Sunday, March 29, 2009

Paalam Na

Sa lahat ng mga naging estudyante ko sa Col Lauro D. Dizon Memorial National High School sa San Pablo City ngayong taong 2008-2009, binabati ko kayo ng isang maligayang pagtatapos. Bilang regalo sa inyong natatanging araw, kumatha ako na isang awitin na sana'y maging gabay n'yo sa pag-alis sa paaralang kumukupkop at kumalinga sa inyo ng ilang taon.

Aawitin ang aking komposisyon sa mismong araw ng inyong graduation. Nawa'y magustuhan ninyo ang melodiya ng kanta ay pumasok sana sa inyong mga puso ang literal na mensahe nito.

Sinadya ko na hindi lang gawing pasasalamat ang titik ng awit bagkus ay maging pangako upang magsilbing panuntunan ninyo sa buhay sapagkat lubos akong naniniwala na may tungkulin kayo higit sa lahat sa inyong magulang, paaralan at bayang patuloy na nagbibigay sa inyo ng buhay.

inilagay ko sa blog na ito ang titik ng awitin. Pag nagkaroon na ako ng pagkakataon ay isusunod ko naman ang video.

Hangad ko na maging matagumpay kayong lahat sa anumang larangan na inyong tatahakin.



Paalam Na

Composed by: Dennis Lacsam
Arranged by: Elaine Adajar
Interpreted by: Wilkester Pujanes

Ito na ang aming pinakahihintay
Hawak na ang diploma sa kamay
Lilisanin na ang nagdaang ilang taon… ng panahon...
At haharap sa mga panibagong hamon


Salamat sa mga guro na sa amin ay nagturo
Nag-alay ng talino at pagmamahal
Iingatan namin ang inyong pangaral
Pangakong gagamitin lang sa kabutihan.


Sa mahal naming magulang na laging gumagabay
Kami sa inyo ngayon ay nagpupugay
Sumpang aalagaan ang yamang n’yong bigay
Payayabungin upang magtagumpay


Chorus:

Paalam na sandaling lilisan
Pagyayamanin namin ang mga natutunan
Gagawa kami ng pangalan
Huhubog ng isang katauhan
Upang maging dangal ng paaralan


Paalam na sandaling iiwan
Mga kaklaseng tunay na naging kaibigan
Hinding-hindi malilimutan ang mga pinagsamahan
Alaalang kay sarap na balikan


Paalam na mutyang paaralan
Mga anak kaming sayo'y nagpapaalam
Lilikha ng kapalaran
Uugit ng isang kasaysayan
Upang ikarangal nitong bayan


CODA:

At sa paglipas ng ilang taon
Babalik kaming dala ang natupad naming misyon
Isasapuso ang pasasalamat
Sa nagpunla ng magandang pangarap


(Repeat the first and third stanza of the Chorus)


Paalam na...

66 comments:

  1. sir,ang ganda po nung ginawa nyung kanta..nakaka-inspired po talaga.
    hindi po namin kayo malilimutan,,lahat po kaming 4-b,salamat po sir,ang dami naming natutunan.wag nyo rin po kaming malilimutan.thank you po!!

    4-b

    ReplyDelete
  2. the first time i heard the song, i could hardly believe that you composed it sir!!!


    its such a great song...


    yun lang masasabi ko,. LOL


    ReplyDelete
  3. sIr!!!!AnG GaNdA NyA PwAmIzZZ...
    sNa mKaGawA UlIT KaU PrA Sa bAtCh nMiN....
    rEqUeSt pOh!!!!
    uHmMmMm......GoD BlEss PoH GoOd dAy!!!!

    ReplyDelete
  4. zIr kmzTAh nAh puh?

    ReplyDelete
  5. sir add nyu aman aq sa ym!!! hehe kamusta n po??? ahm rommel to!!! eto po akin, rhom_mhel1992@yahoo.com pati n rin pow sa friendster!! hehe gud pm

    ReplyDelete
  6. sir,,,, khit ndi q pa napapakinggan tong kanta na toh,,, kitang kita nmn sa lyrics na mganda ang message na pasasalamat sa guro at sa iskul, , sir your a great composer. . idol. . . ^_^

    ReplyDelete
  7. sir,,,, khit ndi q pa napapakinggan tong kanta na toh,,, kitang kita nmn sa lyrics na mganda ang message na pasasalamat sa guro at sa iskul, , sir your a great composer. . idol. . . ^_^

    ReplyDelete
  8. sir nakakalungkot po ang awitin..ramdam ko na po na ako'y gagraduate na..at nagpapasalamat talaga po ako sa aking mga guro at magulang dahil sa wakas maguumpisa na akong bumuo ng aking mga pangarap..at salamt po sa awiting ginawa nio para sa amin..
    Elizabeth Gonzales ng 4c 2011

    ReplyDelete
  9. Malalim po ung meaning ng kanta. Sa tingin ko po ang meaning nito ay tungkol sa pagpapasalamat sa mga guro na nagturo sayo sa loob ng matagal na panahon.

    ReplyDelete
  10. sir ang ganda po ng ginawa nyong kanta.ito po ay isang magandang regalong aming matatanggap para sa aming pagtatapos. nakakalungkot man,dahil magkakahiwa-hiwalay na kami.

    ReplyDelete
  11. sir napakaganda ng kantang ginawa mo.nakakaiyak naiisip kong magkakahiwalay-hiwalay na kaming magkakaibigan..........mamimis po namin kayo...thanks po sa lahat.

    ReplyDelete
  12. sir ang ganda po ng inyong kinompose nakakainspired po saaming mga magtatapos na.Ito ay nakakapagpaalala sa mga ginawa saamin ng aming guro at magulang para saamin. Kaya po nakakalungkot dahil magkakahiwa-hiwalay na din kaming magkakamag-aral at ang aking naging mga kaibigan.

    ReplyDelete
  13. sobrang mami2z nmin ang isat isa sir sa kanta pa lang nakakadala na ng emosyon maraming salamt po sa awitin nyo para saming magsisipagtapos..,.

    ReplyDelete
  14. sir sobrang mamimiz namin ang isat isa sa kanta pa lang po nakakadala na ng emosyon salamat mo sa kanta nyo saming magsisipagtapos lagi mo namin itong tatandaan tanda ng isang pagiging dizonians..,.salamat po

    ReplyDelete
  15. sir nakakalungkot po ung meaning ng kanta at nakakaiyak po kasi mag kakahiwa-hiwalay na kaming mag kakaklase..nakaka inspired po ito.. mamimis ka po namin.. salamat po

    ReplyDelete
  16. sir nakakalungkot po ung message ng kanta..nakaka iyak po kasi mag kakahiwa-hiwalay na kaming mag kakaklase..maaalala po namin ung mga nagawa ng mga guro para sa amin..nakaka inspire po ito.. mamimiss po namin kayo.. maraming salamat po

    ReplyDelete
  17. glecy lozada said...

    Napaka ganda ng awiting ito damang dama ang bawat letrang mababasa.dito sa awiting ito ay naalala ko ang mga magagandang bagay na maiiwan ko sa dizon.at sa mga naging kaibigan, at higit sa lahat sa mga naging guro namin kayo ang naging pangalawang INA AT AMA namin..i love dizonian.

    ReplyDelete
  18. Karla Mendoza 4C(2011)
    sir nakakahanga ang ibinahagi mong kanta para sa amin.Nang mabasa ko po ito halo halong emosyon ang naramdaman ko.Proud po ako dahil naging bahagi din ako nang Dizon.
    PAALAM NA!!! :(

    ReplyDelete
  19. Karla Mendoza4C(2011)
    sir nakakahanga po ang ibinahagi nyong kanta sa amin na PAALAM NA.Halong halong emosyon ang naramdaman ko.sanay maging inspirasyon ito sa bawat estudyante nang dizon.

    ReplyDelete
  20. Sir,napaka fabulous ng nilikha nyo pong kanta.

    ReplyDelete
  21. Sir.ang ganda po ng inyong gnawang kanta.Nkakaiyak man pero masaya dhil hangad niyo ang aming tagumpay maraming salamat po s inyong pagtuturo...

    ReplyDelete
  22. Sir napaiyak po ako s inyong gnawang kanta nkakatouch.

    ReplyDelete
  23. Sir ang ganda-ganda po ng ginawa niyong kanta nakaka-inspire.

    ReplyDelete
  24. MIKIKO HACHASO(4-C)2011
    sir...nakakaiyak po ang bawat lyrics ng kanta...lalo ko pong nararamdaman ang aming nalalapit na pagtatapos...sari-sari pong emosyon ang aking naramdaman
    PAALAM NA !!

    ReplyDelete
  25. Sir,sobrang ganda po ng mensaheng hatid ng inyo pong liriko.....

    ReplyDelete
  26. Ang ganda po ng message of the song, I feel the loneliness inside my heart.

    ReplyDelete
  27. Sir,napakaganda po ng mensaheng hatid ng inyong liriko.

    ReplyDelete
  28. Ang ganda po ng message of the song.

    ReplyDelete
  29. Sir,ang ganda po ng mensahe ng lyrics ng kanta bagay na bagay po sa gagradute!!!

    ReplyDelete
  30. pinaparating po nito ang panibagong buhay para sa amin.

    ReplyDelete
  31. Sir,ang ganda po ng kinompost ninyong kanta, nakakainspire po.

    ReplyDelete
  32. Sir nakakaiyak po pero maganda ng pagkamensahe ng kanta.

    ReplyDelete
  33. Sir,nakakadala ng damdamin ang inyong kanta...........

    ReplyDelete
  34. Sir,nakakadala ng damdamin ang inyong kanta...........

    ReplyDelete
  35. Sir, nakakaiyak po muntik na po akong umiyak.^_^

    ReplyDelete
  36. habang binabasa ko po ang inyong awiting ginawa, ako po ay nagkaroon ng inspirasyon.

    ReplyDelete
  37. komento ni : PRINCESS LEA SUAYAN LEGARDE
    ng 4-d

    Sir anganda po ng mensahe ng kanta !
    zana po ay hinde tayo magkalimutan

    sana po madami pa po kayong magawa na kanta at mapabighani sa inyong mga sinusulat....

    maraming salamat po sa lahat ng naituro nyo sa akin!
    andame ko po natutunan sa inyo simula po nung first year ako..
    maraming salamat po!
    hinde ko po kayo mkakalimutan!

    ReplyDelete
  38. Sir ang ganda po ng ginawa ninyong kanta, sana po makagawa rin ako.

    ReplyDelete
  39. sir ang ganda-ganda po ng ginawa nyong kanta nkakatouch po,habang kinakanta ko po ito lalo ko pong namimis ang High School life ko.

    ReplyDelete
  40. Sa simula po ng pagbasa ko ng iyo pong ginawang awitin ay naiiyak na po ako.Sa mga pinahahatid nitong mensahe ay lalo ko pong mamimiss ang highschool life.Ang ganda po ng ginawa mong awitin.

    ReplyDelete
  41. comment by : SHIELA POTENCIANO

    Ang ganda po ng graduation song na ginawa nyo para samin , inspirasyon po saming lahat na magtatapos . maraming thank you po sir sa lahat .

    ReplyDelete
  42. Sa umpisa palang po ay nakakaiyak na at sobrang ganda.Tamang tama po sa mga gagraduate na kagaya ko na pasaway.

    ReplyDelete
  43. ang ganda ng song nakakarelate po ako ahhhhhh

    ReplyDelete
  44. Jehanne S. MacatangayMarch 15, 2011 at 10:02 PM

    sir ang ganda po talaga ng ginawa nyong kanta.nakaka-inspire.

    ReplyDelete
  45. Maganda po ang pinararating na mensahe ng iyo pong ginawang awitin sa bawat stanza.Nakakaiyak po.salamat po.

    ReplyDelete
  46. komento ni: lex angeline gutierrez sir ang ganda po ng meaning nung kanta,.

    ReplyDelete
  47. Sir para po sakin isang karangalan na kantahin ang ginawa nyo, dahil naipahiwatig niyo po sa amin ang gusto niyong sabihin at lagi po namin itong tatandaan ......Maraming salamat po

    ReplyDelete
  48. comment by :mariche porcioncula

    Sir anganda po ng iyong gnawang kanta!

    maraming salamat po sa lhat!
    gud health po!

    ReplyDelete
  49. komento ni: lex angeline gutierrez sir ang ganda po ng meaning nung kanta,.

    ReplyDelete
  50. Magandang pagbati po sa inyo. Ako po ay lubos na humahanga sa ginawa ninyong kanta. Ito po ay nakapukaw ng aking damdamin at nararamdamanko na po ang nalalapit na pagtatapos.

    ReplyDelete
  51. Comment by:Kimberly Alvarez Reginio

    Sir nkaka inspire po ang ginawa nyung kanta para sa amin na gragraDUATE

    salamat po sa lahat ng itinuro mo sa akin! kahit isang taon lang po tayo nagkasama dito sa paaralan

    ang laking karangalan ko po na kayo ang naging guro o tagapagpayo ko ngayon sa ikaapat na taon!

    sana po magkita pa tayo at mag pansinan din po

    mamimis KO po kayo!

    ReplyDelete
  52. Ana Carla O.Mesa 4c(2011)
    sir...good afternoon po!ang ganda po nang meaning nang kantang sinulat ninyo para sa amin na malapit nang magtapos nang pag-aaral sa sekondarya.Marami pong salamat sa pagbabahagi sa amin nang inyong mga kaalaman.Sana po ay makapagsulat pa po kayo nang maraming kanta!!
    sir...thank you po!!!

    ReplyDelete
  53. sir ,ang ganda nang ginawa niyong kanta .
    damang dama na namin ang nalalapit na pagtatapos.
    sana madami pa po kayong magawa .

    ReplyDelete
  54. BERNADETTE GARCIA
    IV-C

    sir ,ang ganda nang ginawa niyong kanta .
    Sana madami pa kayong magawang kanta sa mga batang gagraduate sa CLDDMNHS.

    ReplyDelete
  55. maridict d. daniel4c(20110)

    sir ang ganda po ng lyrics ng kanta bwat taludtod ay mai tugma at maganda po ang mensahe nto..maraming salamat po at ginawa ninyo ito sa amin...

    ReplyDelete
  56. maridict d. daniel4c(20110)

    sir ang ganda po ng lyrics ng kanta bwat taludtod ay mai tugma at maganda po ang mensahe nto..maraming salamat po at ginawa ninyo ito sa amin...

    ReplyDelete
  57. Carl Lionel R.Gonzales 4-C(2010-2011)

    Magandang araw po!! Ako po ay humahanga sa iyong propesyon at talento sa paggawa ng magandang awitin!!!

    ReplyDelete
  58. Rose Anne Lorenzo 4-C (2010-2011)

    Maganda po ang iyong ginawang awitin para sa mga estudyanteng magatatapos sa high school. Hindi ko po malilimutan ang inyong awitin!!

    ReplyDelete
  59. annalyn buenavista 4-c(2011)

    .sir nakakaiyak naman po ang mga lyrics,at siguradong lahat ng makakabasa na 4th yr.ay maiinspire at makakarelate.thanks po

    ReplyDelete
  60. Maridict D.Daniel 4c(2011)
    gud pm po! sir ang ganda po ng ginawa ninyong kanta para po sa amin.Unang ko po agad napansin ay ung mga talidtod po ng kanta o bawat saknong po ay may mga tugma.Maramimg pong salamt sa pagbabahagi sa amin ng magagandang kalaman.At may parte po sa kantang ginawa ninyo na nakakaiyak po at may maganda po itong mensahe para sa aming mag-aaral.Maraming salamat po! Godbless.

    ReplyDelete
  61. Catherine P. Lirio4c(2011)
    sir good evening po.sir maganda po ang mensahe ng ginawa niyong kanta nakakaiyak po.Nakakalungkot din po na nalalapit na ang aming pagtatapos.
    salamat po.

    ReplyDelete
  62. Rubilyn C. Lagarto4c(2011)
    sir maganda po ang natututunan namen sa bawat mensahe ng inyong kanta.Maraming salamat po sa pagiging isang mabuting isang guro sa amin.salamat po.

    ReplyDelete
  63. sir......ang ganda po nang kantang ginawa ninyo. Lalo na po nung binabasa ko po ung kanta medyo naiiyak ako kasi po bilang na po ung araw na gugugulin namin sa pag pasok.
    Sir maraming salamat po sa lahat nang tinuro nyo. Mamimis ko po kayo. =)

    ReplyDelete