinagbunyi ng lahat ng guro’t mag-aaral at lubos na ikinatuwa ng punungguro ng paaralan.

Sa kantahan naman, hinding hindi pa rin tayo magpapahuli. Patunay dito ang magagaling na estudyante’t alumni na may natatanging talento sa pag-awit. Nakaabuo na nga sila ng kanya-kanyang banda at grupo na nagtatanghal sa iba’t ibang lugar at sa paaralan tuwing may magkakaroon ng concert. Isa pang dapat ipagmalaki ay ang pagbida ng isa sa aming kapwa mag-aaral na tinanghal bilang SAN PABLO IDOL 2009. Isang dekalidad na kompetisyon na ginanap noon sa city plaza na inisponsoran ng Center for Pop Philippines. Kahanga-hanga talaga ang talent ng Dizonian!

Likas sa ating mga estudyante ang pagkahilig sa isports. Pagpapatunay ang walang sawang pagsuporta sa mga taunang intrams, na kung saan ang mga magwawaging manlalaro ay inihahahnda para sa Division Meer. at kapag nakalusot sa Diviosion Meet, ay didiretso sa Regional para STCAA. Mapa basketball man, volleyball, badminton, table tennis, athletics, sepak takraw, soccer at iba pa na talagang maipagmamalaki ng Dizon High. Nakakatuwa talaga na hindi lamang sa akademiko lumilitaw ang kagalingan ng mga estudyante kung hind imaging sa iba’t-ibang isports din.

Blah…..

Ilan lang ito sa mga linyang binitawan ng iba’t ibang Beauty Queens. Iba nga naman pag pagandahan na ang pinag –uusapan. Sa paksa bang ito, magpapahuli ba tayo? Mr and Ms Dizon High 2011, isang prestihiyosong patimpalak na ginaganap noon sa San Pablo Central Gymnasium. Halos apatnapung naggagandahang kandidata ang mga kalahok dito. Tampok din ditto ang mahuhusay na fashion designers at mga kilalang personalidad tulad nina Binibining Nikki Valdez, Binibining Zara Aldana, Ginoong Archie Ilagan, Ginoong James Cooper, Ginoong Jessie Esmilla, Bb. Sol Aragones at marami pang iba. At ito ay hindi na nakakapagtaka kung bakit nagging usap-usapan ang magarbong pangyayaring ito sa buong lungsod. Sa nakaraan namang search for Mr. and Ms. Coco Star, hindi pa rin nagpahuli ang Dizonian. Marami pa ring mga estudyante ang nakapasa sa mga screening para makalahok sa nasabing patimpalak. Iba talaga Dizonians! Hindi lang brain may beauty rin.

Ilan lang ito sa mga pangyayayaring tatatak sa bawat isip at puso ng mga estudyante na kanilang dadalhin kahit saan sila makapunta. Ako, bilang isang graduating student ay umaasa pang madadagdagan ang mga kaganapang ito. Mga bagay na maipagmamalaki ko balang araw. Ipagpatuloy pa sana ang nasimulang magandang pagbabago para sa magandang kinabukasan.

Muli magandang hapon sa inyong lahat.





Ang Dizon High sa Loob ng Labinlimang Taon
ni Kenna O. Evangelista, IV-Science

            “Hindi hadlang ang kahirapan sa taong nais matuto at maging maganda ang kinabukasan.”

            Isa lang ito sa mahahalagang aral na natutunan ko sa apat na taon ko nang pag-aaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. At alam kong hindi lang ako ang mag-aaral na natulungan ng paaralang ito sa loob ng labinlimang taon. Siguro, nasa mahigit kumulang na daang libo ng mga estudyante ang natulungan ng paaralang ito na magkaroon ng mgandang kinabukasan at maging mabuti at maayos na tao sa pakikisalamuha sa iba at maging sa pagharap na rin sa mga hamon ng buhay.

            Sa mahal naming punungguro, mga giliw naming guro, at sa aking mga kapwa mag-aaral, isang pinagpalang araw po sa inyong lahat.

            Naikukwento pa sa’kin ng kaibigan ng aking ama na noon daw ang Dizon High ay Annex V pa at kadalasan noong nag-aaral siya ay halos ang lahat ng mag-aaral na lalake ay nakaupo sa sahig at umaabot sa labas ng silid ang mga nakaupo, hindi tulad ngayon na may sapat at magaganda ng silid ang ating paaralan. Inisa-isa niya pa nga sa’kin ang kanyang mga guro , at nabanggit niya rin sa akin na kahit hindi man siya nakapagtapos ng may karangalan ay masasabi niyang nagatapos siya sa isang hindi ordinaryong pampublikong paaralan. Maging sa pananalita niya, kahit siya kabilang sa mga nakakataas na seksyon ay masasabi ko na nagkaroon siya ng mataas na kalidad ng edukasyon.

Mapapribado man o kapwa pampublikong paaralan man, walang makakapagsabi na mahina at walang laban ang Annex V noon hanggang sa maging Dizon High ito ngayon. Dahil sa loob ng labinlimang taon, marami ng nakamit na karangalanang paaralan sa halos lahat ng uri at kategorya ng mga paligsahan, mapalarangan man ng sports, pang-asignatura, street-dancing at iba pa. Hindi mabibilang na matataas na mga gintong tropeo at mga babasaging plaque ang katibayan nito na makikita sa ating school library at sa opisina ng ating punungguro mula sa mga malalaking paligsahan. Halimbawa na nito ang hindi na mabilang na mga plaque at tropeo na naiuwi ng TIKLAD sa ating paaralan sa pamumuno ng isa sa mga batikang guro na si G.Egay Victorio, at hindi lang ‘yan, napakalaking karangalan rin na nadala nila ang pangalan na TIKLAD at ng ating paaralan, maging ang pangalan na rin ng ating lungsod ay nabigyan ng karangalan sa pagiging isa sa mga magagaling na kalahok sa Showtime na ABS-CBN. At isa pa sa mga pinakamataas na karangalang nakamit n gating paaralan ay ang pagkakapanalo ni Zarina Mojica ng IV-A nitong nakaraang taon sa STI Voice of The Youth na nagkamit ng unang karangalan sa ating dibisyon hanggang sa rehiyon at nagging 2nd runner-up sa buong bansa sa tulong ng guroong tagapagsanay na si G.Dennis Lacsam na isa talaga sa mga talentado at maaasahang guro sa paaralan. At ang kanyang pagkakapanalo ay nagdala ng AVR set mula sa STI at malaking money cheque na makakatulong talaga ng malaki para sa ikauunlad pa ng ating paaralan.

            Natatandaan ko pa noong nakaraang pitong taon ng pumunta ako sa Dizon High maayos na ang sistema nito. Isinasama ako ng aking ina sa kanyang classroom, kabilang man sa mabababang seksyon ang ang tinuturuan niya ay kita ko na ang mga estudyante ay sumasagot talaga tuwing recitation at masaya sila sa oras ng klase. Tulad na rin sa halos lahat ng guro sa paaralan, ang mga estudyante mula sa pinakamataas na seksyon hanggang sa huli ay talagang natuturuan ng ayos at hindi napapabayaan lalo na sa pagpapahalaga sa pagpapakatao. At ngayong bahagi na rin ako ng paaralang ito, masasabi kong isa ako sa pinakamaswerteng mag-aaral. Habanag tumatagal ay lalong umuunlad ang Dizon High at mas naging maayos ang sistema sa paaralan. Nagkaroon na ng magagandang buildings para sa iba’t ibang year levels, nagkaroon ng grandstand, dumami ang computers at sa pamamahala ng aming pununggruro na si Gng.Cristeta Uy lalong naging maunlad ang Dizon High. At ipinagmamalaki ko rin na ang Dizon High na isa sa mga iginagalang ngayon ng halos lahat ng paaralan sa dibisyon ay hindi magkakaroon ng ganito kagandang pangalan ngayon kung wala ang mga masisigasig at masisipag na guro na walang sawang tinuturuan ang mga mag-aaral hindi lamang sa pang-asignaturang aspeto, ngunit hanggang maging sa paghubog sa amin na maging mabuting tao.

            Ayon pa nga sa mga aral na natututunan naming sa El Filibusterismo, “Ang masistema at makatarungang paggawa ay makapagtatamo ng pag-asa at pag-unlad.” At ito ang kabuuang masasabi ko sa Dizon High sa loob ng labinlimang taon nitong pamamayagpag sa ating dibisyon hanggang sa ating rehiyon. Ang pagiging maayos at organisado nito at pagiging tapat nito sa lath ng paligsahan at patimpalak ang isa sa mga dahilan kung bakit lalo itong umuunlad at ang mga guro naming dito ang siyang nagbibigay pag-asa sa’ming mga mag-aaral na naging mga pangalawa na naming mga magulang at lagi nilang itinatama ang aming mga pagkakamali upang mas maging matalino kami sa pagpapasya naming pagdating araw na haharap na kami sa realidad ng mundo.

            Sa aking mga kapwa mag-aaral, dapat nating maunawaan ang kaisipan na gustong itatak sa atin ng paaralang ito na, “Anumang adhikain ng mga kabataan at mag-aaral para sa kabutihan ng bayan ay pagpapalain at magtatagumpay.” Kaya naman dapat lang na hindi natin sayangin ang bawat pagkakataon, magkaroon tayo ng mga pangarap para sa ikauunlad natin at para na rin sa ating mga magulang na iginapang tayo sa hirap. Maging inspirasyon sana sa ating lahat ang Annex V na naging Dizon High na ngayon at nagkaroon ng magandang pangalan at naging matagumpay sa loob ng labinlimang taon.



Ang Dizon High sa Loob ng Labinlimang Taon
Judy Ann Bondad


Isang magandang umaga sa inyong lahat, sa aking guro at minamahal na mga kamag-aaral. Ako ngayon ay nasa inyong harapan upang ihayag ang mga pangyayaring naganap sa bawat taong lumipas dito sa lugar kung saan apat na taon rin tayong nagsama-sama at bumuo ng mga alaala. Bago natin lisanin ang paaralang ito na siyang kumupkop at nagsilbing pangalawang tahanan natin, hayaan nyong aking sariwain sa inyong mga isipan ang lumipas nating mga taon sa ating paaralan.
           
“Annex V”, ito ang unang pangalan ng ating paaralan na binuo noong taong 1998 kung saan hindi pa sapat ang mga silid-aralan, upuan, lamesa at iba pang mga pasilidad na kailangan ng mga mag-aaral. Isang paaralan na hindi kalakihan ngunit sandaang estudyante ang nagsisiksikan sa isang klase upang matuto lamang. Ang iba ay nasa labas na ng silid at bahagya ng makakinig sa leksyong itinuturo ng guro. Mayroon din namang sama-samang nakabilad sa matinding sikat ng araw at nakaupo sa may grandstand habang pinipilit na maulinig ang tinig ng guro kasabay ng malalakas na boses ng mga kaklase. Ilang taon ring ganito ang sistema ng paaralang ito. Maaaring sa bawat taon ay may bahagyang pagbabago at may mga nadaragdag na mga kagamitan tulad na lamang ng silya at mga pisara, ngunit hindi pa rin ito sapat upang maibsan ang pagtitiis ng maraming estudyante sa hindi komportableng silid-aralan. Pero sa kabila naman ng hindi maalwang pakiramdam na ito na kanilang nararanasan sa halos araw-araw na pagpasok nila sa paaralan, walang dapat panghinayangan sapagkat napapawi naman ito sa mga ngiti at halakhak ng bawat isa sa loob ng klase kapag ang talakayan nila sa guro ay nagsimula na.
           
Dumaan pa ang ilang taon, wala pa ring gasinong pagbabago sa paaralan. Ang unang naging punong-guro ng paaralang ito ay si Ginang Bicomong. Siya paring principal na inaasahan ng mga magulang na magsusulong ng kaayusan ng paaralan. Ngunit alam naman nating lahat na hindi ganoon kadali na maisaayos ang maraming bagay sa loob ng paaralan ng mag-isa lamang sapagkat napakalaking responsibilidad nito para sa isang tao lamang. Mabuti na lamang at nariyan at ating mabubuting guro na handang gumabay sa mga bata at tumulong sa ikaaayos pa ng paaralan. Kaya’t nasa kamay pa rin ng mga gurong siya nating pangalawang magulang ang ikabubuti ng bawat mag-aaral. Mga gurong dito nag-umpisang magturo, mga gurong dito na nagkaroon ng permanenteng trabaho, mga gurong dito na tumanda at hanggang ngayon ay nasa serbisyo pa rin, mga gurong umalis at muling bumalik, at mga bagong guro na tiyak na dito rin ay magsisilbi ng matapat sa matagal na panahon. Mabuti na lamang at sa paglipas ng mga taon na dumarami ang bilang ng mga mag-aaral ay patuloy rin ang pagdami ng bilang ng mga guro upang maging sapat ang magtuturo sa bawat estudyante sa loob ng silid-aralan kung kaya’t hindi na kinakailangan pang maghalf-day ng mga estudyante dahil sa dating kulang na bilang ng magtuturo at pati na rin ng mga silid.

Tumuntong ako sa pampublikong paaralang ito, ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School noong taong 2009. Kabilang sa ikalimang batch ng Science Curriculum students. May mahigit sa sampung seksyon mula sa first year hanggang sa fourth year at halos 50 estudyante sa bawat isang silid. Si Ginang Evelyn C. Malabag pa ang punong-guro noon at mayroong isangdaan at mahigit pang mga guro. Sa pagtagal ko sa paaralang ito, napatunayan kong tunay na mahuhusay ang mga guro dito at hindi lamang basta-basta. Kahit na ang iba sa kanila ay masasabing may katandaan na, sila naman ang siyang pinakamagagaling at tunay na karapat-dapat hangaan sapagkat sa pagtagal ng panahon nila sa pagtuturo ay lalo lamang nadaragdagan ang kanilang mga kaalamang naituturo sa mga bata pati na rin ang kanilang mga naibabahaging karanasan sa pagtuturo na nagbibigay ng mga makabuluhang aral sa lahat. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit napakaraming mag-aaral ang nakikilala sa iba’t ibang larangan, maging pang-academics man o non-academics sapagkat naniniwala akong taglay nila ang ginintuang talento ngunit naniniwala pa rin ako na ang mga guro ang siyang tunay na humuhubog nito sa kanilang pagkatao. Kaya naman sa mga timpalak at paligsahan ay hindi nahuhuli ang mga mag-aaral dito dala ang pangalan ng paaralan. Sila ang nagbibigay ng iba’t ibang karangalan at pagkilala na tunay na maipagmamalaki ng lahat ng kinatawan ng paaralan at pati na rin ng kanilang mga magulang. Ang kakayahan ng bawat isa ay hindi isinasantabi ng mga guro lalo na kung kinakikitaan nila ng potensyal ang mag-aaral. Hindi nila sinasayang ang talento ng mga bata, bagkus ay hinahasa pa nila ito ng mabuti. Kaya naman marami ang nabibigyan ng pagkakataon upang makalaban sa mga pandibisyon, panrehiyon at maging sa nasyonal din. Hindi nagpapahuli sa  iba’t ibang aspeto tulad ng pagsulat ng mga sanaysay at tula, pagsali sa mga bigkasan at declamation, mga contest na kabilang ang tagisan ng utak, at pati na rin sa larangan ng sports. Sa katunayan nga ay halos taon-taong nakapapasaook ang ating mga atleta sa pangrehiyong palaro na STCAA. Patunay lamang ito na hindi nagpapahuli ang ating paaralan sa anumang larangan, maging pangkaisipan man o pangpangangatawan. Tunay na ang paaralang ito ay nakalilikha ng mga produktibong mag-aaral.
     
Ngayon, sa huling taon ko sa paaralang ito sa pamamalakad ni Ginang Cristeta S. Uy, masasabi kong nagkaroon ng malaking pagbabago sa kabuuan ng paaralan lalo na sa sistema nito. At ang mga pagbabago namang ito ay nakabuti para sa lahat. Muling ibinalik ang pagkakaroon ng guard sa paralan upang mas makasiguro sa maayos na seguridad ng lahat lalo na ng mga estudyante. Naging mas organisado rin ang paghihiwa-hiwalay sa bawat silid ng mga mag-aaral mula sa first year hanggang sa fourth year. At bilang pagtugon na rin sa programang K+12 ng ating pamahalaan, mayroon na ring tinatawag na “Grade Seven Academy” ang ating paaralan. Isa ito sa mga pinakamalaking pagbabagong naganap sa loob ng Dizon High. Masasabi kong nakasasabay sa modernisasyon ang ating paaralan sa mga bagay na ito at pati na rin makabagong pamamaraan ng pagtuturo. Nariyan ang computer laboratory na bukas para sa mga estudyanteng gustong gumamit nito. Mayroon ding science laboratory na napagdarausan ng klase ng mga estudyante na may kinalaman sa paggamit ng mga science apparatus na mas nakatutulong para sa edukasyon ng mga bata. Sa library naman ng paaralan kadalasang ginaganap ang mga programa ng paaralan pati na rin ang pagpaparangal sa mga nanalong kalahok nito. Nadagdagan na rin ang bilang ng mga silid-aralan mula sa mga may mabubuting-loob nating opisyal na sa aking  palagay ay sapat na sa bilang ng mga estudyanteng pumapasok dito sa araw-araw.
           
At bago ko tuluyang lisanin ang espesyal na lugar na ito para sa akin, nais kong ipabatid sa lahat na isang karangalan para sa akin ang pumasok sa loob ng apat na taon at magtapos sa paaralang ito dahil naniniwala ako na kung hindi ako dinala ng aking mga paa dito upang mag-aral, hindi ako magiging ganito. Hindi mahuhubog ang aking mga kakayahan na dito ko lamang naipakita at hindi ko matututunan ang mga bagay na alam kong dito ko lamang natagpuan. Mga kaalamang walang kapantay at dadalhin ko hanggang sa aking pag-alis sa lugar na ito, mga kaalamang ipagmamalaki at dadalhin ko saan man ako marating at dadalhin ko hanggang sa makamit ko na ang nais kong marating. Hindi ko makikilala ang mga pinakamahuhusay na guro na maaari kong makilala sa buhay ko na siyang nagturo sa akin ng lahat ng mga ginintuang kaalaman dito sa mundo at ng  maraming bagay na humubog sa aking pagkatao. Kung kaya’t naniniwala ako na patuloy na mamamayagpag ang paaralang ito sa mga susunod pa nitong taon at marami pang kabataan ang tutupad ng kanilang mga pangarap dito kasama ang mga guro at ang buong paaralan na magbibigay sa kanila ng buong suporta. Naniniwala ako na sa patuloy na paglipas pa ng taon, mas magiging marami pa ang propesyonal na magiging produkto ng paaralang ito. Mas dadami pa ang bilang ng kabataan na magiging matagumpay sa kanilang buhay dala ang salita ng kanilang mga naging gurong tagapayo na isa sa mga nagbigay sa kanila ng inspirasyon.

Mula sa simpleng simula ng paaralang ito hanggang sa lubusang pag-angat nito, asahan niyo ang buong suporta naming lahat. Ang Dizon High sa loob ng labinlimang taon at sa mga susunod pa nitong henerasyon.



Ang Dizon High sa loob nang Labing limang Taon
Jedd Hanz Castaneda, IV-Science

Maraming taon na rin ang nakalipas nang itinayo ang paaralang Col. Lauro D. Dizon memorial National High School. Isang simpleng pampublikong paaralan, dahil sa dami ng mga estudyante na napasok ditto at sa lawak ng paaralang ito.May mga gusali din ito para sa iba’t ibang year level, na kaya ang kapasidad ng bawat estudyanteng magaaral.

            Magbalik muna tayo sa kasaysayan ng Dizon High School. Bago pa man ito tawaging Dizon High ay nakilala muna itong Annex 5. Isa ito sa mga sangay na high school nakalatag sa San Pablo. Noon, marami ang kakulangan sa classroom, Naikwento noon nang aking guro, ang mga estudyante ay nagkaklase kung saan saang lugar. May nagkaklase sa ilalim nang punong mangga, ang iba ay sa Grandstand, at ang iba ay sa lugar na may lilom. May nakatira pa nga dawn a kambing sa oval, at nagkakayas nang damo! Ngunit habang natagal ang panahon ay nasusustentuhan na nang gobyerno ang eskwelahang ito at nakapagpatayo ng mga buildings. Naipatayo na nila ang IV year building, Dati ay tinawag itong new building, nagbago ay tinawag na MAPEH building at ngayon, IV year building. Naipatayo na rin nila ang building kung saan makikita ang room ng mga science curriculum, at ang pinakabago ay ang OHSP Building sa dulo nang oval.

            Nabago na rin ang antas nang pagaaral ng Dizon High. Kung dati ay hanggang section A lang ang curriculum nito, ya nagkaroon na nang science section. Ito ay isa sa pinakamataas na section sa nasabing paaralan. Maraming na ring karangalan ang naiuwi ng ating eskwelahan. Sa iba’t ibang larangan. Mayroong nananalo sa mga contest kagaya nalang ng math quizbee, science quizbee, at art contest. At ang pinakabagon ngayon ang streetdancing contest. Nag champion ang dizon high school nang sunod sunod na Sali nito. Nakatala na sa kasaysayan nang street dancing completion ang ating pagkapanalo.ang street dancing ay pinangunahan ni Mr. Egay Victorio. Isa siya sa mga batikang choreographer hindi lang sa sayawan kundi sa pagmomodelo din. 

Isa rin sa mga karangalang naiuwi nang ating eskwelahan ay ang patimpalak sa pagsasalita. Maraming magaaral ang nakakaabothindilang sa division level, kundi sa regional at nationals level pa! bikod sa mga patimpalak pang akademya, marami rin ang mga estudyante na nalaban sa sports. Analalapit narin ang pang rehiyon na labang pang isports. Kasama sa mga napiling sports ay ang table tennis, baseball at athletics. Siguro kaya isa sa mga mahuhusay ang mga player ay may ground na pinagpapraktisan nila nang ayos.

Tatlong taon na rin nang magpalit nang punong guro anf Dizon High sa kadahilanang si Mrs. Malabagay nagging supervisor na ng TLE. Pumalit naman si Mrs. Kristeta Uy. Bagamat bago palamang siya, ay marami na rin siyang nagawa. Kagaya ng paghihiwalay hiwalay nang bawat year level, pagiging strikto sa pagtatapon nang basura at ang pagtatanim niya sa mga estudyante ng halaman sa mga 1.5 bote nang softdrinks.Nagtanim ka na nang halaman, nakapagre-cycle ka pa. nag karoon din nang guardia ang gate. Ito ay upang mas maging ligtas ang mga estudyante, at maiwasan ang pag cu-cutting classes. Humigpit din at napatupad ang polisiyang “NO ID,NO ENTRY”. Ang mga huling pumapasok naman na mga estudyante ay pinapalista ang pangalan atkung minsan ay kinukuha na ang ID nila. Siguro ay para magsilbing aral na rin nila it sa kanilang pagpasok nang huli.

Kay bilis nga naman nang panahon.dati’y ang dizon high school a isa sa mga hindi kilalang eskwelahan, ngunit ngayon ay umaarangkada at kinatatakutang high school. Kagaya nga nang motto nitong, “Dizonians, Soar High!”






Ang Dizon High sa Loob ng Labinlimang Taon
ni Lhira Jhane B. Masarap, IV-Science


“Ang adhikain kabataan ay paunlarin. Ang kabutihan ay hubugin. Karunungan pagibayuhin…”

Ito ay isang bahagi ng Dizon High Hymn na kinakanta ng mga estudyante tuwing flag ceremony. Simpleng mga salita, ngunit kung iisipin natin ay napakaganda ng kahulugan at ng layunin para sa kinabukasan nating mga kabataan.

Isang magandang araw ang bati ko sa inyo aking mga giliw na tagapakining.

Naririto tayo upang balikan ang nakaraan at kung ano na nga ba ang narating ng Col. Lauro D. DIzon Memorial National High School sa nakalipas na mga taon. Mga karangalang nakamit ng mga mbukod tanging mag-aaral at guro ng ating paaralan.

         Nagsimula ang Dizon High bilang Annex V labinlimang taon na ang nakalipas, taong 1998. Isa pa lamang itong annex ng San Pablo City National High School o mas kilala bilang City High. Kaunti pa lamang ang mga guro dito noon. Nagsisiksikan sa maliit, mainit at sikip na silid-aralan ang mahigin animnapung estudyante. Kung hindi naman ay nagakaksya na lamang na magklase sa ilalim ng mga puno o sa FVR Grandstand. Ganyan ang kalagayan noon ng Dizon High. Kung titingnan mo’t ikaw ang makakaranas ay parang mahirap. Hindi maalwan. Ngunit may dumating na mga guro galling sa ibang paaralan.

          Mga guro ng sekondarya galing sa Laguna College na lumipat sa Dizon High dahil sa maling pamamalakad. Dito nabago ang dating Annex V. mas dumami ang guro kung kaya’t mas maganda na ang nagging aral. Taong 2004 ng mapalitan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ang dating Annex V. Karugtong lamang noon ng City High ngunit nabago na din. Ang Section A na pinakamataas na section ay napalitan ng magkaroon ng Science Curriculum.

            Nagsimulang umunlad ang Dizon High. Sa pisikal na aspeto, sa larangan ng akademiya at sports.

          Bukos sa FVR Grandstand ay naipatayo din angMAPEH building kung tawagin dati na ngayon ay 4th year building, kung saan ay ang gumagamit ng mga silid ay pawing mga 4th yeart lamang, sections A(Archimedes) hanggang L(Locke). At nakapagpagawa pa rin ng iba pang silid-aralan. Dahil ditto, kanya kanya ng silid kada antas at seksyon. Wala na ring nagkaklase sa labas, sa ilalim ng mga puno maging sa grandstand.

             Marami ring magagling na estudyante na nakakamit ng karangalan sa akademiya. Sa Mathematics, nariyan sina Norlan Dazo, Marian Calanasan, Kimberly Reynaldo, Hazel Basilio at iba pa na pawing mga alumni. Sina Jomhel Agnote, John Rain Heart Lopez at Patricia Mae Omaña na nagbigay karangalan ngayon taon at noong nakaraang taon na pawing nga nasa ika-apat na antas. Sa Science naman ay nariyan pa rin si Patricia Mae Omaña kasama si Zane Andrei Cortez. Sa Pagsulat naman ng lathalain at iba pang may kaugnayan sa dyaryo ay nariyan sina Kevin Louie Libunao, muli ay sina Jomhel Agnote, Patricia Mae Omaña, Zane Andrei Cortez, JM Agnote at iba pa mula noon. Sa bigkasan naman ay sina Mishael Pontanoza, Kenna Evangelista, Nikki lLiz Gutierrez, Fausto Carlos, Zarina Mojica na nagging Speaker of the year ng sila ay grumaduate ng nakaraang taon. Marami pang mag-aaral ng Dizon High ang nagbigay papuri sa ating paaralan.

            Maging sa sports ay hindi nagpapahuli ang mga Dizonians. Nitong nakaraang Divisiob Meet, nakamit ng Dizon ang unang gantimpala sa Soccer at Baseball. Nakamit din ni Gilda Karla Carag ang unang gantimpala sa Table Tennis. Maging sa Athletics ay nanguna rin ang Dizonians. Halimbawa na lamang sa mga manlalaro ngayong taon ng athletics na nakakamit ng karangalan ay sina John Paul Belen, Aaron Paul Enriquez at John Christopher Dela Luna. Nagkamit din tayo ng karangalan sa Lawn Tennis sa magkapatid na manlalarong sina Paulyn Fortadez at RJ Fortadez. At sa kaunaunahang pagkakataon, natalo ng Dizon High ang City High sa pagkakatanghal sa atin bilang overall champion. Marami ring nakalusot at napili sa naggagalingan nating manlalaro sa STCAA o ang Southern Tagalog CALABARZON Athletic Association Meet. Para sa mga manlalarong ito ay isang karangalan ang mapasama at mapiling lumaro dito.

          Marami ring pagunlad sa pomamalakad sa Dizon. Dati ay basta na lamang nakakalabas ng paaralan ang mga estudyanteng nagka-cutting, ngayon ay hindi na dahil sa mahigpit na pagbabantay sa mga labasan. Dati ay sobrang maingay sa bawat corridor, ngunit ngayon ay hindi na. dati ay kahit oras ng klase ay nasa labas ang mga estudyante, ngunit ngayon ay hindi na iyon maaari. May kaukulang parusa sa bawat paglabag. Ngunit kahit ganito man kahigpit ay nakakapagsaya pa rin naman.

        Malaki ang mga naging pagbabago sa Dizon High. Sa mga mag-aaral,sana ay ating pagingatan, at pagyamanin ang mga pagbabagong ito para na rin sa ikagaganda n gating kinabukasan. Gaya ng sinasabi sa isang bahagi ng Dizon High Hymn, “…iyong mithiin, aalagaan…”,  ating alagaan at tayo na rin ang tumupad sa layuning hinahangad ng paaralan sa ating bawat kabataan. Sana lamang, ang pagsisikap ng mga naging guro at mga guro natin sa loob ng labinlimang taon ay hindi masayang. Ang pagiging isang Dizonian ay nararapat nating ikarangal at sana, baling araw ay ikarangal din tayo n gating pinagmulan.