tag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post4547326832622956159..comments2024-01-25T18:12:23.711-08:00Comments on Pinoyshrek: Project Ay, Ayeng: Suring PelikulaSinned Mascalhttp://www.blogger.com/profile/04345365316806380929noreply@blogger.comBlogger63125tag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-51531869368666173282012-09-02T23:26:03.079-07:002012-09-02T23:26:03.079-07:00,,ang pelikulang ito ay TOTOO,,eun lng,,,,ang pelikulang ito ay TOTOO,,eun lng,,eiramojnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-88063675082618135242008-11-11T04:14:00.000-08:002008-11-11T04:14:00.000-08:00hehehehehehenapadaan lang po sa blog noy kaya nagc...hehehehehehe

napadaan lang po sa blog noy kaya nagcomment na din po ako dito^_^

ingat po!Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-55457702567964603572008-11-04T05:44:00.000-08:002008-11-04T05:44:00.000-08:00Ay Ayengang pelikulang ito ay tungkol sa isang kat...Ay Ayeng

ang pelikulang ito ay tungkol sa isang katutubong guro na pinag-aral
ng kanyang kapwa katutubo para lamang maturuan nya ang kanyang mga katutubo para matuto sila sa hindi pa nila nalalaman!

a. makatotohanan dahil madami pa rin ang mga mangmang na tao na taga bundok dahil mahirap ang buhay sa mga kabundukan at di ito naaabot ng gobyerno sa pagbibigay ng tulong!

b. hindi bagay ang ginampanan ni heart evangelista o si ayeng dahil wala namang taga bundok na maganda ang kamay at maputi!

c. ang pagtatalo nina umay at ayeng tungkol sa edukasyon at hanapbuhay para mabuhay na talaga namang pinanindigan ni ayeng na ang pagkatuto ay susi sa magandang kinabukasan pero tinutulan ito ni umay sa kadahilanang walang ikabubuhay kung uunahin nila ang pag-aaral!

d. ang ilaw,tunog,kasuotan at tagpuan, ito ay nakatulong dahil para maging makatotohanan ang bawat pangyayari o eksena sa pelikula!

e. may ilang napabayaang elemento tulad ng bihirang iapkita ang ibang katutubo kaya hindi alam ng mga manononod ang nangyayari sa kanila!

f. oo, naiparating nito ang mensaheng nais iparating dahil gusto nitong ipakita na mahalaga ang edukasyon sa mga kabataan para sa kanilang magandang kinabukasan!

kapupulutan ito ng napakadaming aral para sa mga kabataan na magsikap mag aral dahil para din ito sa ikauunlad ng kanilang buhay sa pagdating ng panahon!Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-21340728079738084192008-11-04T04:07:00.000-08:002008-11-04T04:07:00.000-08:00Noong Oktubre 4, 2008 ay pinanood ng mga Dizonians...Noong Oktubre 4, 2008 ay pinanood ng mga Dizonians ang pelikulang Ay Ayeng. Ito ay pinasuri sa amin ng aming guro sa Filipino.

Ang mga kaganapan sa pelikula ay makatotohanan sa Pilipinas,noong panahon ay naghahari ang mga militar at nagaganap ang pagkuha ng mga lupain. Ang mga Pilipino o mga tribu noon na naninirahan sa mga bundok ay walang kakayahan ipag laban ang kanilang mga karapatan.

Ang mga artistang nagsiganap sa pelikula ay maayos at maganda ang kanilang pag acting. At ang bidang si Heart Evangelista ay maganda ang pagdala nya ng emosyon sa bawat eksenang kanyang ginanapan sa pelikula.

Ang bahaging pagkamadula sa pelikula ay nung nagtalo o hindi ngakaunawaan sina Umay at Ayeng. Sapagkat sa eksenang ito ay aking napansin ang maraming pag re act ng manonood na nadala ang emosyon sa bawat salita ng kanilang binibitawan.

Napakahalaga ng mga elemento na kinakailangan ng isang pelikula sapagkat ito ay nakakatulong na mabuo ang isang pelikula nagbibigay ng buhay ang mga elemento upang mapaganda. Tulad ng mga kasuotan ng nagsisiganap sa Ay Ayeng.

Para sa aking pagsusuri ay walang napabayaan elemento kayat napalabas nila ito nang maganda.

Ang mensaheng nais iparating ay naipahatid. Ito ay ang pagpapahalaga o kahalagahan ng edukasyon sa atin.Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-30068034812810440362008-11-04T01:57:00.000-08:002008-11-04T01:57:00.000-08:00Sir THANK YOU po!!!! at binigyan nyo po ako ng pal...Sir THANK YOU po!!!! at binigyan nyo po ako ng palugit sa project!
MERRY CHRISTMAS IN ADVANCE!!
-mAY yApAN & JAyLene VillaMin

papasko po!!!
-by:SIXTERS***(4-B)Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-51262025072552742022008-11-04T01:46:00.000-08:002008-11-04T01:46:00.000-08:00May isang pelikula na tumatak sa isipan ng mga man...May isang pelikula na tumatak sa isipan ng mga manonood dahil magandang aral ang naidulot nito.Ngunit nag-iwan rin sa atin ng ibat-ibang katanungan at ito ay ating aalamin.Ito ang Ay Ayeng.

Para sa akin ang palabas na Ay Ayeng ay makatotohanan dahil ito ay nanyari sa tunay na buhay.Ipinakita dito ang pagtatalo ni Ayeng at ni Umay tungkol sa edukasyon.Sa panahon natin ngayon may mga batang di nakapag-aaral dahil sa hirap ng buhay kaya mas naisipan ng mga bata na magtrabaho kaysa sa mag-aral.Ito ay dahilan na rin ng kumakalam nilang mga sikmura.

Masasabi ko na si Heart Evangelista ay di bagay sa kanyang papel dahil maganda ang kanyang kutis at sa pagkakaalam ko na ang mga katutubo ay bilab sa init.Si Sheena Joy Lopez ay di angkop sa papel na kanyang ginampanan dahil siguro di pa siya sanay.Si Jao Mapa,John Arcilla at Maria Isabel Lopez ay pawang mga sanay na sa pag-arte.

Ang pagtatalo nina Ayeng at Umay ang nagpakita ng kagalingan nila sa pagganap.Para bang nakita mo ang iyong kapitbahay na nagtatalo.

Ang paglalapat ng ilaw ay nagpapaganda sa palabas dahi nagbibigay ito ng tamang liwanag at dilim.Ang paglalapat ng tunog,dito mararamdam ng isang manonood kung may pangamba o kasiyahan.Sa kasuotan makikita natin na ang ilang tauhan sa pelikula ay nagsuot ng damit ng katutubo.Ang tagpuan ay dapat angkop sa pelikula at ganun nga ang nangyari sa pelikula.

Sa tingin ko wala namang napabayaang elemento dahil maganda ang pagkagawa nito.Kaya maganda ang naging resulta.

Naipahatid ang mensaheng nais iparating nito sa mga manonood.Maraming magagandang aral ang mapupulot dito.Naantig rin nito ang damdamin ng mga manonood, may ilang napaluha at mayroon ding natuwa.

Ang pelikulang Ay Ayeng ay isang magandang palabas dahil kahit may ilang kapalpakan naghatid pa rin ito ng magandang mensahe.Ang ganitong palabas ay nakakatulong sa ating mga kabataan na maging matatag at matalino sa lahat ng bagay.Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-26576291248398902782008-11-04T01:34:00.000-08:002008-11-04T01:34:00.000-08:00Ang pelikulang Ay Ayeng ay may istoryang naglalaha...Ang pelikulang Ay Ayeng ay may istoryang naglalahad ng mga pangyayari sa ating buhay.Ang pagmamalupit ng may kapangyarihan sa nakabababa ay bahagi na ng ating buhay. Tinatalakay din dito ang iba't ibang problema sa aspeto ng pangkabuhayan,panlipunan at pamantayang moral.
Maraming mayayaman ang kumukuha sa lupa ng katutubo, tulad ng ipinakita sa pelikula. Ang tagpong ito ay makatotohanan sapagkat marami sa kanila ang pumupunta sa lungsod dahil wala na silang lupang matitirhan.
Ang pagganap ng mga artista ay nagbigay ng buhay sa pelikula. Ang bawat karakter ay angkop sa kanilang mga ginampanan. Ang kanilang magaling na pag-arte ay nakatulong sa pelikula na maihatid ang kani-kanilang karakter.
Ipinakita ang kahusayan sa pag-arte ni Heart Evangelista(Ayeng)sa bahagi ng pagtatalo nilang dalawa ni Maria Isabel Lopez(Umay). Nabigyan niya ito ng damdamin at masasabi kong nakumbinsi niya ako na pahalagahan ang edukasyon.
Ang kasuotan,tagpuan,mga tunog at ilaw ay nakatulong sa ikagaganda at pagiging makatotohanan ng pelikula. Kailangang tugma ang kasuotan at tagpuan sa pelikula upang hindi malito ang manonood sa nangyayari sa pelikula. Samantala, ang tunog at ilaw naman ay nakadagdag sa aking interes na ipagpatuloy ang aking panonood.
Naging maayos ang takbo ng mga pangyayari sa pelikula kaya masasabi kong walang napabayaang elemento ng pelikula.
Sa kabuuan ng pelikula, ang mensahe nito ay napabatid sa mga manonood.Nailahad ng maayos ang mga layunin nito tulad ng pagpapahalaga sa edukasyon at pati na rin sa mga karapatan ng mga katutubo. Naging matagumpay ang mga kaisipan na nais iparating sa panonood dahil bawat eksena ay nakapukaw sa aking damdamin.
Dapat nating pahalagahan ang mga katutubo sapagkat sila ang lumilinang sa ating kalikasan. Mapalad tayo dahil nakapag-aaral tayo sa paaralan at ang edukasyon ay ating natatamo. Gawin natin ang ating makakaya upang ito ay umunlad.Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-58046922918675371672008-11-03T03:33:00.000-08:002008-11-03T03:33:00.000-08:00Isang kapanapanabik at kaakit-akit ang istorya ng ...Isang kapanapanabik at kaakit-akit ang istorya ng Ay Ayeng. Bawat eksena ay pawang katotohanan na nangyayari sa tunay na buhay.

Naging mas lalo itong kapanipaniwala nang magampanan ito ng maayos ng bawat tauhan. Ang isang eksena dito na makapagpapatunay na makatotothanan ang istorya ay ang pagkawala ng halaga ng mga katutubo sa edukasyon na nagiging dahilan ng pagbaba ng tingin at kung minsan ay pang-aabuso sa kanila.

Naging mahusay din sila sa pagganap. Bawat isa ay nagpakita nang kagalingan sa pag-arte upang mabigyang buhay ang kani-kaniyang papel.

Para sa akin ang eksena ni Ayeng at ni Umay ang nagpapakita ng kagalingan o pagkamadula ng isang artista dahil dito pinapakita ni Ayeng ang kanyang paninindigan na matuto ang mga bata na labis namang tinutulan ng kanilang mga magulang at isa na doon ni Umay.

Nakatulong din sa ikagaganda ng buong pelikula ang ilaw,tunog,kasuotan at tagpuan dahil mas nabibigyang buhay nito ang bawat eksena upang mas maging makatotohanan.

Sa aking pagsusuri wala naman silang napabayaang elemento dahil lahat ng eksena ay ipinakita ng maayos at maingat na naisagawa.

Kung ako ang tatanungin naipakita naman nila ang mensahe na nais nilang iparating dahil nabigyang buhay ng bawat tauhan nag kani-kaniyang papel na gingampanan na nakatulong upang mas maintindihan ng mga manonood ang pelikula. Tulad ng pagpapahalaga sa edukasyon.

Sa bandang huli maganda at talaga namang kahanga-hanga ang pelikulang Ay Ayeng dahil sa ganda ng mensaheng gusto nitong iparating sa bawat manonood na talaga namang kapupulutan ng aral.Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-23703280584495454692008-11-03T01:50:00.000-08:002008-11-03T01:50:00.000-08:00"Ay Ayeng"Ang istorya ng pelikula ay nagpakilala n..."Ay Ayeng"
Ang istorya ng pelikula ay nagpakilala ng pagiging masigasig ng isang babae sa pagtupad ng kanyang pangarap at ang pagiging matatag sa mga pagsubok ng buhay.Naipakita rin ang kahalagahan at karapatan ng mga kabataan na magkamit ng tamang edukasyon na magiging daan ng bawat isa sa pagunlad.

Ang mahusay na pagganap at mga salita na nagpapaluha sa mga manonood ang nagpatunay na makatotohanan ang istorya. Isa na dito ang eksena ng pagtatalo ng ng bidang si Ayeng sa mga magulang ng mga batang kanyang tinuturuan tungkol sa kanyang pagkumbinsi sa mga ito na bumalik sa eskwela ngunit pinili ng kanilang mga magulang na tumulong na lamang sila sa pagtatanim.

Si Heart Evangelista bilang Ayeng, ay naging angkop sa nasabing papel dahil isa siya sa magagaling na aktres ng bagong henerasyon at naiangkop niya ang kanyang sarili sa karakter na ito.

Ang pagkamadula ay naipakita sa huling tagpo ng pag-alis ni Ayeng at Karen sa kinalakihan nilang lugar kung saan naibuhosang emosyon lalo na ng sa kanilang pag-alis ay pinagbabarilang mga taong naging parte na ng buhay ni Ayeng.
Malaki ang naitulong ng mga tunog at kasuotan sa ikinaganda ng pelikula.Ang mga tunog ang nagbigay buhay sa mga pangyayari tulad ng pagpapalitan ng putok ng mga rebelde at mga katutubo.Gayun din ang kasuotan na ginamit ng mga katutubo na nagpatotoo sa lugar na kanilang tinitirhan.

Isa sa maaaring nagkaroon ng kapabayaan ay sa unang bahagi ng istorya dahil hindi kaagad madaling naunawaan ang tunay na nangyayari.

Naipahatid naman ng pelikula ang mabubuting aral tulad na lamang ng pagpapahalaga sa edukasyon na ipinakita ni Ayeng dahil ito ang maghahatid sa isang kabataan sa kanyang pag-unlad.

Nagbigay aral ang pelikula sa mga kabataang nakapanood nito.Sa pamamagitan nito mas naunawaan ang kahalagahan ng edukasyon at ang pagpapahalaga sa pagkakaibigan kahit sa paglipas ng panahon.Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-9347241110203601892008-11-03T01:45:00.000-08:002008-11-03T01:45:00.000-08:00Angelique B.GuerraAy Ayeng Pinapakita dito sa peli...Angelique B.Guerra

Ay Ayeng
Pinapakita dito sa pelikulang ito ang kahalagahan ng edukasyon.
Oo,dahil naipakita rito kung gaano kahirap ang buhay ng mga katutubo.Sila ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga gulay at ipinagbibili nila sa kabayanan na patuloy na nangyayari sa totoong buhay.makikita rito na sila ay talagang masipag.ipinakita rin dito ang kagustuhan ng mga kabataan na matuto,ngunit mas gusto pa ng kanilang na tumulong na lamang sila sa pagtatanim.makatotoo dahil napatunayan sa pelikulang ito na ang tunay na kaibigan ay hindi nangiiwan sa oras ng pangangailangan.
Nagampanan nila ng buong husay ang kani kanilang papel sa pelikula.konsistent sila sa kanilang pagganap.ngunit mas maganda siguro kung kumuha sila ng ibang artista upang gumanap na ayeng sapagkat kung pisikal na aspeto ang pagbabatayan,masyadong makinis at maputi ang balat ni heart evangelista.hindi bagay sa kanya ang magtanim ng gulay.

Ang nagpakita ng pagkamadula ay ang huling senaryo.doon ako napaluha.

Mas lalo nitong napapaganda ang pagpapalabas ng pelikula.angkop na angkop ang kasuotan at pinagkuhanan.

Sa tingin ko ay wala namang napabayaang elemento ang palabas.maganda naman ang kinalabasan nito.

Ang nais iparating ng pelikula ay ang kahalagahan ng edukasyon.ito ang nagbibigay karangalan sa isang tao.biulang estudyante,dapat kong pahalagahan ang aking pagaaral.ito lamang ang tanging kayamanan na maipapamana ng aking mga magulang sa akin.naiisip ko ang aking mga magulang ng pinapanood ko ang pelikulang ito.naiisip ko ang kanilang paghihirap para mapatapos kami sa pagaaral.sana ay mapanood ito ng marami pang mga kabataan.Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-47990142104802691212008-11-03T01:43:00.001-08:002008-11-03T01:43:00.001-08:00Ang pelikulang Ay Ayeng ay nagbibigay inspirasyon ...Ang pelikulang Ay Ayeng ay nagbibigay inspirasyon sa mga kabataang makapag-aral sa kabila ng hirap ng buhay.Dahil sabi nga ng ilan ang edukasyon ang susi para magtagumpay sa buhay.

Naging makatotohanan din ang mga pangyayari sa pelikula.Dito natin makikita kung paano manakit at manamantala ang mga masasamang sundalo sa mga inosenteng tao katulad na lamang nang nangyayari ngayon sa Mindanao.Pati narin ang katotohanang ang ibang mga kabataan ay hindi nakakapag-aral,sa halip ay nagtatrabaho na lamang para may makain sa araw-araw.

Masasabi ko rin na hindi masyadong naging angkop ang pagganap ng mga tauhan sa pelikula.Katulad na lamang ni Ayeng na ang kanyang mga kamay ay makikinis at magaganda ngunit ang ginagawa niya ay magtanim ng mga gulay.Ngunit sa kabilang banda,magaling siyang umarte.

Ang mga artista na nagsiganap ay magagaling at nagpakita ng pagkamadula sa mga ginagawa nila.Isa na sa nakatawag pansin sa akin ay noong pinagtatalunan nina Umay at Ayeng ang pag-aaral ng mga bata.May punto naman si Ayeng sa kanyang pagkukumbinsing pag-aralin ang mga bata para sa kanilang kinabukasan.Ngunit ang nais nila Umay ay pagtrabahuhin lang ang mga bata upang makatulong sa kanila.

Nakakatulong rin ang paggamit ng mga ilaw,tunog,kasuotan,at tagpuan sa pagpapaganda ng pelikula dahil mas lalong naging makatotohanan ang mga pangyayari sa pelikula.

Wala namang nagkulang na elemento sa pelikula.Naging maayos at maganda naman ang pagkakagawa ng mga pangyayari.Angkop ito sa mga estudyanteng nakapanood.

Naipahatid ng pelikula ang nais nitong iparating dahil maraming kabataan ang magiging desperado sa pag-aaral para sa kanilang kinabukasan.Katulad ni Ayeng na naabot niya ang kanyang pangarap na maging guro dahil sa kanyang determinasyong makapagtapos.May malasakit rin siya sa mga bata sa kanilang lugar na nais makapag-aral.

Nagbibigay ang Ay Ayeng ng inspirasyon sa mga kabataan na maabot nila ang kanilang mga pangarap kahit mahirap ang buhay.Maging katulad sana tayo ni Ayeng na may malasakit sa mga batang kapos sa kaalaman.Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-8846070840809003342008-11-03T01:43:00.000-08:002008-11-03T01:43:00.000-08:00Isang mahusay na pelikula ang Ay Ayeng. Maihahalin...Isang mahusay na pelikula ang Ay Ayeng. Maihahalintulad mo ito sa kasalukuyang panahon kung saan nararanasan ng mga kapatid nating katutubo ang pangmamalupit ng mga militar. kaya masasabi kong makatotohanan ang pelikula.

Mahuhusay ang mga napiling artista ng produksyon. Naiaangkop nila ang kanilang sarili sa tauhang kanilang binibigyan buhay. Subalit para sa akin ay hindi angkop na maging isang katutubo ang ubod na mestisang babae tulad ni Heart Evangelista. Ngunit sa kabilang banda ay maaari na rin sapagkat nabigyan naman niya ng magandang pagganap ang kanyang tauhan.

Ang pagtatalo nina Umay at Ayeng ang isa sa mahusay na eksena sa Ay Ayeng. Magaling ang kanilang pagganapat nailahad nila ang tamang emosyon na kinakailangan sa eksena.

Ang paglalapat ng iba't ibang elemento sa isang pelikula tulad ng ilaw,tunog,kasuotan,at tagpuan ay isang mahalagang "factor" upang mapaganda ang palabas. Nagagawa ng mga elementong ito na maka-"relate" ang mga manonood sa pinapanood na pelikula.

Kagaya ng aking sinabi,mahusay ang pelikula.Wala akong nakikitang pagkukulang ng produksyon sa iba't ibang uri ng elemento.

Naipahatid ng pelikula ng maliwanag sa mga manonood ang nais nitong ipabatid sa atin gaya na lamang ng pagpapahalaga sa edukasyon.Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-74027289581601513932008-11-03T01:27:00.000-08:002008-11-03T01:27:00.000-08:00sir gumawa po ako ulit. Wala po kasi ako nung simu...sir gumawa po ako ulit. Wala po kasi ako nung simula at wakas. Unfair naman... LOLx

http://arleneway09.blogspot.comArlene Wayhttps://www.blogger.com/profile/14676578884672997011noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-35408630804690646732008-11-03T01:26:00.000-08:002008-11-03T01:26:00.000-08:00Good day!!!sir...inayos ko po ayan na yung bago tn...Good day!!!sir...inayos ko po ayan na yung bago tnx po!!!!!yngat
...PaulAnonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-58792733187267051862008-11-03T01:25:00.000-08:002008-11-03T01:25:00.000-08:00Naging maganda ang pelikulang Ay Ayeng. Base na ri...Naging maganda ang pelikulang Ay Ayeng. Base na rin sa mga tanong at sagot sa ibaba. Sa pelikulang ito maraming ipinakitang kahirapan ng mga kabataan dahil na rin sa paniniwala ng kanilang mga magulang na mas maigi pang magtanim kaysa sa mag-aral.

Para sa akin makatotohanan ang istorya. Tulad na lang ng pagpatay ng mga militar sa mga katutubo. Marami tayong nababalitaan na mga namatay dahil na rin sa mga military. Gusto nilang makuha anuman ang naisin nila. Pero mayroon pa ring maimpluwensyang nag-uutos sa kanilang gawin ang mga ganoong kasamaan.

Naging maayos ang pagganap ng mga artista sa kanilang papel. Mula sa major hanggang sa minor characters. Ngunit may sinabi sa amin noon ang aming guro sa Pisika na si Sir Vasquez na hindi angkop si Heart Evangelista sa kanyang papel. Bakit daw ang gumanap ay napakaganda ng kamay samantalang nagtatanim sila ng gulay doon. Pwede naman daw na ibang artista tulad ni Judy Ann Santos na alam naman nating sanay sa mga ganoong uri ng papel.

Tuwing lumalabas sa scene si Jon Arcilla ay lumulutang ang kagalingan nitong artista. Talagang naramdaman ng mga manonood ang masamang papel niya. Base na rin sa mga ekspresyon ng aking mga katabi noon. Magaling ang naging pagtatalo ni Ayeng (Heart Evangelista) at ni Umay (Ma. Isabel Lopez) dahil sa ramdam mo talaga ang mainit nilang diskusyon tungkol sa edukasyon ng mga bata roon. Wala naman akong masyadong napansin na pagkamadula kina Sheena Joy at Jao Mapa.

Nakatulong ito ng malaki dahil sa mga ito naging makatotohanan ang pelikula. Mahalaga ang mga ito, dahil ito ang nagbibigay ng buhay sa pelikula. Kung wala ang mga ito siguradong hindi maganda ang kalalabasan ng istorya.

Para sa akin walang napabayaang elemento. Kung meron man ay hindi ito kapansin-pansin.

Opo, naihatid ng pelikula ang nais nitong iparating. Maganda ang kabuuan ng pelikula.

Maganda ang kabuuan ng pelikula. Ang mga naging sagot ko sa mga tanong ay halos lahat ay positibo. Ang ibig sabihin lamang noon ay naging maayos, maganda at kasiya-siya ang pelikula.Arlene Wayhttps://www.blogger.com/profile/14676578884672997011noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-83326333623850748002008-11-03T01:24:00.000-08:002008-11-03T01:24:00.000-08:00Makatotohanan ang istorya.Nangyayari ang mga ganit...Makatotohanan ang istorya.Nangyayari ang mga ganitong sitwasyon lalo na sa panahon ngayon na lahat ng tao o pilipino ay naghahangad na magkamit ng edukasyon sa paniniwalang ito ang makapagbibigay ng kaginhawaan at magandang kinabukasan sa bawat isa at magwawaksi sa kabigatan ng pasanin na dala ng kahirapan.
Angkop sa ibang tauhan ang kanilang ginampanan,maliban kay heart evangelista na gumanap bilang Ayeng.Sa aking opinion hindi angkop o hindi bagay sa kanya ang naturang pagganap.Dahil hindi marahil bagay sa kanyang personalidad o panlabas na anyo ang pagiging isang katutubo,lalo na ang magtanim ng gulay dala na rin siguro ng kanyang maputing kutis na animo'y hindi dumadanas ng hirap.marahil kung ako ang papipiliin maghahanap ako ng talento o artista na pangmasa ang hitsura.halimbawa judy ann santos,sarah geronimo,iza calsado atbp.pero sa kabuuan maganda naman ang kanyang naging pagganap
Naipakita ang kagalingan ng kanilang pagganap sa bahaging pakikipagtalo sa pagitan ni Ayeng at mga katutubo ukol sa sa "value" o kahalagahan ng edukasyon.Naipakita nila ang kanilang kagalingan o pakamadula dahil madadala ka ng iyong emosyon at nakakarelate kaming mga estudyante.
Nakatutulong ang lahat ng ito sa pagbibigay ng makatotohanang pangyayari, nagsilbing buhay at nagbigay kagandahan sa buong pelikula.nakatulong din itong mahikayat ang mga manonood.
Sa aking palagay walang napabayaang elemento sa pelikula.Sa kabuuan maganda at makatotohanan ang pagkabuo ng istorya.
Sa aking opinyon maayos na naihatid ng pelikula ang mensaheng nais nitong iparating sa manonood.Ang iparating sa bawat isa ang kahalagahan ng edukasyon sa ating buhay.Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-67474428197531944832008-11-03T01:21:00.000-08:002008-11-03T01:21:00.000-08:00sir carol po 2ako po ung unangunang anonymousheheh...sir carol po 2
ako po ung unangunang anonymous
hehehe
sorry po..
carol fernando po itoAnonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-60397696717649182752008-11-03T00:52:00.000-08:002008-11-03T00:52:00.000-08:00Ang pelikulang Ay Ayeng ay isang makatotohanang pe...Ang pelikulang Ay Ayeng ay isang makatotohanang pelikula sapagkat ang ilan sa mga pinakitang pangyayari dito gaya na lang ng pananakot ng mga sundalo sa mga walang kalaban kalaban na mamamayan ay nagaganap parin daw sa ilang lugar dito sa Pilipinas.

Magagaling ang mga nagsipag ganap na artista.Konsistent sila sa kanilang pagganap dahil nagampanan naman nila ang kanilang mga "role" ng mahusay.

Makikita ang galing ng artista sa bahagi ng pelikula na binabaril ng mga sundalo ang mga katutubo habang si Ayeng ay nag pipilit na lumabas sa loob ng bus.Kitang kita na nag karoon ng reaksyon ang mga manonood sa bahaging ito ng pelikula dahil sa galing ng pag arte ng mga artista.

Ang paglalapat ng kasuotan ay nakatutulong dahil mas napatitingkad ang karakter ng isang tauhan.Ang pag lalapat ng tunog naman ay nakadadala sa damdamin ng mga manonood.Ang ilaw ang nag papakita kung gabi na o maaga pa sa tagpuan ng palabas.Ang tagpuan naman ay isa rin sa nag papaganda sa pelikula.

Kung minsan ay napapabayaan ang sobrang ilaw dahil kahit gabi na ay kapansipansin parin ang liwanag sa paligid.

Para sa akin naipahatid naman ng pelikula ang mensaheng nais nitong iparating dahil marami akong natutuhan sa palabas.Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-48054721087487443532008-11-02T20:55:00.000-08:002008-11-02T20:55:00.000-08:00Ay AyengAng pelikulang ito ay tungkol sa isang kat...Ay Ayeng
Ang pelikulang ito ay tungkol sa isang katutubo na nagpakita ng katatagan at dedikasyon upang maturuan ang kanyang mga kababayan, sa kabila ng mga balakid siya ay nanatiling matatag.

Ang bawat linya o dayalogo sa bawat tagpo ng pelikula ay kapuri-puri, sapagkat lutang na lutang ang mga damdamin na dapat taglayin. Mayroong pangyayari din sa pelikula na nangyayari din sa kasalukuyan ito ay ang pakikipag laban ng mga rebelde sa mga militar.

Ang pangunahing tauhan sa pelikulang ito ay ginampanan naman ni Heart Evanghelista, sa kanyang pagganap ipinakita niya ang pagiging konsistent. Ang iba pang tauhan ay nagpakita din ng pagiging konsistent sa kanilang pagganap.

Maraming bahagi ng pelikula ang nagpakita nga pagkamadula, isa narito ang bahagi nakung ssaan ay nagpatuloy parin si ayeng sa pagtuturo kahit na napagsamantalahan siya. Naipakita dito ng aktres ang kanyang natural bna pagganap at kinakitaan ito ng dedikastyonb at puso sa kanyang eksenang ginampanan.

Ang mga ilaw,tunog o musika,kasuotan at tagpuan ay nakatulong sa pagpapaganda ng mga tagpo sa pelikula. binigyang linaw ng mga ilaw ang bawat tagpo,binigyang buhay naman ng tunog o musika ang buong pelikula at nagpatotoo naman ang mga kasuotan sa mga papel na kanilang ginagampanan.

Sa pagsuri ko sa buong pelikula sa tingin ko ay may napabayaang elemento sapagkat hindi na ipinakita ang mga nangyari sa iba pang katutubo kung kayat ako ay nabitin sa huli.

Sa kabuuan nga pelikula masasabi kong naibigay ng buong produksyon ang pinakamabuti nilang magagawa upang ilahad ang mensahe ng pelikula at ito ay ang kahalagahanng edukasyon at pagmamalasakit sa kapwa.Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-37926561342906789412008-11-02T20:20:00.001-08:002008-11-02T20:20:00.001-08:00aiden said...Makatotohanan ang pelikulang ito,dahi...aiden said...

Makatotohanan ang pelikulang ito,dahil ipinakita dito ang mga pangyayari sa tunay na buhay.
Ang ibang artista ay karapat-dapat sa kanilang ganap,may isa lang akong napansin,siya si Ms.Heart Evangelista bilang Ayeng,dahil sa kanyang mga kuko na maganda,nakatira siya sa probinsiya tapos ganon ang kanyang mga kuko.tapos meron silang mga make-up,ang isang taga probinsiya ay hindi nagmamake-up.
Ang bahagi sa pelikula na naging madula o naging maganda ang kanilang pagganap ay ang parte na umalis sina Ayeng at Karen,sumakay sila sa isang Bus,nakarinig sila ng isang putukan na hindi nagustuhan nina Ayeng nagpumilit silang bumaba ngunit hindi huminto ang sasakyan.
Mas gumanda ang pelikulang ito dahil sa paglalapat ng tunog,nakakaakit itong panoodin lalo sa mga kabataan.
Wala namang napabayaan sa pelikulang ito,naging maganda at maayos naman ang palabas na ito.
Naipahatid naman nila ang mensahe nito.Naipakita ang nais ipakita.Sa kabuuan naging maganda ang palabas na ito.Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-86042368960701657352008-11-02T20:20:00.000-08:002008-11-02T20:20:00.000-08:00Isang pelikulang pinamagatang "Ay Ayeng " ang amin...Isang pelikulang pinamagatang "Ay Ayeng " ang aming sinuri.Isang pagsusuring kinakailangan ng lubos na pag-unawa.
Naipahayag ang tunay na damdamin .Mga damdaming nais ipahayag ng sumulat at gumawa ng pelikula. Sa madaling salita ang pelikula ay naging makatotohanan.
Ang mga artista ng naturang pelikula ay mahuhusay.Nagampanan nila ng buong husay ang kanilang papel sa pelikula.
Sa bahagi ng pelikulang nagtatalo ang ilan sa mga katutubo at si Ayeng ang nagpakita ng kagalingan ni Ayeng. Dahil napalutang niya ang damadamin ng pelikula.
Naipakita ang kasiningan ng pelikula dahil sa mga paglalapat ng tunog,ilaw,at iba pang elemento ng pelikula. Naipahayag ang mga ideyalismo ng pelikula.
May ilang mga elemento ng pelikula ang napabayaan. Ito ay ang mga papel na ginagampanan ng mga artista. Ang ilan sa kanila ay hindi nababagay sa kanilang papel na ginampanan sa pelikula.
Naipahatid ng pelikula ang mga nais na ipapatid nito sa mga manonood.Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-65884986651025501832008-11-02T20:09:00.000-08:002008-11-02T20:09:00.000-08:00Makatotohanan ang mga pangyayari sa pelikulang ito...Makatotohanan ang mga pangyayari sa pelikulang ito nagpapatunay dito ang walang awang pagpatay,panghahalay at pagpapaalis ng mga sundalo sa mga katutubo na nakatira sa lugar na iyon nagagawa nila iyon dahil sa kamangmagan ng mga katutubo hindi kasi nila alam ang kanilang mga karapatan dahil para sa kanila mahirap maabot ng edukasyon ang kanilang lugar at ytanging pagbubungkal ng lupa ang dapat nilang gawin.
Para sa akin ay may di-angkop sa mga nagsipagganap na artista dito at para sa kanilang pagganap masasabi kong magaling lahat sila at ang pagiging over acting ng ilan ang mas nagpaganda pa dito upang mas madama ng manonood nag pagiging makatotohanan nito.
Ang nagpakita ng bahaging pagkamadula ng artista ay ang pagtatalo ni Ayeng at Umay tungkol sa edukasyon dahil dito ipinakikita nila ang kanilang mga opinyon tungkol dito na ang mga kahalagahan nito ay magmumulat sa mga tao ng tunay na kahalagahan ng edukasyon sa mundo.
Nakatutulong ang mga ito dahil sila ang mga salik na nagbibigay buhay,sigla at katotohanan ng isang matagumpay,maganda at makatotohanang pelikula.
Napabayaan ng pelikulang ito ang elemento ng bida sa pelikula sapagkat katulad ni Ayeng na hindi bagay sa kanyang ganap bagamat siya'y isang magaling na artista ay hindi siya tugma dahil sa kanyang pisikal na anyo tulad nag kanyang kaputian,kinis ng balat,kagandahan at iba pa na hindi tugmang karakter para sa isang katutubo.
Naipahatid ng pelikulang ito ang kanyang layunin sapagkat damang dama ko ang pagsasadula ng mga artista at dahil din sa pagbibigay nila nang tunay na kahalagahan ng edukasyon na hindi ito hadlang para sa isang taong nais makamit ang kanyang pangarap na maging isang guro upang maalis ang kamangmangan ng kanyang kababayan upang malaman nila ang kanilang mga karapatan at hindi na sila maabuso.Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-12087650828691784902008-11-02T20:03:00.000-08:002008-11-02T20:03:00.000-08:00Lesley Paderes said... Ang pelikula ay nagpakita ...Lesley Paderes said...
Ang pelikula ay nagpakita ng makatotohanang istorya.Ipinakita dito angb tunay na nangyari sa buhay ng mga katutubo.
Sa pamamgitan nito ay ginampanan nang mahusay ng mga gumanap ang kani-kanilang sariling eksena, lalong lalo na sa madamdaming eksena na nangyari sa palabas.
Pinakamadahas at nakakalungkot ang eksena ng pagmamakaawa ng tiya sa mga rebeldeng sundalo na hhuwag silang patayin, ngunit ang mga ito ay hindi nakinig sa kanya. Ipinakita dito ang kahabag habag at ang mga walang laban na mamamayan.
Malaki ang nagawa ng paglalapat ng ilaw, tunog, kasuotan, at tagpuan sapagkat ito ang nagbibigay byhay sa isang palabas.
Sa bawat eksena ay may kani-kanilang ginagampanan ang elemento dahil dito ay hindi ito napabayaan.Ang elemento ayang nagbibigay buhay sa isang palabas para lalo itong maintindihan ng mga manonood ang bawat eksena. Ito ay ang paglalapat ng tunog, ilaw, kasuotan, at ang tagpuan o lokasyon na nababagay sa bawat eksena.
Ang pelikula ay naghatid ng kanyang mensahe sa mga manonood sapagkat naipahatid nito ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat taong manonood at naipabatid din nito ang buhay ng mga katutubo higit sa lahat naantig nito ang damdamin ng mga manonood.Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-36387941446584893822008-11-02T19:59:00.000-08:002008-11-02T19:59:00.000-08:00Melanie Calupas Makatotohanan ang istoryang ito...Melanie Calupas

Makatotohanan ang istoryang ito dahil sa kasalukuyan may mga ganitong pangyayari tulad ng sa
Mindanao.Na nagkakaroon ng alitan sa pagitan ng mga sundalo at mga katutubo.
Angkop ang mga artista sa papel na kanilang ginampanan,naipakita nila ng maayos at malinaw ang bawat eksena.
Ang alitan sa pagitan ni Ayeng at Umay,natural na natural ang pagganap ng bawat isa.
Malaki ang naitulong nito sapagkat ito ang nagbibigay ng buhay at kagandahan ng pelikula.
Walang napabayaan na elemento ang pelikula.
Para sa akin naipahatid ng pelikula ang mensaheng nais nitong iparating.Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-2837704415066235726.post-40902809174253004522008-11-02T19:58:00.000-08:002008-11-02T19:58:00.000-08:00Oo makatotohanan ang pelikula.Ito'y hango sa isang...Oo makatotohanan ang pelikula.Ito'y hango sa isang tunay na istorya ng isang dakilang babae na nagmula sa mindanao.

Para po sa akin angkop ang mga artistang gumanap sa pelikulang pinanood sapagkat sila'y magagaling na artista.

Ang bahaging ang artista ay gumanap ng mahusay ay ng si Ayeng ay ginahasa at nawala ang kanyang pagkababae.Tunay na makatotohanan ang ganap pati ako'y nadala sa pagganap ng gumanap na artista.

Nakatutulong ang lahat ng mga ito sapagkat dito nakasalalay ang ikagaganda ng isang pelikula.Ito ang dahilan kung bakit mas nagiging mas may buhay at makatotohanan ang isang pelikula.

Oo,ito ay ang paglalapat ng ilaw sapagkat may bahaging masyadong madilim na kung saan dapat na mas pinagtuunan ng pansin.

Para sa akin naipahatid ng pelikula ang mensaheng nais ipabatid sapagkatnaipakita ng maayos sa bandang hulihan ng pelikulang pinanood.Anonymousnoreply@blogger.com