Wikipedia

Search results

Saturday, January 10, 2009

Walong Diwata ng Pagkahulog


Artwork sa pabalat ng Walong Diwata ng Pagkahulog ni Jason Moss ("Mortality")
"Binubuksan ng nobelang ito ang panibagong yugto sa pagsusulat ng nobela. Malayo na ito sa tradisyon ng mga romantisista at modernista, na laging mabigat sa dibdib ang paglalahad ng naratibo. Sa akdang ito wala nang imposible sa materyal at maging sa pamamaraan ng paglalahad nito... Tinatangka nitong lampasan ang wika ng isipang malay, at nagtatangkang isulong na posibleng ikuwento ang wala o hindi nangyari... Ikinakatuwa ko ang mga akdang tulad nito na nangangahas magpakilala ng pagbabago sa paglalahad ng naratibo."

- Jun Cruz Reyes

Mapangahas ang anyaya ng batikang manunulat na si Jun Cruz Reyes para basahin ang kauna-unahang nobela ni Egay Calabia Samar ngunit para siguro sa sinumang manunulat o panatiko sa pagbabasa ng mga akdang pampapanitikan na nababagot sa sinaunang istilo ng paglalahad ng akda, nakadaragdag pa lalo ito ng interes.


Book Launch Programme

Bilang guro sa Filipino sa ikaapat na antas ng sekundarya, inobliga ko ang aking mag-aaral na bumili ng aklat ni Egay bilang panghuling proyekto nila sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan. Ilang bagay ang aking isinaalang-alang para dito bilang motibasyon sa aking mga estudyante. Una, ang awtor ay kapwa ko manunulat sa Barkada News Magazine sa San Pablo kung saan kami (kasama sina Sol Aragones ng ABS-CBN, Geoff Borgonia ng Bayan Knights Comics) unang nakatikim ng bayad sa pagsusulat. Ikalawa, bukod sa pagiging kapwa San PableƱo, premyadong awtor si Egay. Patunay nito ang ilang mga parangal na natanggap niya mula sa iba't ibang timpalak sa pagsusulat tulad ng PBBY Salanga at Palanca Awards at ilang aklat na nailathala sa kanyang pangalan tulad ng kwentong pambata na Uuwi na ang Nanay kong si Darna at ang National Book Award Finalist for Poetry na Pag-aabang sa Kundiman, Isang Tulambuhay. Ikatlo, bukod sa panibagong istilo sa pagsusulat ng naratibo, San Pablo ang pangunahing tagpuan sa ilang kabanata ng nobela.

Jim Cruz Reyes habang ipinakikilala ang nobela

Audio-Visual Presentation ng Walong Diwata ng Pagkahulog Launch

Bilang paghahanda sa suring-nobela na gagawin ng aking mga estudyante, ipinakilala ko muna sa kanila si Egay sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang impormasyon tungkol sa kanya. Hinayaan ko rin sila sa aking computer class na mag-surf sa Internet ng mga karagdagang impormasyon upang ipaalam sa kanila na hindi ko lamang ginagawa ang pagpapasuri ng nobela para lamang makatulong sa isang kaibigan na bumenta ang kanyang akda kundi dahil bilib ako mismo sa sumulat.

Si Egay at Ako habang pinipirmahan ang aking personal na kopya
Kaugnay pa rin ng nobela, pinilit kong makadalo sa book launch nito sa Ateneo de Manila noong ika-27 ng Enero. Bagamat nakita ko na sa aking Facebook account na dadalo sa pagtitipon ang ilang naging estudyante ko sa Laguna College, natuwa pa rin ako na makita sila ng personal lalo pa't wala akong kontak sa kanila sa loob ng ilang taon matapos nilang grumadweyt ng hayskul. Natutuwa akong malaman na mga young professionals na ang mga dati kong estudyanteng sina Vinnie Brugada, Vernessa Belarmino, Philip Ramos, at Jozzel Ong. Sa kanila ko na rin nalaman na magkakasama pala sila ni Egay sa isang samahan sa simbahang bayan. Ipinakila rin nila sa akin sina Genesis Gubaton at Ma. Aiza Alivio na noong una kita ko'y inakala ko pang mag-syota.


Dennis, Vernessa, Vinnie, Aiza at Genesis

Dennis, Vernessa, Vinnie, Aiza at Genesis, Phillip at Egay


Aiza, Vinne, Phillip, Genesis, National Artist Virgilio Almario, Vernessa with Egay

Sa nasabing ring pagpapakilala ng akda, personal kong nakita at nakilala ang ilang sikat na manunulat ng panitikan na kalimita'y sa mga libro ko lamang noong hayskul at college nababasa ang pangalan. Natawa nga ako sa ilang naging obserbasyon ko. Ewan ko ba, hindi ko kasi akalain na mataba at mukhang hasendero pala ang National Artist na si Rio Alma a.k.a.Virgilio Almario. Akala ko kasi eh payat rin siya katulad ng mga nakikita kong manunulat na mukhang walang tulog sapagkat ibinuhos na yata ang lahat ng oras sa pagsusulat ng obra. Nasiyahan rin ako sa mga patawa ng hinahangaan kong manunulat na si Jun Cruz Reyes nang ipakilala niya ang akda ni Egay. Natawa nga ako sa kumento n'ya na hindi ako "insecure" na guro nang sabihin ko sa kanya na ipinababasa ko sa aking mga estudyante ang akda niyang Utos ng Hari na kalimita'y iniiwasang ipabasa ng ilang guro sa kanilang mga estudyante kahit pa sabihin parte iyon ng kanilang batayang aklat sapagkat patungkol ang istorya nito sa pananaw at bansag ng mga estudyante sa kanilang mga guro. Nakabibilib malaman na sa bibig mismo niya na malaki ang magiging partisipasyon ni Egay sa magiging pagbabago ng mga akdang naratibo sa darating na panahon. Personal ko ring nakilala ang may akda ng nobelang Peksman na si Eros Atalia na ayon kay Philip ay magandang akda. Ipinangako ko sa sarili ko na bibili ako ng aklat niya parabasahin sa susunod na bisita ko sa Maynila.


Egay, National Artist Virgilio Almario at Dennis


Dennis, Jun Cruz Reyes at Phillip


Dennis at Eros Atalia

Matapos ang book launch ay nagtuloy kaming mga taga-San Pablo (maliban kay Vinnie na may date yata noong gabing 'yun) sa Gateway Mall para maghapunan. Ilang oras din kaming nagkwentuhan ng mga dati kong estudyante. Sa pagkakaalala ko, iyon ang kauna-unahan kong pagkakataon na lumabas na kasama ang ang aking estudyante.

Habang nagkukwentuhan, ini-upload ni Genesis ang mga kuha naming larawan sa Ateneo sa kanyang laptop (may dala kasing mamahaling camera si Jozzel bukod sa pipitsuging digicam na dala ko). Makalipas ng ilang oras ay dumating ang magpaparing kaklase ni Philip na si Dexter at ang kaibigan nilang lahat na si Dennis Hernandez kasama ang kanyang girlfriend. Bagamat taga-San Pablo rin ang aking tukayo ay noon ko lang siya personal na nakilala.

Matapos ang ilang oras na pagtambay sa Gateway, nagkanya-kanya na kami ng uwian.


Dexter, Aiza, Vernessa, Genesis, Jozzel, Phillip


Dexter, Aiza, Vernessa, Genesis, Jozzel, at Dennis

Sunday, January 4, 2009

A Poem for the Spitz

Sobra ang cute ng mga tuta ni Ms. Katrina Ponce Enrile na nakita ko sa aking Facebook account. Hindi ko napigilan ang aking sarili na hindi sila papurihan lalo't naka-chat ko pa nang saglit ang mabait na may-ari. Nabasa ko rin ang ilang testimonya ng kanyang mga kaibigan tungkol sa kanyang mga alagang aso kaya naman umapaw ang berso sa looob ng ilang minuto. Narito ang tula at ang larawan ng aso na inumit ko lang mula sa posted pictures ng may-ari sa kanyang Facebook account.

A Poem for the Spitz

(Sabine, Zazu, Channel, Hiro and Iago)


Beleaguered by the pictures of their fuzzy white hair,

mesmerized by the flippant glow of the possessor,

and bystander of the verbatim pronouncement of cyber onlookers…

I felt a sense of elation!

Magnanimous!

…a foremost companion thriving on human contact and attention.