Wikipedia

Search results

Sunday, June 10, 2012

Balagtasan sa Palawan



Republic of the Philippines
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF SAN PABLO CITY
San Pablo City, Laguna


BALAGTASAN

Paksa:

Nakatutulong ba ang Makabagong Teknolohiya sa Pagtataas ng Kalidad ng Edukasyon?


Mula sa panulat ni DENNIS B. LACSAM

MISHAEL F. PONTANOZA bilang Lakandiwa
NORIELYN LAT – magtatanggol sa Sang-ayon
ANNIE D. ATIENZA – magtatanggol sa Di Sang-ayon


Lakandiwa:

Sa mga naririto na mutyang panauhin
Sa mga katunggali at kaibigang giliw
Pinagpalang araw po itong pagbati namin
Sana ay masiyahan sa tulaang gagawin.

Ako’y ‘sang lakandiwang ngayon ay naatasan
Manimbang ng katwiran nitong magtatagisan
Ng galing sa pagtula at sa pangangatwiran
Sa paksang napili na dapat pagtalunan.

Ano nga ba ang higit at sadyang mahalaga
Sa ating pag-aaral sa loob ng eskwela?
Makabagong paraan o ‘yung makaluma pa
Digital literacy, sang-ayon o hindi ka?
Atin na pong tawagin dito sa entablado
Ang dal’wang maririlag, makatang magtatalo
Parehas pong magaling at magpapatotoo
Atin pong salubungin, palakpakang todo


Norielyn: (Pagpapakilala)

Ako’y si Norielyn Lat ngayo’y nagpapakilala
Handa nang tumula, panig ay ibandera.


Annie: (Pagpapakilala)

Sa inyo’y nagpupugay ngala’y Annie Atienza
Magtatanggol sa panig at nagpapakilala


Lakandiwa

At upang magkahugis napili ngayong paksa
Sa ‘ti’y maninindigan itong dal’wang makata
Na bantog hindi lamang sa kanilang pagtula
Maging sa katapangan at ganda ng adhika.

Ngayong nagampanan na ang una kong tungkulin
Handa na ba kayo sa inyong gagawin?


Norielyn at Annie:

Handa na po kami.



Lakandiwa:

Kung gayo’y, halina’t simulan na natin
Ang pagtatagisan ng talinong angkin!

Ngayong uumpisahan ang ating Balagtasan
Ay napakahalaga’t marapat n’yong malaman
Na ang ating tulaan ay isang tunggalian
‘Di ng nararamdaman kung hindi ng isipan.

Sa pagpipingkian n’yo ng hinandang talino
Ay hindi maiwasang masugatan ang “ego”
Palaging unawain na ito’y hindi gulo
Balagtasa’y tapatan ng mapayapang ulo.

Kapag magsasalpukan nitong mga taludtod
At hindii maiwasang masaling ang ‘yong loob
Ang aking tagubilin ay iwasang mapoot
At maging mahinahon sa inyong paghahamok.

Ngayo’y unang titindig upang mangatwiran
Magandang binibini Nory ang kanyang ngalan.
Ipagtatanggol kusa sa kaniyang kalaban
Na sa ‘ting paaralan, digital ang kaylangan

Kaya upang magsilbing inspirasyon naman
Salubungin natin s’ya ng isang palakpakan.


Norilyn: (Unang Tindig)

Maraming salamat po mabunying lakandiwa
At sa lahat ng narito, ‘sang pagbating may tuwa
Ngayo’y maninindigan at ‘di magpaparaya
Magtatanggol sa panig ng napili kong paksa.

Sa panahong moderno teknolohiya’y uso
‘Pag hindi mo ginamit sinauna kang tao
‘Di uunlad ang isip pupurol ang ‘yong ulo
‘Yan ba ang nais natin upang tayo’y matuto?

Sa daming pagbabago sa mga eskwelahan
Magpatalo’t magpahuli’y hindi dapat dahilan
Sapagkat ito’y ugat ng mga kamangmangan
Na pupwedeng mauwi sa ‘sang kapahamakan.

‘Pag ‘di natin binago mga nakasanayan
‘Di magawang mag-up-grade ng mga nalalaman
Tiyak na pupulutin tayo sa kangkungan
Sapagkat mababaog ang ating karunungan.

Kayat sa ganang akin, digital ay isulong
Upang ang pag-aaral ay hindi papaurong
Lalo na sa panahong maraming sinusuong
Ang makupad ay talo’t iwanang bumubulong.



Lakandiwa:

Magaling ang tinura’t ginawang unang ulos
Ng ating binibining ‘di yata mapapaos
Bagamat mahinahon at bigkas ay malamyos
Ramdam mong matapang sapagkat nagpupuyos.

Ngayo’y titindig naman dalagang kasalpukan
Ng tulang may haraya at may paninindigan
Ipagtatanggol niya at pangangatwiranang
Itong teknolohiya’y ‘di sagot kaylan pa man.

Atin nang papurihan mutyang maninindigan
Annie, kanyang pangalan halina’t palakpakan


Annie: (Unang Tindig)

Marami pong salamat sa mga palakpakan
Pati sa lakandiwang puno ng Balagtasan
Ako po ay tumayo nang makapangatwiran
Sa paksang atin ngayon ay pinagtatalunan.

Batid siguro natin na sa mahabang taon
Edukasyo’y umusbong ng hindi nakakahon
Kuryente’t baterya ay hindi naging tugon
Para lang itong leksyon sa bata’y maiayon.

Ang paaralan nating pintungan ng talino
Na nagmula sa guro na matalinong tao
Na siyang lumilikha ng teknolohiya mo
Ano pang dahilan at kaylangang magbago?

Ang mga kaalamang dati nang nalalaman
Ngayon ay ikinahon at pinagalaw lamang
Ngunit ang kaisipang tinataglay naman
Ay luma’t dati na pagkat nirepaso lang.

Kaya ang aking hiling, digital ‘wag asahan
Upang kaisipan ay lumago nang tuluyan
Ang ating katamaran ay ‘wag gawing sandigan
Matinong edukasyon ang kaylangan ng bayan.


Lakandiwa:

Sadyang ‘di patatalo dalagang minumutya
Sa kalabang kanina ay pa-ismid na tumula
Sa matalas na bigkas ng tulang may haraya
Bakas ang katapanga’t walang kahiya-hiya.

Mainit itong dal’wa kayat ako ay tatabi
Maggirian na lamang hanggat may masasabi
At kayong madlang people na ngayo’y sumasaksi
Gamitin mga kamay upang ganahan kami.


Norielyn: (Ikalawang Tindig)

Ito pong si Anitang katunggaling dalaga
Luma na ang itsura isipa’y walang kwenta
Hindi kataka-takang utak ay ‘sinasara
Sa mga pagbabago na para rin sa kanya.

Dalagang katunggali sa aki’y makinig ka
Sapagkat ang nais ko sana’y matauhan ka
Nababatid mo pa ba na sa loob ng eskwela
Leksyon ay iba-iba’t may pamamahayag pa.

Ngayon ba’y gagamit pa ng lumang makinilya?
Pudpod na ang daliri ‘pag mali’y uulit pa
Kaya naman itong balitang ipapasa
Kung hindi man bilasa ay wala na sa moda.

Balita’y panitikang laging nagdudumali
Maghatid ng mensahe na walang pasubali
Sa mambabasang uhaw sa mga nangyayari
Na ayaw maungusan at ayaw magpahuli.

Kung ang teknolohiya ay hindi gagamitin
Itong pamamahayag ay sinusupil natin
Na tuluyang lumago’t manatiling inutil
Dahil sa pag-iisip na medyo mapaniil.

Kawawang paraluman ng lumang pahayagan
Wala ng ibubuga’y nakikipagtalbugan
Sa makabagong Facebook, lubha kang maiiwan
At pati na sa Twitter sadyang pangmabilisan

Kung mananatili kang sa luma’y dedepende
At pakaaabangang malimbag ang detalye
Baka ang balita mong tungkol sa duwende
‘Pag nabasa ng tao’y ukol na sa higante.

Binibining maitim matuto kang gumising
Magmulat ka ng mata at umiwas sa dilim
Tanawin ang liwanag ng ating journalism
Ngayon ay nasa kamay at hawak-hawak natin!



Annie: (Ikalawang Tindig)

Ako’y pinatatawa ng unanong lukresya
Na nanggagalaiti sa paksa kanina pa
Pinangangalandakang ang bago ay maganda
Paghihitsura naman ay muchachang pindangga!


Pinanghihimasukan ang leksyon sa eskwela
Na paglipas ng taon ay nagpaiba-iba
Pati pamamahayag kanyang idinamay pa
Ang lahat na’y nakita gayong pikloy ang mata.

Marahil nga kung minsan balita ay mabagal
Sigurado ka namang ‘di kasinungalingan
Sapagkat matutukoy na pinanggagalinga’y
Peryodistang marangal at hindi kung sino lang

Ang computer na high tech, mabilis at bago nga
Makinilyang hinamak sadyang walang panama
Ngunit kapag ang virus ay umatakeng bigla
Balita’y ‘tiyak wala, babasa ay kawawa.

Ang ‘yong pagmamataas ‘pag ‘nilagay sa utak
Nakatitiyak ako na ikaw ay babagsak
Sapagkat ang tulad mong, utang na loob ay salat
Kung hindi man pumalya ay tiyak lalagapak!

‘Pinagmamalaki mo itong Facebook at Twitter
Na siyang sinisisi kung ba’t sa ispeling ay under
‘Tong mga kabataan na laging walang answer
Sa eksamen ay hulog, sa twina ay repeater.

Iyong pakatandaan, maputlang paraluman
Na ang mamamahayag ay may pananagutan
Sa kanyang mambabasa na pinag-aalayan
Ng balitang nakalap at mga panitikan.

Kaya sa’yo ang payo ko manahimik sandali
Itikom ang ‘yong bibig at linisin ang budhi
Sa halip mangatwira’y bumalik sa dating gawi
Upang pamamahayag sa bansa ay maghari.






Lakandiwa:

Painit nang painit itong balitaktakan
Dalawang nagtatalo panay ang pagalingan
Maamong mga tupa sa simula ng laban
Ngayon ay mga tigreng mananakmal na lamang.

Kayat upang lalo pang tayo’y maliwanagan
At nang tumigil na rin ang mga iringan
Ngayo’y tatapusin na ng dalawang naglalaban
Ang salpukan ng tula na may paninindigan.


Norielyn: (Ikatlong Tindig)

Pasikat kong kalaban ako’y pinatitigil
Ipagtanggol ang panig pagkat takot marahil
Ano pa kaya kapag, bao’y isa-isahin
Tiyak na magtatago’t ‘di alam ang gagawin.

Ang mga katulad mo na sa isip ay salat
Ang tunay na dahilan kung ba’t tayo’y kulelat
Sa talaan ng bansang patuloy sa pagsikad
Kayat sa buong mundo ay namamayagpag

‘Di ka ba natutuwa na may kaagapay ka
Sa iyong pag-aaral sa loob ng eskwela?
Madali ang gawain at nagiging global pa
Pupwede pang iimbak, i-integrate sa iba.

Sa mundong makabago ito ang tandaan mo
Sa ating pag-aaral, pwedeng ‘di magsaulo
Pagkat itong leksiyon masyado ng tekniko
Nakalimbag lang sa net, tablet at telepono.

Maging mga pahayagan ay blog na ang itsura
Piktyur ay gumagalaw may vidyong naka-link pa
Kaya po naman itong pinoy na bumabasa
Kung ‘di man tuwang –tuwa, lumuluwa ang mata

Kaya po binibini na nagpapatahimik
Ba’t di pa mag-impake, umuwi at umidlip
Kapag nahalata ka nila na naiinggit
Kukutyain kang labis kukurutin sa singit.


Annie: (Ikatlong Tindig)

Ako’y hindi pasikat ayaw lang magpakutya
Lalo na sa tulad mong may lason ang salita
‘Di ako naparito upang magpakumbaba
Hangad ko ay tumula’t ipagtanggol ang nasa.

Baliw kong katalo na tila nahihibang
Lumalalim ang hapon bibig ay umaanghang
Sa iyong kagustuhan na ako’y maungusan
Ay ipapahamak mo ‘tong ating Inang Bayan.

Ilan na ang nasadlak sa kapariwaraan
Ng Facebook at Internet na ipinagyayabang?
Kabataang nalisya ay hindi na mabilang
Sapagkat impormasyo’y bastos at mapanlinlang!

‘Wag mo akong sisihin sa ’yong kapabayaan
Na kinambalan mo pa ng iyong katamaran
Ang lakas ng loob mo na makapangatwiran
Gayong alam ko namang mayrong pinagtatakpan.

Palagay mo’y kaya ba ng bansa na mag-isa?
Na makipagtagisan ng leksyon sa iba
Ngayon ngang sa cyberspace ika’y kakaba-kaba
Sapagkat nabalitang Wikipedia’y magsasara.

Ba’t ako maiinggit sa mukha mong kay pangit
Na tinernuhan yata ng utak na makitid
Kaya po itong madlang sa ati’y nakikinig
Kung hindi man masuka sa tawa’y nag-iihit.



Balitaktakan:


Norielyn:

Ginagatungan mo pa ‘tong madlang manonood
Na kanina pa yatang sayo’y nayayamot
Natutulig ang isip at sa mukha mo’y takot
Lalo na pag ‘yong mata at ulo’y umiikot
Annie:

Nagsalita si Aneng na mukha’y parang mamaw
Kaya naman ‘tong madla sa tawa’y namamagaw
Nawawalan ng gana at gusto nang umayaw
Sapagkat kanina pang palahaw nang palahaw.


Norielyn:

Ikaw ang mukhang mamaw babaeng ulikba
Sapagkat ang tulad mo’y sa dilim yata ginawa
Hindi ka na natakot na ako’y ipahiya
Gayong kasangkapan mo ang digital sa paggawa.


Annie:

Unanong paraluman ‘wag mo akong sumbatan
Sapagkat kailanman ‘di kita kinaylangan
Sa panahong makabago ako ay nagpaiwan
At tumanaw ng loob sa aking nakagisnan.


Norielyn:

Weh ‘di nga? Kaya pala! Sa Multiply, up-dated ka!
Mga picture mong kay pangit sine-share pa!



Annie:

Ang personal kong buhay ay huwag mong iramay!
Kung ayaw mong masuntok ang mukha ng kaaway!


Lakandiwa:

Tama na at itigil itong balitaktakan
Sapat na ang narinig inyong mga katwiran
At baka pa humantong sa matinding awayan
Ang ating ginagawa na pagba-Balagtasan.

‘Di na nagugustuhan inyong pangangatwiran
Sapagkat mga tono ay nagpepersonalan
Pamamahayag lamang ang pinagtatalunan
Subalit nauuwi sa mga pasiklaban

Hindi dapat limutin, sa bawat Balagtasan
Higit na mahalaga, ay punto ng katwiran
Kapag ‘yong isinama itong nararamdaman
Ay siguradong g’yera at kapwa masasaktan.

Sa mga paliwanag na kanina’y narinig
Ay parehong mahusay ang dalawang nagtagis
Kaya akong lakandiwa ngayon ay nahahapis
Kung anong hatol dapat ipataw sa nanangis.

Bagaman at isyu nga sa modernong panahon
Kung itong edukasyon ay ‘di dapat ikahon
Sa ‘king paniniwala ay hindi s’yang solusyon
Ang mga pagtatalo, sapagkat kunsumisyon.

Kung aking pipiliting paksa ngayo’y lutasin
Sa halip na maayos baka lalong lumalim
Kaya po ang payo ko ay inyong marapatin
Ang dalwa’y palakpakan at ngayo’y pag-ayusin.


Thursday, March 15, 2012

2nd Voice of the Youth

New Champion Orator Declared 
February 28, 2012

From more than 600 high school participants nationwide down to 12 young orators during the finals, Karl Ckristian A. Cruz of Saint Mary’s College of Tagum in Tagum City, Davao del Norte, emerged as the National Champion of the 2nd Voice of the Youth — National Oratorical Competition (VOTY) on February 27, 2012 at the Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City.

Spearheaded by the Department of Education (DepEd), National Youth Commission (NYC), and STI Foundation together with the STI network of schools, the VOTY is an advocacy that aims to develop critical thinking and English communication skills among the youth today.

The 12 finalists, already winners in their own right after winning the divisional and cluster levels of the competition, delivered their prepared speeches themed "Rediscovering Filipino Values: I See. I Act. I Advocate." to a distinct panel of judges composed of Mr. Leon Flores III, Chairman and Executive Officer of NYC; Mr. Teodoro Locsin, Jr., broadcast journalist; Dr. Francisco Benitez, President, Philippine Women’s University (PWU); Dr. Patricio Lazaro, a former Speech and Drama professor, University of the Philippines-Diliman (UP); and Ms. Yasmin Nuguid, Literature Coordinator, St. Scholastica’s College, High School Department.


More than 1.5 million pesos worth of prizes were given away. In his winning piece, Karl Ckristian stressed that values are ideas and beliefs that determine a person’s being, which never change. By eloquently expressing his conviction, he impressed the audience and the panel of judges, and won the competition, taking home PhP100,000 in cash. His school also won PhP800,000 worth of computer laboratory package while his coach, Ms. Joan Lanciola, received a CANON EOS 1100 DSLR camera.


1st runner-up Patricia Rianna C. Angeles was very persuasive on convincing Filipinos to be proud of their heritage. She explained that the Filipinos are unique thus Filipino values must be imbibed, practiced, and passed on to the next generation. Patricia Rianna went home with cash worth PhP50,000 and her school, Integrated Montessori Center in Taguig City, Metro Manila got PhP400,000 worth of speech laboratory package. Her coach, Mr. Orlando Pascual also took home an ACER Aspire One Netbook.


2nd runner-up, Zarina Joyce S. Mojica talked about the importance of the values of bayanihan and damayanas awe-inspiring spirits of communal unity, and our love for one another as a family and as a nation. She received PhP25,000 for herself and PhP200,000 worth of audio-visual equipment package for her school, Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School in San Pablo City, Laguna and her coach, Mr. Dennis Lacsam received an AOC 24-inch LED TV.

"I would like to extend my warmest congratulations and deepest appreciation to those who made the 2nd Voice of the Youth National Oratorical Competition a remarkable success! The judges have commended the superior talents of the participants as well as the well ran competition. Even now, we are looking forward to next year's VOTY." shares Monico V. Jacob, STI Foundation President.


Apart from the jam-packed 400-seater RCBC auditorium, the 2nd Voice of the Youth National Oratorical Competition was also witnessed live nationwide through web streaming athttp://eradioportal.com/stistream.asx.




Here is Zarina Mojioca's winning piece written by her mentor Mr. Dennis Lacsam of Col. Lauro Dizon Memorial National High School


Rediscovering Filipino Values: I see, I act, I advocate 
When I was barely ten, every time my sexagenarian late grandmother redundantly narrated her everlasting romantic story on how she was courted graciously and decently through an old Filipino courtship “Harana” by my well-mannered grandfather, I must admit that some part of my being was unconvinced with her self-righteousness. At times, I thought that her out-of-date chronicle was only her way of telling that she was indeed a woman to admire. But as I grow up, whenever I think over on how she managed to maintain her demure and self-effacing Maria Clara character all throughout her grown-up years, and pass these old-fashioned qualities to all of her daughters, I have to confess that I felt a sense of self-respect and gratification because I compassionately believe that I am what I am today for I was honed and nurtured by my beloved mother through the image of my modest grandmother.

To our distinguished board of judges, beloved school heads, teachers, parents, friends, ladies and gentleman, a pleasant afternoon to all of you.
I started my speech with reverence to my grandmother’s conservative way of living for I want all of you to picture the scenario when she was still a teenager during the World War II where women were looked upon as epitomes of virtue that truly deserved to be placed on the “pedestal of male honor”.  A commendable reputation every woman would be thankful for contrary to what have been reported nowadays in the Internet and other forms of media that Filipinas are maliciously being viewed as mail order bride services or as “sex kittens” that would make good wives for older Western men.
I stand before you today as one among you, a private citizen and an ordinary student who doesn’t have enough authority and influence in our society. But I speak before you today, as someone who has an unfathomable faith in the time-honored Filipino values – someone who believes that we Filipinos have so much potential for greatness and deserve a beautiful country and a bright future in our own land.
Yes, it is certainly interesting to note that we, today’s youth is truly a unique breed for we hungrily embraces change, excitedly explores innovations and fervently achieves breakthroughs. But let us examine ourselves. What values are ascribed to many of us today? It is so depressing to note that in these modern times, as our intelligence continuously progresses our redeeming values incessantly deteriorates. The positive and encouraging virtues of humility, integrity, love and compassion taught by our venerable ancestors have been replaced with unkind hypocrisy, arrogance and disapproving behavior towards people. What makes them worst is that these damaging philosophies were done deliberately not to gain respect but to attain dominance or control in the eyes of the public.

Friends, what is being asked of us today are to become good Filipinos, to become good citizens through small acts everyday. We must start planting small seeds of patriotism in our hearts and minds by rediscovering our utmost treasured traditional intrinsic worth. Let us all be persistent in practicing good deeds to one another for according to the late American President Benjamin Franklin “The people’s habits will determine the destiny of their nation.” If all of us could learn to do this, we could become the greatest generation of Filipinos in our history. Always remember that what will make our country beautiful is not economics, but love for one another in the concept of one family as a people and one family as a nation. These are “bayanihan” and “damayan” in true forms, awe-inspiring spirits of communal unity to achieve a particular objective.

Folks, the maladies concerning the deterioration of our positive value system as Filipino are only a drop of water in the widespread ocean. But, if allowed to worsen into fatalism, these admirable characteristics that have been the envied of many can hinder initiative and stand in the way of progress. We have to be aware that our submissiveness with the problems concerning with the weakening of our principles and ethical standards mean accepting that we are ready to face whatever ill-fate is coming in our way.  
Ladies and gentlemen, let us all understand that “pakikisama” may mean amiability and teamwork, which is helpful; but it can also mean conspiracy if only to protect group integrity, which is harmful. Likewise, “paggalang” or veneration is valuable if one reveres merit or respects each others’ ideology and rights, but becomes destructive if it leads to blind traditional values of the questioning impulse.

Today, as we campaign and struggle for the rediscovering our positive moral values as Filipinos, let this meaningful reminder from an unknown author becomes our guiding principles in life Watch your thoughts, they become words. Watch your words, they become actions. Watch your actions, they become habits. Watch your habits, they become your character. Watch your character, it becomes your destiny.”

May we all be a true Filipino in thought, in word, and in deed for it is a pre-requisite to the realization of leading a healthy life with dignity.

Again, a pleasant afternoon to all of you


Friday, January 13, 2012

Seven Lakes: San Pablo City’s Immeasurable Treasures

In the evening of March 15, 2008, GMA 7’s Sine Totoo aired a shocking eye-witness documentary entitled “Alaga” about the deadly parasites known as schistosomiasis that plagued the river and killed the townsfolk of Trento, Agusan del Sur. In that dreadful, deplorable, and disgusting exposure, Kara David, the host of the program interviewed the residents – mother, father, and children all with yellowing eyes and skin and stomachs that rival of those women seven months pregnant. Some of them could no longer stand nor speak while others simply awaited death because of the life-threatening disease. For the said network, the revelation was another milestone because that unforgettable episode brought them as Finalist in the prestigious New York Festivals. But for millions of TV aficionados who have been shocked by the story, it was indeed alarming and tremendously upsetting.

Ladies and gentlemen, a pleasant afternoon to all of you.

I started my speech with that disturbing eye-opener for I want all of you to picture the tragic scenario. Just try to imagine if that same phenomenon will happen to our most treasured seven lakes, which we, San Pableños, consider as our enormous sources of life and livelihood, without uncertainty, survival in this city for majority of inhabitants would be in extreme jeopardy.

Friends, maintaining clean and safe water in our rivers, lakes and oceans remain one of our utmost national and global challenges and responsibilities. It is heartrending to know that over the recent decades, uncontrolled population growth, deforestation, land conversion, intense fisheries, rapid industrialization and urbanization had produced massive changes in our bodies of water and its watersheds. Many of us have unfortunately lost respect and apprehension for water and Mother Nature. Water, the lifeblood of human race, has been abandoned and contaminated to the limits.

In the local scene, DENR reported that none of the country’s 158 major rivers was clean enough to drink in their natural flowing state. Of the 421 rivers in the country, 50 were considered biologically dead. And, only horrible creatures that cause diseases could be found in these rivers due to their rotten condition.

Just recently, massive fish kills in lakes Taal, and Talisay in Batangas and Sebu, in South Cotobato due to high concentration of nitrite and ammonia, toxic substances found in animal wastes from local piggeries and factories have been reported. According to the distressing news, the sight of colossal dead and floating fish left not only local fishing community but the entire nation dumbfounded. It is so depressing to know that the lakes that are home to teeming water creatures have become a dumping ground of man’s toxic wastes.

Friends, even though the said catastrophic occurrence did not happen in our renowned seven lakes, we don’t need to express amusement and gratefulness because according to studies, our lakes are also threatened by human intervention and exploitation, most especially Lake Sampaloc, which is located right at the center of the metropolis. Quite a lot of illegal settlements, prohibited fish pens, commercial and business infrastructures on the shoreline have proliferated on some of the lakes causing increased pollution and severe environmental problems.

Ladies and gentlemen, we can do something about this problem. If the government has its role in preserving our lakes, then we must also have our own. We have to be aware that our passivity with the problems concerning with our lakes means accepting that we are ready to face whatever ill-fate is coming in our way. Let us all work hand in hand in various ecological conservation efforts by giving primary importance to the environment-related problems.

Folks, let us all keep in mind that our majestic seven lakes are not only eye-catching tourist destinations for it also supports a multitude of beneficial uses. Thousands of fishermen and their families depend on it for livelihood, and a thriving fishpen industry in our lakes contribute approximately thousand metric tons of fish annually to the fish supply of our city and nearby provinces. The water resources of the lake, as well as the tributaries that drain into it, are sometimes used for irrigation, power generation, recreation, domestic water supply, and a navigational lane to a thriving water transport industry that serves the lakeshore communities.

The hard lessons of history are clear; a nation that fails to plan intelligently for the development and protection of its precious waters will be condemned to wither because of its shortsightedness. Let us all be ecologically sensible. We still have time to do something about this problem before it is too late. The protection, preservation, rehabilitation and sustainable development of our lakes are actions of general interest. It is a pre-requisite to the realization of leading a healthy life in human dignity.

Ladies and gentlemen, we need an intelligent and compassionate approach to solve the problem from all sides. We have lot of ways to meet our energy needs. We must educate the people, we should require the scientists to create new technologies, we ought to oblige the engineers to generate the networks, and we should strengthen every resident of this city to be aware of how precious our lakes are. We must understand that everybody has to be involved in a very firm and assertive way. Each one must treat the lakes as the most important things in the world, the most valuable natural resources.

My dear San Pableños, it is indeed true that Sampaloc, Bunot, Palakpakin, Kalibato, Mohicap, Yambo and Pandin popularly known as the Seven Lakes of our city are our most indispensable resources but we have to bear in mind, that these heavenly possessions will be gone instantly if we continue to think of them as commodity and not as necessity.

Today, as we campaign and struggle for the preservation of our lakes for the future of San Pablo, let this meaningful reminder from a Native American Proverb becomes our guiding principle in life. “We do not inherit the earth from our ancestors, we borrow it from our children”.

Sunday, August 28, 2011

Anomalya sa KawikaADS 2011

Sa mga bumubuo ng KawikaADS,


Sa kauna-unahang pagkakataon, ay bumaba ang respeto ko sa Uniberisdad ng Pilipinas na sa mahabang panahon ay kinilala ko bilang pinakamahusay na paaralan sa buong bansa.


Sa tootoo lang, hindi ako pinatulog ng dismaya sa naganap na KawikaAds Sabayang Pagbigkas. Hindi dahil sa hindi ang aming paaralan ang nagwagi kundi dahil sa maling diskarte at pamamalakad na ginawa ng inyong organisasyon sa ginanap na patimpalak. Wala sa hinagap na darating ako sa punto na magsusulat ng sentimyento dahil hindi ko ito nakagawian sapagkat alam ko na iba-iba ang panlasa ng manonood at mga hurado kaya nga may sinusunod na pamantayan. Ipinabatid ko na sa simula't simula pa sa aking mga estudyante na hindi ibig sabihin na kapag sila ay natalo ay hindi sila magaling. Maaring hindi lamang sila pumasa sa panlasa ng isang partikular na inampalan. Idagdag pa na nakatatak na sa puso at isip ko ang katotohanang ito sapagkat ako, na palagiang nakukuhang inampalan sa iba't ibang paligsahan pangkomunikasyon ay nakaranas nito dahil sa maraming pagkakataon ay nag-iiba-iba ang desisyon namin ng aking mga kapwa hurado. At ito ay iginagalang ng bawat isa. Ang mahalaga ay sinunod namin ang tuntunin at dikta ng aming kunsyensya.


Walang duda na napakagaling ng nagkampyong pangkat sapagkat bilang mambibigkas, tagapaglikha ng mga pyesa at nagtuturo ng iba’t ibang sining ng komunikasyon sa mga kumpetisyong pampaaralan, pandibisyon, panrehiyon at pambansa ay napukaw nila ang aking kamalayan sa mahusay nilang pagtatanghal. Hindi matatawaran ang ginawa nilang pagpapalutang ng damdamin sa pamamagitan ng pinagsama-samang boses, galaw, sayaw at iba pa. Kung itinanghal man silang kampyon sa kabila ng mga pagdududa, alegasyon o paratang ng pandaraya ay hindi nila iyon kasalanan sapagkat ibig sabihin nito ay pinayagan ninyo itong mangyari.Lagi n'yong tatandaan na sa anumang timpalak bigkasan, mapa-indibidwal o pangkatan man (pagbigkas ng tula, talumpati, sabayang pagbigkas, jazz chants, masinining na pagkukwento, debate, balagtasan atbp.) ang mekaniks o mga alituntunin ng kumpetisyon ang pinakamahalaga sa lahat sapagkat ito ang unang magiging basehan ng pagsali.


Hindi siguro lingid sa inyong kaalaman na ilang gurong tagapagsanay mula sa iba’t ibang paaralang kalahok kabilang ako ang lumapit sa ilan ninyong miyembro para ipaalam na lumabis sa itinakdang bilang ng kalahok ang ikalawang pangkat. Dahil ayon sa mekaniks na ipinadala ninyo sa aming paaralan na pinagbasehan namin ng paglahok ay 15-20 lamang ang bilang ng mag-aaral na pwedeng sumali sa kumpetisyon. Nakalulungkot na hindi n’yo agad ito nasolusyunan nang maaga habang hindi pa ipinahahayag ang resulta. Inantay n’yo pang umalma ang mga galit na manonood matapos ipahayag ang nagsipagwagi.


Paanong hinayaan n’yo pang umakyat ang ikalawang pangkat ng entablado gayong alam n’yo ng sa simula pa lamang ay labis na sila? Hindi ba’t bago ang kumpetisyon ay humingi na kayo on-line ng kumpletong talaan ng kalahok at kanilang gurong tagapagsanay? Sa mga updates ninyo pa sa e-mail ay inilahad n’yo pa sa inyong reminders na “Tanging ang mga istudyanteng nakasulat sa registration form ang siyang papayagang mga kalahok ng iskwelahan, hindi po papayagan ang mga substitute.”? Idagdag pa na bago ang kumpetisyon ay pinakilos pa ninyo ang inyong mga usherettes na bantay ng bawat kalahok na pangkat upang papirmahan sa mga estudyanteng kasali ang kanilang pangalan sa computerized attendance sheet na ginawa ng inyong grupo. At bago magsimula ang kumpetisyon, isa na namang kaanib ng inyong organisayon ang naglahad ng mekaniks sa lahat ng manonood sa tulong ng Power Point Presentation.


Sa aking paniniwala, mali rin ang paunang diskarte na ginawa ninyo na ang lupon pa ng inampalan ang pinagdesiyon n’yo sa problemang ito nang marinig ang ilang reklamo mula sa mga kalabang pangkat matapos magtanghal ang ikalawang kalahok. Ang masama pa, hindi naman nagpaliwanag ang sino man sa inampalan sa lahat ng manonood sa halip ay ipinagpatuloy pa ang kumpetisyon na naging dahilan ng mga batikos at protesta matapos ihayag ang resulta ng mga nagsipagwagi.


Totoong may kalayaan ang mga inampalan sa pagpili ng mga nagsipagwagi dahil subjective naman talaga ang paghuhusga sa anumang kumpetisyong pagkomunikasyon ngunit naunawaan ba ng mga hurado ninyong napili na hindi magiging patas ang laban? Kahit pa sabihing magkakasinggaling ang mga nagtuturo at mga kalahok, walang duda na makalalamang pa rin ang maraming miyembro kaysa kaunti. Una, malakas ang boses ng 23 sa 20. Ikalawa, mas marami rin ang magiging karater at ikatlo, higit na mapupuno at magagamit ng husay ang entablado. Hindi ba’t sa boxing nga eh may weigh-in pa bago ang laban at kinakailangan pang ipakita at idokumento sa ito sa publiko para lamang ipaalam sa kanila na patas ang magiging labanan?


Wala sanang alingasngas sa timpalak kung hindi lamang kayo nagkulang sa pagpapaliwanag sa simula pa lamang. Hindi ‘yung kung kailan na naihayag ang mga nagsipagwagi eh saka pa kayo nagpupumilit sa pagpapaunawa sa mga galit na galit na manonood na hindi na kayo pinakikinggan at nagmamadali nang umalis dahil sa dismaya. Mabilis naman kaming mga guro at tagapagsanay at kausap. Kung hindi n’yo nagawang i-disqualified agad eh sana ay tinanong n’yo kami mga guro at tagapagsanay kung payag pa rin ba kaming makipagtunggali o hindi. Kung payag ang lahat eh di walang sanang problema o alingasngas. Ang nangyari kasi sa pakiramdam namin eh nabalewala ang aming mga protesta na sa aming paniniwala’y pagbabalewala rin ninyo sa aming mga karapatan. Nakalulungkot ito ng todo sapagkat ang paligsahan pa naman ay isinagawa sa isang paaralang radikal pagdating sa karapatan.


Alam kong bata pa kayo at maaring hindi pa bihasa o sanay sa ganitong gawain, kaya't inilalahad ko san inyo ang suliraning ito na sana’y maging panuntunan n’yo sa mga susunod na kumpetisyon kahit hindi na kami sasali pa. Upang sa gayon ay hindi mabawasan ang inyong kredibilidad maging ng magaling na kagawaran at paaralang kumukupkop sa inyo. Lagi ninyong tandaan, ang kredibilidad na ito ang magtuturo sa inyo sa mga dapat ninyong kalagyan bilang mga responsableng mamahayag sa darating na panahon.


Sana'y maunawaan n'yo ako at huwag ipagsambahala ang ganitong suliranin sapagkat malilisya ang sinumang kabataang sasali sa inyong mga patimpalak kapag naulit ang ganitong senaryo. Unawain n'yo rin sana na hindi biro ang pagod, panahon at pera ang ginugugol sa pagsasanay ng mga estudyante.


Kayo ang gumawa ng batas pero kayo rin ang unang sumuway. Ito ba 'yung kaayusan na sinasabi niyo sa mga paalala n'yo sa e-mail? Eh bakit ang gulo ng pagtatapos? Nagtatanong lang!



Lubos na nagpapaunawa,


DENNIS B. LACSAM

"Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas"

Sa ikalimang beses sa sunud-sunod na taon ay muli na namang nagwagi ang aming paaralan sa APEX Talumpatian na ginanap sa Laguna College noong ika-27 ng Agosto 2011. Bagamat wala ako sa kumpetisyon sapagkat lumahok rin ang aming paaralan sa paligsahan ng Sabayang Pagbigkas ng KawikaADS sa UPLB, natuwa ako sa balitang natanggap na nagpagtagumpayan ng aming mag-aaral na si Kenna Evangelista ng III-Science Curriculum ang kamyonato sa nasabing paligsahan. Narito ang kabuuan ng pyesa na kanyang binigkas na nilikha ng inyong lingkod.


"Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas"

ni Dennis B. Lacsam

“Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan, walang maiiwan.”

Ito ang mga salitang binitawan ni P-Noy na umalingawngaw sa buong Luneta sa kanyang inagurasyon bilang ikalabinlimang Pangulo ng bansa. Mapithayang paanyaya sa wikang Filipino na humihimok sa buong sambayanan na sabay-sabay na kumilos at magsagawa ng magandang pagbabago para sa tagumpay ng isang bayang patuloy na nagbibigay ng buhay at pag-asa sa kanyang mga mamamayan.

Mga giliw kong tagapakinig, isang pinagpalang hapon sa inyong lahat.

Maliwanag ang paanyaya ng kasalukuyang Pangulo ng bansa sa ating lahat – samahan natin siya sa pagtahak sa tuwid na landas tungo sa isang bagong Pilipinas. Kung saan magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan at maibabalik ang tadhana ng bawat isang Pilipino sa tamang kalagayan.

Bagamat suntok sa buwan para sa karamihan ang magandang adhikaing ito ni P-Noy, hindi mapasusubalian na tumagos ito sa puso at isip ng sangkapilipinuhan sapagkat malinaw at madamdaming itong binigkas sa Filipino na siyang wikang lunggati ng buong bayan.

Mga kababayan, marapat na maunawaan nating lahat na ang wika ay hindi lamang nagsisilbing simbolo ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Matibay itong kalasag ng isang bansa para sa kaunlarang pangkabuhayan, pangkapayapaan at pagkakaisa. Kung hahayaan lamang nating gamitin ito sa lahat ng aspeto ng ating buhay bilang mga responsableng Pilipino, hindi malayong maipapahayag natin nang tama ang mga ideya ng ating kaisipan at mapagsasama-sama natin ang ating mga gawa na siyang repleksyon ng ating kultura na pinakadaluyan ng kaalaman. Pakatandaan natin na malaki ang oryentasyon sa ating kultura at ang wikang tatak ng ating pagkalahi ang nagsisilbing mabisang kasangkapan sa pagpapabulas nito. Walang ngayong dahilan upang hindi tayo makabuo ng isang pambansang ideolohiya na magbibigkis sa ating mga Pilipino sapagkat matatanggap natin ang bawat isa sa kani-kanilang indibidwalidad, pagkakatulad at pagkakaiba. At kapag nangyari ito, maiiwasan ang dibisyon at mananaig ang nasyonalismo na ilaw at lakas sa isang tuwid na landas na pinapangarap nating lahat para sa kaunlaran at kabuhayan ng Inang-Bayan.

Mga kaibigan, nasa yugto na tayo ngayon ng tinatawag na Panahon ng Kaalaman o Information Age. Sa ganitong kalagayan, napakahalaga ang pagpapaabot, pagpapalitan at pagpapaunawa ng kaalaman o mga kaisipan upang makamit ang mithiing kaunlaran. Sabi nga ni Propesor Randy David, kailangan nating sanayin ang ating mga sarili na maglulan ng mga produkto ng kamalayan at iba’t ibang kaisipang hango sa maraming kultura. Mahalagang nakikipag-usap ang ating sarili’t katutubong wika sa mga wika ng ibang bansa, sa halip na ipinagwawalang-bahala ito sa maling paniniwala na hindi na ito akma sa makabagong panahon. Kaya’t sa halip na batikusin natin ang mga milyung-milyong kababayan ng bagong henerasyon na hindi kayang mag-Ingles sa mga pandaigdigang websites, social networking sites at blogsites, tulad ng Youtube, Facebook, Twitter, Multiply, blogspot, atbp., dakilain natin silang lahat dahil sa pamamagitan nila patuloy na umuunlad ang panitikang Filipino at nakikilala maging ang kultura ng ating bansa sa buong daigdig. Gayundin papurihan natin ang mga kababayan sa lahat ng panig ng daigdig na patuloy na nagtataguyod at nagsusulong ng mga websites na Filipinung-Filipino tulad ng WikiPilipino na isang bayanihang proyekto ng mga boluntaryong nagmamalasakit sa Pilipinas na naglalayong makabuo ng malawak, malalim, at makabuluhang pintungan ng karunungang magagamit ng bawat isang Pilipino saanmang panig ng mundo siya naroroon. Importanteng ipaalam lamang natin sa mga kababayan nating ito, na kaakibat ng mga pagbabagong ito sa pakikipag-komunikasyon at pagtuklas ng kaalaman ang hangganan at responsibilidad na dapat nilang unawain, intindihin at balikatin bilang mga responsableng mamamayan. Kailangan lang ipaunawa sa bawat isa sa atin na ang tunay na karunungan ay natatamo sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kaalaman para sa kabutihang panlahat at hindi para sa kapahamakan ng kapwa, institusyon at mga bansa.

Mga minamahal kong kababayan, sa ayaw man natin o hindi, tayong lahat ay may malaking pananagutan sa bansang ito. Upang higit nating maunawaan ang ating kabuluhan bilang mga responsableng mamamayan, buhayin natin sa ating mga sarili ang kaisipang ikinintal ni Rizal sa El Filibusterismo sa pamamagitan ng mapangaraping kabataan na si Isagani na “Ang buhay na hindi iniukol sa isang dakilang layon, ay tulad sa isang bato na napatapon sa ilang at hindi na napasama sa pagbuo ng isang gusali.” Magnilay tayo, mga kaibigan. Pakalimiin nating lahat na sa pagsasakaturapan ng dakilang mithiin para sa pagtahak sa tuwid na landas ng kaunlaran at karunungan ng ating Inang Bansa, ang wika na kung minsa’y inaaba ng marami, ang siya ring wika na tatanglaw sa kultural na aspekto ng ating mga pagkatao at magtuturo sa mga dapat nating kalagyan sa mga darating na panahon. Panuntunan ito: isabuhay at isadiwa ang pagmamalasakit sa wikang Filipino. Simulan natin ngayon at buhayin ang tunay na Pilipino – sa isip, sa salita at sa gawa.