| Grabe ang pagkainip ko ngayong bakasyon at pinapasok na yata ng hangin ang ulo ko. Dala ng sobrang pagkabagot, sari-sari ang pinagkakaabalahan ko para lamang may magawa. Kanina lamang ay pinangahasan kong subukan ko ang isang natatanging website tungkol sa face recognition. Sadyang nakakaaliw ang site kasi hinahanapan ng mga kamukhang artista at sikat na personalidad ang mga pangkaraniwang tao sa pamamagitan ng pagba-browse at pag-i-scan sa kanyang litrato. Ngayon, wala ng dahilan ang aking ina upang hindi maniwala na magandang lalaki ang kanyang anak. Isipin mo na lang, dahil sa makabagong teknolohiyang ito biglang naging kamukha ko ang isa itinuturing na "Sexiest Man Alive" ng Hollywood samantalang kahit sa bangungot ay hindi man lamang sumagi ang ganito. Masdan ang aking transformation at huwag kukurap. Mamangha kayo sa patunay! He.he.he. |
Wikipedia
Friday, April 18, 2008
Celebrity Morph by MyHeritage
Wednesday, April 9, 2008
The Color Quiz
In fairness, medyo nga may katotohanan nga yata ang mga teorya ng gumawa ng limang minutong test na ito. Ilan kasi sa mga resulta ay tugma talaga sa aking rousing personality. Kaya naisipan kong isama ito sa aking blog para naman makilala ako ng mga mambabasa ko (Naks! Parang andaming avid reader). Pero 'wag pakaseryosohin lalo na ang resulta tungkol sa aking mga Restrained Characteristics at Desired Objectives ha. Para tuloy totoo 'yung banta ni Sir sa kanyang invitation na medyo scary ang site. Pereho siguro ang assessments at findings sa aming dalawa ni Dr. Max Luscher, ang doktor na nakaimbento ng psychological test na ito. He.he.he.
Now, savor at least 69% of my character traits. ('Yan ha, pinangatawanan ko na 'yung test for the sake of fun!)
My Existing Situation
Imaginative and sensitive; seeking an outlet for these qualities--especially in the company of someone equally sensitive. Interest and enthusiasm are readily aroused by the unusual or the adventurous.
My Stress Sources
An existing situation or relationship is unsatisfactory, but he feels unable to improve it without willing cooperation. Unwilling to expose his vulnerability and therefore considers it inadvisable to display affection or to be over-demonstrative. He regards the relationship as a depressing tie but, although he wants to be independent and unhampered, he does not want to risk losing anything. All this leads him to react touchily and with impatience, while the urge to 'get away from it all' results in considerable restlessness. The ability to concentrate may suffer.
My Restrained Characteristics
Willing to become emotionally involved and able to achieve satisfaction through sexual activity. Feels that he cannot do much about his existing problems and difficulties and that he must make the best of things as they are. Able to achieve satisfaction from sexual activity.
My Desired Objective
Preoccupied with things of an intensely exciting nature, whether erotically stimulating or otherwise. Wants to be regarded as an exciting and interesting personality with an altogether charming and impressive influence on others. Uses tactics skillfully so as to avoid endangering his chances of success or undermining others' confidence in himself.
My Actual Problem
Fights against restriction or limitation, and insists on developing freely as a result of his own efforts.
My Actual Problem #2
Anxiety and restless dissatisfaction, either with circumstances or with unfulfilled emotional requirements, have produced stress. He tries to escape by intense activity, directed either towards personal success or towards variety of experience.
Thursday, April 3, 2008
PABLIK
Alam kong hindi ako yayaman sa pagtuturo. Batid ko na ang katotohanang ito bago pa man ako kumuha ng kursong Edukasyon. Tanda ko na malimit sabihin sa aming mga estudyante ng aming Dekana sa kolehiyo na kung ang pangunahin raw naming dahilan para magturo ay upang magkamal ng salapi kagaya ng ilang propesyon, umpisa pa lamang daw ay sumuko na kami dahil napakalayo raw nito sa katotohanan. Wala raw kasi ni isang guro sa istorya na naitala sa kasaysayan ng pagtuturo ang naging milyonaryo dahil lamang sa kanyang kinikita.
Kung tutuusin, aksidente lamang naman talaga ang pagiging guro ko. Pinili ko lamang ang kursong Edukasyon nang sunggaban ko ang plano ng aking tiyahin na papag-aralin ako ng kolehiyo matapos ang tatlong taong pagtatrabaho pagkagradweyt ko ng hayskul. Kung ako lang kasi talaga ang masusunod at sa sariling bulsa ko manggagaling ang pangmatrikula sa pag-aaral, sigurado na kukuha ako ng mga kursong may kinalaman sa pagsusulat o sa komunikasyon. Hilig ko na kasi sapul pagkabata ang pagkatha ng iba't ibang sulatin at pagmamasid sa paligid. Idagdag pa na ipinanganak akong sadyang may angking kakapalan ng mukha na walang takot humarap sa maraming tao kayat buo ang aking paniniwala noon na mabilis akong magtatagumpay kung ang mga gusto kong kurso ang aking pag-aaralan sa kolehiyo. Ngunit sa kasamaang palad, hindi pa napapag-isipan ng mga dalubhasaan sa San Pablo noon na isama ang mga kursong Journalism at Mass Communication sa listahan ng mga propesyon na pupwedeng piliin ng sinumang estudyante na nais mag-aral ng tersyarya. Kayat pikit mata kong kinuha ang karerang Edukasyon sa paniniwalang magagamit kong lahat ang aking talino at talento sa kursong ito. Isa pa, sobrang kahihiyan na pati siguro kung kukumbinsihin ko pa ang nagpaaral sa aking tiyahin kung sa Maynila pa ako mag-aaral samantalang ang kaniyang mga anak ay sa mga paaralan lamang dito sa probinsya nagsumiksik.
Tanda ko na sa simula pa lamang ay kalbaryo na agad ang dinanas ko sa pagtuturo sa pampublikong paaralan. Dalawampu't apat kaming mga bagong guro na pinilit bigyan ng aytem ng lokal na pamahalaan sapagkat salat sa mga guro ang dibisyon. Malawakan kasi noong inimplimento ang Basic Education Curriculum sa buong bansa kung saan umunti ang oras ng bawat asignatura kaya't ang resulta, nagkulang ang mga guro sa mga paaralan dahilan kung bakit "sinuwerte" kaming ma-empleyo. Sabi ng iba, magandang senyales daw iyon sapagkat agad kaming magkakaroon ng national item. Madalang pa raw kasi sa patak ng ulan sa mga lugar na tagtuyot ang pagbuhos ng ganoong karaming bakanteng posisyon kaya "napakapalad" raw namin. Hindi ko alam kung bakit magandang kapalaran ngang maituturing ang ganoong karanasan. Sa pagkakaalala ko, baon na kami sa utang eh hindi pa namin nasasahod ang ilang buwan naming pinagtrabahuhan. At dahil inampon nga lamang kami ng pamahalaang lokal, sabihin pa na ang munisipyo mismo ang nagpapasahod sa amin hindi katulad ng mga gurong mayron ng seguridad na hindi na sakop ng kapitolyo kahit pa sabihing empleyado pa rin ng gobyerno.
Nakalulungkot isipin na sa loob ng mahigit na apat na taon naming panunungkulan bilang mga locally funded teachers ay dumanas kami ng napakaraming hirap. Kung maituturing ang mga iyon na baptism of fire para sa mga bagong titser, salamat at hindi kami natusta, nasunog at naabo sa apoy ng kamalasan. Isipin n'yo na lang ang buwang-buwang pamamalimos ng pirma sa mga kinauukulang dapat lumagda sa payroll. Magkulang lang ng isa at tiyak na ang sweldo naming inaasam na pambayad ng mga utang ay mapupurnada. Idagdag pa na kinakailangan namin na kahit papaano'y "maglagay" sa sinumang pinagpalang guro na naatasang gumagawa ng "ginintuang payroll" kahit pa sabihing kapalit ng kabawasan ng kanyang teaching load ang pagtupad dito. At ang masama pa, dahil lokal na pamahalaan ang nagpapasahod, mandatoryo na makipagbalyahan ang bawat isa sa amin sa mga ibang kawani ng pamahalaan tulad ng mga basurero at casual employees sa oras ng bigayan ng sweldo sa opisina ng kahera tuwing kubrahan ng sahod. At dahil inampon nga lamang kami ng ng kapitolyo, sabihin pa na may mga natatanggap na benepisyo ang mga may seguridad ng guro na hindi namin natatanggap.
Nang may dumating na national item ang dibisyon, hindi ko na ipagkakaila na isa ako sa agad na natuwa sapagkat buo ang kumpiyansa ko sa sarili na kabilang ako sa unang mabibiyayaan. Nag-rank 1 kasi ako sa listahan ng aming kagawaran na ang pinagbasehan ay ang mga pertinent papers. Idagdag pa na mataas rin naman ang nakuha kong performance rating mula sa aking prinsipal. Isa pa, nangangailangan talaga ng guro sa Filipino ang paaralang pinagdalahan sa akin kaya walang dahilan para hindi ako makakakuha ng aytem. Ngunit sa kasamaang palad, nasilat ang aytem at napunta sa iba sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Talagang ipinagsintimyeto ko nang husto ang pangyayaring iyon ngunit kailanman ay hindi ako gumawa ng marahas na hakbang sa pangambang lalo akong mawawalan ng posisyon katulad ng ilang mga napabalitang aplikante na matapang na ipinaglaban ang kanilang aytem sa punto ng legalidad. Ilang buwan pa ang aking ipinagtiis at ilang mga nasa posisyon sa Division Office koang muntik ko pang makaaway o dalhin ang ang pangalan sa region para isumbong. Malimit ko ngang biruin ang aking mga kasamahan sa pagtuturo na muntik pang mauna ang aking international item bago ang national na agad din naman nilang sinasang-ayunan sapagkat "gamit na gamit" na nga raw naman ako ng paaralan at ng buong dibisyon eh hindi pa pala lehitimo ang pagiging guro ko.
Nang maluwalhati kong napagdaanan ang pagiging ampon ng pamahalaang lokal, akala ko ay doon na magtatapos ang aking mga kalbaryo sapagkat sa wakas ay miyembro na ako ng matatag na samahan ng mga legal na guro na hindi na kinakailangang mangamba sa seguridad ng kanilang aytem. Kumbaga, wala nang dahilan para paulit-ulit pa akong mag-aplay taun-taon o kaya nama'y mag-substitute sa pagtuturo sa sinumang guro na manganganak, magkakasakit o kaya'y tatakas na sa kagawaran papuntang ibang bansa. Hindi katulad ng dinaranas ng mga "Para Teachers" ngayon na nakukompormisong magtyaga sa maliit na sahod kapalit ng mailap na pag-asang mapagkakalooban sila ng ginintuan ngunit mailap na "security of tenure". Ngunit hindi lang pala ang pagkakaroon ng pinagpalang seguridad ang pinaka-esensiya o pinakakabuluhan ng pagtuturo sa pablik.
Sa halos pitong taon kong pamamalagi sa pampublikong paaralan kung saan ako nagtuturo hanggang ngayon, sumabay ako sa agos ng kalakalan. Niyakap ko nang lubusan kung ano man ang nakadulog sa aking harapan sa paniniwalang mas mabuting magtyaga sa halip na maging miserable. Wala naman kasing akong pagpipilian. Kung mayron man, ito ay ang pag-alis sa institusyon at paghahanap ko ng ibang trabaho katulad ng ibang guro na napilitang mandayuhan sa ibang lugar o kaya nama’y napuwersang mamasukan sa ibang institusyon kahit walang kaugnayan sa kursong tinapos nila ang kanilang napiling trabaho. Ngunit wala sa aking hinagap ang alin man sa mga nabanggit. Ang sa akin lang, ay bakit kailangang dumanas ng pagpapakababa ang mga guro gayong propesyunal? Kinakailangan ba talaga ang labis na pagpapakasakit tulad ni Kristo para masabing lubos ang kabuluhan ng pagtuturo?
Kung tutuusin, masarap sanang magtrabaho sa pablik. May professional growth ang mga guro dahil sa dami ng mga libreng seminar. Hindi katulad sa mga pribadong paaralan, na kung gusto mong madagdagan ang iyong kaalaman, ay kailangan pang magbayad para rito. Iyon nga lang, kung pinalad kang idapala sa mga pagtitipong may kaugnayan sa pagpapalawak ng kaalaman, buong giting mo dapat itong seryosohin sapagkat nangangahulugan ito ng karagdagang trabaho ngunit hindi karagdagang sweldo para sa iyo. Isipin mo na lang na ilang guro ang makikinig at mang-ookray sa iyo ng ilang araw kapag inobliga ka ng dibisyon para ibahagi ang iyong natutunan sa seminar sa pamamagitan ng ilang araw na re-echo. Tiyak na kapag walang naintindihan o di kaya nama'y pinasurasahan mo lamang ang mga kapwa guro mong nagsidalo sa pamamagitan ng pagbibigay na karagdagang gawain katulad na malimit mangyari sa mga dumadalong titser sa seminar, siguradong isusumpa ka ng buong kaguruan at kukwestyunin ang iyong natatanging kredibilidad kung bakit ikaw pa ang "mapalad na napili" na dumalo sa seminar at hindi sila. Malimit kasing pinagtatalunan ang pagpapadala ng paaralan ng mga guro sa seminar dahil katumbas ng mga sertipiko ng mga pagtitipong ito ang pagpapataas ng ranggo ng posisyon at ang pagdadagdag ng kaunting umento sa dati nang kakarampot na sweldo pagdating ng araw.
Speaking of sweldo, isa ito sa pinamalaking hinanakit ng mga guro sa buong kapuluan sa gobyernong Pilipino. Kaya't hindi na bago na malaman na may mga titser na sumasama sa pag-aaklas at magpiket sa mga kalsada na humihingi ng dagdag na umento sa kanilang mga sahod o kaya nagsa-side-line sa pagtitinda ng kung anu-ano sa loob ng paaralan kahit pa sabihing kasalanang mortal ito sa kagawaran ng edukasyon sapagkat nagpapababa raw ng imahe ng isang guro. Ewan kung hindi pa ba maituturing na pagpapakababa ng dignidad ang mahabang listahan ng mga gurong laging nakapila kung saan may mauutangan o kung hindi man ay ang dumaraming bilang ng mga titser na nagbebenta ng kung anu-ano sa loob ng paaralan para lamang makaraos sa hirap ng buhay.
Sa totoo lang, mabibilang na yata sa daliri ang mga titser na walang bahid ng kautangan. Paano mo nga ba naman kasi pagkakasyahin ang mahigit sa sasampung libong sweldo sa loob ng isang buwan kung hindi ka mangungutang? Kahit pa siguro anong pagtitipid ang gawin ng isang guro ay mahihirapan siyang lagpasan ito lalo na sa hirap ng panahon ngayon na ang tanging libre na lamang ay ang mangarap. Isipin mo na lang ang araw-araw na gastusin sa bahay - mahal na pagkain, mataas na bayad sa tubig at kuryente, damit at iba pa. Idagdag pa ang gastusin sa pagpapaaral ng mga anak - matrikula, pambaon sa araw-araw, pamasahe, proyekto sa paaralan at iba pa. Paano kung isasama pa ang mga hindi inaasahang gastusin tulad ng mga biglaang pagkakasakit at marami pang iba? Kunswelo na nga lang ng maraming guro ang sinasabi na ilan na pampalubag-loob na sadyang mahal raw ng Panginoon ang mga guro dahil sa pagiging matiisin ng mga ito kaya hindi Niya ito pababayaan. At dahil din siguro sa paniniwalang ito, kaya marami ang patuloy na nagtitiis. Bahagi na kasi ng sistema ng bawat isang alagad ng karunungan ang magpaka-masokista sa paniniwalang wala sa ideolohiya ng pagtuturo ang ang pagkakasangkot sa mga isyu na may kaugnayan sa pananalapi. Hindi raw dahilan ang pera, para hindi makatupad ang guro sa kanyang tungkulin bilang ehemplo at tagapagpalaganap ng karunungan at mabuting asal. Napakaganda sana kung tutuusin ang ganitong paniniwala ngunit maliwanag itong kabalintunaan sa tunay na nangyayari kapag kumakalam na ang sikmura at nagpapatung-patong na ang mga suliranin ng isang guro.
Sa huli, bagamat alam na namin ang lahat ng katotohanang ito, patuloy pa rin kaming nagsisilbi nang buong puso sa paniniwalang pinakamarangal pa rin na propesyon ang napili namin sa kabila ng lahat. Sana nga...
Wednesday, April 2, 2008
Senglot
at pinasisikdo ang pintig ng aking dibdib.
Habang tinititigan ko ang hindi maipintang
hugis ng buwan sa mapanglaw at malabong kalangitan,
nanggigitata sa aking isipan ang makulay na nakaraang
pinipilit takasan. Tigib ang mata ng mga butil ng tubig
habang bumabaha ang alalahanin at kawalan ng pag-asa.
Nakikipagtagisan at nakikipagtigasan
ang pagal na katawan sa rinding isipan;
lumalaban kahit walang laban
sa esensya ng kalungkutan.
Muli, hinayaan kong maghari sa templo ng kaluluwa
ang kamandag ng espirito ng markang demonyo.
Ilang lagok ang aking pinakawalan...
bago ako nawala nang tuluyan.
Sunday, March 30, 2008
Dizonians Go to Laiya
Panandali naming tinakasan ang pagtuturo. Bitbit ang suntan lotion, bathing suit at isang damukal na kwento, nagpunta ang kaguruan ng Col. Lauro Lauro Dizon Memorial National High School sa Laiya, Batangas.Alas singko y medya ng umalis ang aming grupo. Apat na jeep na puno ng mga isinumpang guro ang unang tumulak papuntang Batangas. Sumunod naman noong alas syete ang isang grupo na tamad gumising sakay ng van na pag-aari ni Mr. Hernani Ang na guro sa matematika.
Katulad ng mga nauna naming pamamasayal, walang sawang kwentuhan ang namayagpag sa bawat sasakyan. Bawat jeep ay may kanya-kanyang bangka sa tawanan. At syempre pa ang mga hindi masyadong nagpasiklab sa kwentuhan ang sila namang kumabag ang tiyan sa katatawa.


Pagkarating na pagkarating sa beach resort na naupahan ng aming grupo, dismayado ang aming Punungguro na si Mrs. Evelyn Malabag at ang Faculty Club President na si Ma'am Nelly Cuasay sapagkat ang inaasahang mga cottages na laan para sa amin ay ay napunta sa iba. (Napagkasunduan na kasi ng may-ari at ng mga namuno ng outing ang tungkol sa cottages isang linggo bago ang swimming party ng mag-ocular visit ang pamunuan). Sakit na yata talaga ng ilang nesgosyanteng Pilipino ang hindi pagkakaroon ng palabra de honor kaya naman maraming negosyo ang nagsasara. Ngunit upang hindi masira ang momentum ng aming kasiyahan, isinawalang bahala na lamang ang problema.
Hindi man gustong mangyari ng grupo na magkaroon ng faction ang mga guro, hindi ito naiwasan sapagkat ilang maliliit na cottages ang nirentahan ng namuno. Kaya nagkanya-kanya pa ring barkada ang mahigit sa animnapung guro na sumama.
Habang abala ang ilan sa pagluluto, naisipan naming rumenta ng bangka upang makapaglayag sa gitna ng dagat. Sa halagang siyamnapumpiso bawat isa, ipinasyal kami ng bangkero sa Lamesang Bato, isang bahagi ng dagat kung saan may masisisid na mga corals at iba pang lamang dagat. Sa pagtigil ng bangka sa Lamesang Bato, game na nagtampisaw ang aming punungguro sa tubig kasama ang mga gurong sina Jana Orillaza, Shirley Montaña, Khrys Labrado at personnal secretary ng prinsipal na si Allan Dayco.
Matapos ang masaganang tanghalian at ilang oras na pamamahinga, sinimulan si Sir Egay Victorio na siyang pinuno para sa parlor games ang mga palaro. Lahat ng gurong naroon ay pinabunot ng munting papel kung saan nakasulat ang letra kung saan siya magiging kabilang na grupo.Tatlong masasayang palaro ang nilaro ng mga guro: Maria Went to Laiya, Paggawa ng Human Sand Castle at Race to Laiya's Beach. Katulad ng inaasahan, syempre nagtulung-tulong ang mga titser na magkakagrupo dahil sa premyong Php 1,500. Hindi ko alam kung consuelo de bobo o sadyang mataas lang talaga ng taste ng mga judges kaya nanalo ang dadalawang grupong naglaban. Parang Saturday Edition ng Thats Entertainment noon ni Kuya Germs na lahat ng grupo mula Monday hanggang Friday eh panalo sa production number competition. Wala nga namang sasama ang loob.

Pasado alas singko ng tumulak ang maraming guro pauwi ngunit nagpaiwan para mag-overnight kaming mga batang titser sa patnubay ng de-otong si Mr. Ang. (Syempre, mahirap yatang maglakad pauwi.)
Nang makaalis na ang aming mga kasama isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Nang makipag-usap ang aking kapwa guro sa may-ari ng beach cottages na tinuluyan namin para humingi ng diskwento sa aming magiging overnight stay ay kung anu-ano ang sinabi nito na hindi maganda sa pandinig. Ewan ko kung tamang maging asal ng isang negosyante ang mambastos ng parokyano lalo pa't mga guro ang mga ito. Kaya dala ng sama ng loob, napilitan kaming lumipat ng ibang resort kung saan namin inubos ang magdamag.
Mahigit isang dosena kaming guro na nagpakasaya noong gabing iyon. Bukod sa cottage na aming nirentahan ng mas mura at mas maganda sa una naming tinuluyan ay pinayagan pa kaming magtayo ng tent katabi ng aming pwesto na kaharap mismo ng dagat ng Laiya.
Planado ang pagpapaiwang ito ng mga batang guro kaya baha rin ang pagkain na inihanda ni Girlie Deomano at ng Ang's Angels. Bukod pa sa mga iniwang pagkain ng faculty. Kunswelo rin ang mga iniwang tsibog ng faculty at red at white wine na bigay naman nina Mrs. Rhodora Loteria at Aylene Reyes.Grabe ang naging pictorial na aming grupo sa akto ko bilang potograpo. Kung anu-anong pose at kung saan-saang lugar kami nag-photo shoot. Game na nagpakuha sa tabi ng dagat, gilid ng bangka, loob ng tent, at facade ng iba't ibang magagandang resort ang grupo. Idagdag pa ang solo pictorials ng bawat isa na para bang mga kadidata ng Bb. Pilipinas o Ms. Gay Philippines sa kanilang swimwear portion.
Sa tindahang katabi ng aming cottage na nirentahan ay inubos ng ilang gurong malakas ang loob bumirit ang kanilang barya sa paghuhulog sa makinang nagluluwa ng sari-saring kanta. Dito, iniwan nila ang kahihiyan at kumanta ng ano mang makahiligan. Nagpasiklaban sa pag-awit ang mga diva at feeling divang teachers na sina Lea Capule, Jana Orillaza, Mayvelyn Tolentino, Liza Gesmundo, Aylene Reyes, Lynn Yu, Sarah Sario at Claire Rivera habang walang sawang nakikinig at pumapalakpak ang ultimate hunk at artistang si John Apacible na naroon din sa resort na iyon. Sa pagitan ng bakbakan ng boses ang solo pictorial ng bawat isa kasama ang nasabing artista maliban kay Janice Nuevo at Girlie Deomano na mas pinili pang magbulok ng mata.



Sunday, March 23, 2008
Semana Santa
Taun-taon ay bahagi ng aking paggunita ng Semana Santa ang pagsama sa prusisyon tuwing Biyernes Santo. Hindi ako relihiyosong tao ngunit nakasanayan ko na ang ganitong gawain sapul noong ako'y bata pa. Isa lamang ito bukod sa Pasko sa dadalawang okasyon kung saan regular na pumupunta ang aming mag-anak sa simbahan.Katulad ng mga nagdaang Biyernes Santo, marami pa ring tao sa loob at labas ng simbahan. Kilala Kasi ang San Pablo sa buong bansa sa may pinakamagarbong prusisyon ng mga antigong imahen ng mga santo at santa. Hindi iilang pambansang pahayagan at palabas sa telebisyon ang naglathala
ng mga artikulo at nagpalabas ng mga dokumentaryo tungkol dito. Kayat hindi kataka-taka kung dinarayo ito ng mga turista at kilalang mga personalidad.Ngayong taong ito kakaiba ang prusisyon sapagkat pagkalipas ng maraming taon muling pinagsama ang mga imahen ng simbahan at ng mga santo ng mga kilalang tao sa San Pablo. Hindi katulad ng mga nagdaan Semana Santa kung saan bukod ang prusisyon ng "mayaman" at "mahirap". Naging bukambibig raw ito ng mga panatiko ng prusisyon simula nang ihiwalay ng simbahan sa pamumuno nang noo'y Kura Paroko na si Padre Dolleton ang kanilang mga santo sa mga imahen na pag-aari ng mga mayayamang angkan sa
bayan na pinamumunuan naman ni Ado Escuderro. Ayon daw kasi sa simbahan, hindi raw makatarungan na magsama ng mga artista sa prusisyon para makahikayat ng maraming tao sapagkat nawawala raw ang kabanalan ng Semana Santa. Idagdag pa na sa halip daw na pagdarasal ang unahin ng mga tao habang lumalakad ang prusisyon ay ang walang katapusang paglingon sa iniidolong artista ang inuuna. Kayat ang nangyayari, ang papuri sa banal na Mahal na Ina o kay Hesuskristong
tumubos ng kasalanan ng sanlibutan ay napupukol sa ganda o kinis ng balat ng artista o kaya'y damit na suot niya. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, sa mahabang taon ay naging dalawa nga ang prusisyon at naging dahilan nang pagkalito ng sambayanan. May mga taon pa nga raw na parang nagpapasiklaban ang dalawang kampo kung saan prusisyon mas marami ang sumasama. At syempre pa, usap-usapan din lagi taun-taon kung kaninong karosa ang higit na maganda at higit na pabulosa. At ang nakalulungkot pa, ang ganitong senaryo ay hindi lamang tuwing Biyernes Santo nagtatapos sapagkat ang iringan ay umaabot pa hanggang Pasko ng Pagkabuhay. Iba ang seremonya ng "Salubong" sa loob ng simbahan at iba rin syempre ang bersyon ng mayayaman nang pagtatagpo ni Hesus at ni Maria sa gitnang bahagi ng plaza ng bayan.Ngayong taon na bati ang simbahan at ang angkan ng mayayaman, nagkaisa muli ang buong bayan. Sabay-sabay na sumama sa iisang prusisyon ang lahat. Kung noo'y marami ang mga poong nasa karosa ngayo'y higit pang nadagdagan dahil sa magkasanib na pwersa kayat walang paglagyan ng papuri ang lahat nang makakita. At kung noo'y umaawit ng papuri ang mga sikat na artista sa entablado sa gitna ng plaza kapag dumaraan ang mga santong kanilang pinapupurihan, ngayo'y kumakanta na rin sa mga misa sa loob mismo ng simbahan.


Kanina, habang nagninilay ako sa mga tagpo sa buhay ng ating Panginoon sa loob ng simbahan sa pagdalo ko ng Misa ng Muling Pagkabuhay. Iniisip ko ang tunay na kabuluhan ng Mahal na Araw. Kapag kasi nakikita ko ang mga santong nagagayakan ng magagarang kasuotan at ang mga taong dumadaluhong sa mga sariwang bulalak kahit hindi pa nababasbasan ng pari ang gayak ng mga pabulosang karosa ng mga santo, gusto kong isipin kung minsan na bahagi lang talaga yata ng ating kultura ang Semana Santa. Na ang marami sa atin ay sumisimba lamang kahit hindi alam ang tunay na kabuluhan nito sa ating buhay. Idagdag pa na karamihan ay sumasama lamang sa prusisyon hindi dahil sa marubdob na panata kundi dahil nakasanayan na lamang.Nawa'y pagtibayin at patatagin ang ating pananampalataya tungo sa isang mayapa, maunlad at nagkakaisang bansa.
Sunday, March 16, 2008
Pamahiin
Sa pagpanaw ng aming lola, marami ang nagsasabi na may agimat raw ang matanda. Bihira na raw kasi sa kasalukuyang panahon ang humahaba ng ganoon katagal ang buhay. Idagdag pa na hindi man lamang daw ito dinapuan ng sakit katulad ng ilang matanda na naratay muna sa banig ng karamdaman bago binawian ng buhay. Sa madaling salita, pumanaw si Lola nang dahil sa katandaan at hindi sa kung ano pa man.
Ilang buwan bago mamatay si Lola, marami ang nagsabi bulungan na raw namin siya na paluwain ang anting-anting nito o kaya'y ipasa sa iba para ito'y makapamahinga na. Ilan din ang nagpayo na ipakumpisal na ito sa pari at hilingin na sa Panginoon na bawiin na ang buhay nito upang hindi na maghirap pa. Kayat ilang linggo rin siyang pinadasalan ng kanyang mga anak sa pamangkin nitong alagad ng simbahan.
Sa paglisan ni Lola, sari-sari ang pamahiin sa kanyang burol. Hindi naman ito bago sapagkat si Lola noong nabubuhay pa ay isang matandang mahilig rin maniwala sa mga sinaunang kaugalian kaya naman hindi kataka-taka na naipasa niya ang ganitong klase ng makalumang gawain sa kanyang mga anak.
Ewan ko pero hindi ko lubos na maisip at matanggap ang ilan sa mga pamahiin sa lamayan. Gusto kong isipin na ang daming Pilipino na nauto ng ganitong kultura na pinakalat ng sinumang Pontio Pilato. Sa tuwing sinasabi ko na isama na sana ni Lola sa kanyang hukay ang mga pamahiing ito, lagi ay pinagagalitan ako ng aking mga tiyahin. Ano ba naman daw ang ipinagsisintimyeto ko eh wala namang mawawala kung susunod sa mga ito.
Kung sabagay, may punto de bista ang mga tiyahin ko. Pero matay ko mang isipin parang wala ng saysay na sundin pa ang ganitong mga kaugalian sa makabagong panahon.
Ano ba naman ang kaugnayan nang pagwawalis, paliligo, pagsusuot ng matitingkad na kulay ng damit at paggugupit ng kuko sa pagkamatay ng isang tao? At sino naman kayang henyo ang nakaisip na ang pagpapatung-patong ng mga pinggang hugasin, pagkain ng mga gulay na gumagapang at pagpapalit ng kandila sa tabi ng ataul ng hindi nililinis ang kandelabra ay nangangahulugang pagpanaw ng susunod na miyembro ng pamilya? Idagdag pa na huwag raw iiwanang walang bantay ang ataul sapagkat kukuhanin raw ng aswang ang bangkay ng namatay. Hindi ko rin maunawaan kung bakit kailangan pang takpan ang salamin sa bahay upang hindi raw makita ang repleksyon ng yumao. Maging ang mga kamag-anak kong babae na dinatnan ng buwanang dalaw ay pinagbabawalan ring makipaglamay sapagkat maari raw maging dahilan ito ng pag-urong ng kanyang regla. Gusto ko tuloy paniwalaan na ang mga kamag-anak ko mismo ang gumagawa ng sarili nilang multo na sa kalauna'y sila rin ang matatakot.
Tuesday, March 11, 2008
Insomya
Kaninang madaling-araw, habang pinagtyatyagaan kong panoorin ang replay ng Daily Top Ten sa Myx ay naisipan kong magpakasenti at mag-feeling makata. Ito ang naging bunga ng aking imahinasyon.
Singga na naman ang gunitang
walang bakas ng patutunguhan.
Salimbayan ang mga alalahanin
at walang paglagyan ang mga isipin.
Naglaho na ang kamandag ng dilim...
Lubog na ang pangil
ng mga manananggal na naghasik ng lagim.
Pagaw na ang boses ng magbabalut sa kasisigaw
habang ganado sa pagpalahaw ng "taho"
ang tinderong nabiyayaan ng tulog.
Luma na ang balita kahapon
ngunit pinagtyatyagaan pa ring basahin...
mabulok lamang ang mata
at makasilay ng sariwang umaga
o kahit tanghali... o maski gabi.
Tiyak, kulaba na naman ang durungawan ng kaluluwa
bukas... o sa isang araw... o baka sa makalawa.
Friday, March 7, 2008
Gilas
Kahapon ay nagtapos ang tatlong araw na training-seminar namin sa Gil@s tungkol sa Internet Literacy, Networking Administration at PC Maintenance and Troubleshooting.
Oo nga't nagtapos ako ng BSEd, Filipino naman ang aking pinagkadalubhasaan sa kolehiyo kayat walang duda na minsa'y nangangapa ako sa seminar. Napasabak lamang naman kasi ako sa pagtuturo ng Basic Computer nang biglang nagkaloob ng sampung yunit ng personal computer sa aming paaralan ang Department of Trade and Industry. Syempre dahil bata at hindi katulad ng ilang may edad ng guro na may phobia sa makabagong teknolohiya hinugot ako sa pagtuturo ng Filipino at kinumisyon na magturo ng nasabing aralin.
Hindi katulad ng mga ilang seminar na aking nadaluhan na nakasentro sa kikitain ng dami ng mga magsisidalong guro, walang bayad ang training (kaugnay ito ng pagbibigay ng organisasyon ng server at libreng Internet Access sa loob ng isang taon). Idagdag pa na sadyang nilimitahan lamang ang mga nagsidalo upang maging peronal ang pag-atake ng liksyon. Hands-on at one is to one per participant ang ratio ng bawat computer kayat mabilis naming nakukuha ang liksyon.
Hindi rin matatawaran ang galing nina G. Jerome Blanco at G. Pete Rabago bilang mga gurong tagapagsanay. Bukod sa kalmadong boses, kakikitaan din sila ng masayahing personalidad dahilan kung bakit hindi nahihiyang magtanong ang marami sa amin tungkol sa mga liksyong minsa'y nakalilito sapagkat may pagka-teknikal partikular ang mga gawain sa PC Troubleshooting noong huling araw.
Bagamat hindi ginanap sa malayong lugar ang nasabing pagsasanay katulad ng nais ng marami sa aming mga guro para panandaling makapaglakwatsa at makatakas sa obligasyon at trabaho sa paaralan, walang alinlangan na talo pa nito ang aming mga naging karanasan sa mga seminar sa Baguio at kilalang hotel sapagkat taglay namin sa aming pagtatapos ang mga makabagong karunungan na maipapasa namin sa aming mga tinuturuan. Hindi katulad ng mga naging una naming karanasan sa mga nagdaang seminar na nauuwi lamang sa yabangan at pasiklaban ng gurong nagsidalo.
Salamat sa Gilas at naging totoo kayo sa inyong pangalan at adhikain - ang gisingin at pag-isahin ang kabataang Pilipino para sa isang magandang kinabukasan sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.
Umasa kayo na kaisa n'yo kami.
Watersheds and Drinking Water: Our Responsibility
Please take time in reading because I genuinely believe that water is truly our accountability.
WATERSHEDS AND DRINKING WATER: OUR RESPONSIBILITY
Be alarmed as you try to picture this scenario in the movie, The Tuxedo of Jacky Chan. In this terrorizing motion picture, the villain’s intention is to sabotage the world’s water supply by adding an ingredient that will cause the victims to dehydrate and die; a sinister maneuver so that people will only depend on the bottled water he invented in order to live. In reality, isn’t it true that we can be the villains of our own story when water is concerned?
Ladies and gentlemen, a pleasant afternoon to all of you.
It is actually quite astonishing for me that our affinity to water as a prized liquid is absolutely incomparable. Water, like religion and ideology, has the power to move each and everyone of us. We adore it, we play in it, we write, sing and dance about it, we holiday near it and we fight over it. As we all live together on this water planet, in our water bodies, we are inherently and intrinsically fascinated to healthy water. Isn’t that amazing?
Water, with no uncertainty, is an important part of our being. Its significance cannot be estimated for it is a fundamental element to life and society – a major source of nourishment and energy, a raw material for practical and productive activities, a way of transport, a determinant aspect for the preservation of the ecological balance and an integral part of the public patrimony. It is also effortless to mention its dynamism in our bodies for it plays a major role in our overall physical health and spiritual well existence.
The countless uses of the miraculous element God has given us seem endless. However, is this really our concern, the infinite uses of water in our lives? Is this all that matters?
We should be aware that today, many of us have regrettably lost respect and concern for water and Mother Earth. We are recklessly destroying water’s life-giving capacities. Water, the lifeblood of human race, has been deserted and contaminated to the limits. It is so ironic that we cried over the rotten body of a dead criminal thrown in our dams for we fear that it makes our water dangerous for drinking but we care less for the abundant seas and great rivers that are domicile to teeming water creatures and yet become a dumping ground of our poisonous wastes.
Friends, poor water condition is a growing global concern. It is heart-breaking to know that the water we drink which gives us life is the same water that kills the future generations.
According to the report by the International Atomic Energy Agency, an estimated 1.1 billion people have no access to safe drinking water, 2.5 billion lack proper sanitation and more than five million people die each year from waterborne diseases such as malaria, cholera, dysentery, schistosomiasis, infectious hepatitis and diarrhea – ten times the number of casualties killed in wars around the globe. The world is running out of potable water and a major policy initiative to guarantee freshwater as a human right is required.
Ladies and Gentlemen, we need a global approach to solve the problem from all sides. We have a lot of ways to meet our energy needs. We must educate the people, we should require the scientists to create new technologies, we ought to obligate the engineers to generate the networks, and we should strengthen every human being to be aware of how precious water is. We must understand that everybody has to be involved in a very firm and assertive way. Each one must treat water as the most important thing in the world, the most valuable natural resource. And so, let us not be extravagant so that this cherished commodity will never run out. We cannot afford to be negligent about water for a simple fact that in human consumption there is only limited amount of it in this planet.
The hard lessons of history are clear; a nation that fails to plan intelligently for the development and protection of its precious waters and watersheds that sustain it will be condemned to wither because of its shortsightedness. Let us all be ecologically sensible. Be economical with water. Don't waste it! We still have time to do something about this problem before it is too late. The protection, revaluation and sustainable development of the water resources and watersheds are actions of general interest. The human right to water is essential for leading a healthy life in human dignity. It is a pre-requisite to the realization of all other human rights.
Now is the time to do what we ought to do. Let us be superheroes in ourselves and make this world we live in a better place. The challenge is on you and me, on all of us. Let us be responsive to the call where the answer lies only on our hands. Let us all have a common goal of stopping the ill-practices of contaminating our water supply and watersheds. Let us develop consciousness, a sense of preservation, and a sense of responsibility. Let us treasure one of the miracles God has bestowed upon us, the life giving water.
Ladies and gentlemen, remember that when God created us human, He endowed us with the highest intellect among His creations to guard all the worthy things He has given us including the valuable water we inhabit. I therefore say, that it is our sole responsibility to protect water, God’s ultimate gift to humanity, for water means Life.
Today, as we campaign and struggle for clean water, let this meaningful passage by a critically-acclaimed author Jane Scrivner becomes our guiding principle in life – “The waters of life run through me, love and light!” A word for word pronouncement that will prove, that water, truly, is the blood in our veins.
Woman of Substance
Ito ang kauna-unahang kong declamation piece na nasulat sa Ingles. Tinawagan kasi ako minsan ng isa kong kaibigan para gumawa ng piyesa para sa kanyang hipag na lalaban sa timpalak nang pagsasatao.
Noong una, ayaw ko pang pumayag kasi mas sanay akong magsulat sa Tagalog partikular ng mga sanaysay at talumpati pero napilitan rin ako sa bandang huli. Salamat na lang at may mga kapwa akong guro na nauto (he.he.he.) para mag-edit ng piyesa. Sa iyo Sarah Sario, at Mrs. Rosette Banzuela, maraming salamat. Salamat din kay Ms. Rose Robielos ang supervisor sa English ng San Pablo sapagkat sa mapanuri niyang mga mata ay nakita pa niya ang ilang kamalian ng piyesa at naitama ito.
Woman of Substance
Declamation Piece on Quality and Excellence in Education for Social Transformation
By Dennis B. Lacsam
Look at me. Just look intently. With my calm disposition in life, no doubt, I am a woman of substance. Am I not?
I may be chic, for I am clad with the most fashionable clothes but deep inside me is a lady who is an embodiment of a dignified persona.
I speak with depth. My words are peppered with mantras of wisdom and I verbalize all of these not to impress anyone of you but to inspire you to believe that you are somebody worthwhile too.
In the past, I wasn’t like this. I was just a typical probinsyana striving to make a name in my school in the metropolis. I dredge up being called by my classmates “baduy”, “bakya”, “low class”, “walang ibubuga” – words and phrases which were not pleasing to my senses. Because of these unfair criticisms, I had learned to be hostile. I associated myself only with men of good character to esteem my reputation. Though, cliché that “No man is an island” is a prevailing belief, however, my guiding principle sticks with me all the time – It is better be alone than to be in a bad company!
Yes, adventure is sensible, so, during those school days I had learned empowering myself with exciting and stimulating activities, for I know that those who will risk going too far can possibly find out how far one can go. As a result, I had prompted myself to go beyond my potentials. I harnessed new skills, embraced innovative insights and accepted fresh ideas.
If you think that I am officious, domineering or over assertive, please… please… think not! Imbued with me is my genuine sense of firmness. I know that I am not perfect just like all of you but I am careful not to lose my confidence. Courage, resilience, optimism, and faith will always be my virtues in life. I never mean to sound arrogant but I also don’t assume a deceitful modesty.
Many of my friends didn’t like me before. They had preconceived wicked notions about me. At one time, somebody dubbed me as an atheist! I burst into hilarity… Ha.ha.ha. Me, a nonbeliever? Of course not! Circumstances reminded me that no matter how I please my earthly satisfactions, I would feel emptiness inside without the inner joy acquired by knowing God.
Looking back at my life, I know I am a success! I’ve been envied and have been the subject of intrigues and false allegations. Who might have thought that a woman as young and as vibrant as me would have all the worthy things and noble opportunities in her hands? It may seem haughty but it is an obvious reality. Understand that achievement doesn’t happen in an instant. It is organized and anticipated by consistency just like what I did! My accomplishments were born out of diligence. It’s not a charmed life as people think. The harder I work, the luckier I get!
If I picture myself a sense of destiny, will you blame me? Oh, please… don’t! Mediocrity is not in my vocabulary. I studied and disciplined myself well because I want to achieve something. I enhanced my abilities and performed with excellence for quality of life is my major objective. How do you think can I inspire people to do better if I, myself am not? Yes, I want to be on top but not to possess power or dominance but to become an instrument of change for improving the lives of others. I mean what I say for I know, I can! My assertiveness is in my system – it runs through me!
Now, just look at me again. Stare absorbedly. With my stature in life, do you think I can motivate people to be the best that they can be? Judge.
Bagito
Ngayon, babalikan ko ang pagsusulat. Kung noon ay kinakatas ko ang laman ng aking isipan upang ilagay sa isang blangkong papel, ngayon ay pipilitin kong tipain ang bawat letra ng computer keyboard na pag-aari ng aming paaralan para lamang makagawa ng mga obra na aking ikasisiya. Kung mayroon man akong masaling sa aking mga katha, ipanauuna ko na ang aking pasensya. At kung mayroon namang masiyahan, umpisa pa lang ay nagpapasalamat na ako.